Sumasampalataya ako sa Diyos,
Amang makapangyarihan sa lahat;
Lumalang ng langit at lupa;
at kay Jesus-Cristo na Anak na
bugtong Niya, Panginoon natin;
na sa hiwaga ng Espiritu Santo,
ipinanganak ng Virgen Maria;
Nagdamdam ng hirap sa kahatulan ni
Poncio Pilato; ipinako sa Cruz; namatay
at inilibing; sa ikatlong araw nabuhay sa
mga patay; umakyat sa langit at umupo
sa kanan ng Dios Amang
makapangyarihan sa lahat; Doon
magmumula at paparito upang
humukom sa mga buhay at mga patay.
Sinasampalatayanan ko ang
Espiritu Santo; ang banal na
Iglesiang laganap; ang pagkakaisa
ng mga banal; ang kapatawaran sa
mga kasalanan; ang kabuhayan ng
katawan at ang buhay na walang
hanggan. Siya nawa.