WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM OUTCOME-BASED EDUCATION ARALING GRADE PANLIPUNAN 6 WBLS-OBE LEARNING QUARTER 4 MODULE WEEK 7 MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 0 MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN KUWARTER 4 LINGGO 7 Mga Programang Ipinatupad ng Iba’t Ibang Administrasyon sa Pagtugon sa mga Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 Hanggang Kasalukuyan Development Team Writers: Zylpha D. Balagot Mercedes T. Tungpalan Reviewers/Editors: Raul S. Quitoriano Abdon R. Manuel Janet Rosario P. Luis Lay-out Artist: Clifford B. Hernaez Management Team: Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao Imelda Fatima G. Hernaez WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 1 PANIMULANG SALITA Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin sa Ikaapat na Kuwarter ng Aralin Panlipunan 6: Ikapitong Linggo. Nilalaman nito ang mga aralin tungkol mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan. MELC: Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan Mga Layunin: ➢ Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan sa pagtugon sa mga hamon sa pagkabansa ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan ➢ Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 hanggang kasalukuyan ➢ Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng bawat pangulo na nakapagdulot ng kaunlaran sa lipunan at sa bansa Alamin Sa paglaya ng Pilipinas sa pamahalaang diktaturyal ay muling naisilang at naghari ang isang uri ng pamahalaang pinaniniwalaan ng mga Pilipinong nagiging daan upang ang tunay na kalayaan at katarungan ay muling maghari sa bansa – walang iba kundi ang pamahalaang demokratiko. Kaya naman mula nang makamit noong 1986 hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na kumikilos ang pamahalaan upang mapangalagaan at maitaguyod ito gayundin ang kaunlaran at pagkabansa ng Pilipinas. WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 2 Subukin Panuto: Isulat ang pangalan ng bawat pangulo ng Pilipinas. Pagsunud-sunurin sila ayon sa panahon ng kanilang panunungkulan. Isulat ang bilang 1-6 sa kahon . wikipedia.org affordablecebu.com wikipedia.org aganapcg.dfa.gov.p h wordpress.com theguardian.com WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module philpres.weebly.com Araling Panlipunan 6 3 Tuklasin Mga Programang Ipinatupad ng Iba’t Ibang Administrasyon sa Pagtugon sa mga Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 Hanggang Kasalukuyan ADMINISTRASYON NI PANGULONG CORAZON C. AQUINO (1986 – 1992) Si Corazon C. Aquino ang naging ika – 11 at kauna-unahang babaeng pangulo ng Pilipinas. Nang maluklok siya sa pinakamataas na katungkulan sa bansa, kinailangan niyang isaayos ang mga pangunahing institusyon ng demokrasya gaya ng: https://en.wikipedia.org/wiki/Corazon_Aquino ➢ pagbalangkas ng ➢ pagdaraos ng malinis na halalang pambansa bagong Saligang Batas; ➢ pagpapanumbalik ng kalayaan sa pagpapahayag, at ➢ pag-aabot ng kamay ng kapayapaan sa mga sesesyonista at rebeldeng komunista ➢ pagpapatupad ng trade liberalization o ang malayang pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa ibang bansa ➢ pagtatag ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na naglalayong magsiyasat at magsagawa ng mga pagkilos upang muling mabawi ang pera ng bayang sinasabing nasa pamilyang Marcos ➢ pagbibigay-pansin sa pagpapaunlad ng kalakalan sa mga lalawigan ➢ pagpapalawak ng mga Export Processing Zone sa Bataan, Baguio, Mactan at Cavite ➢ pagpapatupad ng bagong probisyon ng Comprehensive Agrarian Reform Program, alinsunod sa Executive Order No. 228, itinakda ang ganap na pagmamay-ari ng mga magsasaka sa sinasakang lupa. ➢ Pagkakaroon ng mga proyektong pabahay sa tulong ng National Housing Authority (NHA) na nagpatayo ng mga bahay sa mas murang halaga WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 4 ➢ Pagbuo ng mga non-government organizations tulad ng mga kooperatibang nakatulong nang malaki sa pamumuhay ng mga mamamayan ➢ Pagpapatibay ng Batas Republika Blg. 6655 na mas kilala sa Free Public Secondary Education Act of 1988 na nagbigay ng libreng edukasyon di lamang sa elementarya kundi maging sa mataas na paaralan. ➢ Pagpapatibay ng Batas Republika Blg. 6675 o ang Generics Act of 1988 na nagturo sa mamamayang makabili ng gamot na katumbas ng popular o sikat na gamot na inirereseta ng mga doktor sa mas murang halaga Bigkis ng lahi 6 p. 292, Bagong Lakbay ng kahing Plipino 6 p. 343-344 ADMINISTRASYON NI PANGULONG FIDEL V. RAMOS (HUNYO 1992 – HUNYO 1998) Si Fidel V. Ramos ang ika -12 pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nang magsimula ang kaniyang administrasyon, nagpatupad siya ng mga repormang pulitikal, pangkabuhayan at panlipunan. Tinawag na Pilipinas 2000 ang programa ng pamahalaan sa layuning maging isang industriyalisadong bansa ang Pilipinas sa buong Asya sa taong 2000 at maging Tiger Economy of Asia. http://philpres.weebly.com/fid el-ramos.html MGA PROGRAMA ➢ Pagpapatatag ng pampolitika at pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagtatatag ng Presidential Anti-Crime Commission na may layuning mapigilan ang paglaganap ng mga suliraning pangkapayapaan sa loob ng bansa. ➢ Pagtatatag ng Special Zone for Peace and Development (SZOPAD) in Southern Philippines at ang Southern Philippines Council for Peace and Development (SPCPD) na may layunin naman na isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao. ➢ Pagpapatupad ng Social Reform Agenda (SRA) na naglalayong maitaas ang antas ng ng pamumuhay ng mga mamamayan at mabigyan ang mga tao ng mas maayos na serbisyong panlipunan. WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 5 ➢ Paglulunsad ng Moral Recovery Program (MRP) na pinamunuan ni Senadora Leticia Shahani. Adhikain ng programang ito na maibalik ang pundasyong moral at etiko ng bansa. ➢ Paglulunsad ng Philippines 2000. Ito ay isang medium-term development program na naglalayong makamit ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa na magbubunsod sa Pilipinas upang mapabilang sa tinatawag na Newly Industrialized Countries (NIC). ➢ Paglikha ng mga Special Economic Zones (SEZ) na matatagpuan sa Mariveles sa Bataan, Mactan sa Cebu, Baguio, Subic at Clark. ➢ Pagpapaunlad sa mga lalawigang bumubuo sa CALABARZON upang mapabilang sa SEZ. ➢ Pagpapatupad ng liberalisasyon o ang malayang pagpasok ng produkto at serbisyong mula sa ibang bansa. ➢ Pakikiisa sa General Agreement on Tariff and Trade (GATT) na nag-alis ng kota, taripa o buwis sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto. ➢ Paglahok sa Rio Summit Earth kung saan binigyang-pansin sa pulong na ito ang isyu hinggil sa “sustainable development”. ➢ Paglulunsad ng Ecological Waste Management Program sa pangunguna ng Local Government Units (LGUs). ➢ Paglulunsad ng Clean and Green Program ➢ Pagsasaayos ng Smokey Mountain ➢ Paglulunsad ng mga programang may kinalaman sa pagsagip o muling pagbuhay sa mga ilog sa bansa gaya ng Ilog Pasig. ➢ Pagpapatuloy ng Clean and Green Campaign ➢ Pagbabawal sa pagpasok ng mga toxic o nuclear waste mula sa ibang bansa. Bigkis ng lahi 6 p. 299, Bagong Lakbay ng kahing Plipino 6 p. 344-346 WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 6 ADMINISTRASYON NI PANGULONG JOSEPH EJERCITO ESTRADA (HUNYO 1998 – ENERO 2001) Si Joseph Ejercito Estrada (Jose Marcelo Ejercito) ang ika – 13 na pangulo ng Republika ng Pilipinas. Angat Pinoy 2004 ang programa ng kanyang pamahalaan. Layunin nitong matugunan ang suliranin ng kahirapan at maitaguyod ang pagkakapantay-pantay sa lipunan. Tinawag din siyang The Centennial President sapagkat ika – 100 taon noon ng kalayaan ng bansa. Ang wikang Filipino ang ginamit niya sa panunumpa at http://aralingpinoy2.blogspot.com/2011/04/joseph-estrada.html pagtatalumpati. MGA PROGRAMA ➢ Pag- aalis ng Countrywide Development Fund o mas kilala sa tawag na “pork barrel”o ang milyon-milyong pisong ibinabahagi sa mga lokal na pamahalaan na di umano ay napupunta lamang sa mga kawani ng gobyerno sa halip na gamitin sa pagtustos sa pangangailangan ng mga mamamayan ➢ Pagpapatupad ng Asset Privatization Trust o ang pagsasapribado ng mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan tulad ng PETRON, National Power Corporation, atbp. ➢ Pagsusulong ng Trade Liberalization na nagbibigay-kalayaan sa larangan ng kalakalan sa pamamagitan ng pag-aalis ng malaking buwis na ipinapataw sa mga kalakal na ipinapasok sa bansa ➢ Pagtataas ng pondo para sa agrikultura at pag-aalis ng buwis para sa patubig, pagbibigay ng maayos na irigasyon sa mga sakahan na tinatamnan ng pangunahing produkto ng bansa ➢ Pagtataas ng pondo para sa edukasyon, pagbibigay ng libreng edukasyon, pagsasagawa ng Adopt-A-School Program. Pagbibigay ng scholarship sa mga mag-aaral na may kakayahan sa agham at matematika, pagbibigay ng computer sa mga pampublikong paaralan WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 7 ➢ Pagsasagawa ng Enhanced Retail Access for the Poor o ERAP kung saan nagkakaroon ng rolling store na nagtitinda ng murang bigas at iba pang pangunahing pangangailangan ➢ Pagbibigay-tuon sa Poverty Education Program kung saan isinagawa ang sumusunod para sa maralitang Pilipino: a. pangmasa at mababang halagang pabahay b. proteksiyon at kagalingan ng mga manggagawa c. pagtataas ng pondo para sa kalusugan ng mga tao d. pagpapagawa ng mga daan sa mga baryo upang mapadali ang pagluluwas ng mga ani sa lungsod e. pagsasagawa ng mga karagdagang pampublikong pasilidad, kagamitan at mga serbisyo Bigkis ng lahi 6 p. 303, Bagong Lakbay ng kahing Plipino 6 p. 346-347 ADMINISTRAYON NI PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO (ENERO 2001 – HUNYO 2010) Mahistrado H nagkatipon bi iikalawang Si Gloria Macapagal Arroyo ay nanumpa sa harap ni Punong Mahistrado Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng nagkatipon-tipong tao sa naganap na EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malacañang. Nanumpa siya sa tungkulin bilang ikalabing-apat na pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ay ikalawang babaeng naging Pangulo ng Pilipinas https://pcw.gov.ph/gloriamacapagal-arroyo/ MGA PROGRAMA ➢ Pag-akit sa mga lokal at dayuhang mangangalakal ➢ Pagpapaunlad ng teknolohiya lalo na sa larangan ng impormasyon at transportasyon ➢ Pagbibigay ng maayos na serbisyong panlipunan kagaya ng pagbibigay ng abot-kayang halaga ng gamot, pagbibigay ng malinis na inuming tubig, pagsasagawa ng elektripikasyon hanggang sa pinakaliblib na pook sa kanayunan WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 8 ➢ Pagbibigay ng libreng edukasyon, mga aklat sa paaralang elementarya at sekundarya, at pagkakaloob ng computer sa mga paaralang pambayan ➢ Pagbuo ng mga livelihood program para sa mga walang trabaho at out- of -school youth ➢ Pagtangkang sugpuin ang korupsiyon sa tulong ng EPS o Electronic Procurement System ➢ Pag-atas ng Presidential Anti-Graft Commission upang magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng pamahalaan ➢ Pagpapatupad ng Republic Act 8435 o mas kilala sa Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997 o AFMA ➢ Pagpapatupad ng KALAHI Program o Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan upang labanan ang kahirapan sa bansa na may layuning mapataas ang kakayahan ng local government units (LGUs) na makapagsagawa ng mga gawaing makatutulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ➢ Pagpapatupad ng SEA-K Program o Self-Employment Assistance Kaunlaran upang matulungan ang mga mahihirap na Pilipino. Ito ay naglalayong bigyan ng puhunan para sa pagsisimula ng negosyo ang libo-libong mga Pilipinong walang hanapbuhay ➢ Pagsusulong ng Pambansang SME Development Program upang tulungan ang small medium enterprises sa pamamagitan ng SME Development Agenda ➢ Pagpapatupad ng Strong Rapublic Nautical Highway (SRNH) na naging dahilan upang mabawasan ang gastusin sa transportasyon mula Mindanao hanggang Luzon ➢ Pagtatakda ng partisipasyon o pakikilahok sa pribadong sektor sa Road RORO Terminal System (RRTS) ➢ Pagkakaroon ng Tindahan ni Gloria Labandera Rolling Stores na naglalayong mabigyan ng pagkakatao ang mga tao na makabili ng pagkain at gamot para sa mas mababang halaga ➢ Pagpapatupad sa Kagawaran ng Edukasyon ng Basic Education Curriculumn upang higit na mapataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa Bigkis ng lahi 6 p. 306, Bagong Lakbay ng kahing Plipino 6 p. 347-349 WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 9 ADMINISTRASYON NI BENIGNO SIMEON AQUINO III (HUNYO 2010 - HUNYO 2016) Nagwagi sa Halalang 2010 si Pangulong Aquino. Nanumpa siya bilang ikalabinlimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Hunyo 30, 2010. Ang islogang “Kung walang corrupt, walang mahirap” at “Daang Matuwid” ang naging sentro ng kaniyang panunungkulan. Kauna-unahang patakaran ni Pangulong Aquino ang No Wang-wang Policy na ipinahayag niya niya sa kanyang inagurasyon noong 2010. https://en.wikipedia.org/wiki/Presidency_of_Benigno_Aqu ino_III MGA PROGRAMA ➢ Pagtatag ng Botika ng Barangay (BnB) kung saan mabibili ang mga murang gamot na aprobado ng Bureu of Foods and Drugs (BFAD) na abot-kaya ng perang kinikita ng mahihirap na pamilya ➢ Pagsasagawa ng Expanded Program on Immunization (EPI) upang ang mga bagong silang na sanggol ay makatanggap ng libreng bakuna mula sa mga barangay health center. Nilagdaan niya noong Hulyo 26, 2010 ang Republic Act No. 10152 o mas kilala sa tawag na Mandatory Infants and Children Health Immunization Act of 2011 ➢ Paglulunsad ng Alaga Ka Para sa Maayos na Buhay (ALAGA KA) noong Marso, 2015 kasama ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na naglalayong magbigay ng pangunahing serbisyong ipinagkakaloob ng DOH at Philhealth ➢ Pagpapalawak ng saklaw ng mga Programang Pangkalusugan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ➢ Paglulunsad ng K to 12 Program – Noong Hunyo 2013, nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act 10533 o Basic Education Act of 2013 na nagsusulong sa pagpapatupad ng K to 12 Program. Sa ilalim ng batas na ito ay nadagdagan ng dalawa pang taon ang pag-aaral ng mga batang Pilipino sa ilalim ng basic education WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 10 ➢ Pagbibigay ng iskolarship sa mga mahihirap ngunit matatalinong mag-aaral sa kolehiyo sa ilalim ng Republic Act of 2014 na nilagdaan ni Pangulong Aquino ay itinadhana ng pamahalaan na ang sampung mangungunang mag-aaral sa na magtatapos sa bawat pampublikong paaralan ay pagkakalooban ng iskolarship upang makapag-aral ng libre sa kolehiyo ➢ Paglulunsad ng Abot-Alam Program – Noong 2014 ay sinimulan ng pamahalaan ang pagpapatupad ang Abot- Alam Program sa buong bansa sa pangunguna ng Department of Education (DepEd) at National Youth Commission (NYC). Layunin ng programang ito na turuan at gawing produktibo ang kabataang may gulang na 15 hanggang 30 na hindi nag-aaral o out-of-school youth sa tulong ng programang Alternative Learning System (ALS) ➢ Pagpapatupad ng Republic Act No. 10612 o Fast –Tracked S&T Scholarship Program Act of 2013 na magkakaloob ng iskolarship sa matatalinong kabataang kapos-palad na may mataas na interes sa pag-aaral ng siyensiya at teknolohiya ➢ Pagpapatupad ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ➢ Pagpapabuti ng Kariton Klasrum ➢ Paglulunsad ng programang Run After Tax Evaders (RATE). Layunin ng programang ito na tiyaking ang bawat Pilipino ay nagbabayad ng wasto sa kanilang mga buwis ➢ Pagtatatag ng KALAHI- CIDSS - Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa pakikipag-ugnayan nito sa World Bank ay nalikha ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI CIDSS. Ito ay naglalayong mahango sa kahirapan ang mga Pilipino ➢ Paglikha ng Republic Act No. 6713 o mas kilala sa tawag na Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees Bigkis ng lahi 6 p. 310, Bagong Lakbay ng kahing Plipino 6 p. 349-352 WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 11 ADMINISTRASYON NI PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE (HUNYO 30, 2016 Hanggang sa Kasalukuyan) Di Ang tunay na pangalan ni Pangulong Duterte Rodrigo Roa Duterte. Siya ay kilala rin sa pangalang Digong. Siya ang tinaguriang “The Punisher” at “Trump of of the East.” Siya ang ika – 16 na pangulo ng Pilipinas tubong Mindanao. Ang kaniyang naging islogan sa panahon ng kanyang pamumuno ay ang mga katagang “Change is Coming.” https://pcw.gov.ph/rodrigo-roaduterte/ Siya ang pinakamatagal na nanungkulan bilang alkalde sa Davao City. Ang kaniyang matapat at epektibong panunungkulan sa loob ng 22 taon bilang alkalde, bise-alkalde, at congressman ay nagdulot sa nasabing lungsod na maging maunlad at mapayapa na naging dahilan upang itanghal ang Davao City blang “One of the Safest Cities in the Southeast Asia.” Kinilala rin ang Davao bilang pinakaligtas na lugar sa buong mundo. Ang nasabi ring lundsog sa panahon ng pamumuno ni Duterte ay tumanggap ng National Literacy Hall of Fame Award dahil sa tatlong ulit na pagwawagi nito bilang Outstanding Local Government Unit sa kategoryang Highly Urbanized City. Dahil sa mga pagkilalang natanggap ng Lungsod ng Davao, si Pangulong Duterte ay nakilala sa buong Pilipinas bilang isang mahusay, epektibo, at matapang na pinuno. MGA PROGRAMA ➢ Kampanya Kontra Droga o War on Drugs. Ito ay kampanya kontra droga na naging kontrbersiyal sa pambansa at internasyonal na komunidad. Sa ilalim ng pamahalaan ng PNP, ginamit ang Oplan Tokhang na ang ibig sabihin ay “tuktok” o “katok” at “hangyo” o manghimasok. Sinasabing umabot ng milyon-milyong bahay ang nabisita ng mga pulis sa ilalim ng kampanyang ito at malaking bilang din ng Drug users at pushers ang sumuko at nangakong magbabagong-buhay ➢ Paglulunsad ng PDP at Build, Build Program na naktuon sa pagpapatayo ng impraestraktura para umunlad di umano ang ekonomiya ng bansa ➢ Pagpapatupad ng Train Law o Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Disyembre 19, 2017. Ayon sa Bureu of Internal Revenue (BIR), sa pamamagitan ng TRAIN, bababa ang personal income tax ng mga empleyado. Wala nang ikakaltas sa mga sumusuweldo ng PHP 20,000 kada buwan pababa o PHP 250,000 kada taon WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 12 ➢ Pagbibigay ng libreng tuition fee sa kolehiyo. Inaprubahan ng pangulo ang RA 10931 o ang mas kilala sa Universal Access to Quality Education Act kung saan magbibigay ng libreng sibsidiya sa tuition fee ng mga mag-aaral sa state colleges and universities (SUCs), local colleges and universities (LCUs), at mga technicalvocational institutes (TVIs) na pinangungunahan ng TESDA ➢ Pagbabawal sa Hospital Deposit o maagang pagbabayad ng mga pasyente upang makakuha ng kuwarto sa ospital na nakasaad sa RA 10932 ➢ Pagpapalawig ng Bisa ng Pasaporte Noong Agosto 2, 2017, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 10928 o ang pag-emyenda sa Section 10 ng Philippine Passport Act of 1996 na naglalayong gawing sampung taon ang bisa ng pasaporte sa bansa sa halip na limang taon ➢ Pagpapahaba ng Validity ng Driver’s License Sa bisa ng Republic Act No. 10930 ay naamyendahan ang Section 23 ng Republic Act No. 4136 o mas kilalang Land Transportation and Traffic Code . Ayon sa batas, limang taon na ang magiging validity ng driver’s license maliban sa mga kumukuha ng student’s permit ➢ Pagpapatibay ng Mabuting Relasyon sa Ibang Bansa Bagong Lakbay ng kahing Plipino 6 p. 353-356 WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 13 Suriin A. Panuto: Magtala ng limang programa ng bawat pangulo na labis na naibigan mo. Ilagay ang iyong sagot sa tamang hanay. Corazon C. Aquino Fidel V. Ramos Joseph E. Estrada Gloria Macapagal Arroyo Benigno Aquino III Rodrigo Roa Duterte Pagyamanin Panuto: Sagutin ang mgasumusunod na tanong. 1. Ano-ano ang mga unang ginawa ni Pangulong Corazon Aquino upang maibalik ang demokrasya sa bansa? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 2. Ano ang Freedom Constitution? Masasabi mo bang mahalaga ang saligang batas na ito? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 14 ________________________________________________________________ 3. Paano itinaguyod ng pamahalaan ang pambansang adhikaing maitaguyod ang ating pagkabansa tungo sa pagkakamit ng kaunlaran? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 4. Sa iyong palagay, nararamdaman nga ba ng mga Pilipino ang mga programang ipinatupad ng pamahalaan para sa kaunlaran ng bansa? Patunayan ang iyong sagot. ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 5. Tunay nga bang nakatutulong at nakabubuti para sa bansa ang mga hakbang na ipinatutupad ng pamahalaan sa kasalukuyan? Bakit oo at bakit hindi? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ Isaisip Nagpatupad ng programa ang pamahalaan upang matugunan ang mga hamon ng pagkabansa ng mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan. Ipinatupad ng mga ito nina Pangulong Corazon Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Ejercito Estrada, Gloria M. Arroyo, Benigno Simeon C. Aquino III at Rodrigo Roa Duterte. Si Corazon Cojuangco-Aquino ang kauna-unahang babaeng Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalabing-isang Pangulo ng bansa. Pamahalaang rebolusyonaryo ang itinawag sa pamahalaan ni Pangulong Cory Aquino. Naitatag ito dahil sa People Power Revolution Ayon sa Saligang Batas 1987, ang anyo ng pamahalaaan ng Pilipinas ay presidensiyal o pampanguluhan Si Fidel V. Ramos ang nanalo sa pagkapangulo noong Mayo 11, 1992. Opisyal siyang ipinahayag bilang ikalabindalawang Pangulo ng Pilipinas WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 15 Tinawag na “Pilipinas 2000” ang programa ng Pamahalaang Ramos. Nais niya na isa nang bagong industriyalisadong bansa ang Pilipinas sa buong Asya pagdating ng taong 2000. Si Joseph Ejercito Estrada ang ikalabindalawang Pangulo ng Pilipinas. “Angat Pinoy 2004” ang tawag sa programa ng kaniyang pamahalaan Si Gloria Macapagal Arroyo ay naluklok sa tungkulin bilang kapalit ng dating Pangulong Estrada. Nangyari ito pagkaraan ng EDSA II. Siya rin ang ikalawang babaeng naging Pangulo ng Pilipinas. Si Gloria Macapagal- Arroyo ay nahalal na ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Mayo, 2004. Si Benigno Simeon “Noynoy” Aguino III ang ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas Si Rodrigo Roa Duterte ang ikalabing anim at kasalukuyang pangulo ng bansa. Tinaguriang “The Punisher” and Trump of the East” Isagawa PERFORMANCE TASK (PRODUCT) PERFORMANCE STANDARD: Nakapagpakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang kaakibat na pananagutan sa pagtamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na Pilipino PANUTO: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at gawin ang hinihingi sa PRODUCT. Gawing gabay ang Rubrik sa paggawa ng gawain. SITUATION: Ang COVID-19 ang maaaring pinakamabigat na problemang kinakaharap ng buong mundo. Milyung-milyon na ang taong binawian ng buhay. Maraming establisimento ang nagsara kung kayat marami din ang nawalan ng trabaho. Kung ikaw ang kasalukuyang pangulo ng bansang Pilipinas, anu-ano ang mga programang gagawin mo upang matugunan ang problemang ito? WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 16 GOAL: Nakasusulat ng maikling sanaysay tungkol sa programa ng pangulo at ang ambag nito sa pag-unlad ng lipunan at bansa. ROLE: Isang batang magaling sa pagsulat ng sanaysay AUDIENCE: Magulang, guro, mga mag-aaral sa ikaanim na baitang SITUATION: Ang COVID-19 PRODUCT: Pagsulat ng Sanaysay STANDARDS: Ang kabuuan ng nagawang “output” ay dapat na makabuluhan ang nilalaman, may pagkamalikahain, maayos ang istilo at may kaugnayan sa tema na nakakahikayat sa magbabasa nito. RUBRIK SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG SANAYSAY Pamantayan/ Krayterya Kahangahanga (4) Nilalaman Ang (Kalinisan at kalinisan ay Kahalagahan nakikita sa kabuuan ng sanaysay gayundin ang nilalaman ay makabuluha n Pagkamalikhai Ang n (Disenyo at kabuuan ng kagamitan) sanaysay ay makulay, masining at natatangi Istilo Ang ginamit (Pagsulat) na istilo ay malinaw, masining at nababasa Tema Ang (Kaisahan) kabuuan ng sanaysay ay may kaisahan at kaugnayan Mahusay (3) Magaling (2) Pagbutihin pa (1) Ang May Walang nilalaman kaunting kabukuhan at ng bura sa kalinisang sanaysay ay sanaysay nakita sa makabuluha gayundin sanaysay n at malinis ang nilalaman ay hindi gaanong makabuluha n Ang Ilan sa mga Walang sanaysay ay salitang pagkamalikah masining at ginamit ay ing nakita sa natatangi karaniwan paggawa ng na sanaysay Ang istilo sa pagsulat ay malinaw at nababasa Ilan sa mga salita ay hindi malinaw Walang kalinawan at pagkamalikai n ang nakita Karamihan sa nilalaman ay kaugnay sa tema Ilan sa nilalaman ay hindi kaugnay sa tema Walang kaisipan at kaugnayan sa tema ang nilalaman Marka brainly.ph WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 17 Tayahin A. Pagpipili Panuto: Suriin kung kaninong administrasyon nangyari o nabuo ang sumusunod na patakaran at programa ng pamahalaan. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot. A. Corazon C. Aquino B. Gloria Macapagal Arroyo C. Fidel V. Ramos D. Benigno Simeon Aquino III E. Joseph E. Estrada F. Rodrigo R. Duterte 1. Pagsasagawa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program 2. Pagtatatag ng Presidential Anti-Crime Commissiin (PACC) 3. Paglulunsad ng programang Philippines 2000 4. Pagpapatupad ng Strong Republic Nautical Highway 5. Paglulunsad ng programang Run After Tax Evaders (RATE) 6. Pagpapatupad ng Asset Privatization Trust 7. Pagpapatibay ng Generic Law 8. Paglulunsad ng Train Law 9. Pagtatag ng Presidential Commission on Good Government 10. Pagpapalawig ng bisa pasaporte B. TAMA O MALI Panuto: Sagutin ng Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi. 1. Si Pangulong Corazon C. Aquino ang kauna-unahang pangulong babae ng Pilipinas. 2. Sumailalim sa pamahalaang rebolusyonaryo ang bansa habang hindi pa ganap na napagtibay ang Saligang Batas ng 1987. 3. Ang mga probisyon ng Saligang Batas ng Kalayaan ng 1986 ay nakasaad sa Proklamasyon Blg. 5. WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 18 4. Itinuturing na mas magaling ang isa pang pangulo kung siya ay nakapagpatupad ng maraming programa kaysa sa mga pangulong nakapagpatupad lamang ng kaunting programa. 5. Layunin ng Moral Recovery Program ni Pangulong Duterte na muling buhayin sa puso ng mga Pilipino ang kanilang dignidad at tiwala sa sarili upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating lipunan. 6. Si Gloria Macapagal-Arroyo ang pangulong pinalitan ni Pangulong Rodrigo Duterte. 7. Ang Saligang Batas ng 1987 ay ang kasalukuyang konstitusyong umiiral sa bansa. 8. Hinangaan ng buong mundo ang mapayapang paraan ng pagbabago na isinagawa ng mga Pilipino sa People Power 1 noong 1986 9. Ang pangunahing isinagawa ni Pangulong Corazon Aquino ang mapatatag ang demokrasya ng bansa. 10. Naging matagumpay ang lahat ng patakaran at programang ipinatupad ng mga pangulo ng bansa kaya naging maunlad ang Pilipinas. WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 19 SUSI SA PAGWAWASTO SUBUKIN Joseph E. Estrada Benigno C. Aquino Corazon C. Aquino 3 5 1 Rodrigo R. Duterte Gloria M. Arroyo Fidel V. Ramos 6 4 2 SURIIN Ang mga bata ay malayang sasagot sa gawaing ito. Maaring ipakita ang gawain sa gurong tagapamahala para sa pagtatama. PAGYAMANIN Ang mga bata ay malayang sasagot sa gawaing ito. Maaring ipakita ang gawain sa gurong tagapamahala para sa pagtatama. ISAGAWA/ASSESSMENT Ang mga bata ay malayang sasagot sa gawaing ito. Maaring ipakita ang gawain sa gurong tagapamahala para sa pagtatama. TAYAHIN PAGPIPILI A. 1.D 2. C 3. C 4. B 5. D B. 1. Tama 2. Tama 3. Mali 4. Tama 5. Mali WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module 6. E 7. A 8. F 9. A 10. F 6. Mali 7. Tama 8. Tama 9. Tama 10. Tama Araling Panlipunan 6 20 SANGGUNIAN Bigkis ng Lahi 6 pahina 291 - 321 Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino pahina 339 - 365 Modyul 16, Ang Pagbabago sa Iba’t- Ibang Pamamahala pahina 14-17 https://en.wikipedia.org/wiki/Corazon_Aquino https://en.wikipedia.org/wiki/Joseph_Estrada https://www.affordablecebu.com/load/finance_wealth/president_benigno_quot _noynoy_quot_aquino_iii_net_worth/34-1-0-2692 https://bloomspresidents.wordpress.com/gloria-macapagal-arroyo-2001present/ https://www.theguardian.com/world/2018/dec/04/philippines-president-dutertearchitect-of-war-on-drugs-jokes-about-smoking-pot http://philpres.weebly.com/fidel-ramos.html http://aralingpinoy2.blogspot.com/2011/04/joseph-estrada.html https://pcw.gov.ph/gloria-macapagal-arroyo/ https://en.wikipedia.org/wiki/Presidency_of_Benigno_Aquino_III https://pcw.gov.ph/rodrigo-roa-duterte/ For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – Schools Division of Laoag City Curriculum Implementation Division Brgy. 23 San Matias, Laoag City, 2900 Contact Number: (077)-771-3678 Email Address: laoag.city@deped.gov.ph WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Araling Panlipunan 6 21
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )