SCIENCE Pinagmulan at D Gamit ng Tunog A QUARTER 3 WEEK 6 Y 1 Magbigay ng isang bagay at ipaliwanag kung paano ito nakakalikha ng tunog. Subukan mong ipikit ang iyong mga mata at pakinggang mabuti ang iyong kapaligiran. Ano-anong uri ng mga tunog ang naririnig mo sa iyong paligid? Saan ba nagmumula ang mga tunog? Sa araling ito, inaasahang mailalarawan mo ang gamit ng tunog sa ating pamumuhay. Pangkatang Gawain: Ang klase ay mahahati sa apat ng grupo. Ang bawat grupo ay guguhit ng isang gamit ng tunog na naririnig sa pang arawaraw na pamumuhay. Brainstorming Paggawa ng awtput Presentasyon ng awtput TANDAAN: Ang tunog ay isang napakahalagang anyo ng enerhiya. Ito ay maaaring maging senyales o babala sa panahon ng sakuna tulad ng lindol, bagyo, o sunog. Ito rin ay nagbibigay impormasyon sa atin at mahalaga upang tayo ay magkaintindihan. Mahalaga ang mga tunog ngunit nararapat laman na malaman natin ang wastong gamit ng mga ito. Dahil ang sobrang malalakas na tunog ay maaari ring makasama sa atin. Batay sa iyong napag-aralan, punan ang mind map. Bakit mahalaga ang tunog? Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. SCIENCE Pinagmulan at Gamit D ng Tunog A QUARTER 3 WEEK 6 Y 2 Pagtalakay ng takdang-aralin. Ating Sagutin: Bakit mahalaga ang tunog? Ngayong araw ay ating patuloy na pag-aralan ang gamit ng tunong sa ating araw-araw na pamumuhay Tignan ang larawan sa ibaba. Ano sa tingin mo ang gamit ng tunog dito? Narito ang mga gamit ng iba’t ibang uri ng tunong na ating naririnig. 1. Ang tunog ay maaaring gamiting senyales o babala sa panahon ng sakuna gaya ng lindol, sunog, o bagyo. 2. Ang tunog ng trak ng bumbero ay nagpapahiwatig ng sunog. 3. Ang ambulansya ay gumagawa ng isang malakas na tunog upang sabihin sa iyo na mayroong isang emergency. 4. Ang tunog ng musika at tawanan ng tao ay maaaring magbigay ng inspirasyon sa mga tao na gumawa ng isang bagay para sa iba. 5. Ang tunog ng orasan o alarm clock ay gumagawa ng isang tunog upang gisingin ka. 6. Tumutunog ang telepono kapag ang isang tao ay nais makipag-usap sa iyo. 7. Ang mga aso ay tumahol kapag sila ay nagugutom at kapag nakakita sila ng mga hindi kilalang tao. 8. Ang tunog ng kampana ng simbahan ay hudyat na magsisimula na ang misa. 9. Ang doorbell ay nagpapahiwatig na may tao sa labas ng bahay o sa gate. 10. Ang busina ng mga sasakyan ay nagbibigay-bababala upang maiwasan ang sakuna. 11. Ang mga tunog na nalilikha sa pagsasalita at pagkanta ay ginagamit sa pakikipag-usap o pakikipag-ugnayan. Panuto: Ilarawan ang gamit ng tunog ng bawat larawan. Panuto: Ilarawan ang gamit ng tunog ng bawat larawan. Panuto: Ilarawan ang gamit ng tunog ng bawat larawan. Panuto: Lagyan ng Tsek(/) kung wasto ang gamit ng tunog at Ekis(X) kung hindi. __________1. Ang mahabang tunog ng bell sa paaralan ay hudyat ng pagsasanay pangkaligtasan sa lindol o sunog. __________2. Ang alarm clock o orasan na tumutunog ay pampagising upang hindi mahuli sa pagpasok sa paaralan o trabaho. _________3. Ang tunog ng mga sasakyan ng bumbero ay hudyat na mayroong sunog na nagaganap. _________4. Pinatutunog ang ambulansya kahit walang dalang pasyente upang mabilis na makadaan sa mga kalye. _________5. Pinipindot ang doorbell upang malaman ng mayari ng bahay na may tao sa labas. Bilang isang mag-aaral, magbigay ng 3 pangyayaring maaaring maganap kung walang tunog tayong naririnig sa ating kapaligiran. TANDAAN: Ang tunog ay isang napakahalagang anyo ng enerhiya. Ito ay maaaring maging senyales o babala sa panahon ng sakuna tulad ng lindol, bagyo, o sunog. Ito rin ay nagbibigay impormasyon sa atin at mahalaga upang tayo ay magkaintindihan. Mahalaga ang mga tunog ngunit nararapat laman na malaman natin ang wastong gamit ng mga ito. Dahil ang sobrang malalakas na tunog ay maaari ring makasama sa atin. Hanapin sa hanay B ang gamit ng tunog sa mga larawan sa hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. Magtala ng 3 pang halimbawa ng gamit ng tunog sa iyong kuwaderno. SCIENCE Pinagmulan at Gamit D ng Tunog A QUARTER 3 WEEK 6 Y 3 Pagtalakay ng takdang-aralin. Ano-ano pa ang halimbawa ng gamit ng tunog ang iyong naisulat? Mula sa aralin natin tungkol sa tunog, ating natutunan ang mga gamit nito. Ang tunog ay maaring senyales o babala sa panahon ng lindol, sunog o bagyo. Ang tunog ng ambulansya ay nagpapahiwatig na kailangan itong padaanin dahil nanganganib ang sakay nito. Dahil din sa tunog ay nalalaman natin ang mga bagay na dapat natin gawin at nakakakuha Alam mo ba na may iba pang gamit ang tunog na nagbibigay halaga sa ating pang-arawaraw na pamumuhay katulad ng mga sumusunod: 1. Ultrasound- gamit ng mga doctor upang Makita ang problema ng mga organs o bahagi ng loob ng katawan ng tao. Maari ding Makita ang sanggol s aloob ng tiyan ng ina. 2. Echolocation-gaya ng mga dolphins at paniki ginagamit nila ang tunog upang malaman ang kinaroonan nila sa kapaligiran. 3. Ang isang musika ay nakakatulong upang mapanatiling estabilisado o kampante ang utak ng tao. 5. Ang makabagong paraan ng paghilom ng sugat sa pamamgitan ng MIST o paggamit ng saline solusyon na inisprey sa sugat at sinasabayan ng mababang frequency ng tunog. 6. Pagpapakulo ng tubig gamit ang tunog o sound waves. 7. Pagpapagaling ng kanser. Gamit sa Princess Grace Hospital sa London ang teknolohiya na pinapatay ang mga cells ng kanser sa pamamagitan ng High Intensity Focused Ultrasound o (HIFU). Iguhit ang masayang mukha 😊 kung tama ang pangungusap tungkol sa kahalagahan ng tunog at malungkot na mukha ☹ kung mali. _______1. Ang tunog ay ginagamit natin sa pang araw-araw na pamumuhay. _______2. Nakakapagpagaling ang tunog ng cancer sa pamamagitan ng High Intensity Focused Ultrasound. _______3. Ang tunog ay nakakatulong sa pagkampante ng utak ng isang tao. _______4. Madali natin mauunawan ang mga bagay kung walang tunog. _______5. Ang mga babala ay maaari natin malaman dahil sa tunog. Ang ating tenga ay bahagi ng katawan na ginagamit upang marinig natin ang mga tunog. Paano mo pinangangalagaan ang iyong tenga? Lagyan ng tsek kung laging ginagawa,madalang o hindi ginagawa. TANDAAN: Ang tunog ay mahalaga sa ating pang-arawaraw na pamumuhay.Ito ay tumutulong para magbigay impormasyon sa atin. Nagbibigay din ito ng babala at nakakatulong sa paggaling ng mga sakit,pag kalmado ng kaisipan,pagpapakulo ng tubig, at pagtukoy sa mga lugar tulad ng tinatawag na Echolocation. Tignan ang mga larawan.Ipaliwanag ang kahalagahan ng tunog.Piliin ang sagot sa kahon. Gumupit ng larawan ng nagpapakita ng gamit ng tunog. Idikit ito sa iyong kuwaderno. SCIENCE Pinagmulan at D Gamit ng Kuryente A QUARTER 3 WEEK 6 Y 4 Magbigay ng gamit ng tunog mula sa ating talakayan kahapon. Pagmasdan ang ating silid aralan. Anong bagay ang pinagagana ng koryente na nakita mo? Ano sa palagay mo ang nagagawa nito sa buhay natin? Ano ang ligtas at wastong paraan ng paggamit ng koryente at iba pang de-koryenteng kagamitan? Sa aralin na ito ay ating tatalakayin ang pinagmumulan ng kuryente. Ang Kuryente ay maaaring manggaling sa baterya,o electric power plant o power station. Maraming uri ng baterya tulad ng baterya ng plaslayt, cell phone, laptop at mga sasakyan. Ang baterya ay mayroon negatibo at positibo na terminal o dulo. Kapag ang parehong terminal o dulo ng baterya ay nagkaroon ng koneksyon sa isang aparato o gadget, ang kemikal sa loob ng baterya ay magkakaroon ng reaksyon na lumilikha ng kuryente. Ang kuryente naman mula sa saksakan na matatagpuan sa ating tahanan ay nagmula sa electric power plant o power station. Isa itong planta ng kuryente power na may malalaking generators. Ang plantang ito ay gumagamit ng uling o coal , natural na gas o kaya langis para makalikha ng init. Ang init na ito ay ginagamit sa pagpapakulo ng tubig para patakbuhin ang turbina na nagpapatakbo sa generator. Ang mga generator ay gumagawa ng kuryente na naglalakbay sa pamamagitan ng elektrisidad ng mga kable patungo sa mga tahanan. A. Pinagmumulan ng kuryente na may negatibo at positibong terminal ng kuryente. B. Ito ang pinagmumulan ng kuryente sa tahanan. C. Mahalagang enerhiya na ginagamit natin sa ating mga kagamitan sa tahanan. D. Ito ay planta na may malalaking generator ng kuryente. E. Mga bagay na ginagamitan ng kuryente sa bahay. Paano mo iingatan ang iyong sarili upang hindi maaksidente sa kuryente? TANDAAN: Ang kuryente ay enehiyang dumadaloy sa mga daluyang tubo o wires na nagpapaandar ng mga kasangkapang de-kuryente sa mga tahanan. Maari ding paandarin o paganahin ng baterya ang ilang mga kasangkapan sa tahanan. Maari ding gamitin ang kuryente o baterya sa ibang kasang kapan. 3. Ang sasakan mula sa ating mga tahanan ay pinagmumulan ng __________. 4. Ang kuryente mula sa ating tahanan ay galing sa _______________________. 5. Ang power plant ay mayroon malalaking mga ______________ na kumukonekta sa kable ng kuryente upang mapadala ang kuryente sa mga tahanan. Maglista ng limang bagay na makikita sa iyong tahanan. Isulat kung ito ay ginagamitan ng baterya o kuryente para mapaandar. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )