+ + PANAHON x= + + MANUNULAT = + + HIMAGSIKAN = Panitikan sa Pilipinas Leanna Montecerin Nakakagunita ng mga datos tungkol sa mga panitikan at manunulat sa panahon ng himagsikan. Nakakapagpaliwanag ng sariling hinuha tungkol sa panitikan sa panahon ng himagsikan. Nakakapagtala sa journal ng kaniyang mga natutunan sa paksa ng modyul na ito. agenda Panimula Mga Manunulat noong Panahon ng Himagsikan Kanilang mga Akda Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pananamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabubuting hangarin ng Inang Espanya para sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga Prayleng naghahari dito. Nang dahil sa pangyayaring iyon, ilan sa mga mamamayang Pilipinong kabilang sa pangkat ng "La Liga Filipina" (isang samahang sibiko na pinaghihinalaang mapanghimagsik at naging dahilan ng pagkakatapon sa Dapitan ni Rizal na siyang nagtatag nito) na tulad nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Jose Palma, Pio Valenzuela, at iba pa, ay nagsipagsabi na "wala nang natitirang lunas kun 'di ang maghimagsik." Ang naging laman ng panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simabahan at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na kalayaan. Mapapansing sa panahon ito ay ipinamalas ng mga Pilipino ang kanilang galit sa mga Kastila. Alam na 'tin na hindi nagtamo ng ganap na kalayaan at pagbabago sa panulat na ginagamit ng mga propagandista kaya sa panahong ito ay sandata naman ang kanilang ginamit. Sa panahon ng himagsikan ay naging maalab ang pambansang damdaming makabayan sa ating panitikan. Panahon laban sa Kastila at Panahon laban sa mga Amerikano. (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) • Andres Bonifacio y de Castro ang kaniyang tunay na pangalan. • Kilala rin sa kanyang palayaw na “Supremo.” Isinilang sa Tondo Maynila noong Disyembre 30, 1863. • Sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro ang kaniyang mga magulang • Dahil sa maaga silang naulila, Si Bonifacio bilang panganay sa anim na magkakapatid ay siyang gumanap bilang ama at ina kahit siya ay 14 taong gulang pa lang noon. • Napilitan siyang tumigil sa pag-aaral at maghanapbuhay. • Gumawa siya ng abanikong papel at ipinagbili niya sa Meisic Tondo, at kung may oras pa siya ay gumagawa siya ng mga karatula at paskil para sa mga bahay- kalakal. • Naging mensahero rin siya sa Fleming and Company ngunit nagsumikap si Kilalang-kilala si Andres Bonifacio bilang "AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO," ngunit higit sa lahat, bilang "AMA NG KATIPUNAN" sapagkat siya ang namuno sa pagtatatag ng samahang "KATAAS-TAASAN, KAGALANGGALANGANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN." • Nagsumikap si Kilalang-kilala si Andres Bonifacio bilang "AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO," ngunit higit sa lahat, bilang "AMA NG KATIPUNAN" sapagkat siya ang namuno sa pagtatatag ng samahang "KATAAS-TAASAN, KAGALANG-GALANGANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN." • Hamak ang pinaggalingang kalagayan sa buhay ni Andres Bonifacio, kaya't sinasabing ang kaniyang natutuhan ay pawing galing sa "Paaralan ng Karanasan". • Lubha siyang mapagbasa at ang isa sa kaniyang nabasa ay ang "Noli" at "Fili" ni Rizal na siyang lalong nagpatingkad ng kaniyang diwang himagsik. • Binasa niya rin ang Les Miserables, The wandering Jew, ang mga buhay ng mga Presidente ng Amerika, ang rebolusyon ng Pransiya, atbp. • Nang siya'y magbinata ay umibig at nagpakasal siya kay Monica ngunit hindi iyon naging matagal ito ay namatay ng dahil sa sakit na ketong. • Noong 1892, nakilala niya si Gregoria De Jesus, hindi naglaon sila ay ikinasal. Si Gregoria de Jesus ang hinirang bilang Lakambini ng Katipunan. • Umanib siya sa "La Liga Filipina" na itinatag ni Rizal noong 1892. • Itinatag niya ang katipunan na siyang naging saligan ng diwang Malaya nang ipatapon si Rizal sa Dapitan, Mindanao. • Siya ay lalong nakilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat, ngunit mayroon din naman siyang naging akdang naagpaalab sa himagsikan at naging bahagi ng ating Panitikan. • Ang kaniyang mga naging ambag sa Panitikan ay karaniwang nahihinggil sa pamahalaan, lipunan, pilosopiya, at pulitika. • Ginamit niya ang sagisag na Agap-ito, Bagumbayan, at May pag-asa. Sa katipunan niya ginamit ang sagisag na Magdiwang. • Nanguna siya sa "Sigaw ng Pugad Lawin. • Pinapatay sa Bundok-Buntis noong 10, 1897 sa Maragondon, Cavite. (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) Katungkulang Gawin ng Mga Anak ng Bayan • Nahahalintulad ito sa Sampung Utos ng Dios ang pagkakahanay ng kartilyang ito. • Ito ang ipinapalagay na kaniyang pinaka "obra maestro" na ang pinakahangarin ay ang pagpapalaganap ng nasyonalismong Pilipino. Katungkulang Gawin ng Mga Anak ng Bayan Huling Paalam •Salin sa Tagalog ng "Mi Ultimo Adios" ni Rizal. Huling Paalam Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Isang tulang katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. Del Pilar. Ito ay isang tula ng pag-ibig sa bayan, hindi baling mamatay kung ang dahilan ay pagtatangol sa kalayaan. Unang nalathala ito sa pahayagang Ang Kalayaan. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Katapusang Hibik ng Pilipinas • Ang tulang ito ay nagpapahayag ng poot at pagbabanta sa mga sumakop sa ating bansa. • Ito rin ay tulang pagpapatuloy sa mga diwang sinimulan ni Hermenegildo Flores sa kaniyang tulang "Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya" na sinagot ni Marcelo H. Del Pilar sa kaniyang "Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas" Katapusang Hibik ng Pilipinas Ang Dapat na Mabatid ng mga Tagalog Ito ay isang panawagan sa kaniyang mga kababayan upang buksan ang isip at hanapin ang katwiran. Naglalaman ito ng paglalagom ng kasaysayan ng Pilipino bago dumating ang mga kastila hanggang sa kanilang pamamahala sa buong kapuluan. Binanggit dito ang pagkakaroon ng mga pagbabago sa pamumuhay hanggang sa mapakinabangan ito ng mga kastila. Ang Dapat na Mabatid ng mga Tagalog Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan Ito ay isang panawagan sa mga kababayan upang ihanda ang loob ng bawat isa sa pakikihamok. Tagumpay ang inaasahan niya sapagkat nasa kanila ang "Katwiran at Kabanalang gawa". Katipunang Marahas ng mga Anak ng Bayan Decalogo ng Katipunan (El Verdadero Decalogo) Isinulat ito ni Andres Bonifacio upang maging kautusan ng mga kasapi sa katipunan ngunit dahil sa pagbibigay at paggalang niya kay Jacinto, ay itinabi na niya ang kartilyang ito. Decalogo ng Katipunan (15 Disyembre 1875 — 16 Abril 1899) •Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong Disyembre 15, 1875. •Ang kaniyang mga magulang ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. •Nag-aral siya sa San Juan de Letran at sa Pamantasan ng Sto. Tomas. • Sumapi siya sa Katipunan sa gulang na 18 at siya ang pinakabata sa kilusan. • Naging dalubhasa siya sa wikang Tagalog dahil ito ang opisyal na wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan. • Naging kaibigan at tagapayo siya ni Andres Bonifacio. • Ginamit niya ang sagisag na PINGKIAN at DIMAS-ILAW. Siya ang naging utak ng katipunan at naging patnugot ng pahayagan ng katipunan, ANG KALAYAAN. • Naaakit niya ang mga tao na sumali sa kilusan sa pamamagitan ng kaniyang mga artikulo. • Siya ang nagsulat ng "Kartilya ng katipunan" na naglatag ng mga batas at prinsipyo ng Katipunan at nagsilbing gabay para sa mga kasapi nitó. Isinulat din niya ang "Liwanag at Dilim", "Sa mga Kababayan" at marami pang iba. • Habang siya ay nangangampanya laban sa mga kastila sa Mahayhay, Laguna ay dinapuan siya ng sakit at namatay noong Abril 16, 1899. (15 Disyembre 1875 — 16 Abril 1899) Ang Liwanag at Dilim Isang sanaysay na nagpapakita ng magkasalungat na aspeto ng buhay at pakikibaka. Ipinakita ni Jacinto ang liwanag ng pag-asa at dilim ng pagsubok sa pagtahak ng landas tungo sa kalayaan. Ang Liwanag at Dilim Ang Liwanag at Dilim Ito ay kodigo ng Rebolusyon. Kalipunan ito ng mga sanaysay ni E. Jacinto na may iba't ibang paksa, gaya ng "Ningning at ang Liwanag", "Ako'y umaasa", "Kalayaan", "Ang Tao'y Magkapantay", "Ang pag-ibig", "Ang gumawa", "Bayan at ang mga pinuno", at ang "Maling Pananampalataya" Ang Liwanag at Dilim Pahayag Ito ay isang manipestong humihikayat sa kaniyang mga kababayan upang ipaglaban ang kalayaan. Pahayag A La Patria Ang ipinapalagay na kaniyang obra maestro. Isang tula para sa kanyang bayang tinubuan. Ipinahayag niya rito ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas at ang hangarin na makamit ang kalayaan. A La Patria Sa May Nasang Makisanib sa Katipunang Ito Ito ay isinulat upang maging pamantayan ng mga ugaliin ng mga sasapi sa katipunan. Ito ay mga dapat sundin ng mga kasapi. Sa May Nasang Makisanib sa Katipunang Ito Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya Ang Kartilya na ito ay bumubuo ng 13 aral. Ito ay nagsisilbing gabay sa pamumuhay na may moral at mabuting pagpapahalaga ng mga Katipunero at ito rin ay isang gabay para sa mga mag-aaral sa elementarya. Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya Isang dokumento na naglalaman ng mga prinsipyo at aral ng Katipunan. Ipinahayag ni Jacinto ang mga ito upang gabayan ang mga miyembro ng samahan sa kanilang pakikibaka Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya (23 Hulyo 1864 – 13 Mayo 1903) Siya ay isinilang sa Talaga, Tanawan, Batangas noong Hulyo 22, 1864. Lubos silang mahirap kung kaya naman patigil-tigil siya sa kaniyang pag-aaral ngunit hindi iyon naging sagabal para sa kaniya. Nagtapos siya ng abogasya sa Pamantasan ng Sto. Tomas. Nagturo sa munting paaralan ni Melchor Virrey para matustusan ang kaniyang pag- aaral. Namasukan din siya bilang isang utusan sa isang sastreng nagngangalang Raymundo Alindada. Napukaw ang kaniyang dadaming makabayan nang pumasok bilang katulong na notario ni Numeriano Adriano. Marami siyang isinulat sa Kastila at Tagalog at ang tema ng kaniyang isinulat ay tungkol sa pulitiko, pamahalaan at pilosopiya. Ginamit niya ang sagisag panulat na KATABAY. Noong 1890, dinapuan siya ng sakit at dahil sa kahirapan ay hindi siya nakapagpagamot na naging dahilan ng pagkamatay dahilan ng pagkamatay ng katawan o pagkalumpo. Dinakip siya ng mga Amerikano nang sumiklab ang Pilipino-Amerikano at dinala siya ospital sa halip na bilangguan dahil sa kaniyang pagiging lumpo. Nang magkaloob ng amnestiya si Gobernador Heneral Primo De Rivera noong Mayo 17, 1897 ay nakalaya si Mabini. Ipinatapon siya ni Heneral McArthur sa Guam noong 1901. Nagbalik siya sa Pilipinas noong 1903 sapagka't siya dinapuan ng mabigat na karamdaman. Namatay siya noong Mayo 13, 1903 Siya ang itinuring na Utak ng Himagsikan at Dakilang Lumpo. Programa Constitutional Dele Republika Filipina Palatuntunang pansaligang batas ito ng Pilipinas. Ito ay naglalaman ng mga balak para sa pamahalaan at edukasyon ng bansa. Programa Constitutional Dele Republika Filipina El Desarollo Caida Dela Republica Filipina • Naglalaman ito ng mga paliwanag tungkol sa pagtaas at pagbaba ng Republikang Pilipinas. • Ang sanaysay na ito ay naglalayong bigyang-diin ang pagtatatag ng Republika ng Pilipinas at ang kanyang kalaunang pagkabigo dahil sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino. El simil de Alejandro • Ito ay tumutuligsa sa pamahalaang Amerikano at nagbigay-diin sa katapatan ng mga tao. Dahil dito ay nahatulan siyang ipatapon sa Guam. Ito ay nalathala sa pahayagang "El Liberal". El Verdadero Decalogo • Ito ay isang kathang naglalarawan ng tagapagpalaganap ng pagkamakabayan o nasyonalismong Pilipino. • Ito'y nilakipan niya ng mga tagubilin sa huling bahagi bilang isang paalala. • Naglalaman din ito ng mga tuntuning moral sa ikakagaling ng lipunan-maging mapagmahal sa katotohanan, katarungan at kasipagan. • Isinulat niya itong noong Mayo, 1898. El Verdadero Decalogo 2 Abril 1788–20 Pebrero 1862) •Kilala bilang Balagtas •Isang kilalang makata sa Pilipinas. •Isinilang siya noong Abril 2, 1788, at namatay noong Pebrero 20, 1862. •Kilala siya sa kanyang husay sa pagtula at kontribusyon sa panitikan ng bansa. FLORANTE at LAURA Ang “Florante At Laura” ay isang akda ni Francisco Balagtas na tumatalakay sa pag-iibigan at buhay ng dalawang tao sa titulo na nagmula sa kaharian ng Albanya. Isa ito sa mga obra-maestra sa panitikang Pilipino. Ito ay unang nalimbag noong 1838 at sa panahong ito, ang sumulat ay nasa edad 50 na. 3 Hunyo 1876- 12 Pebrero 1903 • isang makata, manunulat, at mamamahayag na Pilipino na ipinanganak noong Hunyo 3, 1876, at namatay noong Pebrero 12, 1903. • Siya ay kilala bilang awtor ng pambansang awit ng Pilipinas, ang "Filipinas Hymn" o "Lupang Hinirang.“ • Kilala bilang Huseng Kalipay. Filipinas - Ito ang tula na nagsilbing batayan para sa kasalukuyang "Lupang Hinirang," ang pambansang awit ng Pilipinas. Himno Al Trabajo - Isang tula na nagbibigay-puri sa paggawa at sa mga manggagawa. Sa Silong ng Lahat - Isa pang tula na nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan at pakikiisa sa kapwa. May iba pang mga tula at akda si Jose Palma na hindi gaanong kilala kumpara sa "Filipinas," ngunit nag-ambag siya ng mahalagang bahagi sa panitikan at kasaysayan ng Pilipinas. 19 Hunyo-30 Disyembre 1896 • Pambansang bayani ng Pilipinas na kilala sa kanyang mga kontribusyon sa pagpapalaya sa bansa mula sa kolonyalismong Espanyol. • Isinilang siya noong Hunyo 19, 1861, at pinatay noong Disyembre 30, 1896, sa pamamagitan ng pagbaril ng mga Espanyol. Noli Me Tangere El Filibusterismo Mi Ultimo Adios Sa Aking Mga Kababata. Sobre La Indolencia de los Filipinos Sa Mga Kababayang Dalaga ng Malolos El consejo de Dioses Brindis Me Piden Versos Kundiman Ala Juventud Filipina (30 Agosto 1850 - 4 Hulyo 1896) • Isang kilalang lider ng propaganda movement sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. • Isinilang siya noong Agosto 30, 1850, at namatay noong Hulyo 4, 1896. Kilala siya sa paggamit ng panulat upang ipakalat ang mga kaisipan ng pagbabago at kalayaan. • Caiigat Cayó (1888) • Dasalan at Tocsohan (1888) • Ang Cadaquilaan nang Dios (1888) • La Soberanía Monacal en Filipinas (1888) • Pasióng Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Babasa (1888) • La Frailocracía Filipina (1889) • Sagót ng España sa Hibíc ng Filipinas (1889) • Dupluhan... Dalit... Mga Bugtong (1907) • Sa Bumabasang Kababayan • Huling taon at kamatayan 1. Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni Pio Valenzuela. 2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya't may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero. 3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggo kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika-28 ng Detyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan. 4. La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898. 5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898. 6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899. 7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898. 8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899. PANGKATANG GAWAIN UNANG PANGKAT IKALAWANG PANGKAT Bumuo ng isang maikling skit na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga manunulat na nagtanggol sa ating bansa gamit ang kanilang mga akda. Kumatha ng isang tula na nagpapahiwatig ng kahalagahan ng mga akda na naisulat ng ating mga bayani upang magsilbing sandata laban sa mga dayuhan Pangkat 1 Cer Joe Reizza Julie Rose Ann Jovain Reina Pangkat 2 Jhon Mark Karylle Meryl Sheryl Abby MAIKLING PAGSUSULIT 1. Sino ang sumulat ng "Katapusang Hibik ng Pilipinas," isang tula na naglalaman ng pag-asa at determinasyon para sa kalayaan ng bansa? a) Andres Bonifacio b) Jose Palma c) Marcelo H. Del Pilar d) Apolinario Mabini MAIKLING PAGSUSULIT 2. Sino ang sumulat ng "Liwanag at Dilim," isang koleksyon ng mga sanaysay na naglalaman ng kritisismo tungkol sa mga suliranin sa Pilipinas? a)Apolinario Mabini b) Marcelo H. Del Pilar c) Emilio Jacinto d) Jose Rizal MAIKLING PAGSUSULIT 3. Sino ang tinaguriang "Utak ng Himagsikan" dahil sa kanyang mga ideya at kontribusyon sa Katipunan? a) Marcelo H. Del Pilar b) Apolinario Mabini c) Emilio Jacinto d) Francisco Baltazar MAIKLING PAGSUSULIT 4. Anong akda ni Jose Rizal ang naglalarawan ng mga katiwalian at pang-aapi sa Pilipinas sa panahon ng kolonyalismo? a) "Noli Me Tangere“ b) "El Filibusterismo" c) "Florante at Laura" d) "La Solidaridad" MAIKLING PAGSUSULIT 5. Anong tawag sa tulang sumulat ni Andres Bonifacio na naglalarawan ng kanyang pangarap para sa kalayaan ng Pilipinas? a)"Noli Me Tangere" b) "El Filibusterismo" c) "Sa Aking Mga Kabata" d) "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" MAIKLING PAGSUSULIT 6. Sinong manunulat ang gumamit ng sagisag na Agap-ito, Bagumbayan, at May pag-asa? a.) Jose Palma b. ) Francisco Baltazar c. ) Andres Bonifacio d.) Emilio Jacinto MAIKLING PAGSUSULIT 7. Sa kaniyang pagsusulat ay gumamit si Emilio Jacinto ng isang sagisag upang hindi sya makilala. Anong pangalan angn kaniyang ginamit? a. Agapito b. Pingkian c. Dimas Ilaw d. Plaridel MAIKLING PAGSUSULIT 8. Maraming pahayagan ang nailathala noong panahon ng himagsikan. Kailan nailathala ang pahayagang La Independencia? Naging patnugot nito si Antonio Luna. a. ika- 3 ng Setyembre, 1899 b. ika- 3 ng Disyembre, 1898 c. ika- 3 ng Setyembre, 1898. d. ika- 3 ng Disyembre, 1899 MAIKLING PAGSUSULIT 9. Isa sa mga pahayagan na nailathala noong panahon ng himagsikan ay ang Kaibigan ng Bayan, anong taon ito lumabas? a. Taong 1896 b. Taong 1897 c. Taong 1898 d. Taong 1890 MAIKLING PAGSUSULIT 10. Sino ang mga sumalungat sa mga mabubuting hangarin ng Inang Espanya para sa Pilipinas? a. Mga Katutubong Pilipino b. Mga Katipunero c. Gobyerno d. Prayle Mga Tamang Kasagutan 1. 2. 3. 4. 5. A C B A D 6. A 7. C 8. B 9. A 10. D SANGGUNIAN https://www.studocu.com/ph/document/bicol-university/electricalengineering/panahon-ng-himagsikan/13490302 https://www.bing.com/search?pglt=41&q=filipinas+ni+jose+palma&cvid =4276b01fe6734cd3b648d882dd4bcfda&gs_lcrp=EgZjaHJvbWUqBggAEA AYQDIGCAAQABhAMgYIARBFGDkyBggCEAAYQDIGCAMQABhA0gEINDU wNmowajGoAgCwAgA&FORM=ANNTA1&PC=U531 https://www.slideshare.net/melissanapil/panahon-ng-himagsikan https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/656781/ liriko-ng-lupang-hinirang-isinulat-ni-jose-palma-sa-isang-nakatigil-nasasakyan/story/ SANGGUNIAN https://www.slideshare.net/MaureenSonidoMacarae /himagsikan18961900 https://www.coursehero.com/file/76981904/MgaManunulatdocx/ Panahon ng Himagsikan - Kung sino-sino ang mga manunulat sa panahon ng himagsikan at ang ilan sa mga - Studocu
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )