Filipino 10 Quarter 2 Summative Test Pangalan:__________________________________________________Date:___________________Score:_____________ I. Pagpipilian: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. ______1. Ito ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko. a. Dagli b. sanaysay c. talumpati d. lathalain ______2. Ang mga kaisipan inilalahad sa talumpati ay maaring nagmula sa mga nasa ibaba maliban sa: a. Pananaliksik b. pagbabasa c. pakikipanayam d. pelikula ______3. Ang biglaang paglalahad ng ideya o nilalaman ng talumpati ay tinatawag na: a. Extemporaneous b. dula c. biography d. wala sa nabanggit ______4. Ang sumsunod ay mga layunin ng talumpati maliban sa: a. Malayang pagpapahayag b. magturo c. magpabatid d. manghikayat ______5. Ang paksa ng talumpati ay ____________ kung may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang. a. Napapanahon b. malayang pagpapahayag c. bugso ng damdamin d. reaksiyon ______6. Ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa. a. Lathalain b. opinyon c. editoryal d. anunsyo ______7. Ito ay sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag. a. Lathalain b. opinyon c. editoryal d. anunsyo ______8. Ang lathalain bilang isang karaniwang sanaysay ay nagtataglay ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga pananaw. a. Ang ideya tungkol sa lathalain ay tama b. Mali dahil ito ay katangian ng editoryal c. Mali, dahil hindi ito nagpapahayag ng mapagpatawang ideya d. Tama, ngunit hindi ito nagtataglay ng madamdamin ______9. Ang sumusunod ang layunin ng lathalain maliban sa: a. manlibang b. magturo c. magpabatid d. makipagtalo ______10. Ang pagkakaiba ng _________ ay upang bigkasin ng mananalumpati sa harap ng publiko sa paraang masining, madaling masundan, at maunawaan ng mga tagapakinig. a. Lathalain b. talumpati c. editoryal d. anunsyo ______11. Sila ang mga tauhan sa dulang isinulat ni William Shakespeare na naglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya. a. Samson at Delilah b. Romeo at Juliet c. Florante at Laura d. Thor at Loki ______12. Sa pangungusap na, “Ipinanggising ni Rizal sa mga Pilipino ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo,” ano ang ipinokus ng pandiwang ipinanggising? a. Rizal b. Pilipino c. Noli Me Tanggere at El Filibusterismo d. wala sa nabanggit ______13. Sa pangungusap na, “Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok,” anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit. a. Ganapan b. pinaglalaanan c. layon d. direksiyon ______14. “Langoy namin ang malinis na batis sa kanluran.” Anong pandiwa ang dapat gamitin upang mabuo ang diwa ng pahayag na nasa pokus na ganapan? a. Nilangoy b. pinaglanguyan c. kalalangoy d. nilanguyan ______15. Talagang palabasa ang kaniyang anak na dalaga. Ang may salungguhit ay isang _________ na ginamit upang mapalawak ang pangungusap. a. Ingklitik b. komplemento c. pang-uri d. pang-abay ______16. Si Eric ay nagtalumpati sa harap ng madla. Ang pokus ng pandiwa ay________. a. Tagaganap b. layon c. pinaglalaanan d. sanhi ______17. Ang salitang buti kapag nilagyan ng panlapi na ma- at inulit ay magiging mabuti-buti na ang ibig sabihin ay a. Magaling b. magaling-galing c. maayos d. katamtamang ayos ______18. Ang mga sumusunod ay mga elementong taglay ng mitolohiya liban sa: a. Tumatalakay sa mga diyos at kanilang kabayanihan b. May kaugnayan ng paniniwala sa propesiya c. Kapani-paniwala ang wakas d. May salamangka at Mahika ______19. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa pokus tagaganap? a. lumikas, nag-ani, magsusulat b. ibinili, malaman, pag-aaralan c. ipinambili, ipansulat, ipanghakot d. ikinalulungkot, ikinatutuwa, ikinasawi ______20. Alin sa sumusunod, ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng damdami? a. Pag-ibig, pagsinta, pagmamahal, pag-irog b. Pagsinta, pag-irog, pag-ibig, pagmamahal c. Pag-irog, pag-ibig, pagmamahal, pagsinta d. Pagsinta, pag-irog, pagmamahal, pag-ibig Para sa bilang 21 at 222 Iniibig kita ng buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Lipad ng kaluluwang ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay Ng Kailangan mong kaliit-liitan, Laging nakahandang pag-utus-utusan, Maging sa Liwanag, maging sa karimlan -Ang Aking Pag-ibig ______21. Alin sa sumusunod ang katangiang hindi taglay ng persona sat ula? a. Mapagtiis b. mapagpakumbaba c. masayahin d. mapagmalasakit ______22. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng: a. Pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig b. Paghahambing nito sa iba’t ibang bagay c. Paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila d. Pagpapahiwatig ng nararamdaman Para sa bilang 23-25 Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paniniil ng mga mananakop: ginawa na ito nila Rizal at Bonifacio, ng mga Katipunero at iba pang bayaning Pilipino. Ginawa nila ito dahil mulat silang walang ibang magtatanggol sa ating karapatan; walang ibang magsusulong para sa kinabukasan ng ating bayan; walang ibang magtutulak para sa ating ganap na Kalayaan, kundi tayo ring mga Pilipino. Wala nang iba. Salamat sa kanila, isandaan at labinlimang taon na nating ipinapahayag sa mundo na tayo’y isang bansang malaya. Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang-halaga natin ang ating kasarinlan, mulat ang pamahalaan sa tungkulin nitong pangalagaan ang kalayaang ito. Kaya naman naninindigan tayo para sa ating mga karapatan bilang bansang may sariling soberanya, bilang bayang nagbuwis na ng buhay para sa kalayaan, bilang Pilipinas na may sariling bandila na kapantay ng lahat. -Pang. Benigno C. Aquino III, pagdiriwang ng Anibersaryo ng Kalayaan ______23. Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng pangulo ang __________. a. Pagtuligsa sa mga mananakop c. Pagpapahalaga sa pagtanggol sa bayan b. Paghikayat sa madlang magkaisa d. Pagbibigay-pugay sa mga bayaning Pilipino ______24. Sinasabi ng pangulo sa ikalawang talata na _____________. a. Pahalagahan ang ating Kalayaan c. tungkulin ng estado na pangangalagaan ang kalayaan b. Magbuwis ng buhay para sa Kalayaan d. maninindigan para sa mga Karapatan bilang bansang malaya ______25. Layunin ng talumpating ito na bigyan ng pagpapahalaga ang/ang mga____________. a. Bayani b. bandila c. Kalayaan c. bansa II. Tama/ Mali: Isulat ang Tama kun ang inilalahad ay wasto at Mali kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. ________1. Ang panaguri at paksa ay maaring buuin pa ng maliliit na bahagi. ________2. “Si Bongbong Marcos pala ang pangulo ng Pilipinas.” Ang salitang may salungguhit ay katagang paningit na Ingklitik. ________3. “Sa tuwing tumataas ang presyo ng oil sa pambansang pamilihan, aasahan rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.” Ang “rin” ay pang-abay. ________4. “Iniutos ng pangulo na paigtingin ang response operation sa mga lugar na apektado ng bagyo.” Ang pangulo ay panaguri ng kilos ng pandiwa sa tagaganap. ________5. Ang atribusyon sa paksa ay naglalarawan sa paksa ng pangungusap. ________6. Pariralang Lokatibo ay ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng lugar. ________7. “Inaayos ang plasa para sa darating na pasko.” Ang salitang may salungguhit ay nagpapahayag ng pagmamay-ari. ________8. “Natapos nila ang proyekto sa paggamit ng mga bagay na angkop dito.” Ang pariralang may salungguhit ay ingklitik. ________9. “And DSWD ay nagpamahagi ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyo”. Ang salitang may salungguhit ay komplementong kaganapan sa layon. ________10. “Ang CBN Asia na non-profit organisasyon ay mahusay sa paggamit ng donasyon na kanilang nalikom.” Ang salitang may salungguhit ay direksyunal.
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )