Uploaded by Rec Jan Opella II

Filipino Lesson Plan: Idioms & Figurative Language

advertisement
lOMoAR cPSD| 53569969
Banghay Aralin sa Filipino
I. Layunin
•
•
•
Nabibigyang kahulugan ang mga idyoma o matalinhagang salita at nagagamit sa
pangungusap. F6PT-IVe-4.4
Naipakikita ang pagpapahalaga sa paggamit ng idyoma o matalinhagang salita.
Nakalalahok sa mga pangkatang gawain sa klase.
II. Paksang Aralin
•
•
•
Paksa: Idyoma o Matalinhagang Salita
Sanggunian: Antonio, E. et.al. 2015. “Yamang Filipino: batayan at sanayang aklat
sa Filipino”, Filipino Curriculum Guide
Kagamitan: Tsart, Laptop, Larawan, Flash Cards
III. Pamamaraan
Guro
A. Panimulang Gawain (Activity)
1. Pagganyak
Mga bata, may ipakikita ako sa inyong
mga
larawan.
Ang gagawin niyo lang ay ilalarawan ang mga ito
2. Pangkatang Gawain
Mga bata papangkatin ko kayo sa apat, bawat pangkat
ay
makatatanggap ng envelope. Sa loob nito’y mga
jumbled
letters na kailangan niyong buuhin.
Pangkat 1
T L U O G A N M I T A K
Pangkat 2
DASUGNOGAP
lOMoAR cPSD| 53569969
Pangkat 3
N G A T N G E W K A A I L
Pangkat 4
K P S I A A T A M
Ang maunang makabuo ng salita sa pisara
ay siyang panalo!
TULOG MANTIKA
USAD PAGONG
TENGANG KAWALI
KISAP MATA
Ang paksang pag-aaralan natin ngayon ay ang Idyoma o
matalinhagang salita.
B. Paglalahad (Analysis)
Idyoma
Ang isang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay
hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na
kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay
dituwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at
kaugalian ng isang lugar. Halimbawa
Anak-Dalita - Mahirap Halimbawa:
Nagsusumikap sa pag-aaral si Juncel sa kabila ng pagiging isang anak dalita.
Taingang
Kawali
–
Nagbibingi-bingihan
Halimbawa:
Umiral nanaman ang taingang kawali ni Fidel nang tawagin siya ng kaniyang
ina para maghugas ng pinggan.
Pantay na ang mga paa Halimbawa:
Ikinagulat ng pamilya ni Sarah ang balitang pantay na ang mga paa ng kaniyang
ama na nagtatrabaho sa Zamboanga.
Usad-pagong - Mabagal Halimbawa:
Halos araw-araw na lang na usad pagong ang mga sasakyan sa Metro Manila.
Kapit-bisig - Pagtutulungan Halimbawa:
Ang mga magkakapit-bahay ay kapit-bisig na itinataguyod ang kanilang kultura.
Pinagbiyak na bunga – Magkahawig o
magkamukha Halimbawa:
Parang pinagbiyak na bunga na ang matalik na magkaibigan na sina Ard
at Louis.
Tulog mantika – Mahimbing matulog Halimbawa:
Kahit anong ingay sa labas ay tulog mantika pa rin si Irene sa sobrang pagod
sa maghapong pagtatrabaho.
Bukas Palad - Mapagbigay Halimbawa:
Si Nathan ay bukas palad sa mga taong nangangailangan.
Mababaw ang luha – Madaling Maiyak
Halimbawa: Talagang mababaw ang luha ng Anna kahit na nakakatawa
ang palabas sa telebisyon.
Pag-iisang dibdib - Pagpapakasal
Halimbawa: Sa wakas ay natuloy na rin ang matagal nang hinihintay na pag-iisang
dibdib nina Maria at Romeo.
lOMoAR cPSD| 53569969
C. Paglalahat (Abstract)
Anu nga ulit mga bata ang Idyoma o matalinhagang
Salita?
Magbigay nga kayo ng halimbawa ng mga
idyoma o matalinhagang salita.
Bakit kaya mahalagang pag-aralan natin ang idyoma
o matalinhagang salita?
D. Paglalapat (Application)
1. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na
idyoma o matalinhagang salita.
1. Pag-iisang dibdib:
2. Balat-sibuyas:
3. Akyat-bahay:
4. Kapit-bisig:
5. Kisap-mata:
Pagpapakasal
Maramdamin
Magnanakaw
Pagtutulungan
Iglap
2. Pangkatang Gawain
Ngayon ay bumalik kayo sa grupo ninyo kanina,
magpapangkatang gawain muli.
Bawat pangkat ay makakatanggap ng 2 Idyoma o
salita at gamitin ang mga ito sa
pangungusap
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na
idyoma o matalinhagang salita.
Pangkat 1
1. Bukas palad:
2. Magsunog ng kilay:
Pangkat 2 1. Usad
pagong:
2. Anak dalita:
tayo’y
matalinhagang
lOMoAR cPSD| 53569969
Pangkat 3
1. Balitang Kutsero:
2. Magsunog ng kilay:
Pangkat 4
1. Ibaon sa hukay:
2. Makapal ang palad:
Handa na bang magpresenta ang lahat ng pangkat?
Ngayon, maari nang magsimula ang unang pangkat
Opo!
(Magpepresenta ang mga
pangkat)
Mahuhusay! Ngayon naman, subukan nating sagutan ang inihanda
kong maiikling pagsusulit.
Kumuha ng papel, at sagutan ito.
IV. Pagtataya (Evaluation)
Basahin muna ang panuto
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na
idyoma o matalinhagang salita. Pumili ng tamang sagot sa
kahon sa ibaba
1. Butas ang bulsa 2. Balitang kutsero 3. Pusong mamon 4. Anak pawis - 5.
Nagbibilang ng poste 6. Nakalutang sa ulap 7. Tinik sa lalamunan 8. Tulog mantika 9. Ibaon sa hukay 10. Di-makabasag pinggan –
Mahinhin
Mahimbing na pagkakatulog
Mahirap
Kalimutan
Mabait
Sagabal sa ninanais
Walang trabaho
Balitang hindi totoo
Masayang masaya
Ubos na ang pera
Tapos na bang masagot ang lahat?
Ngayon ay sagutan na natin
V. Takdang Aralin (Assignment)
Ngayon kunin ninyo ang inyong mga kwaderno at
kopyahin ang inyong takdang aralin.
Basahin muna kung anong gagawin!
TAKDANG ARALIN
Magbigay ng limang idyoma o matalinhagang
salita at gamitin ito sa pangungusap.
lOMoAR cPSD| 53569969
Tapos na bang isulat ang inyong takdang aralin?
Ngayon, pulutin ang mga kalat sa ilalim ng inyong
Upuan
Download