Uploaded by Airah C.Esplequera

Compound Words: Definition & Usage (MTB-MLE Module)

advertisement
1
MTB-MLE
Ika-Apat na Markahan – Modyul 20:
Pagtukoy, pagbigay ng kahulugan at
gamit ng Tambalang Salita sa
pangungusap
MTB– Grade 1
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Paggamit ng mga terminong kaugnay sa mga babasahin o
aklat Kompetensi: Nagagamit ang mga salitang angkop sa mga lathlain o aklat:-pabalat at
paunang salita, pahina ng pamagat, indeks, at tagaguhit at manunulat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module
Manunulat: ALMA S. CAGURANGAN
Editors:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Management Team:
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region II
Office Address:
Telefax:
E-mail Address:
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
(078) 304-3855; (078) 396-9728
region2@deped.gov.ph
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa para sa batang
katulad mo na nasa unang baitang upang matukoy,
maibigay ang kahulugan at gamitin ang tambalang
salita sa pangungusap.
Ang modyul na ito ay tumutugon sa:
 Pagtukoy, pagbigay ng kahulugan at gamitin ang
tambalang salita sa pangungusap.
Pagkatapos ng mga Gawain sa modyul na ito, Ikaw ay
inaasahang:

 Matukoy ang tambalang salita sa
pangungusap.
 Maibigay ang kahulugan ng tambalang
salita. 
 Magamit ang tambalang salita sa
pangungusap.


1
Subukin
Subukang gawin ang mga sumusunod na
kasanayan kaugnay sa aralin.
Pagtambalin ang dalawang salita upang makabuo ng
tambalang salita. Isulat ang sagot sa patlang.
1.boses + palaka =_____________________________
2.hampas + lupa =_____________________________
3.takdang + aralin =____________________________
4.hatid + sundo =_______________________________
5.takip + silim =__________________________________
2
Balikan
Subukang basahin ang sumusunod na salita. Humingi ng
tulong sa guro kung hindi mabasa o maintindihan ang
salita. Nakikilala mo ba ang mga ito?
1. kapitbahay
2. palosebo
3. balatsibuyas
4. nakawtingin
5. dalagangbukid
Tuklasin
Hanapin sa loob ng kahon ang ibig sabihin ng mga salita
sa baba.
Akyat-bahay
sirang-plaka
Nakaw-tingin
boses-palaka
takip-silim
1._______________________-magnanakaw sa bahay ng iba.
2._______________________-paulit-ulit ang sinasabi.
3._______________________-pagitan ng hapon at gabi.
4._______________________-pangit kumanta.
5._______________________-pagsulyap sa isang tao na hindi
niya nalalaman.
3
Suriin
Nakilala mo ba ang mga tambalang salita? Paano ito
nabubuo?
Ang dalawang magkaibang salita ay
maaaring pagsamahin upang makabuo ng
bagong kahulugan.
Ang tawag dito ay tambalang salita.
4
Pagyamanin
Ang tambalang salita ay binubuo sa
pamamagitan
ng
pagsasama
o
pagtatambal ng dalawang salita.
Isaisip
Narito ang mga iba’t ibang kasanayan upang
mapalawig pa lalo ang katalinuhan sa pagbabahagi
ng iyong kaalaman tungkol sa ating aralin.
Isagawa
Gawain 1
Pagtambalin ang dalawang larawan upang makabuo
ng tambalang salita . Isulat ang sagot sa kahon.
Halimbawa:
pusong mamon
1.
5
Blue
2.
3.
4.
5.
Gawain 2
Ano ang ibig sabihin ng bawat tambalang salita? Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____1.hanapbuhay
a. bahay
b.trabaho
c.isang palaro
____2.takdang-aralin
a.Isang gawain na ibinigay ng guro upang
kumpletuhin sa bahay.
b.Isang gawain sa tahanan na kailangan gawin sa
paaralan.
c.Isang gawain na kailangang gawin sa paaralan
lamang.
6
____3.palo-sebo
a.Isang palaro
b.mapangmataas
c.nagbingibingihan
____4.tubig-alat
a.tubig na malamig
b.tubig na galling sa gripo
c.tubig na galling sa dagat
____5.buto’t balat
a.matabang mataba
b.gutum na gutom
c.payat na payat
Gawain 3
Bilugan ang tambalang salita na ginamit sa pangungusap.
1.Si Lito ay kapit-tuko sa kanyang nanay.
2.Nagtataingang-kawali si Ana kapag tinatawag siya ng kanyang
nanay.
3.Takipsilim nang dumating si tatay mula sa trabaho.
4.Si Bea ay bukas-palad sa pagtulong sa mahihirap.
5.Si tatay ang naghahanaybuhay sa aming pamilya.
7
Gawain 4
Piliin ang tamang tambalang salita sa loob ng kahon upang
mabuo ang diwa ng pangngusap. Isulat ang sagot sa patlang.
madaling-araw
silid-aklatan
lakad-pagong
agaw-eksena
agaw-buhay
1._____________________ ang pag-aaway ng dalawang
babae sa kanto.
2.Nagbabasa ng aklat si Nida sa _______________________.
3.__________________ ang lalaking dinala sa pagamutan.
4.__________________ ng umalis si nanay para mamalengke.
5.__________________ si Juan sa kaniyang pagkilos.
Gawain 5
Salungguhitan ang tambalang salita sa bawat pangungusap.
1.Si Don Pedro ay matapobreng tao.
2.Si Aling Celia ang nahalal na ingat-yaman ng kanilang
kooperatiba.
3.Si Rosa ay balat-sibuyas.
4.Dumating sa bahay si ate ng hatinggabi.
5.Kapit-tuko ang bata sa kanyang tatay habang nakasakay sila
sa motorsiklo.
8
Tayahin
Bilugan ang tambalang salita na ginamit sa bawat
pangungusap.
1.Bukang-liwayway nang umalis si tatay Domi
papuntang bukid.
2.Ang magkapatid na sina Alma at Aileen ay
kapit-bisig sa kanilang pag-aalaga sa bunso
nilang kapatid.
3.Si Leny ay naturingang sirang-plaka dahil sa
paulit-ulit niyang sinasabi.
4.Marami ang nahuli ni Mang Landon na
dalagang-bukid.
5.Hatinggabi nang tumahol ang aso naming si
Pido.
Karagdagang Gawain
Sa tulong ng iyong nanay, magsulat ng limang
Tambalang Salita. Ilagay ang kahulugan nito sa isang
malinis na papel..
9
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.boses-palaka
2.hampas-lupa
3.takdang-aralin
4.hatid-sundo
5.takipsilim
Tuklasin
1. akyat-bahay
2. sirang-plaka
3. takipsilim
4. boses-palaka
5.nakawtingin
Gawain 1
1.sulat-kamay
2. dugong-bughaw
3. bahaghari
4. taingang-kawal
5.patay-gutom
Gawain2
1.b
2. a
3.a
Gawain 3
1.kapit-tuko
2.Nagtataingang-kawali
3.takipsilim
4.bukas-palad
5.naghahanapbuhay
4.c
10
5.c
Gawain 4
1.agaw-eksena
2.silid-aklatan
3.agaw-buhay
4.madaling-araw
5. lakad-pagong
Gawain 5
1.matapobre
2.ingat-yaman
3.balat-sibuyas
4.hatinggabi
5. kapit-tuko
Tayahin
1.Bukang-liwayway
2.kapit-bisig
3.sirang-plaka
4.dalagang-bukid
5.hatinggabi
11
Sanggunian
Latest MELC for MTB Grade 1
K to 12 Teacher’s Guide in MTB Grade 1 K
to 12 Learner’s Materials in MTB Grade 1
12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
13
Download