ARALING PANLIPUNAN WEEK 1 Name of Teacher Aralin 14: Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa Game Time: Paint Me A Picture Paano mo ilalarawan ang Pilipinas? Ano-ano ang katangiang pisikal ng bansa na maaari mong ipagmalaki? Ang Pilipinas ay isang arkipelago. Ang arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo. Ang pagiging arkipelago ng bansa ay may malaking pakinabang sa pag-unlad ng bansa. May malalawak na kapatagan kung saan matatagpuan ang malalaking taniman ng palay at iba pang produkto katulad ng tubo at mais; mahahabang bulubundukin na nagsisilbing panangga sa mga bagyong dumarating; nakabibighaning mga bulubundukin, at bulkan na bagaman may panganib ay nagsisilbing pasyalan; napakagagandang dalampasigan na nagbibigay saya lalo na sa panahon ng taginit; nakahihikayat na mga ilog, lawa, at talon; at malalaki at maliliit na mga pulo. Talon ng Pagsanjan Laguna Sa paanong paraan kaya nagbibigay ng malaking pakinabang sa kaunlaran ng pamahalaan ang pagiging masagana ng bansa sa mga katangiang ito? T u r I s m o T u 2014 r 2013 I 2012 s 2011 m 2010 o International Arrivals (January–May) 2,061,135 2,011,520 1,819,781 1,609,651 1,436,735 Napasigla rin ng pagiging mayaman sa katubigan ang iba’t ibang maaaring pagkakitaan katulad ng pangingisda, pagbabangka, at pagbibiyahe. Ang iba’t ibang anyong lupa ay nagkaroon ng iba’t ibang pakinabang na naging kaagapay sa pagsulong ng kaunlaran. Ilan sa mga ito ay pagsasaka at transportasyon sa kapatagan Sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat, napaunlad ang turismo at kalakalan. Ang RORO (Roll on, Roll off) ay higit na nakatulong sa pagbibiyahe ng mga produkto mula sa ibaibang lalawigan. Malaki ang naidulot sa bansa ng pagiging mayaman nito sa katangiang pisikal hindi lamang sa mga mapagkakakitaan ngunit higit sa lahat, napaunlad nito ang ugaling Pilipino gaya ng pagiging matatag at determinado, masipag, may pagkakaisa at pagtutulungan, may malasakit sa kapuwa, at may takot sa Diyos. Malaki ang naidulot sa bansa ng pagiging mayaman nito sa katangiang pisikal hindi lamang sa mga mapagkakakitaan ngunit higit sa lahat, napaunlad nito ang ugaling Pilipino gaya ng pagiging matatag at determinado, masipag, may pagkakaisa at pagtutulungan, may malasakit sa kapuwa, at may takot sa Diyos. Gawain A Sumulat ng isang islogan na nagsasaad ng kahalagahan ng mga katangiang pisikal ng bansa sa pagunlad nito. Gawain B Magpangkat-pangkat sa apat na grupo. Gumawa ng isang patalastas na naghahayag ng panghihikayat upang lalo pang dayuhin ng mga turista ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Maaari itong i-upload sa pamamaitan ng social media gaya ng Facebook. Tandaan Mo Ang Pilipinas ay isang kapuluan. • Ang arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo. • Binubuo ang bansa ng malalawak na kapatagan, mahahabang bulubundukin, nakabibighaning mga kabundukan at bulkan, napakagandang mga dalampasigan, nakahihikayat na mga ilog at talon, at malalaki at maliliit na mga pulo. Tandaan Mo • Malaki ang pakinabang ng bansa sa turismo nito. • Maraming magagandang tanawing dulot ng katangiang pisikal ng bansa ang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang bansa gayundin ng mga lokal na turista.