Paaralan Guro MASUSING BANGHAY ARALIN Pedro E. Candido Memorial National High School Aguirre, Fredilyn C. Petsa/Oras February 27, 2025 8:15-9:00 A.M Baitang/Antas 8 Asignatura Filipino Markahan Ikaapat na Markahan I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN AT MGA KASANAYAN SA ARALIN A. Pamantayang Pangnilalaman B. Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan. Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan. C. Mga Kasanayan at Layuning Pampagkatuto Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa nabasang-aralin (F8PN-IVc-d-34) D. Nilalaman E. Integrasyon Unang Kabanata: Gubat na Mapanglaw Pagbasa Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: Tiyak na Layunin: • nabibigyan kahulugan ang mga matatalinhagang salita sa nabasang kabanata, • nakapaglalahad ng saloobin o aral batay sa kabanatang nabasa at; • nakaguguhit ng gubat na inilalarawan sa kabanata. II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO A. Florante at Laura Pinagaang na Edisyon (Pahina 18-20) MELCS 176 B. Iba pang kagamitang Pampagtuturo: Manila paper, Cartolina, Handout at Larawan. III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA GAWAIN NG GURO A. Pagkuha ng Dating Kaalaman MGA GAWAIN NG MAG-AARAL Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin ay mag-balik aral muna tayo. Ano nga ulit ang ating tinalakay noong nakaraang tagpo? Ang ating tinalakay noong nakaraang tagpo ay tungkol sa mga mahahalagang tauhan ng Florante at Laura. Tama! Sino sino nga ulit iyong mga tauhan na kristiyano? Sige nga, Ela. Ma,am Ang mga tauhang kristiyano ay sina Menandro, Antenor, Prinsesa Floresca, Duke Briseo, Haring Linceo, Luara, Florante, Konde Adolfo, Menalipo, at Konde Sileno. Magaling! Sino sino naman ang mga tauhang moro? Sige nga, Ma,am Precious. Ang mga tauhang moro ay sina, Heneral Osmalik, Heneral Miramolin, Sultan Ali-Adab, Emir, Aladin, at Flerida. Page | 1 Magaling! Tunay nga na kayo ay nakinig sa aking tinalakay noong nakaraang tagpo. B. Paglalahad ng Layunin Ngayon naman, bago nating pormal na buksan ang ating panibagong aralin ay magkakaroon muna kayo ng gawain. Ang gawain na ito ay tinatawag na “Itim at Puti” Panuto: Pumili ng isang representante isa bawat grupo at pumunta sa harapan. Ang bawat representate ay ilalarawan ang larawan na nakikita sa pisara. ITIM PUTI Handa na ba? Opo, Ma,am Para sa unang grupo, ano kaya ang inilalarawan ng unang larawan? Batay sa aking nakikita, ito ay isang gubat na madalim na ang tanging nariyan ay ang mga puno na walang dahoon. Tama! Para sa pangalawang grupo naman. Batay po sa aking nakikita, ito ay isang gubat na may makukulay na bulaklak, mga puno at mga hayop katulad ng ibon. Magaling! Bakit kaya nasabi na itim ang unang larawan, unang grupo? Para po sa akin, masasabi na itim ang larawan sapagkat ito ay may madilim. Tama! Bakit naman kaya nasabi na puti ang unang larawan? Para po sa akin, masasabi na puti ang pangalawang larawan sapagkat ito ay maaliwalas at makulay. Magaling! Ang inyong ginawang gawain ay may kaugnay sa ating tatalakayin ngayong araw. Page | 2 Pero bago iyan, narito ang mga layunin para sa ating panobagong aralin ngayong araw. Pakibasa nga ng sabay-sabay Tiyak na Layunin: • nabibigyan kahulugan ang mga matatalinhagang salita sa nabasang kabanata, • nakapaglalahad ng saloobin o aral batay sa kabanatang nabasa at; • nakaguguhit ng gubat na inilalarawan sa kabanata. Maliwanag ba? Opo Ma,am Mabuti naman kung ganon. C. Paglinang at Pagpapalalim Batay sa ating ginawang gawain, may ideya na ba kayo kung ano ang ating tatalakayin ngayong araw? . Opo Maam Sige nga, Kirby. Para po sa akin ito ay may kinalaman sa gubat. Tama! Ang ating tatalakayin ngayong araw ay tungkol sa unang kabanata ng Florante at Laura, ang gubat na mapanglaw. Narito ang Talasalitaan na gagabay upang lubos niyong maintindihan ang ating tatalakayin ngayong araw. Pakibasa ng sabay-sabay. Talasalitaan Aberno- Kaharian ni Pluto AdonisNapakakisig na binate Bagong sapong ginto- Bagong lusaw nag into. BasiliskoIsang uri ng serpiyente Burok- Pula na itlog ng manok, bibi, pato HarpiyasMabangis na diyosa na kakkila-kilabot ang anyo Hyena- Isang uri ng hayop-gubat Ilog Kosito- Ilog sa impiyerno, makamandag ang tubig Narciso- Binatang napakagwapo na mahilig sa pagsasalamin ng sarili Oreadas nimfas- Mga diyosa sa gubat PeboAraw Pupas- Itim na Itim Serpyente- Malaking ahas Sipres- malalki at luntiang mga punungkahoy. Mapanglaw- Madilim o malungkot Page | 3 Ngayon naman ay meron akong ibibigay ng handout sa inyo. Ito ay naglalaman ng ating tatalakayin ng raw. Ito ay inyong babasahin. Ito ay dugtungan at ito ay aking pangungunahan at susundan niyo. Maliwanag ba? Opo Ma,am (Tatalakayin ng guro ang talakayan pagkatapos ng pagbabasa sa unang kabanata) (Uunawin ng mabuti ng bawat mag-aaraal ang babasahin na kabanata at makikinig sa talakayan) May katanungan pa ba tungkol sa Unang kabanata? Kung wala na ay meron akong inihanda dito na katananungan. Wala na po Nathaniel maaari mob a akong bigyan ng numero. Pumili ka lang hanggang sa ika 27 na bilang. Dahil 17 ang iyong napili, maaari ka bang tumayo Ashely. Ma’am 17 po Narito ang unang katanungan. Saan matatagpuan ang gubat? Tama! Ikaw naman ang magbigay sa akin ng numero Sa Alberno po Ma’am 2 Dahil ikalawang bilang ang kaniyang ibinigay na, Eleona maaari ka bang tumayo? po Paano inilarawan ang gubat? Tama! Ikaw naman ang pumili ng numero. Ang kaniyang napili ay si Chad. Maaari ka bang tumayo. Batay po sa aking nabasa, ito ay madilim at may malalaking puno ng Higera. Ma’am 6 po Sa kasalukuyang panahon, ano o sino ang tinutukoy o sinasagisag ng mapanglaw na gubat? Magaling! Para po sa akin ang tinutukoy dito ay ang ating bansa sapagkat dumaranas tayo ng kahirapan lao na sa ibang mamamayan na ganid sa kapangyarihan at kayamanan. May katanungan pa ba? Page | 4 Wala na po Kumuha ng isang kalahating papel. Pakibasa nga ng sabay-sabay ang panuto Panuto: Bigyan ng angkop na kahulugan ang mga salitang may salungguhit. 1. Isang makisig na baguntao ang nagpakilala sa dalaga. 2. Dahil sa kaniyang katuwaan, sumisilang ang liwanag sa kanyang mukha. 3. Masidhi ang sangsang ng amoy sa makapal. 4. Binalantole ang tila arko na kilay ng dalaga. 5. Hinangaan ng mga banata ang kariktan ng mga dalaga. Maliwanag ba? Opo Ma’am Maaari na kayong magsimula. Mga inaaasahang sagot ng bawat mag-aaral: 1. Lalaking hindi pa kasal 2. Lumilitaw 3. Malakas o Matindi 4. Hindi Tanggap o tinanggihan 5. Kagandahan o kagalingan Tapos na ba? Maaari niyo na itong ipasa. May Opo Ma’am Wala na po katanungan pa ba? D. Paglalahat Kung wala na ay ako naman ang magtatanong sa inyo. Bilang isang mag-aaral, anong aral ang nakuha mo sa kabanata na ating tinalakay ngayong araw? Ang aral na aking nakuha mula sa unang kabanata ay, kahit nasa gitna ka ng kadiliman at panganib ay mahalaga na manatili ang pag-asa. Dahil ito ang nagbibigay lakas sa atin upang harapin ang mga hamon sa buhay. Magaling! Sumasangayon ka ba sa naging kasagutan niya, Eleona? Bakit? Opo Ma’am Dahil kagaya ng kaniyang sinabi, ang pagkakaroon ng pag-asa ay makakatulong sa atin upang Page | 5 malapagsan ang bawat hamon na ating kinakaharap o haharapin. Hindi dapat maging hadlang ang kadiliman sa buhay na ating kinakaharap bagkus, gawin natin itong rason upang mas magpatuloy pa. Magaling! IV. PAGTATAYA A. Pagtataya Kumuha ng materyal na pangguhit o drawing materials. Pakibasa nga ng sabay-sabay ang panuto Panuto: Gumuhit ng gubat na inilarawan sa nabasang kabanata Maliwanag ba? Opo Ma’am Narito ang pamantayan sa inyong gawain. Maaari na kayong magsimula Pamantayan Kamalikhain Ideya Katotohanan Kabuuan Puntos 20 15 15 50 Tapos na ba? Opo Ma,am Maaaring maging guhit ng bawat mag-aaral Maaari niyo na itong ipasa (Ipapasa sa harapan ang ginawang gawain) May katanungan pa ba? Wala na po Ma’am Kung wala na kunin ang inyong mga kwaderno at isulat ang inyong takdang aralin. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang Ikalawang kabanata: Reyno ng Albanya. May katanungan pa ba? Wala na po Ma’am Kung wala na, iyon lamang para sa araw na ito. Paalam. Paalam din po Ma’am. Page | 6 B. Pagbuo ng Anotasyon Itala ang naobserbahan Epektibong Pamamaraan Problemang Naranasan Estratehiya Kagamitan Pakikilahok Iba Pa C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: Prinsipyo sa pagtuturo • Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa? Mag-aaral • Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? Pagtanaw sa Inaasahan • Ano ang aking nagawang kakaiba? Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod? Inihanda ni: Sinuri ni: FREDILYN C. AGUIRRE MA. RUBBY P. CONOPIO Practice Teacher Cooperating Teacher Page | 7
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )