KOMUNIKASYON REVIEWER KOMUNIKASYON - Ayon sa webster, ang komunikasyon ay pagpapahayag o paghahatid ng mensahe sa pasalita o pasulat na paraan Ayon kina Greene at Petty sa kanilang aklat na Developing Language Skills, ang komunikasyon ay isang konsyus na paggamit sa anumang uri ng simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba. Ang salitang Komunikasyon ay galing sa salitang latin na COMMUNIR na nangangahulugang PARA SA LAHAT. URI NG KOMUNIKASYON KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL. Ito ay komunikasyong pansarili. ito ay tumutukoy sa proseso ng komunikasyon nagaganap sa sariling katuunan. Halimbawa nito ay ang pag-aalala, pagdama at pag-iisip. ito ang pinaka batayan ng komunikasyon. KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL. Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang katao o maliit na pangkat. KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO. Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isang tao at malaking pangkat ng tao. ANO NGA BA ANG WIKA? Ayon kay Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Ang wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di-berbal. Bernales et al. (2002) Ang wika ay parang HININGA. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin. Lumbera (2007) Bakit may tinatawag na mga “Pangunahing Wika” ng Pilipinas? Pangunahing Wika ● ● ● ● ● ● ● ● BIKOL ILOKANO HILIGAYNON PAMPANGGO PANGASINAN SEBWANO TAGALOG WARAY MGA DAHILAN ● ● May malaking bilang ito ng tagapagsalita, Karaniwang 1 Milyon ang tagapagsalita nito May mahalagang tungkulin ito sa ito sa bansa bilang wika ng pagtuturo, opisyal at bilang wikang pambansa. KAHALAGAHAN NG WIKA ● ● ● ● ● Pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa tao Walang wika, walang komunikasyon Walang wika, walang palitan ng karunungan at mensahe Wika upang mapanatili ang pagyabong ng kultura at pagpapalaganap ng kultura. Naipakikilala ang Kultura dahil sa wika, yumayaman naman ang wika dahil sa kultura, BAKIT MAY WIKANG PAMBANSA? Ang Pilipinas ay katulad ng karamihang sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng sambayanang may iba-ibang nasyon at iba’t ibang wikang katutubo. itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa, sa gayon ay nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan ng damdamin ng pagkakaisa. Sa pagtatag ng isang pambansang pamahalaan. Wika sa pook komersiyo Edukasyon Kultura at Gawaing pampolitika. BAKIT MAY WIKANG PANTURO? Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon, ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan. ● ● Bago sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig, may mga guro ng nagtuturo ng wikang pambansa. ● ● Mga dahilan kung bakit kailangan ng isang wikang pambansa ● Malimit na hinihirang na wikang pambansa ang sinasalita ng dominanteng at/o pinakamaraming pangkat. ● Maari ring maging dominante ang wika ng isang pangkat na gumaganap ng pangunahing tungkulin: Panahon ng Amerikano, iisang wikang panturo, monolingguwal = wikang Ingles. Panahon ng Komonwelt, nagsimula ang paggamit ng wikang pambansa bilang wikang panturo= para sa edukasyon ng mga guro. itinuturo lang ang wikang pambasa sa bilang regular na asignatura sa ikaapat na taon sa sekundarya. pagtapos ng digmaan, unti-unting binuksan ang asignatura sa elementarya at sekundarya, wikang pambansa bilang wikang panturo. Aralin 2: FILIPINO: WIKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO AT WIKANG OPISYAL PAKSA 1: WIKANG PAMBANSA Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Manuel L. Quezon - siya ay naghangad na magkaroon ng isang wika na mag-uugnay sa lahat ng mamamayan. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal”. Surian ng Wikang Pambansa (SWP) itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea) ● - AMA NG WIKANG FILIPINO Itinatag ang Komite sa Wikang Opisyal upang maresolba ang isyu sa pagpili ng wikang panlahat. 1940 ● ● Inimungkahi na dapat wikang katutubo at hindi dayuhang wika ang maging wikang pambansa. ● Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. ● Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika. Ipinag – utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa. Disyembre 30, 1937 ● Pinili at ipirinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika. Bakit pinili ang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa? PAGPILI ● Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Ang Tagalog ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito. Ito ang wika ng Maynila - ang kabiserang pampulitika at pang ekonomiya sa buong bansa. Hunyo 4, 1946 ● ● Ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, ang Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas. Ipinahayag din na ang wikang opisyal ng bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570. 1959 ● “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika”. Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa? Batas Komonwelt Blg. 570 Ibinababa ni Kalihim Jose B. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang KAUTUSANG PANGKAGAWARANG BILANG 7: Nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ang gagamitin. ● Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3) ● Saligang Batas ng 1973 ● Ang batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO. PAKSA 2: WIKANG OPISYAL Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Saligang Batas ng 1987 ● FILIPINO ang wikang Pambansa ng Pilipinas. Artikulo 14 Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946 “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika”. PAKSA 3: WIKANG PANTURO Ito ang wika ng talakayang guro – magaaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase. ● Ito ang wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. ● Ito rin ang wikang gamit sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. MOTHER TONGUE – BASED MULTI – LINGUAL EDUCATION - Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga magaaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa wika: ● ● at mga banyagang wika (Kastila, Ingles, at Hapon). Paggamit ng dalawang wika na tila ang dalawang ito ay ang katutubong wika. Isinaad sa Kautusang Kagawaran Blg 25 ( Dept. Order 25) ang pagkakaroon ng BPE (Bilinggwal na Patakaran sa Edukasyon). BPE (Bilinggwal na Patakaran sa Edukasyon) – nagtatakda na ang gagamiting midyum sa pagtuturo ay Filipino at Ingles sa Primarya at Sekundarya Proklamasyon Blg. 19 (Agosto 1988) Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon. TIMELINE (di ko sure kung tama nakakalito kasi, based lang din sa sinulat ni sir sa board hahaha) Aralin 3: Konseptong Bilingguwalismo at Multilingguwalismo 1900 - MONO = Wikang Ingles BILINGGUWALISMO 1935 - TAGALOG BILANG BATAYAN Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa mga kasalong wika ( Sugbuanong-Binisaya, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, SamarLeyte, Maguindanao, Tausug, at Tagalog) 1959 - 1973 - PILIPINO = WIKANG OPISYAL/ PANTURO/ PAMBANSA FILIPINO = WIKANG PAMBANSA - 1987 - PILIPINO = WIKANG OPISYAL/ WIKANG PANTURO FILIPINO = WIKANG PAMBANSA/ OPISYAL/ PANTURO Ang timeline na ito ay nagpapakita ng pitong wika at yugto ng wika (makakapal na arrow) at pitong mga programang pangwika (maninipis na arrow). Narito ang mga wika at yugto ng wika na inihayag nito. - Monolingguwalismong Ingles (Monolingguwalismo) - Wikang Ingles - wikang dinala ng mga Amerikano at ipinalaganap sa pampubliko at kalaunan sa pampribadong edukasyon simula noong 1901; Unang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog-1) - Unang pinangalanang wikang pambansa noong 1935; Ang Tagalog ay unang ginawa bilang isang pang-akademikong asignatura noong 1940; - ang artipisyal na wika na balak buuin ng Konstitusyon noong 1973 at papalit sa wikang Pilipino bilang wikang pambansa Ang Ikalawang Wikang Filipino (Filipino2) - - kung kailan ang pangalang "Tagalog" ay pinalitan ng pangalang "Pilipino“ noong 1959; Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino-2) nang wikang FILIPINO ay muling kinilala bilang wikang opisyal, pang-akademiko at pambansa at pinangalanang FILIPINO ng Konstitusyon ng 1987. Unang Bilingguwalismo (Bilingguwalismo-a) - Unang yugto ng Wikang Pilipino (Pilipino-1) ang sistemang ginamit dahil gusto ng mga Amerikanong ipalaganap ang pampublikong edukasyon at hubugin ang kaisipan ng mga Pilipino sa wika at kultura ng Estados Unidos. (1901) Ang Unang Wikang Filipino (Filipino-1) Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog (Tagalog-2) - pinanatili itong wikang opisyal at wikang pang-akademiko ngunit tinanggalan ng katayuan bilang wikang pambansa noong 1973; Iniutos ni Jorge Bocobo, Kalihim ng Pampublikong Instruksiyon noong 1939 na maaaring gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wikang panturo, lalo na para sa mga mag-aaral sa unang baitang, kaya ang kauna-unahan nating programang bilingguwalismo ay binubuo ng wikang Ingles at isa sa ating mga unang wika; Ikalawang Bilingguwalismo (Bilingguwalismo –b) - - inilabas noong 1970 na nag-uutos na tanging wikang Pilipino na lamang ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pangakademiko. Dahil nakasanayan nang gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo sa mababang baitang, itinuturing natin ang monolingguwalismong pamantayang ito bilang isang bilingguwalismo sa aktuwal na pangyayari na binubuo ng wikang Filipino at isa sa ating mga unang wika. - - BPE � MTB (Mother-Tongue Based) – MLE ( Multilinggual Education) - - - pumalit sa unang multilingguwalismo na umiral lamang ng isang taon. Ipinatupad ito noong 1974. Nag-utos na gamitin ang mga wikang Ingles at Filipino at nagsantabi naman sa mga unang wika. Ito ang pinakakilalang programang bilingguwalismo sa ating bansa dahil hindi katulad sa unang bilingguwalismo, sumaklaw ito sa lahat ng antas pangakademiko, at hindi katulad sa ikalawang biligguwalismo, umiral ito nang mahigit isang dekada at naging batayan pa sa mga kasunod nitong programang pangwika; MULTILINGGUWALISMO - Paggamit ng maraming wika na nangunguhulugan ng paggamit ng unang wika ng mga estudyante sa isang partikular na lugar. Unang Multilingguwalismo (Multilingguwalismo-a) - pumalit sa ikalawang bilingguwalismo na umiral laman nang tatlong taon. - Ipinatupad ito noong 1973 at nagutos na gamitin ang unang wika bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang na susundan naman sa paggamit ng mga wikang Pilipino at Ingles. Ikatlong Bilingguwalismo - Isa ang Pilipinas sa itinuturing na Multilinggwal na bansa, mahigit 180+/- ang buhay na wika sa ating bansa. Hindi na Bilingguwal, kundi Multilingguwal ang ipinairal na patakarang pangwika sa edukasyon. Ikalawang Multilingguwalismo (Multilingguwalismo-b) - - Ipinatupad noong panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino at mistulang pinagsamang unang multilingguwalismo at ikatlong bilingguwalismo. Pinagtibay ang paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala muli ang halaga ng mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo; Ikatlong Multilingguwalismo (Multingguwalismo-c) - Ang kasalukuyang pambansang patakarang pangwika na ipinatupad noong 2009 at nakabatay sa sistematikong pananaliksik tungkol sa multingguwalismo. - Hindi katulad ng naunang dalawang multilingguwalismo , oral at tekstuwal na paggamit sa mga unang wika sa loob ng mas mahabang panahon ang iniutos ng kasalukuyan nating programang multingguwalismo ang tinatawag nating” sistematikong multilingguwalismo” sa sanaysay na ito. Aralin 4: MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA TEORYA - ang tawag sa siyentipikong pagaaral sa iba't ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. IBA’T IBANG TEORYA NG WIKA: Teoryang Biblikal - Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwahiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kab. 11:1-8) Ayon sa teoryang ito, mayroon lamang isang wika (ADAMIC) ang lahat ng tao sa mundo noong araw. Teoryang Bow-wow - Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Teoryang Ding-dong - Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kung ‘di maging sa mga bagay na likha ng tao. Teoryang Pooh-pooh - Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. - Teoryang La-la - Teoryang Yo-he-ho Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond at Berel (2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Teoryang Ta-ta - - - Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. Teoryang Coo coo Mga pwersang may kinalaman sa Pag-ibig. Ang salik na nagtutulak sa tao upang maghabi ng mga salita para sa mga tula at awit ng pagibig. Teoryang Mama - Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Teoryang Sing-song Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother. Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay - Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pagaani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong.