Uploaded by eoz

Koronang Santan: A Children's Story by Arnold Tristan L. Buenaflor

advertisement
1 | Big Task: Teksto bilang 2
Koronang Santan
ni Arnold Tristan L. Buenaflor
2023 PBBY-Salanga Grand Prize
Ayaw ni Saniel ang mga nilalarong robot at kotse-kotsehan ng kanyang mga kapwa bata na kapitbahay. Kaya madalas, nasa loob ng bahay lamang siya at lumalabas lang tuwing bibili ng pandesal.
Itim at puti lang ang mga kulay na makikita sa lugar nila Sani. Wala ring mga halaman sa paligid. Kaya
gustong-gusto niyang bumabangon ng maaga para bumili ng pandesal sa panaderya ni Mang Ishmael
sa kabilang dulo ng kanilang eskinita.
Sa edad na anim na taong gulang, kabisado na ni Sani ang pagpunta sa panaderya ni Mang
Ishmael. Sampung piraso lagi ang kaniyang binibili, tig-dalawa para sa kanyang Nanay Koh, Tatay Tang,
Kuya Neeya, Ate Neelah, at sa sarili.
Bukod sa mga tinapay, gustong-gustong bisitahin ni Sani ang mga tanim na pulang santan ni
Mang Ishmael. May labing-isang paso ang nakahilera sa tapat ng panaderya at kada umaga,
masasalubong ni Sani ang matandang lalaki na dinidiligan ang mga ito.
“Magandang umaga po, Mang Ishmael! Rosas po ba ang mga ‘yan?” tanong ni Sani nang unang
makita ang mga pulang bulaklak. Rosas lang din kasi ang alam niyang bulaklak noon.
Natawa si Mang Ishmael at itinuro ang pasong pinakamalapit sa kanya. “Magandang umaga rin,
Sani. Nako, hindi ito rosas. Ang tawag dito ay santan. Ito ang bulaklak ng mga kabataan sa ating lugar.”
“Po? Bulaklak ng kabataan? Kamot ni Sani sa kanyang ulo.
Pumitas ng isang pirasong santan si Mang Ishmael mula sa isa sa mga paso, hinarap kay Sani at
sabay sabing “Pagmasdan mo’ng maiigi, Sani.”
May parang sinulid na dahan-dahang hinila si Mang Ishmael mula sa loob ng manipis na bulaklak
at bago matanggal, isang butil ng tubig ang lumabas mula rito. Sinipsip ito ni Mang Ishmael.
“Huwaw!” Palakpak ni Sani, tuwang-tuwa sa nakita. “Magic po ba ‘yun?”
Nagagalak na ipinaliwag ni Mang Ishmael na lahat ng santan ay may itinatagong mahika sa loob.
Inabutan niya si Sani ng isang pirasong santan at hinayaang subukan niya itong tuklasin nang mag-isa.
Nang magawa ni Sani, binigyan siya ng libreng ensaymada ni Mang Ishmael at nangakong
“Marami pang magagawa sa mga santan.”
Simula noon, isa na sa naging paboritong parte ng araw ni Sani ay ang pagbili ng pandesal sa
panaderya ni Mang Ishmael.
Walang puno sa eskinita nila Sani. Puro tagilid na mga poste lamang at naglalaylayang mga itim
na kable ng kuryente. Wala ring makukulay na bulaklak sa masikip na paligid, ang mayroon lamang ay
ang drainage canal sa gilid na pinaglalanguyan nila Sani at mga kalaro niya tuwing malakas ang ulan.
Madalas umulan at mawalan ng kuryente sa sityo nila Sani.
Minsan, lumalabas pa si Mang Ishmael ng kaniyang panaderya para tingnan kung ligtas na
makababalik ng tahanan si Sani at siguraduhing hindi mahuhulog sa canal. Habang pauwi, binabati ng
magandang umaga ni Sani ang mga kapit-bahay na nadadaanan. Hindi ito mahirap gawin dahil dikit-dikit
naman ang mga tahanan sa kanilang sityo. Parang ang mga santan na ipinakilala sa kanya ni Mang
Ishmael.
“Magandang umaga po sa inyo!”
Sa lahat ng bati ni Sani, iisa lang lagi ang sagot sa kanya ng mga kapit-bahay: “Ang aga- aga mo
naman magising, Sani!”
1
2 | Big Task: Teksto bilang 2
Tuwang-tuwa sa kanya ang kanilang mga kapit-bahay kaya lagi siyang binibigyan ng mga
pangkulay, damit, pagkain, at siempre, mga laruan. Hindi pa
nag-aaral si Sani dahil ayon sa sinabi ng pinakamalapit na paaralan sa kanyang mama, masyadong bata
pa raw si Sani. Bagay na ikinatampo niya dahil marunong na siya gumuhit, magsulat, at bumasa nang
kaunti.
Isang beses, habang pauwi mula kay Mang Ishmael, binigyan siya ng isang maliit na basket ball
ng kapit-bahay nila para “Matuto ka na maglaro.” pero hindi pa rin ito nalalaro ni minsan ni Sani. Hindi
niya ito hilig. Ang mga pinaglumaang laruan ng Ate Neela niya ang kanyang mga nilalaro kasama ang
ibang mga batang babae sa kanilang eskinita. Paborito niya ang mga lutu-lutuan ng ate Neeya.
Pag-uwi ng bahay, gising na ang pamilya ni Sani. Nakaupo nang pabilog sa kanilang sementong
sahig, sa gitna nila ay isang kawayang bangko na nagsisilbing lamesa rin.
Masaya si Sani tuwing almusal. Nagigitara ang Kuya Neeya niya habang kumakanta ang ate.
Araw-araw, paiba-iba ang kanta. Paborito ni Sani ang Bongga ka, day! at Awit ng Kabataan. Sa tingin ni
Sani, magiging sikat na banda balang araw ang kanyang mga kapatid. Habang nagkakantahan, kalongkalong si Sani ng kanyang nanay na panay baon sa kaniya sa yakap. Ang Tatay Tang naman niya ang
naglalagay ng palaman sa kanilang mga pandesal. Reno ang kanilang paboritong palaman pero
nagkakaroon lang nito sa bahay kapag marami ang suki ni Nanay Koh sa paglalaba at kapag umuuwi sa
Pasko si Tatay Tang mula sa pabrika ng tinapay na pinagtratrabahuhan.
Iisang bintana lamang ang mayroon sa bahay nila Sani. Ito ay nasa gilid ng yerong pintuan, sa
tanging pader na gawa sa semento. Liban sa puting bumbilya na nakalawit sa dingding, dito nangagaling
ang liwanag mula sa labas.
Sabi ng kanyang nanay at tatay, tuwing almusal ay pagkakataon upang maging malapit sa isa’t
isa. Ngunit, madalas, tagapakinig lamang si Sani sa mga kwento at aral ng mga nakatatanda sa bahay.
Kaya ang laki ng ngiti nila sa mukha nang ianunsyo na may ikwekwento siya sa pamilya.
“Sige Sani, kwento ka lang!” Masayang suporta ng kanyang ate.
Abot-tenga ang ngiti ni Sani habang inieksena ang pagsipsip sa santan. “Tapos po, kapag
sisipsipin na, sobrang tamis po! Pero bitin.”
Napatawa ang kanyang pamilya at natuwa sa kasiyahan na bitbit ni Sani. “Buti nga at may mga
halaman kay Mang Ishmael,” simula ng kanyang Nanay Koh. “kahit papaano ay may patak ng kulay sa
ating lugar.”
May bahid ng lungkot ang tono ni nanay kaya napatanong si Sani “Ano po ibig niyong sabihin
nanay?”
Binuhat siya ng kanyang tatay at inupo sa pagitan ng mga hita nito. “Ang gustong sabihin ng
nanay mo Sani, isang magandang bagay ang may halaman sa tahanan. Pero,” tinapik ng kanyang tatay
ang ilong nito “hindi lahat ay may panahon magdilig. Lalo na sa ating lugar kung saan laging umaalis
ang mga tao at bumabangon ng umaga para magtrabaho.”
Upang makasigurado sa sinasabi ng tatay niya, binuksan niya ang kanilang pintuan at dumungaw
sa labas. Totoo nga, walang mga halaman ang bumungad sa kaniya. Ang mga itim na kable lang ang
nakikita ni Sani.
po.”
“Opo nga noh, wala talaga pong halaman sa paligid. Kahit damo, akala ko meron
Simula noon, gumuhit si Sani ng mga imahe ng santan gamit ang kanyang pula at berdeng mga
krayola at idinikit-dikit sa pader ng kanilang bahay. Mas naging makabuluhan rin lalo ang mga umagang
pagbili ni Sani ng pandesal para lang makita muli ang mga santan ni Mang Ishmael.
2
3 | Big Task: Teksto bilang 2
Nang bumisita isang araw, napansin ni Sani na sampu na lang ang mga paso ng santan ni Mang
Ishmael.
“Nasaan po yung isa, Mang Ishmael? ‘Di ba po labing-isa ang mga santan niyo?” tanong ni Sani.
Ngumiti si Mang Ishmael, yumuko at naglaho sa likod ng kanyang istante ng mga tinapay, at
nang tumayo ay may bitbit siyang isang paper bag. Lumapit siya upang iabot ito kay Sani.
“Ano po ito?” Pagtataka ni Sani. Hindi naman ito mainit kaya hindi ito pandesal, hindi rin maliit
kaya hindi siguro laruan.
“Sige, buksan mo.” Maamong turo ni Mang Ishmael sa paperbag.
Nanlaki agad ang mga mata ni Sani nang masulyapan agad ang pula at berde sa loob. “Santan!”
“Nakwento kasi sa akin ng papa at mama mo na gumuguhit ka raw ng mga santan at idinidikit
sa pader. Ito oh, para may tunay kang santan sa loob ng bahay.” Yumuko si Mang Ishmael, kumikinang
ang matatandang mata, at sinabi kay Sani “Pag-uwi mo, at pag-uwi ng iyong ate’t kuya, sabihin mo
tulungan ka nilang gumawa ng mga alahas-santan.” kindat ni Mang Ishmael. “Alam na nila kung ano ang
mga ito.” “Alahas- santan po?” Pagklaklaro ni Sani.
“Oo, lahat ng bata sa bayan natin ay dapat maranasan iyon. Balitaan mo ako bukas kung ano
tingin mo sa mga ito ah?”
“O sige po!” Pangako ni Sani.
Pag-uwi sa kanilang bahay, agad na pinagpatong-patong ni Sani ang mga libro ng ate’t kuya
upang maabot ang lababo’t madiligan ang bagong alagang santan. Matapos nito, inusog niya ang mga
gamit sa tapat ng nag-iisa nilang bintana at dito inilagay ang santan upang maarawan. Dumapa siya at
pinagmasdan ito habang hinihintay ang kanyang ate’t kuya.
Nakalagay sa isang dilaw na paso ang santan. Hanggang tiyan ni Sani ang taas nito, berdengberde ang mga bilo-habang dahon at may dalawang grupo ng santan sa taas at baba.
Nang umuwi ang kanyang kuya’t ate, agad silang inimbitahan ni Sani na gumawa ng mga alahassantan tulad ng banggit ni Mang Ishmael.
“Ano po ba ‘yun?” pagtataka ni Sani.
“Halika, upo ka sa tabi namin.” anyaya ng kanyang Kuya Neeyah. “Pwede ba nating pitasin itong
isang grupo ng mga santan?” paalam niya.
Tumango si Sani. Dahan-dahang pinitas ng kanyang kuya ang mga santan sa itaas ng halaman.
Pinagmasdan ni Sani kung paano tanggalin ng kanyang kuya at ate ang mga sinulid nito sa loob (at
pinapasipsip sa kanya ang mga katas nito).
“Tingnan mo to, Sani.” Itinaas ng kanyang Ate Neelah ang dalawang santan.
Inilapit niya ang dulo ng isang santan at ikinabit ito sa tuktok ng kabilang santan. Inipit ni Ate
Neelah ang magkadikit na santan sa kanyang hinlalaki at hintuturo at sabay sabing “Oh, ayan. Dikit na
sila. Tapos, uulit-ulitin mo lang to hanggang mahaba na siya para maging kwintas o anklet o bracelet.”
Para tulungan din si Sani magbilang, kinuha ng kanyang Kuya Neeya ang gitara at may binuong
kanta ang kanyang nakakatandang mga kapatid:
“Tatlong santan, kaya gumawa ng santan-singsing. Limang santan, kaya gumawa ng santanbracelet. Anim na santan, kaya gumawa ng santan-angklet. At sampung santan, kaya gumawa ng santankwintas. Singsing kay kuya, bracelet kay ate, anklet kay tatay, at kwintas kay nanay! Ito ang masayang
pamilyang santan.”
3
4 | Big Task: Teksto bilang 2
Aliw na aliw si Sani sa paggawa ng mga alahas-santan kaya nagpaalam siya sa kanyang ate at
kuya upang ibalita kay Mang Ishmael ang natuklasan. Ngunit nang dumating sa tapat ng bahay nila Mang
Ishmael, sarado ang panaderya. Ngayon lang itong nakita ni Sani na sarado.
Baka nagpapahinga nang maaga si Manong, sabi ni Sani sa kaniyang sarili. Habang pauwi, may
isang kapit-bahay silang tinawag si Sani. “Magandang hapon po, Aling Narsi.”
“Sani, napapansin ko lagi kang may hawak na mga bulaklak. Pangbabae lang yan, babae ka ba?”
“Po?” Hindi maintindihan ni Sani ang binabanggit ng kapit-bahay pero hindi niya nagustuhan ang
nararamdamang damdamin sa loob. Kaya nagmadali siyang umuwi.
Nang makarating sa bahay, nandoon na ang kanyang nanay at tatay. Napansin nila ang
malungkot na ekspresyon sa mukha ni Sani. Ipinaliwanag ni Sani ang sinabi sa kaniya ng kanilang kapitbahay.
“Ang kwento ng buhay ay parang santan,” simula ng kanilang Tatay na mahilig magbigay ng mga
aral sa pamilya. Umupo siya sa tabi ni Sani “pinagtatagpi-tagpi at sa loob nito’y may matamis na regalo.”
“Ang mga tao ay parang santan din,” dagdag ng kanyang nanay. “Maypula, may kulay rosas,
dilaw, at puti. Iba-iba.”
Nanlaki ang mga mata at ngiti ni Sani “May iba’t ibang kulay po ang mga santan?”
“Oo, Sani. Pero iba-iba man ang kulay, lahat ay dapat inaalagaan at minamahal.
Para maging masigla sila.”
“‘Di bale,” sabi ng kanyang nanay “lahat kami rito. Ako, ang tatay, ate, at kuya mo.
Maghahanap kami ng ibang kulay ng mga santan para sa bahay. Para sa iyo.”
Niyakap si Sani ng kanyang pamilya.
Sobrang saya ni Sani nang umuwi isang araw ang kanilang nanay na may dala- dalang paso ng
santan mula trabaho. Puting santan ang laman nito. “Bigay ng customer na nagpalaba kanina.”
Ang tatay niya naman, umuwi nang may dala-dalang isang malawak at asul na batya
“Dito natin itatanim ang mga santan na mahahanap.” Banggit ng kanyang tatay.
Mabilis lamang napuno ang batya na ito ng kanyang pamilya. Sa loob ng dalawang buwan,
nakumpleto ni Sani ang kulay ng mga santan na binanggit ng kanyang ina.
Napuno ng santan ang bahay nila Sani at gustuhin man niyang ikwento at bigyan si Mang Ishmael
ng iba’t ibang kulay ng mga santan, hindi na muling nagbukas ang panaderya ni Mang Ishmael.
Tinanong niya nang tinanong ang kanyang ate at kuya, nanay at tatay kung ano ang nangyari
kay Mang Ishmael.
“Nagbakasyon po ba siya?”
“Nagpahinga po ba siya?”
Ngunit ang laging tugon sa kaniya ng pamilya ay “Hindi namin alam.” Hanggang isang araw,
umuwi ang kanyang nanay at tatay nang kasama si Mang
Ishmael.
“Sani, may bisita ka!” malugod na anunsyo ni Nanay Koh. Nakahawak sa mga braso ng kanyang
nanay at tatay si Mang Ishmael.
“Mang Ishmael!” Palakpak ni Sani sa kagalakan. “Upo po kayo, malinis po ang sahig.” imbita ni
Sani.
4
5 | Big Task: Teksto bilang 2
Kumuha si Sani ng tig-isang santan na iba-iba ang kulay at inabot ito kay Mang Ishmael. “Tingnan
niyo po, nakahanap po kami ng iba’t ibang kulay ng santan! Ito po, sa inyo po
ito.”
Nagpasalamat si Mang Ishmael at tinapik sa ulo si Sani.
“Sani,” simula ng kanyang tatay. “May sasabihin si Mang Ishmael.”
Hindi maintindihan ni Sani kung bakit nakatingin sa baba ang mga matatanda. Tumitingin lang
siya sa baba kapag malungkot siya.
sakit.”
“Sani, lilipat na ako ng bahay. Doon sa pamangkin ko.” “Po? Bakit po?” gulat na tanong ni Sani.
“Kasi, tumatanda na si Mang Ishmael,” tawa ni Mang Ishmael “at kailangan niya magpagaling sa
“May-may sakit po kayo?” Doon lang napansin ni Sani na mas payat ang matanda at mas lubog
ang mga mata.
“Shh. Sikreto lang natin.” Biro ni Mang Ishmael. “Pero Sani, kaya ako bumisita dahil gusto ko
sanang sabihin na, sa’yo ko iiwan ang mga santan ko.”
“Po? Hindi na po tayo magkikita?”
“Hindi totoo yan, Sani. Ang mga tao pag magkaibigan na, parang mga santan.” Turo ni Mang
Ishmael sa batsa ng mga santan sa kanilang gilid. “Makakita ka man ng nag-iisang santan kung saan
man, alam mo na hindi ito mag-isa. Na nagmula ito sa isang grupo, isang samahan, o isang tahanan.”
nanay.
Tiningnan lamang ni Sani si Mang Ishmael, hindi alam kung ano ang sasabihin pabalik.
“Pero bibisita po ba kayo?”
“Anak, baka matagal na muna bago mo makita si Mang Ishmael.” banggit ng kanyang
“Sani, kung saan may santan. Nandoon lang ako. Nandoon ang ating mga kaibigan.” Pangako ni
Mang Ishmael. “Hindi makakapagtago ang santan. Ang santan ay laging mabuti, totoo, at puno ng
mahika.”
Yun na ang huling pagkikita nila Sani at Mang Ishmael.
Si Sani ang unang gumising sa pamilya kinabukasan. Nang bumangon mula sa banig sinaa nanay,
tatay, kuya, at ate, nagulat sila na bukas ang kanilang pintuan, may mga alahas- santan sa sahig, at
kulang-kulang na ang tanim na santan sa batsa.
Nang lumabas, nakita nila si Sani na nag-aabot ng mga alahas-santan sa mga dikit-dikit nilang
kapit-bahay. Binibigyan din sila ni Sani ng mismong tanim na santan.
“Itanim niyo po ‘yan sa tapat niyo ah” dinig nila na sabi ni Sani. Tuwang-tuwa ang mga tao sa
paligid.
Habang nag-aabot ng mga bulaklak, nakasuot ng koronang santan na iba-iba ang kulay si Sani.
Nakangiti at maaliwalas. Napansin din ng kanyang pamilya na binigay niya sa ibang kapit- bahay ang
mga santang iniwan ni Mang Ishmael.
Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng kulay at bulaklak ang kanilang lugar. At sa gitna nito ay si
Sani, laging mabuti, totoo, at puno ng mahika.
5
Download