Pagbebenta ng Natatanging Produkto Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Unang Markahan, Ikatlong Linggo Unang Araw Learning Competency Nakapagbebenta ng natatanging paninda EPP5IE-0b-5 Panuto: Isulat kung ano ang natatanging produkto na kailangan ng mga sumusunod na tao para sa kanilang negosyo. 1. Nagtitinda ng peanut butter sandwich — ________________ 2. Nagkakalamay o nagluluto ng kakanin — ________________ 3. Nagtitinda ng buko juice — ________________ 4. Gumagawa ng bagoong — ________________ 5. Nagtitinda ng banana cue — ________________ 6. Nagtitinda ng balut — ________________ 7. Nagbebenta ng camote cue — ________________ 8. Naglalako ng dried fish — ________________ 9. Nananahi ng damit —________________ 10.Nagtitinda ng strawberry jam — ________________ Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging produkto o paninda. Nangangarap ka bang magkaroon ng sarili mong negosyo balang-araw? Anong negosyo ito? Bakit ito ang nais mo? Basahin o isagawa ang dula-dulaan sa ibaba. Mga Tauhan: Tagapagsalaysay Renato at Luis (ang magkumpare) Tesang (anak ni Renato) Tagapagsalaysay: Si Luis ay nagpaplano na magtayo ng maliit na tindahan ng mga kakanin. Kaya’t naisipan niyang puntahan ang kanyang kumpareng si Renato, na isang kilala sa laranga n ng pagnenegosyo. Si Renato ay may mga tindahan ng lutong ulam at kakanin Ang mga ito ay itinitinda sa iba’t-ibang lugar na may tindahan ng mga pasalubong. Kaya ito ang naisipan niyang tanungin tungkol sa pagtatayo ng ganitong negosyo. Pagtitinda rin kasi ng kakanin ang napili niyang itinda dahil ang kanyang asawa ay may kaalaman sa pagluluto ng iba’t-ibang kakanin. Tagapagsalaysay: (Sa bahay ni Renato.) Renato: Kumusta ka na pare? Bakit napadalaw ka? Luis: May sadya sana ako sa iyo, napanood kita noong isang araw sa tv interview. Sikat na sikat ka na pati na ang iyong mga panindang ulam at pasalubong na kakanin. Ang laki na rin ng naitulong mo sa ating bansa. Marami pa ring mga negosyante ang gustong umangkat ng iyong mga produkto para ibenta sa iba’t ibang lugar. Kung lahat sila ay masusuplayan mo marami pang manggagawa ang mabibigyan ng bagong trabaho. Malaking pera ang maipapasok nito sa ating bansa dahil sa buwis na kanilang babayaran. Renato: Sana nga pare matuloy. Baka next month magsimula na akong maghanap pa ng makakatulong ko sa paggawa ng mga kakanin. Kailangang maipromote ko pa rin ang aking produkto sa iba’t-ibang media tulad ng dyaryo, radyo, telebisyon at sa pinakamabilis na paraan ng pagbebenta, ang internet. Luis: Naku tamang tama pala ang pagpunta ko sa iyo hindi ka pa gaanong busy. Pwede mo ba kong tulungan pare? Gusto ko rin kasing magtayo ng tindahan ng mga kakanin. Marunong ding magluto ang kumare mo ng mga ito. At isa pa, kailangan ko ng dagdag na kita para sa aking pamilya. Siyempre gusto ko ring maging katulad mo someday, makatulong sa mga tao at sa ating bansa at siyempre maging isang matagumpay na negosyante. (tatawa nang malakas) Renato: (tatawa rin nang malakas) Kaya mo yan pare. Sige tutulungan kita. Buti naman pala marunong siya, kasi, iyon ay isa sa mga kailangan mo sa pagtatayo ng tindahan ng mga kakanin. Bukod sa may puhunan ka, kailangan ding marunong kang gumawa o magluto para makatipid sa pagbabayad sa magluluto. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa itatayong negosyo ay kinakailangan. Tagapagsalaysay: (Tumayo si Renato) Renato: Teka lang pare, hintayin mo ko at may kukunin lang ako sa kuwarto. Tagapagsalaysay: (Pumasok si Renato sa kuwarto at may kinuha. Paglabas nito ay may dala-dala siyang mga papel at isa-isa niya itong ipinakita kay Luis.) Renato: Pare (ipinakita ang mga papel) ito ang unang dapat mong lakarin sa pagtatayo ng negosyo: Department of Trade and Industry License, Barangay Business Permit at Mayor’s Permit. Kapag wala ka ng mga permit na iyan, hindi ka pwedeng magtayo ng anumang negosyo. Luis: Bukod sa mga lalakaring permit, paano ba ang dapat kong gawin sa pagtitinda ng kakanin upang ako ay kumita at hindi malugi? Renato: Kung desidido ka na talagang magtinda ng mga kakanin, dapat talagang alam mo kung paano ba ito ibebenta. Huwag kang mag-alala pare matutulungan talaga kita sa paraang iyan. Bukas pumunta ka ulit sa akin at ipapalista ko lahat sa inaanak mong si Tesang ang mga dapat mong gawin. Tagapagsalaysay: Kinabukasan muling pumunta si Luis sa bahay ng kumpareng si Renato. Luis: Magandang hapon pare. Pasensiya ka na, naabala ulit kita. Renato: Walang anuman yun pare. Teka lang sandali at tatawagin ko ang inaanak mong si Tesang. Tagapagsalaysay: (Tinawag si Tesang.) Tesang: Mano po Ninong. (lumapit at nagmano sa ninong Luis niya). Heto po ninong, inilista ko na pong lahat ang inyong dapat malaman at dapat na gawin. (sabay abot ng papel) Luis: Naku, maraming salamat inaanak. Napakalaking tulong nito sa aming pamilya sa pagsisimula ng aming negosyo. Sisikapin namin na magtagumpay kami sa aming papasuking negosyo. Tesang: Walang anuman po, ninong. Sigurado po papatok ang sisimulan ninyong negosyo. Luis: O paano pare, magpapaalam na ako sa iyo. Balitaan kita kapag ayos na ang lahat ng lalakarin ko. Sa bahay ko na lamang pag-aaralan ang nakasulat sa papel na ito. Maraming salamat pare. Renato: Walang anuman, hangad ko rin ang iyong tagumpay. Tagapagsalaysay: Pagdating sa bahay ay agad niyang binasa ang nakasulat sa papel na iniabot sa kanya ng kanyang inaanak na si Tesang. Tagapagsalaysay : Narito ang nilalaman ng sulat. Ilang mungkahi para sa magsisimulang magnegosyo: 1.Pumili ng isang produkto na nais gawin at ibenta. 2. Magmasid sa mga pamilihan ng mga kaparehong produkto upang makakuha ng dagdag na kaalaman hinggil sa presyo, materyales, sangkap, kulay at iba pa. Kung kakayanin, maaaring bumili ng paisa-isang piraso ng mga kahawig na produkto para magsilbing mga halimbawa sa paggawa ng isang bagong produkto. 3. Maaaring humingi ng mga opinyon sa mga kakilala at mamimili ukol sa pagbuo ng isang disenyo tulad ng hugis, laki, sangkap, materyales at kulay. Maaring hawig sa mga halimbawa, na may pinalitan lamang na ilang bahagi. 4. Gumawa ng prototype o halimbawa ng naisip na bagong produkto. Subuking gamitin nang malaman kung gumagana at matibay ito. Maaaring ipagamit din ito sa ibang tao para bigyan ng ebalwasyon, komento at suhestiyon. 5. Kung may negatibong puna, maaaring baguhin ito at pagbutihin pa sa susunod na prototype hanggang sa matamo ang tamang produkto na maaaring ialok sa mga mamimili. 6. Kung nagnanais na mamuhunan at magbenta nang maramihan, maaaring magpatulong sa Department of Trade and Industry (DTI) upang makakuha ng mga ideya sa pagdidisenyo at pagbuo ng mga produkto (product development). Kung ikaw ay desidido na talaga sa napili mong negosyo — ito na ang susunod mong gagawin at tatandaan sa pagbebenta ng mga paninda: a. Kumuha ng Certificate of Business Name Registration mula sa Department of Trade and Industry (DTI)/Kumuha ng Barangay Business Permit o Municipal Clearance/Kumuha ng Business Permit mula sa mayor’s Office/Health Permit (kung may kinalaman sa pagkain ang nais na itayong negosyo)/ Kumuha rin ng Business Tax Identification Number (TIN) para naman sa pagbabayad ng buwis. b. Kailangang may sapat na puhunan. c. Ang lugar na pagtatayuan ng tindahan ay kailangang maraming tao. d. Pag-aralan ang pangangailangan at hilig ng mga kostumer o mamimili. e. Kailangang panatilihing malinis at maayos ang tindahan at paninda. f. Mag-isip kung paano maiingganya ang mga mamimili, maaaring: 1. Sa pagbibigay ng dagdag na serbisyo o produkto na hindi ibinibigay ng iba tulad ng pagbibigay ng buy one take one (free) o promo 2. Sa pagbibigay ng diskuwento (discount) sa mga kostumer 3. Pagpopromote ng produkto sa iba’tibang media tulad ng dyaryo, radyo, telebisyon at internet 4. Pagpapaganda ng packaging 5. Paggamit ng USP (Unique Selling Proposition) o natatanging panukala sa pagbebenta g. Kailangang alam kung paano ito ibebenta (per piraso/per dosena/ per bilao/ per kilo at iba pa) h. Maging malikhain sa pagpapakilala ng mga produkto. i. Isipin ang serbisyo na dulot nito at siguraduhing makikinabang ang lahat ng mamimili. Luis: Hay, salamat malaking tulong itong ginawa ni pareng Renato sa akin. Kailangang maunawaan at matandaan ko ang lahat ng mga itinuro niyang pamamaraan sa pagbebenta ng produkto o paninda. Kapag nasunod ko ang lahat ng mga ito, siguradong magkakaroon ako ng kita at hindi malulugi ang aking itatayong negosyo. Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa dula-dulaan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Sino ang magkumpare? 2. Ano-ano ang mga dapat ihanda ni Luis bago magtayo ng negosyo? 3. Paano tinulungan ni Renato si Luis sa itatayo niyang negosyo? 4. Bakit kailangang bigyang pansin ni Luis ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng mga paninda? 5. Ano-ano ang mga dapat bigyang pansin ni Luis sa pagtatatag ng kanyang negosyo? Tingnan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga paraan sa pagbebenta ng mga sumusunod na produkto. 1. Ano ang natatanging panindang nasa larawan? 2. Paano ito ibinebenta? 3. Sa tingin mo ba, nakasusunod sa mga paalala ang mga taong nagbebenta nito? Bakit mo nasabi? Basahin ang mga paalala upang makasigurado na maibebenta ang mga natatanging paninda. Magtala ng 5 natatanging produkto at isulat ang paraan kung paano ito ibebenta. Gamitin ang iyong sagutang papel. Isulat ang Wasto kung ito ay tamang paraan ng pagbebenta ng natatanging paninda at isulat ang Mali kung hindi. Gamitin ang iyong sagutang papel. ______1. Pinapanatiling malinis at maayos ang tindahan at mga paninda. ______2. Ipinagbibili ng per kilo ang bigas at isda ______3. Inilalagay ang mga tindang ulam sa loob ng cabinet na may screen. ______4. Ibinebenta sa mataas na halaga ang prutas na may mababang uri. ______5. Sumusunod sa pamantayang pangkalusugan ang mga namamahala ng mga panindang may kinalaman sa pagkain. ______6. Maging malikhain sa presentasyon ng mga produkto. ______7. Ang isang negosyante ay dapat maging matalino sa paggamit ng iba’t-ibang paraan upang makilala at maibenta ang kanyang produkto. ______8. Ang paggawa ng logo ng isang produkto ay hindi na kinakailangan. ______9. Ang pagbebenta ng mga natatanging paninda ay ibinebenta lamang ng palako o sa pwesto. ______10. Kinakailangang magkakauri ang mga paninda sa pag-aayos nito sa mga lalagyan. Sa pamamagitan ng isang graphic organizer, ipakita kung paano mo mapapaganda ang isang paninda upang mas tangkilikin ito ng mga mamimili. Gawing gabay ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Nagbebenta ka ng mga ballpen na may kasamang flashlight at pito sa iyong mga kamagaral. Marami sa kanila ang bumibili dahil kakaiba ang iyong itinitinda. Kinabukasan, ang isa sa iyong kamg-aral ay nagbebenta na rin ng ganitong produkto. Ano ang gagawin mo? Tandaan Mahalagang maunawaan at matandaan ang mga _____________ sa pagbebenta ng natatanging produkto o __________ upang matiyak na magiging patok ito sa mga konsyumer o ___________. Makasisiguro rin na magkakaroon ng ________ at hindi malulugi ang ____________. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Isang paraan kung saan kailangan ang kaunting patikim upang magustuhan ng kostumer ang produkto at ipagkalat ito sa iba. a. Pagbibigay ng promo b. Pagbibigay ng free taste c. Paggamit ng internet/social media d. Pangangalap ng pondo para sa negosyo 2. Ginagawa ito upang maging kaaya-ayang tingnan ang produktong nakadisplay para sa mga mamimili. a. Pagbibigay ng promo b. Pangangalap ng pondo c. Pagpapaganda ng packaging d. Paggamit ng USP (Unique Selling Proposition) 3. Upang mapadali ang pagbebenta, kailangang magpokus kung ano ang interes at gusto ng mga posibleng kostumer sa pamamagitan ng: a. Pagbibigay ng promo b. Pag-aaral sa target market c. Pagpapaganda ng packaging d. Paggamit ng internet /social media 4. Upang maging accessible ang negosyo, gumagawa ang iba ng website, Facebook page, Twitter at Instagram upang maipakita ang kanilang produkto at serbisyo. a. Pangangalap ng pondo b. Pagpapaganda ng packaging c. Paggamit ng internet /social media d. Paggamit ng USP (Unique Selling Proposition) 5. Paraan kung saan namimigay ng souvenir items kapag marami ang inorder na produkto. a. Pagbibigay ng promo b. Pangangalap ng pondo c. Pagpapaganda ng packaging d. Paggamit ng internet /social media 6. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga negosyo o tindahan ng mga produktong natatangi maliban sa isa. Alin ito? a. sari-sari store b. tindahan ng mga bag c. tindahan ng mga sapatos d. tindahan ng mga chocolate 7. Maraming paraan upang maipakilala ang isang produkto. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabilis na paraan? a. ilako b. internet c. pagbabando d. ibenta sa mga kakilala 8. Ang sumusunod ay mga social networking site na mabilis na paraan upang makilala at mabenta ang mga produkto maliban sa isa. Alin ito? a. Facebook b. Instagram c. Twitter d. Waze 9. Sa pagbebenta ng mga produkto ito ay kinakailangang — a. ginaya sa iba b. mataas ang uri c. madaling masira d. mababa ang kalidad 10. Paano ibebenta ang mga sumusunod na produkto: bawang, sibuyas, carrot at patatas? a. kinikilo b. nakabote c. nakalata d. per dosena Panuto: Bilang isang entrepreneur, anong paninda ang naiisip mong ibenta sa mga tao o sa iyong kostumer? Iguhit mo ito sa isang malinis na papel at kulayan. Sa ilalim nito, sumulat ng isang talata na binubuo ng 5-10 pangungusap. Iyong ilalahad ang mga dapat isaalang-alang sa pagbebenta ng mga produkto. Ikalawang Araw Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang mga negosyo na maaaring pagkakitaan at ang mga taong nagangailangan ng ankop na produkto at serbisyo. Ang mga ito ay maaaring gawin sa tahanan at pamayanan sa pamamagitan ng pagtitinda. May alam ka bang mga produktong maaari mong ibenta? Ano-ano ang mga ito? Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging produkto o paninda. Sa pagpapatuloy ng aralin, basahin at unawain ang bawat linya ng tula. Tindahan ni Inay Sa aming pamayanan Ay may tingiang tindahan, May sariwang isda Mga gulay na masustansiya Prutas na makulay Dagdagan pa ng serbisyong mahusay Tindahan ng aking inay Sari-saring paninda ang taglay. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa kwaderno. 1. Ano-ano ang mga nabanggit na tinda ng kanyang inay? 2. Ano ang tawag sa tindahang ito? 3. Bakit kaya ito ang itinitinda ng kanyang inay? 4. Paano ang pagtitinda ng kanyang inay? 5. Marami kaya ang bumili sa tindahan ng kanyang inay? Paano mo nasabi? Ang Pagbebenta ng mga Natatanging Paninda Sa pagsisimula ng isang negosyo kailangang isaalang-alang ang pagiging masinop at malikhain. Ito ay makatutulong para mapalago at mapangalagaan ng mabuti ang napiling negosyo. Narito ang ilang mungkahi na dapat tandaan. 1. Piliin at suriin ng mabuti ang produktong nais ibenta. 2. Maging mapanuri sa mga produktong makikita sa mga tindahan at kilatisin ng mabuti ang presyo, klase ng materyales, sangkap na ginamit, kulay at iba pa. Kung matibay at dekalidad ang produkto, bumili ng magkakahawig na maaaring magsilbing gabay sa pagbuo ng panibagong produkto. 3. Para lalong mapaganda at masiguro ang kalidad ng disenyo ng isang produkto maaaring magtanong at humingi ng mga suhestiyon mula sa mga kakilala at mamimili. 4. Lumikha ng kaparehong produkto at subukan ang tibay nito sa pamamagitan ng paggamit araw-araw. Maaaring ipagamit din ito sa ibang tao para sa mga karagdagang komento kung paano mas papagandahin ang produkto. 5. Tanggapin ang mga negatibong komento kung mayroon man para baguhin at pagandahin ang kaparehong produkto upang makamit ang kalidad nito na maaaring tangkilikin ng mga mamimili. 6. Kung nais makapagbenta ng maramihan at makakuha ng paunang puhunan, maaaring dumulog sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga karagdagang konsepto sa pagdidisenyo at pagbuo ng mga produkto (product development). Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at lagyan ng tsek [✓ ] ang bawat bilang kung sang-ayon at (✕ ) naman kung hindi. 1. Ang paghingi ng opinyon sa mga kakilala at mamimili upang malaman kung ang iyong produktong ninanais ay maaari mong gawin bilang isang entreprenuer. 2. Kung may mga negatibong puna sa iyong produkto ay hayaan nalang at ituloy ang pabebenta nito. 3. Ang pagpili ng produktong ibebenta na patok sa masa at madaling gawin upang maging matiwasay at maayos ang pagtitinda. 4. Sa pamumuhunan at pagbebenta ay dapat lumapit sa Depatment of Education. 5. Mas mabuting gumawa ng prototype o halimbawa ng ibebenta mong produkto. “I CAN BE ENTREPINOY” Kung ikaw ay magiging isang entrepreneur balang araw, ano-ano kaya ang mga dapat mong gawin at isaalang-alang sa pagbebenta ng mga natatanging produkto na magiging patok sa masa? Paano mo ito palalaguin? Magbigay ng mga magagandang katangian na aakma sa katagang “ I CAN BE AN ENTREPINOY” . Ang inyong tindahan ng mga gulay ay hindi na kumikita dahil sa may nagtayo rin ng bagong gulayan sa may tapat ng inyong bahay. Ano ang maimumungkahi mo sa iyong nanay? Piliin sa loob ng kahon ang salitang tutugon sa patlang sa bawat pangungusap. 1. Ang isang ay kailangang maging masinop at malikhain. 2. Pumili ng isang na nais gawin o ibenta. 3. Magmasid sa mga pamilihan ng mga kaparehong produkto upang makakuha ng dagdag na kaalaman o hinggil sa presyo, materyal na ginamit, sangkap, kulay at iba pa. 4. Gumawa ng o halimbawa ng naisip ng bagong produkto. Subuking gamitin nang malaman kung gumagana at matibay ito. Maaaring ipagamit din ito sa ibang tao para mabigyan ng ebalwasyon, komento, at suhestiyon. 5. Kung nagnanais na mamuhunan at magbenta nang maramihan, maaring magpatulong sa upang makakuha ng mga ideya sa pagdedesisyon at pagbuo ng mga produkto (Product development). Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Ilagay sa loob ng kahon ang tsek (✓ ) kung sang-ayon, (X) naman kung hindi. Ikatlong Araw Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at Mali kung di-wasto ang ipinahahayag ng pangungusap. Salungguhitan ang salitang nagpahayag ng mali at isulat sa patlang ang tamang salita. __________1.Maging maingat sa pagpili ng mga produktong ibebenta. __________2.Isaayos ang mga paninda sa tamang lugar na nakikita ng mga mamimili. __________3.Itinda lamang ang mga produktong mamahalin at imported. __________4.Ang isang entrepreneur ay kailangang maging masinop at malikhain. __________5.Gayahin kung ano ang mga produktong itinitinda sa kalapit na tindahan. Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging produkto o paninda. Bilang isang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong pantahanan o pampamayanan, kailangan mong matutuhan ang mga paraan at paalala kung paano maibebenta ang mga natatanging paninda. Makatutulong ito upang matiyak na ang produkto ay magiging patok sa mga mamimili at makapagbibigay sa iyo ng tiyak na kita. Mga wastong Pamamahala at Pag-iingat sa mga Natatanging Paninda Ang isang entrepreneur ay kailangang maging masinop at malikhain. Ano kaya ang mga maaring gawin upang maging maganda at maayos ang mga produktong paninda? Pamamahala sa mga Produkto Pangasiwaan nang wasto at maayos ang mga paninda. Ang maayos na pangangasiwa ay ang susi upang lumago ang isang negosyo. Kailangang may alam sa kalakaran sa pagbebenta ang taong nangangasiwa upang hindi ito malugi. Palagiang alamin ang kasalukuyang presyo sa pamilihan upang maiwasan ang pagkalugi. Paibaiba ang presyo ng bawat produkto. Ito ay batay sa dami ng supply ng bawat produkto. Ang Department of Trade and Industry (DTI ) ang nagpapatupad ng mga itinakdang presyo ng mga bilihin. Panatilihin ang magandang kalidad ng mga produkto. Upang mahikayat ang mga mamimili kailangan ang magandang kalidad. Kailangan ang kanilang bayad sa produktong kanilang bibilihin. Pumili ng produktong naiiba at patok sa mga mamimili.Mahalagang maibenta ang mga produkto sa takdang oras. Magiging patok ang mga produkto kung hindi mo gagayahin ang mga paninda ng iyong katabing tindahan. Pag-iingat sa mga Ipinagbibiling Produkto 1. Gawing malinis ang mga produktong ibebenta. 2. Gumagamit ng malinis na kagamitan at kasangkapan sa pagbebenta ng produkto. 3. Sumusunod sa pamantayang pangkalusugan sa pagbebenta ng produkto. 4. Siguraduhing nasuri ng inspector ang mga produktong ibebenta. 5. Suriin ang expiration date ng mga produkto. Panuto :Lagyan ng tsek (✓) ang pangungusap na nagpapahayag ng wastong pamamahala at pag-iingat sa mga natatanging paninda at ekis (X) naman kung mali. _____1. Paggamit ng angkop na kagamitan at kasangkapan sa produktong ibebenta. _____2. Pagsasaayos ng mga paninda o produkto sa isang lugar. _____3. Pumili ng produktong may mas mataas ang presyo. _____4. Maaaring ibenta ang expired na produkto. _____5. Mahalaga ang kalinisan sa paghahanda at pagtitinda ng mga produkto. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat pangungusap. 1. Anong uri ng paninda ang maaaring piliin ng mga mamimili? A.masarap at gusto B. mahal ang presyo C.maliliit at kaunti D. marami pero di masarap 2. Sino ang tagasuri upang matiyak ang kalinisan at pangkalusugan sa mga produktong ibebenta? A .mamimili B. pulis C. inspector D. tindera 3.Ano ang magpapatunay na ang produkto ay hindi na maaaring ibenta? A. manufactured B. B.distribution date C. expiration date D. date purchased 4. Anong katangian ang Hindi dapat isaalang sa pagpili ng mga produktong ibebenta? A. may kalidad B. malinis at maayos C. mataas ang presyo D. patok sa mamimili 5. Ito ang itinatakda ng isang negosyante sa produktong nais ibenta sa Pamilihan. Ano ito? A. bilang B. dami C. kulay D. presyo Kung ang iyong kapatid ay nagpaplanong magtayo ng negosyo ano ang maipapayo mo sa kanya na dapat niyang unahing gawin? Ang isang entrepreneur ay kailangang maging masinop at malikhain. May mga wastong pamamahala at pag-iingat sa mga natatanging paninda. Anu-ano ang wastong pamamahala sa mga natatanging paninda? Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. 1 Paano tatangkilikin ng iyong mga suki an mga ibenebenta mong paninda? A. Gayahin ang paninda ng iba. B. Siguraduhing maganda ang kalidad C.Ibigay ang pinakamababang presyo kahit malugi. D.Ipasara ang ibang tindahan malapit sa iyo. 2.Ano ang tawag sa petsa na nakatatak sa pakete o pinaglalagyan ng produkto na nakatutulong kung hanggang kailan ito maaaring kainin o magamit? A.Kaarawan B.Araw ng Paggawa C.Expiration date D.Pagtatapos 3.Sinong tao ang maaaring bumisita sa lugar na iyong pinagtitindahan upang masiguro ang kalidad at tamang presyo ng mga produktong ibenebenta? A.nars B.guro C. inspector D. mga mamimili 4. Ano ang dapat gawin upang hindi malugi sa pagbebenta ng produkto? A.Alamin palagi ang presyo sa pamilihan. B.Doblehin ang presyo ng produkto. C.Bawasan ang dami ng ibinibigay sa mga mamimili. D.Ipamigay sa mga tao ang mga produkto upang maubos ang mga ito. 5. Nais ni Aling Gloria na magtayo ng isang sarisari store. Saang lugar maaaring niyang itayo ito? A. sa lugar na may maraming tao B. sa lugar na kakaunti ang tao C. sa liblib na lugar D.sa lugar na di nararating ng mga tao Ikaapat na Araw Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at Mali kung di-wasto ang ipinahahayag ng pangungusap. Salungguhitan ang salitang nagpahayag ng mali at isulat sa patlang ang tamang salita. __________ 1. Ang pag-online selling ay ginagamitan ng internet. __________ 2. Hindi maaaring magtinda kung walang puwesto o lugar na pagbebentahan. __________ 3. Mababa ang halaga sa paraang pakyawang pamimili. __________ 4. Ang paglalako ay ang pag- iikot ng mga paninda sa iba’t ibang lugar. __________ 5. Ang pag-aangkat o consignment ay pagpapautang ng mga paninda ng mga supplier at babalikan ang bayad sa takdang oras. Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging produkto o paninda. Lagyan ng tsek(✓ ) ang mga nagpapahayag ng wastong pamamahala at pag-iingat sa mga natatanging paninda at ekis (X) kung mali. _____1. Paggamit ng mga kagamitang malinis at angkop sa paninda. _____2. Pagsasaayos ng mga paninda o produkto sa isang lugar na hindi nakikita ng mga mamimili. _____3. Pagpili ng produktong mataas ang kalidad ngunit abot kaya ang presyo. _____4. Pagtanggal ng mga expired na paninda sa inyong tindahan. _____5. Pagpapahalaga ng kalinisan sa paghahanda at pagtitinda ng mga produkto. Bago tayo mag-umpisa sa ating aralin, gusto kong malaman kung kayo ay nakaranas nang magbenta ng mga produkto? Kung nagsisimula o nag-iisip ka pa lang kung ano ang maaaring pagkakitaan at ang paraan kung paano maibebenta ang mga natatanging paninda. Mga Paraan ng Pagbebenta ng Natatanging Paninda 1. Pakyawan o Wholesale - Maramihan ang pagbebenta ng pakyawan. Mas mababang halaga ang presyo kapag maramihan ang pinag uusapan sa bentahan. Halimbawa: isang bilaong puto isang kaing na mangga isang tray ng itlog na maalat isang paketeng pulburon 2. Tingian o Retail- Ito ay ang pagbebenta ng paisa-isa o pauntiunti sa mga mamimili. Halimbawa: vendor sa palengke sari-sari store canteen/ karinderya 3. Paglalako- Ito ay isang paraan ng pagbebenta na kung saan ay inilalako ang mga paninda sa mga suki o mamimili. Halimbawa: ice cream o sorbets mga gulay o prutas sa Kariton , taho 4. Pag-angkat- Ito ang tinatawag din nating consignment. Ibibigay ang produkto nang wala pang bayad. Babayaran ito sa takdang araw na napag-usapan. Halimbawa: mga paninda sa sari-sari store mga softdrinks sa tindahan. 5. Online Selling- Ito ang pagbebenta ng mga produkto na hindi umuupa ng pwesto. Ito ay pagbebenta ng produkto sa pamamagitan ng social media. Halimbawa: pagbebenta ng mga pagkain at mga kagamitan gamit ang facebook. Instagram at iba pa. Panuto: Tukuyin ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa patlang ang paraan ng pagbebenta ng mga natatanging paninda. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Panuto: Basahin at unawain ang isinasaad ng pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang salitang tinutukoy. _______1.Anong P ang pagbebenta ng mga produkto sa mga bahay bahay? _______2.Anong O ang pagbebenta ng mga produkto gamit ang internet? _______3.Anong P ang tinatawag na consignment? _______4.Anong T ang pagbebenta ng iba’t ibang produkto nang paisa-isa? _______5.Anong P ang pagbebenta nang maramihan Bakit mahalaga ang magkaroon ng Negosyo? Paano ito makatutulong sa iyo bilang mag-aaral? May mga paraan tayo sa pagbebenta ng mga paninda. Anu-ano ang mga paraang ito? 1.________________________ 2.________________________ 3.________________________ 4________________________ 5.________________________ Panuto: Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. 1.Si Ana ay naubusan ng puhunan sa pagtitinda. May supplier ng mga paninda ang nag-alok sa kanyang sari-sari store. Anong paraan ng pagbebenta ang maaaring gawin ni Ana? A. paglalako B. online selling C. pakyawan D. pag-aangkat o consignment 2. Maraming inaning gulay si Mang Arnel sa kanyang bakuran. Gusto niyang ibenta nang mabilisan gamit ang internet. Sa anong paraan niya ito maibebenta? A. online selling B. pakyawan C. paglalako D.pag-aangkat 3.Ano ang paraan ng pagbebenta ng mga produkto na maaaring paisa-isa sa sari-sari store ? A. pakyawan B. tingian C. paglalako D. consignment 4.Ano ang tawag sa pagbebenta nang maramihang produkto gaya ng sako- sako at kaing- kaing na mga gulay at prutas . A. retail o tingian B. B.paglalako C. pakyawan D. online selling 5.Ito ay paraan ng pagbibigay ng produkto nang wala pang bayad. Babayaran ito sa takdang araw na napag-usapan. Ano ang tawag dito? A.paglalako B. tingian C.pakyawan o wholesale D. consignment Ikalimang Araw Panuto: Buuin ang mga salita gamit ang bilang ng mga letra sa alpabeto. Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang mga pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging produkto o paninda. Iguhit ang masayang mukha ( ☺ ) kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha (☹ ) kung hindi wasto. __________ 1. Ang facebook ay maaaring gamitin sa pagbebenta ng mga produkto. __________ 2. Ang online selling ay ginagamitan ng internet. __________ 3. Nakatitiyak tayo na maganda ang kalidad ng lahat ng produkto sa online selling. __________ 4. Maaaring makabili ng iba’t ibang produkto gamit ang internet . __________ 5. Maaaring makahingi ng discount o tawad sa presyo kung bibili online. Pagbebenta ng Natatanging Paninda Gamit ang Social Media o Online Selling Sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao ay umaasa na lamang sa pagbili online gamit ang internet. Online Selling ∙ Ito ay ang pagtitinda ng produkto na ginagamitan ng electronics o internet. ∙ Ito ay ang pagtitinda sa internet gamit ang websites, applications o mga social networking sites. ∙ Ito ay katulad din ng katalog na may mga larawan at presyo. Pipili lamang ang mga mamimili sa pamamagitan ng internet . ∙ Kapag may nagustuhan ang mamimili ay maari niyang padalhan ng mensahe ang negosyante sa pamamagitan ng chat o text. Kapag nakapili na ay maaring bayaran ito ng namimili sa mga accredited payment center o personal account ng may-ari o kaya naman ay cash on delivery. ∙ Kapag nagkasundo na ang dalawa ay ipapadala ng seller ang produkto sa kanyang mga accredited courier. ∙ Halimbawa ng online selling: 1. Lazada 2. Online Market 3. Shopee 4. SM store 5.Facebook page 6. ebay Ang mga produktong maaaring ibenta online ay ang mga sumusunod: 1. Digital products- halimbawa: e-books, images,music, videos. Computer software at website 2.Physical products- Halimbawa:groceries, pagkain, pampaganda, gamot Panuto: Iguhit ang tala ( )kung tama ang isinasaad ng pangungusap at buwan ( ) kung mali. ______1.Ginagamit ang facebook sa pagbebenta ng mga produkto online ______2.Maaaring bumili ng pagkain online kahit walang internet o data. ______3.Ang pagbebenta online ay nangangailangan ng gadget at internet. ______4.Binabayaran muna ang mga produkto sa lahat ng online selling bago ipapadala sa mamimili. ______5.Halos lahat ng produkto ay mabibili online. Panuto: Magbigay ng limang pangalan ng kilalang online seller. Paano mo gagamitin ang iyong Facebook account sa pagnenegosyo ? Ano ang dapat mong tandaan sa pagbenta ng mga produkto online ? Panuto: Punan ng wastong sagot ang tsart. Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha kung mali. _____1.Ang online selling ay maaaring gawin kahit nasa bahay lamang. _____2.Hindi na kailangan ng data o internet kapag nagbebenta online. _____3.Maaaring magbenta ng mga natatanging paninda sa facebook o group chat. _____4.Maraming pagpipiliian na online store upang makabili ng mga produkto. _____5.Bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang, maaari kang magbenta ng mga produkto gamit ang online selling.
0
You can add this document to your study collection(s)
Sign in Available only to authorized usersYou can add this document to your saved list
Sign in Available only to authorized users(For complaints, use another form )