Uploaded by Jayceelyn Santos

Filipinolohiya Finals: Key Concepts & Industrialization

advertisement
Jayceelyn J. Santos
BSA 1-8
Filipinolohiya Finals
June 6, 2024
Sagutin ang mga tanong.
1. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na mga salita at ipaliwanag ito
a. Filipinolohiya
Ang Filipinolohiya o Araling Pilipino na binubuo ng dalawang salita na “Filipino at lohiya” ay isang
disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng
wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karunungang Pilipino,
gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga Filipino sa daigdig ng mga karunungan.
Ang Filipinolohiya ay ang pag-aaral ng ating kasaysayan at pinagmulan sa ating sariling pananaw at
kaisipan.
Ang pagkakaroon ng isang kamalayang nakalapat at may pagpapahalaga sa sariling kultura at
karanasan ng bansa ay isang mahalagang aspetong nararapat na taglayin ng bawat mamamayan.
Mahalagang magkaroon ng maayos na kaisipan sa pagpoproseso ng mga karanasang bayan upang ito ay
maging talinong bayan na siyang magpapaunlad sa magiging gabay sa paglikha ng mga pangangailangan
ng lipunan. Ang mga pagbabago sa kultura at kamalayan ng mga Filipino dahil sa pananakop ng mga
dayuhan sa ating bansa ay nagdulot ng negatibong epekto sa pag unawa ng Filipino sa kaniyang sarili at
kultura. Ngunit sa kabila ng pagpapahayag ng mga ito ay ang kaakibat na solusyon para rito. Isang kaisipan
o pilosopiyang kumikilala, nagpapahalaga at nagmumula sa batis ng talino at karanasan ng sariling bayan,
ang Filipinolohiya. Ang agham ng pag-aaral na ito ay binuo sa layuning mapag-aralan ang pinagmulan at
kasaysayan ng sariling bayan mula sa pananakop ng mga dayuhan, sariling wika, lipunan, kasaysayan,
kabihasnan, kalinangang bayan at kultura. Sa kabila ng maipmpluwensyang pananakop sa atin ng mga
dayuhan na hanggang sa kasalukuyan ay mababatid na dala-dala pa rin ito ng mga mamayang Filipino,
nararapat na bigyang pansin ng isang Filipino ang katotohanang nababalot sa ating kasaysayan. Gamit ang
Filipinolohiya, binigyang pagkakataon ang bawat Filipino na pag-aralan ang bawat salik na nakakaapekto
sa ating kasaysayan lalo na sa mga naging epekto ng kolonyalismo upang sa gayon din ay ating maunawaan
ang mga naging epketo nito sa daloy ng ating pamumuhay. Ang layunin ng Filipinolohiya ay bigyan ng
Page 1 of 8
malayang kamalayan ang mga Filipino sapagkat ito ang magsisilbing gabay patungkul sa pagtuklas sa
pinagmulan ng ating sariling wika ,panitikan at kasaysayan.
b. Agrikultura
Ang agrikultura ay isang agham sining at gawain na ang pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga tao sa pagkain at iba’t-ibang produkto mula sa kalikasan. Ito ay proseso ng pagaalaga ng hayop, pagpapalago, at pag-aani ng halaman para sa pagkain, hilaw na mga produkto, kasuotan,
at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga tao. Ito ay itinuturing na isa sa pinakamatandang
gawaing kinagisnan ng mga Filipino at tila naglalawaran ng malalim na koneksyon ng mga tao sa kalikasan.
Ang sektor ng agrikultura ang pangunahing itininuturing ng Pilipinas bilang isa sa susi sa isinusulong
na Pambansang Industriyalisasyon. Ito ay marahil sa malawakang benipisyong idinudulot nito sa
ekonomiya ng ating bansa. Sa katunayan malaking bahagi ng ekonomiya ang nakadepende sa sektor ng
agrikultura sapagkat ito ang tumutugon sa mga pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na
kailangan sa produksyon ng ibang sektor ng ekonomiya. Sangay ng agrikultura ang iba’t ibang gawaing
nagbibigay trabaho sa mga mamamayan ng bansa gaya ng una ay pagsasaka; o ang pag-aalaga ang pag
aani ng mga tanim na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pagkain at materyales, kagaya na lamang
ng palay, trigo, niyog, tubo, pinya, kape, mangga, at tabak. Pangalawa ay panggugubat na tumutukoy
naman sa pagkuha ng mga hilaw na mga sangkap na ginagamit bilang proteksyon, hanapbuhay, pagluluto,
at panlibangan, kagaya na lamang ng plywood, mesa, pader, panggatong, bangka, at iba pa. Pangatlong uri
ng agrikultura ay pagmimina, dito naman nakukuha ang mga likas na yamang mineral, di-mineral, at
enerhiya na makikita sa loob at lupa ng mga bundok, sa lupa ng mga kapatagan, at sa sahig ng karagatan.
Halimbawa na lamang ay ang mga metal na tanso, ginto, at cobalt; mga di-metal kagaya ng marmol, adobe,
sulfur, at talc; at pinagmumulan ng enerhiya kagaya ng lithium. At ang panghuli ay pangingisda na
tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig
pangisdaan. Tunay nga na maituturing na ang agrikultura ang pangunahing nagbibigay
tugon sa
pangangailangan ng mga tao gayundin ang pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya ng bansa
mula sa mga hilaw na materyales, pagkain, at iba pang binibigay nito. Marahil dito, ang Agrikultura ay hindi
lamang mahalaga dahil sa ito’y nagbibigay hanap-buhay sa mga mamayan, gayundin ito ang
pinagmumulan ng mga hilaw na materyales, tinitiyak ang suplay ng ating pagkain, at pangunahing
nattataguyod sa produksyon ng mag produkto sa bansa.
Page 2 of 8
c. Industriyalisasyon
Ang industriyalisasyon ay ang proseso ng pagbabago mula sa isang agrikultural na lipunan tungo sa
isang industriyal na lipunan. Sa madaling salita, ito ay ang pagsulong mula sa isang ekonomiya na
pangunahing nakabatay sa pagsasaka at manu-manong paggawa patungo sa isang ekonomiya na
dominado ng mga industriya at mekanisadong produksyon.
Layunin ng industriyalisasyon na makamit ang kasaganaan sa pamamagitan ng paggamit ng tamang
pamamaraan at teknolohiya patungo sa isang lipunang industriyal mula sa pagsasakang lipunan, kabilang
ang malawakang reorganisasyon ng isang ekonomiya para sa pagmamanupaktura. Ilan sa mahahalagang
aspeto nito ay ang pagpapakilala ng mga makinarya at teknolohiya upang mapabilis at mapadali ang
produksyon ng mga kalakal. Ngunit sa kabila nito ay ang pagbabago ng mga tradisyonal na trabaho mula
sa manu-manong paggawa tungo sa paggamigt ng mga makinarya na nagdudulot naman ng pag-usbong
ng mga lungsod dahil sa paglipat ng mga tao mula sa kanayunan papunta sa mga urbanong lugar kung saan
mas maraming trabaho sa mga pabrika at industriya. Bukod pa rito, isa rin sa mahalagang aspeto nito ay
ang pagtaas ng produksyon at mas mabilis na paggawa ng mga produkto na nagdudulot ng paglago ng
ekonomiya. Ang industriyalisasyon ay tunay ngang maituturing na isang mahalagang bahagi ng kasaysayan
ng pag-unlad ng tao na nagdala ng malawakang pagbabago sa ekonomiya, lipunan, kultura, at kapaligiran.
Ang mga benepisyo nito tulad ng pag-unlad ng ekonomiya, paglikha ng trabaho, at pag-unlad ng
teknolohiya ay kinakailangang balansehin sa pamamagitan ng mga hakbang na tutugon sa mga negatibong
epekto nito tulad ng polusyon, hindi makatarungang kondisyon sa trabaho, at pagkasira ng likas na yaman.
Sa ganitong paraan, makakamit ang mas napapanatiling pag-unlad na pakikinabangan ng mga susunod na
henerasyon.
d. Pambansang Industriyalisasyon.
Ang Pambansang Industriyalisasyon (National Industrialization o NI) ay sistematikong proseso ng
pagtatatag at pagpapaunlad ng iba't ibang antas at uri ng mga industriya na siyang magpapasigla ng
ekonomiya at tutustos sa mga pang-ekonomiyang pangangailangan ng isang bansa, tungo sa
transpormasyon ng ekonomiya nito mula sa pagiging agraryan patungong industriyal. Ang layunin nito ay
upang mapabuti ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan, mapalakas ang ekonomiya, at
mabawasan ang pag-asa sa mga produktong inangkat mula sa ibang bansa.
Page 3 of 8
Saklaw ng pambansang industriyalisayon ang mga reporma sa lupa at pagmemekanisa ng
produksyong agrikultural, pagtatatag ng malalaking pabrika at empresa sa iba't ibang antas at sektor, at
pagbuhos ng rekurso sa pananaliksik at pagpapaunlad ng teknolohiya at kagamitang ginagamit sa
produksyon. Ngunit hindi lamang ito simpleng pagtatag at pagpapaunlad ng mga industriya para sa
Pilipinas, sapakat layunin rin ng ating bansang sinilangan na buwagin ang kasalukuyang kolonyal na sistema
ng pamumhuhunan, produksyon, at kalakalan. Bukod pa rito, nilalayon rin ng pambansang
industriyalisasyon ang pagpapaunlad ng mga infrastraktura tulad ng pagtatayo ng mga kalsada, riles ng
tren, paliparan, at daungan upang mapadali ang transportasyon ng mga produkto at tao, pagtatayo ng mga
planta ng kuryente at iba pang pinagkukunan ng enerhiya upang matugunan ang pangangailangan ng mga
industriya at sambahayan, at pagpapabuti ng mga sistema ng komunikasyon upang mapabilis ang pagdaloy
ng impormasyon at transaksyon. Sa kabila naman ng mga layuning ito ay ang kaakibat na mga hamong
dala nito. Sapagkat kinakailnagan bigyang konsiderasyon ng mga namumuno sa bansa ang pondo at kapital
na kinakailangan upang maitayo at mapalago ang mga industriya, kakulangan sa mga may angkop na
kasanayan na mga mangagawa na maaaring maging hadlang sa pag-unlad ng mga industriya, at gayundin
ang duot nitong polusyon at pagkasira ng kapaligiran kung hindi mapapamahalaan ng tama. Ang
Pambansang Industriyalisasyon ay isang mahalagang estratehiya para sa pag-unlad ng isang bansa. Ito ay
naglalayong palakasin ang ekonomiya, lumikha ng trabaho, at mapabuti ang antas ng pamumuhay ng mga
mamamayan. Bagamat may mga hamon, ang tamang pagpaplano, pamumuhunan, at pagsuporta ng
pamahalaan ay makakatulong upang mapagtagumpayan ang mga ito at makamit ang pangmatagalang
pag-unlad.
2. Kaya ba ng bansang Pilipinas na pagsabayin ang agrikultura at industriya?
Sa paglipas ng panahon, malaki na ang naging pag-unlad ng industriya sa Pilipinas. Marami ng mga
kompanya ang naitayo at nagkaroon ng mga malalaking pagbago at pag-unlad. Kasabay ng pag-unlad sa
industriya ay ang pag-unlad din sa agrikultura. Ang mga dating pamamaraan ng pagsasaka at pag-aalaga
ng mga hayop ay napalitan na ng makabagong teknolohiya. Ito ay patunay na may potensyal na kayang
pagsabayin ng bansang Pilipinas ang agrikultura at industriya. Ngunit sa kabila nito, sa kasalukuyang
panahon at lagay ng ekonomiya kakailanganin pa rin ng malawakang pagpaplano, koordinasyon, at
implementasyon ng mga tamang polisiya.
Page 4 of 8
Ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman at may malawak na agrikultural na lupain kung kaya’t
hindi maikakailang maganda ang magiging lagay ng agrikultura kung ito ay nagagamit sa tamang paraan.
Sa kabilang banda ang sektor ng industriya ng Pilipinas ay mabilis na lumalago at nakikitaan ng pagbabago,
lalo na sa mga sektor ng manufacturing, electronics, at business process outsourcing (BPO). Ngunit sa
kasalukuyan ay may mga hamon pa ring nagiging balikid para sa mas magandang kalagyan ng sektor ng
agrikultura at industriya ng bansa na magbibigay pagsubok upang ito ay mapagsabay. Ang sektor ng
agrikultura ay humaharap sa hamon ng pagbaba ng produktibidad, kulang sa makabagong teknolohiya, at
naapektuhan ng mga kalamidad at pagbabago sa klima, at ang sektor ng industriya naman ay may
kakulangan sa imprastruktura, may mataas na gastos ng kuryente, at limitadong suporta sa maliliit at
katamtamang laki ng negosyo (SMEs). Kung kaya’t kinakailangang isulong ang ilang mga hakbang upang
unti unting malabanan ang mga hamong kinakaharap nito kagaya na lamang ng pagbibigay pansin sa mga
mang-gagawang sa agrikultura at pagbibigay ng mga insentibo tulad ng tax breaks, subsidyo sa mga input
(e.g., binhi, pataba), at murang pautang para sa mas mataas na produktibidad, paglunsad ng mga
programa na magpapadali sa pagkuha ng makinarya at teknolohiya para sa mga maliliit na magsasaka, at
paunlarin at palaganapin ang paggamit ng mga binhi at pananim na kayang mag-survive sa mga
ekstremong kondisyon ng panahon. Samantala, sa sektor ng industriya naman ay maaring isulong ang
pagbuo at pagpapabuti ng mga kalsada, daungan, railway systems, at mga paliparan upang mapabilis ang
logistics at distribution ng mga produkto, pagbigay pansin sa paggamit ng mga renewable energy sources
tulad ng solar, wind, at hydroelectric power upang mabawasan ang gastos ng kuryente at mapabuti ang
sustainability at pagtatayo ng mga platform at mekanismo na magpapadali sa mga SMEs na maabot ang
mas malaking merkado, parehong lokal at internasyonal.
Tunay nga na ang Pilipinas ay may malaking potensyal na pagyamanin ang parehong agrikultura at
industriya dahil sa yaman ng likas na yaman at lakas-paggawa. At upang maisabay ang paglago ng dalawang
sektor, kailangan ng Pilipinas ng komprehensibong mga reporma sa lupa, mas malaking suporta sa
teknolohiya, at epektibong pamamahala sa mga natural na yaman at imprastruktura. Sa kabuuan,
bagaman may mga hamon, ang Pilipinas ay may kakayahan na pagsabayin ang pag-unlad ng agrikultura at
industriya kung magtutulungan ang gobyerno, pribadong sektor, at mga mamamayan sa pagtugon sa mga
hamong ito.
Page 5 of 8
3. Bilang mag-aaral papano mo matutulungan ang Pilipinas para umunlad?
Ang mga mag-aaral ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng bayan, isang kasabihang hanggang
sa kasalukuyang panahon ay aking pinaniniwalaan. Bilang bahagi ng mga mag-aaral sa kasalukuyang
panahon, aking matutulungan ang Pilipinas para ito ay umunlad sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan
gaya ng pagsuporta at pagtangkilik sa mga produktong lokal, pagsunod sa mga batas at polisiya ng bansa,
paggamit ng aming edukasyon sa tamang paraan, at aktibong pakikilahok sa mga programa at adbokasiya
ng pamahalaan.
Ang pagsuporta at pagtangkilik sa mga produktong lokal ay makapagbibigay tulong upang mapaunlad
ang mga Negosyo sa ating bansa na sya naming nagbibigay tulong upang mapaganda ang estado ng ating
ekonomiya. Bilang mag-aaral na may sapat lamang na salapi mula sa aming natatanggap na allowance sa
aming mga magulang, aking mas pipiliin na ito ay ilaan sa pagbili ng mga produktong gawa ng bansa bilang
suporta sa mga lokal na Negosyo. Samantala, hindi lamang bilang isang mag-aaral na may mabuting
intensyon sa bayan, kundi pati na rin bilang isang mamayang nais magdulot ng kabutihan sa Lipunan ay
nararapat lamang ang pagsunod sa mga batas at polisiya ng ating bansa. Sa pamamagitan nito, hindi
lamang ako nakatutulong upang mabawasan ang mga hamong kinahaharap ng pamahalaan dahil sa pagsuway ng ilang mga mamamayan sa batas ng bansa, kundi nakakapagbigay tulong na rin sa pagdudulot ng
Magandang impluwensya sa komuninad. Dagdag pa rito, sa paggamit ng aming edukasyon sa tamang
pamamaraan ay maaring makapag bigay ambag sa mga pamamaraan na makapagpapaunlad sa ating
bansa gaya na lamang ng pagbabahagi ng akin o aming kaalaman sa mga mamamayan lalo na ang mga
Kabataan o bata na nangangailanagn ng edukasyon at walang kapasiadad na makapag-aral sa eskuwelahan
na siya namang makatutulong sa pagpapataas ng antas ng edukasyon sa lokal na antas, at pagsasagawa ng
mga pananaliksik na tumutugon sa mga lokal na problema, tulad ng sustainable agriculture, disaster
management, at healthcare innovations. At panghuli ay ang aking aktibong pakikilahok sa mga programa
at adbokasiya ng pamahalaan upang makapagbigay tulong upang maisulong mga mga nilalayon ng mga
namamahala para sa ikabubuti ng kalagyan ng mga mamamayan at ng ating bansa. Bukod pa rito ay maari
ring ang aking paglahok sa mga usaping pampulitika at panlipunan upang maipahayag ang pansariling
opinyon at makapag-ambag sa paggawa ng mga polisiya.
Ilan lamang ito sa mga hakbang na maari kong gawin bilang mag-aaral upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa. Tunay ngang malaki ang maitutulong at papel ng bawat mag-aaral sa pagsulong ng
Page 6 of 8
kaunlaran sa kanilang bansang kinabibilangan. Sa paggamit ng mga mag-aaral o naming mga mag-aaral sa
aming edukasyon sa maayos na paraan ay tunay na makapag-aambag ito sa iba't ibang aspeto ng pagunlad ng Pilipinas. Ang aming kaalaman, kasanayan, at dedikasyon ay mahalaga sa pagtugon sa mga
hamon ng bansa at sa pagtataguyod ng isang mas maunlad at mas makatarungang Lipunan.
4. Bakit mahalagang paunlarin ang industriya para sa maunlad na ekonomiya?
Ang industriya ang itinuturing na isa sa pangunahing nagpapatakbo sa ekonomiya ng isang bansa.
Sa maganda at malagong industriya ay maasahan rin ang malago o maunlad na ekonomiya. Kung kaya’t
ang pagpapatibay at pagpapaunlad ng industriya na siyang pangunahing nagbibigay tulong sa mabilisan at
produktibong paggawa ng mga produktong dumadaloy sa ekonomiya ng bansa ay makapag aambag sa
pagunlad nito.
Marami ang itinuturing na ambag ng industriya sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa kung kaya’t
ang pagpapaunlad nito ay kinakailngang bigayang halaga. Ilan sa mga ambag na ito ay ang mga sumusunod.
Una ay ang industriya ang pangunahing tagapag-likha ng trabaho para sa mga mamamayan. Ito ay
nagkakaloob ng trabaho sa milyon-milyong manggagawa, mula sa mga skilled laborers hanggang sa mga
managerial positions. Ang mga trabaho sa industriyang sektor ay karaniwang nag-aalok ng mas mataas na
sahod kumpara sa agrikultura. Pangalawa, ang industriyalisasyon ay nagdudulot ng mataas na halaga ng
produksyon, na nag-aambag sa paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Ang manufacturing,
mining, at construction ay ilan sa mga subsektor na nagbibigay ng malaking kontribusyon sa GDP. Pangatlo,
ang industriya ay isang pangunahing tagapagdala ng teknolohikal na pag-unlad at inobasyon. Ang mga
kumpanya ay madalas na nag-iinvest sa research and development (R&D) upang mapabuti ang kanilang
mga produkto at proseso. Pang-apat, ang industriya ay nagpapalawak ng kapasidad ng bansa na makapagexport ng mga produkto, na nagdadala ng kita mula sa internasyonal na merkado. Ang kita mula sa mga
export ay nagpapabuti sa balanse ng kalakalan ng bansa. At pang lima o pang huli ay ang pag-unlad ng
industriya ay nag-uudyok ng pagpapabuti sa imprastruktura tulad ng transportasyon, enerhiya, at
komunikasyon, na mahalaga rin para sa iba pang sektor ng ekonomiya.
Ilan lamang ang mga inilahad sa mabubuting dulot ng industriya sa enkonomiya ng bansa. Ang
pagpapaunlad ng industriya ay isang kritikal na aspetong kailangang pahalahagahan para sa
pangmatagalang pag-unlad at kasaganaan ng isang ekonomiya. Ito ay nagdudulot ng trabaho,
nagpapalakas ng ekonomiya, at nagpapataas ng antas ng teknolohiya at kasanayan. Ang industriya ay
Page 7 of 8
nagkakaroon din ng positibong epekto sa iba pang sektor ng ekonomiya at sa buong komunidad, na
nagreresulta sa isang mas matatag, masigla, at mas maunlad na bansa.
Page 8 of 8
Download