Kolonyalismo at Imperyalismo March 16, 1521 Lumayag ang Ekspedisyon nina Ferdinand Magellan upang maghanap ng panibagong ruta papunta sa Indya. Ferdinand Magellan Pagdating ni Magellan sa Pilipinas. Marso 16, 1521 Kauna-unahang Kristiyanong Misa sa Pilipinas (Limasawa) Marso 31, 1521 Marso 29, 1521 Pakikipagkasundo ni Rajah Kulambo ng Mazaua at ni Magellan. Naganap ang labanan nina Lapu-Lapu at Magellan sa Mactan. Abril 27, 1521 Abril 14, 1521 Kauna-unahang kristiyanong binyag sa pangunguna ni Padre Pedro de Valderama. -Rajah Humabon. Ekspedisyon ni Ferdinand Magellan September 6, 1522 -Matagumpay na nakabalik sina Juan Sebastian Elcano, sakay sa barkong Victoria sa Spain. - Ang pagtatapos ng Unang sirkumnabigasyon sa buong mundo. Ang Mollucas ay isang isla na mayaman sa pampalasa o spices gaya ng pepper, cinnamon, at nutmeg. Ginagamit ito pang preserba sa karne, bilang cosmetics, at sa medisina. May tatlong ruta na ginagamit ang mga mangangalakal na Europeo para makipag kalakal sa mga Asyano. Ito ay ang Hilaga, Gitna at, Timog na ruta. Ang Hilagang ruta ay mas kilala bilang Silk Road. Ang Gitnang ruta naman ay nagmumula sa India hanggang sa Persian Gulf at ang Timog na ruta naman ay simula India hanggang Egypt na dadaan naman sa Red Sea. Nagsimula ang Dakilang Panahon ng Eksplorasyon o ang Panahon ng Paggagalugad ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo noong ika-15 siglo. Ang eksplorasyong ito ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Ano ang Kolonyalismo? KOLONYALISMO Isang PATAKARAN ng isang BANSA na MAMAMAHALA ng mga SINAKOP upang MAKAGAMIT ng LIKAS NA YAMAN ng mga SINAKOP para sa SARILING INTERES. Nagmula sa salitang “Colonus” na ang ibig sabihin ay “Magsasaka.” Layunin ng Kolonyalismo? Pangrelihiyon upang palaganapin ang paniniwala ng mga Europeo sa iisang Diyos (Ang Kristiyanismo ang naging bandila ng pananakop ng mga bansang Europeo) na magbibigay daan para kontrolin ang isip at damdamin. ng nasasakupang bayan Pagpapalawak ng Kapangyarihan upang makapagtatag ng base-militar at malawakang kolonya Pangkabuhayan upang mapalawak ang industriya at kalakalan ng mananakop na bansa at matamasa ang hilaw na yaman ng nasakop na teritoryo Bakit may Kolonyalismo? Ang KOLONYALISMO ay ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahihang bansa. Tatlong bagay (3 G’s) ang itinuturing na motibo para sa KOLONYALISMONG DULOT NG EKSPLORASYON: pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God) paghahanap ng kayamanan (Gold); at paghangad ng katanyagan at karangalan (Glory). Imperyalismo Ito ay isang SISTEMA ng PANANAKOP kung saan ang isang MAKAPANGYARIHANG ESTADO ay SAPILITANG KINOKONTROL ang MAS MALILIIT at MAHIHINANG ESTADO. Ang "imperialismo" ay nagmula sa Latin na "imperium," na nangangahulugang "command." Ito ay tumutukoy sa dominasyon ng makapangyarihang nasyonestado sa politika, ekonomiya, at kultura ng mahihirap na nasyon-estado, na naglalayong maging pandaigdigang makapangyarihan. Ang POKUS NG PANANAKOP ay makontrol ang POLITIKAL at EKONOMIKAL NA INSTITUSYON ng mas mahihinang bansa, dahil dito kadalasan ay nawawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na namumuno IBA'T-IBANG URI NG PAGKONTROL KOLONYALISMO ay tumutukoy sa pagkontrol ng dayuhang bansa sa mas mahihinang bansa sa Asya at Aprika. Ang pamahalaan at ekonomiya ay tuwirang pinamamahalaan ng mga dayuhan. Ang protektorado ay isang uri ng pamamahala kung saan pinahihintulutan ang mga lokal na pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala, ngunit kontrolado sila ng mas malakas na bansa. Kapag naharap sa digmaan ang mahina, makasisiguro ito ng proteksyon mula sa mas malakas na bansa. IBA'T-IBANG URI NG PAGKONTROL ECONOMIC IMPERIALISM kung saan kontrolado ng mga pribadong kompanya o dayuhang mamumuhunan ang mga mahihinang bansa. SPHERE OF INFLUENCE ay tumutukoy sa isang teritoryo o bahagi ng mahinang bansa na kinokontrol o nasa impluwensiya ng mas malakas na bansa upang hindi sila lubusang sakupin. IBA'T-IBANG URI NG PAGKONTROL Ang Concession ay nagbibigay ng pahintulot sa mga mananakop na gamitin ang teritoryo at likas na yaman ng mahinang bansa para sa sariling interes. Ang Extra-Territoriality naman ay isang kasunduan kung saan ang mga batas ng mananakop ay ipinapatupad sa mga piling teritoryo na bahagi ng concession. Dalawang Paraan ng Pagpapakita ng Pagpapasunod Ang Di-tuwiran o Indirect Control ay nagtataguyod ng mga katutubong pinuno sa mahihinang bansa na may limitadong kapangyarihan, habang ang huling desisyon ay nasa mga mananakop. Pinapayagan ang mga lokal na paniniwala, ngunit sa paglipas ng panahon, nahahaluan ito ng mga paniniwala mula sa mga dayuhan. Dalawang Paraan ng Pagpapakita ng Pagpapasunod Ang Tuwirang kontrol o Direct Control ay direktang pamamahala ng mga mananakop sa mahihinang bansa. Nasa kanila ang kapangyarihan sa pamahalaan at hindi pinapayagan ang mga katutubo na humawak ng posisyon. Ang mga batas ay alinsunod sa mga batas ng mga mananakop, na nagdudulot ng kontrol sa politika, ekonomiya, at kultura ng mga katutubo, na unti-unting napapalitan ng mga kulturang dayuhan. Salamat!