Si Nonoy at ang Huli ng Pagsisisi Isinulat ni Grazchelle Nicole De Leon Si Nonoy ay anak ng isang mangingisda sa bayang malapit sa dagat ng Gensan. Matagal na niyang gustong sumama sa kanyang tatay para mangisda, ngunit laging sinasabi ng kanyang tatay, "Hindi pa tamang panahon, bata ka pa." Nonoy is the son of a fisherman in a town near the sea in General Santos. He had long wanted to join his father in fishing, but his father would always say, "It's not the right time; you're still young." Isang umaga, nagpasya si Nonoy na sumubok mag-isa. Tinipon niya ang kanyang mga kaibigan at nagdala ng lambat. "Sama-sama tayong manghuli ng isda!" sigaw niya. One morning, Nonoy decided to try on his own. He gathered his friends and brought a net. "Let’s all go fishing together!" he shouted. Sa dalampasigan, nakakita sila ng mga batang tuna at nahuli ang mga ito. Masayang-masaya si Nonoy at iniuwi ang ilan sa kanilang bahay, inaakalang magiging proud ang kanyang tatay. At the shore, they spotted young tuna and caught them. Nonoy was very happy and brought some home, thinking his father would be proud. Ngunit nagulat ang mga matatandang mangingisda. "Mga batang tuna ang mga ito! Hindi pa dapat hinuhuli ang ganito," sabi ng isa. But the older fishermen were surprised. "These are young tuna! They shouldn’t be caught yet," one of them said. Hindi maintindihan ni Nonoy ang kanilang sinabi. “Mas marami akong nahuli, hindi ba’t maganda iyon?” tanong niya. Paliwanag ng isang mangingisda, "Kung huliin natin ang mga bata pa, wala na tayong mahuhuli sa hinaharap." Nonoy couldn’t understand what they said. “I caught more fish; isn’t that a good thing?” he asked. One fisherman explained, "If we catch them while they’re young, we won’t have any left to catch in the future." Sa kabila ng paalala, muling nanghuli si Nonoy ng maliliit na tuna kinabukasan. Despite the reminder, Nonoy went out to catch small tuna again the next day. Ilang araw ang lumipas, napansin niyang malungkot ang kanyang ama. “Tay, bakit parang malungkot kayo?” tanong ni Nonoy. “Kakaunti na lang ang mga isda. Halos wala nang mga tuna sa dagat,” tugon ng ama. A few days passed, and he noticed his father seemed sad. “Dad, why do you look sad?” Nonoy asked. “There are fewer fish now. Almost no tuna are left in the sea,” his father replied. Nagbalik si Nonoy sa bakuran ng kanyang kaibigan at nakita niyang patay na ang mga batang tuna na kanilang nahuli. "Nagkamali ako," bulong ni Nonoy. Nonoy returned to his friend’s backyard and saw the young tuna they caught had died. "I made a mistake," he whispered. Naalala niya ang sinabi ng matatandang mangingisda at narealize ang epekto ng kanyang ginawa. Agad siyang nagpunta sa kanyang ama at inamin ang pagkakamali. He remembered what the older fishermen had said and realized the impact of what he had done. He quickly went to his father and admitted his mistake. Huminga ng malalim ang kanyang ama. "Ang mahalaga, natuto ka. Bukas, sasama ka sa akin sa dagat para makita mo kung paano natin inaalagaan ang mga isda at ang ating kabuhayan." His father took a deep breath. "What’s important is that you learned. Tomorrow, you’ll come with me to the sea so you can see how we take care of the fish and our livelihood."