Name: Salinas, John Mark A. Date: 2/3/21 Course/Year/Section: BSEd 1-B Reflection Paper: Heneral Luna Ipinakita sa pelikula ang mga kaganapan noong pananakop ng mga amerikano sa pilipinas. Hindi man ito sang daang porsyentong katiyakan ngunit sapat na ito upang punan ang isip ng mga pilipino kung ano ang mga nangyari noong panahon na iyon. Ang mga katagang "Kalaban ang kalaban; kalaban ang kakampi", "Kalaban ng pilipinas ang kanyang sarili", "Negosyo o kalayaan, bayan o sarili!?", at "Sakit ng pilipino na unahin ang pamilya kaysa sa bayan" ay ilan sa mga katagang tumatak sa aking isipan. Sa apat na katagang ito ay mabubuo na natin sa ating isipan kung ano ang mga suliranin na umiral sa pelikula. Ayon sa pelikula, ang ibang miyembro ng konstitusyon ay gustong makipag kaibigan sa mga kano ngunit ang panig naman nila Hen. Luna ay gustong makipag laban sa mga ito. Dahil sa hindi pag kakasundo na ito ay nagkaroon ng hidwaan sa dalawang panig. "Bakit nga ba ayaw nilang makipaglaban?" tanong na bumalot sa aking isipan. Maaaring dahil ikasisira ito ng ekonomiya, maraming buhay ang mawawala, o di naman kaya natatakot sila sa pwersa ng amerikano. Ang sagot na nabuo din sa aking isipan base sa ipinamalas ni Hen. Luna na pagmamahal sa bayan ay "Hindi kasi sila handang mamatay para sa bayan". Mas uunahin pa nila ang kanilang sarili para sa bayan. Sa aking pag tataya, ang pelikulang Heneral Luna ay tila isang tipikal na pelikula na walang kasukdulan. Kasukdulan kung saan magaganap ang labanan sa norte na plinano at pinaghandaan ng Heneral. Ang pag patay kay Hen. Luna ay isang malaking pahiwatig na ang Republika ng Pilipinas noong panahong iyon ay hindi pa ganoon katatag.