PANGATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8 Pangalan:__________________________________________ Baitang:____________________ Petsa: ____________ Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa gilid ng bilang. sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop 1. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat? A. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos. B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin sa kaniyang pinanggalingan. C. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap. D. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa kaniyang kalooban. 2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat? A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat C. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa 3.Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan? A. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon. B. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate. C. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat. D. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan. 4. Ano ang entitlement mentality? A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao. B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. D. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan. 5. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa: A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila D. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao 6. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa: A. pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang. B. pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay C. paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang. D. pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya. 7. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng A. kalooban B. isip C. damdamin D. konsensya 8.Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas? A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa B. Pagpapasalamat C. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo D. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya 9. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality? A. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo B. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang C. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong D. Ang kawalan ng utang na loob sa taong tumutulong 10. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa: A. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya B. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso C. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan D. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad 11. Ang mga sumusunod ay ilang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa: A. magpadala ng liham-pasasalamat. B. gumawa ng kabutihan sa kapwa na naghihintay ng kapalit C. magpasalamat sa bawat araw D. magbigay ng munti at simpleng regalo 12. Ang pagbibigay ng simpleng regalo ay pagpapakita ng: A. inaasahan nating sa bawat kabutihang nagawa ay may kapalit B. pag-alaala sa taong gumawa sa atin ng kabutihan C. pagsukli ng naibigay ding regalo sa atin D. pagbibigayan sa mga taong gusto nating bigyan 13. Ang berso sa Salmo 23:1-2 na nagsasaad na “Ang Panginoon ay aking pastol, di ako kukulangan sa anuman. Pinahihimlay niya ako sa luntiang pastulan, inaakay ako sa payapang batisan”, ay nagdudulot ng: A. pag-aalinlangan sa bawat hakbang na gagawin B. kalungkutan sa panahon ng maraming pagsubok C.kaguluhan sa kung ano ang gagawin sa hinaharap D. ginhawa ng kalooban at nagpapalaya sa gipit na kalagayan 14. Ang hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapwa ay patunay ng: A. walang kakayahang alalahanin man lamang ang iyong kabutihan B. nasa proseso pa sila ng pag-unlad sa pagiging sensitibo sa kapwa at sa epekto ng kanilang gawain sa kapwa. C. hindi pagpapahalaga sa taong nagsakripisyo upang maging maganda ang iyong buhay D. lahat ng nabanggit 15. Ang pasasalamat ay isang espesyal na birtud dahil nagagampanan mo ang iyong ________ na obligasyon. A. moral B. sosyal C. emosyunal D. political 16. Ang kabaliktaran ng pagiging mapagpasalamat ay nasasalamin sa: A. global mentality B. social mentality C. entitlement mentality D. emotional state 17. Paano gagawin ang ritwal ng pasasalamat sa araw-araw? A. sa pamamagitan ng repleksyon B. isipin ang mga tao o bagay na pinagpasalamatan C. isipin na ang Diyos ay patuloy na nagbibiyaya ng buhay at ang kalikasan D. lahat ng nabanggit 18. Ito ay isa ring paraan sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa magandang ginawa nila sa iyo at maipadama mo sa kanila ang iyong lubos na pasasalamat. Paano ito ipapakita sa magulang na nagluto ng masarap na pagkain para sa iyo? A. pagbibigay ng simpleng yakap o tapik sa balikat C. pagkokolekta ng mga quotations B. pagpapadala ng liham-pasasalamat D. pagpapadala ng text message 19. Ang sumusunod ang gawain sa pagkakaroon ng katuparan sa iyong sarili na ikaw ay may mahalagang bahagi ng iyong pamilya, komunidad at planeta maliban sa: A. pagbukas ng pinto para lamang sa may mga kaparehong antas sa buhay B.pagtulong sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay sa mga taong nangangailangan nito C. pagbibigay ng kontribusyon para sa kawanggawa D. pagpulot ng nagkakalat na papel sa daan 20. Ang pagpapasalamat sa bawat araw ng iyong paggising ay paraan upang: A. harapin ang bawat araw sa pamamagitan ng pag-iisip sa mga biyayang natatanggap B. Isasaisip anumang negatibong mangyayari sa hinaharap C. ipagkait ang kasiyahang naramdaman dahil nagigising ka sa ingay sa labas D. Harapin ang pagsubok sa araw-araw bilang parusa ng Diyos sa atin 21. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng _________. A. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan. . C. pagbibigay halaga sa isang tao B. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo. D. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay. 22. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop?” A. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop. B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat. C. Maipapakita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos. D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod. 23. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya? A. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya. C. Nabubuklod nito ang mga henerasyon B. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.. D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib. 24. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad? A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo. B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran. C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali. D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa. 25. Natutuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa: A. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin. B. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakakaunawa sa kaniya. C. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagsunod. D. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda. 26. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula ng mahubog ang kilos-loob ng isang bata, ang bata ay __________. A. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kanyang mga magulang. B. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay. C. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda. D. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang. 27. Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa ng walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng ________. A. Katarungan B. Kasipagan C. Pagpapasakop D. Pagsunod 28. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng __________. A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo. B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone/ email kung nasa malayong lugar. C. pagkakaroon ng mga alintuntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga. D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa. 29. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon. A. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa. B. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala. C. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos ng ayon sa mga natuklasang dahilan. D. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang walang pagtatangi. 30. Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila? A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa. B. Mahirap kumilos ng may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob. C. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan. D. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito. 31. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng__________________. A. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan C. pagbibigay ng halaga sa isang tao B. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo D. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay 32. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na,”Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop?” A. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at sumunod 33. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya? A. Napagtibay nito ang presensiya ng pamilya C. Nabubuklod nito ang mga henerasyon B. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib 34. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad? A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo. B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa 35. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamamagitan ng sumusunod maliban sa; A. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at masunurin B. pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa kaniya C. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang at pagmamahal D. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda 36. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng isang bata,ang bata ay_____________: A. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang B. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay C. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda D. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang 37. Hinahangan ni Jay si Danny na taglay niyang kagalingan sa pamumuno.Nang si Danny ang naging lider ng kanilang grupo ,lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol , kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng_________________________. A. katarungan B. kasipagan C. pagpapasakop d. pagsunod 38. Nag-iisang itinaguyod ni Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang samahan sa pamamagitan ng_______________: A. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo B. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong lugar C. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan , tulad ng pag-uwi nang maaga D. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa 39. Kilala ang pamilya nina Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakitaan ng ibang mga kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalahanan siya ng kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksiyon ni Vangie. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon? A. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon at huwag magsawa. B. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka.Nasa lahi nila ang pagiging magaling kailangan lang ng pagpapaalala C. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga natuklasang dahilan D. Isaalang-alang ang kakayahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano siya nang walang pagtatangi. 40. Maraming balita tungkol sa mga tao sa mga may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan . Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila? A. Alamin ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban at gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa. B. Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan.Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob C. Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naapektuhan. D. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas.Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali. 41. Nagiging mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawain ang mga mapagpasalamat na tao kaysa sa mga hindi. 42. Ang mga benepaktor ng mga donated organ na may saloobing pasasalamat ay mas mabagal gumaling. 43. Ang paglalaan ng isang (1) oras sa bawat araw na magtuon sa mga bagay na pinasasalamatan ay nakapagdaragdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan. 44. Bukod sa mga benepisyong naidudulot ng pasasalamat sa kalusugan, nagbibigay din ito ng kaligayahan sa ating buhay. 45. Mahirap ang maging magalitin kung ikaway lubos na nagpapasalamat sa iyong buhay. 46. Ang taong mapagpasalamat ay sumasang-ayon sa negatibong emosyon tulad ng galit at kasakiman. 47. Ang taong mapagpasalamat ay hindi marunong makuntento at gustong magkaroon ng magarang bagay o gamit. 48. Kapag sa kabila ng paggawa mo ng kabutihan sa iyong kapwa at hindi ka ginagantihan ng parehas na kabutihan, nararapat pa rin na ipagpatuloy mo ito bilang isang tao na nagmamahal at umuunawa. 49. Ang pagpapasalamat ay nagpapatibay ng moral ng pagkatao. 50. Kung ikaw ay tunay na nagpapasalamat sa anumang biyayang mayroon ka, hindi ka mag-iisip na ikumpara mo sa ibang tao ang iyong buhay. Prepared by: Checked by: RECELLE L. TUDA TLE Teacher RICHELLE T. VIRTUDAZO School Head ___________________________ Parent’s Name and Signature