BIONOTE Impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o anu-ano ang nagawa mo bilang propesyunal. Kontrobersyal na paraan ng pagsulat na gaya ng isang ordinaryong pagpapakilala sa paraang pasalita. Iba ito sa (talambuhay at autobiography) dahil ito ay maikli at siksik sapagkat mas detalyado at masmahaba an gang talambuhay at autobiography. Nilalaman ng bionote: Unang talata: Pangalan,araw ng kapanganakan, Lugar ng kapanganakan, tirahan, magulang at kapatid Ikalawang talata: Mga katangian,mga hilig, paborito, libangan, mga bagay na natuklasan sa sarili, Ikatlong talata: mga pananaw sa bagay-bagay,pangarap, ambisyon, inaasam sa darating na panahon, mga gawain upang makamit ang tagumpay Bakit nagsusulat ng bionote? -upang ipaalam sa iba ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan -upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa -magsilbing marketing Tool Katangian: -maikli ang nilalaman (mas maikli,mas babasahin ito; isulat lang ang mahalaga iwasan ang pagyayabang. -Gumamit ng ikatlong panauhan (siya) -Kinikilala ang mga mambabasa (kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap Gumamit ng baligtad na tatsulok (unahin ang mahalagang impormasyon; Di gaano mahalaga -Nakatuon sa mga angkop na kasanayan ang katayuan -Binabanggit ang degree ( CPA, Ph.D., M.D. ) - Maging matapat sa pagbabahagi ng mga impormasyon (walang masama na magbuhat ng sariling bangko)