Hamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ito ang larawan ng Marawi ngayon? Bakit kaya ito nagkaganito? Ano kaya sa palagay nyo ang naging pinsala sa Pilipinas noong IKalawang Digmaang Pandaigdig? Ano kaya ang naging epekto nito sa mga tao pagdating sa kabuhayan? Paano hinarap ng mga Pilipino at ng pamahalaan ang malaking suliraning dulot ng digmaan? Pamprosesong tanong ( Ipabasa ito ng tahimik sa mga bata) Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng bansa pagkatapos ng digmaan? Paano binigyang solusyon ng pamahalaan ang mga suliraning ito? Bakit binigyang tuon ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa mga rural na komunidad? Ano-ano ang mga karapatan at kapangyarihang ibinigay ng pamahalaan sa mga Amerikano? Ibigay Sa mga bata ang paksang kanilang iuulat. ( Magbigay pamantayan sa pakikinig at rubriks sa pag-uulat) (pagkatapos ng pag-uulat , ipasagot ang pamprosesong tanong) Pamprosesong tanong Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ng bansa pagkatapos ng digmaan? Paano binigyang solusyon ng pamahalaan ang mga suliraning ito? Bakit binigyang tuon ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa mga rural na komunidad? Ano-ano ang mga karapatan at kapangyarihang ibinigay ng pamahalaan sa mga Amerikano? Pangkatang Gawain: Sa pamamagitan ng fishbone organizer ,talakayin ang mga sanhi kung bakit lumaganap ang mga suliraning pangkabuhayan sa bansa. Sa katapat na linya ay itala naman ang mga ginawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga suliraning ito. Sa iyong palagay bakit higit na tumindi ang pagkakaroon ng “colonial mentality” ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ano ang natutunan ninyo sa ating aralin ngayon? Suriin ang isinasaad ng mga pangungusap.Salungguhitan ang sanhi at ikahon ang bunga sa sumusunod na mga pahayag. 1. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang ekonomiya at kabuhayan ng bansa ay lubos na naapektuhan. . Sa kabila ng malaking pinsalang nangyari sa Maynila ay marami pa ring mga tao mula sa probinsiya ang nagsilipat dito. 3. Patuloy na nagsikip ang Maynila at Lungsod Quezon bunga ng paninirahan ng mga taga probinsiya. 2 4. Upang masolusyunan ang problema sa pagsisikip ng Kamaynilaan , ay nilikha ng Pamahalaan ang Pambansang Pangasiwaan ng Paglipat-tirahan at Pagsasaayos. 5. Dahil sa matinding kahirapang naranasan ng Pilipinas pagkatapos ng digmaan ay napilitan si Pang. Manuel Roxas na tanggapin ang tulong pinansiyal ng mga Amerikano. Magsaliksik tungkol sa kasunduang Base Militar ng Amerika sa Pilipinas SALAMAT SA PAKIKINIG!