Pandak Pero Palaban: Ang Munting Mundo ng ‘Cute Phenomenon’ Marielle Eunice O. Belleza Arcelle Mariz D. Braganza Arabella Louise C. Istino Jeremiah Anthony A. Ouano Isang Papel Pananaliksik bilang Pinal na Pagsusuma sa Malayuning Komunikasyon Mayo 2024 Noon, pagiging maganda, matangkad, maputi, o balingkinitan lamang ang batayan sa kasikatan. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagbabago na rin ang pamantayan ng mga tao sa kani-kanilang interpretasyon ng kagandahan na makikita sa pambihirang kasikatan ng ‘cute phenomenon’. Mula sa paboritong laruan, libangan, o iba pang kinagigiliwan, hindi na talaga napapakawalan ang pagkagigil ng lahat sa cute sapagkat kasabay ng paglaganap nito ay ang pag-iiba din ng disenyo at uri ng kulturang popular na iniaayon ng mga kompanya sa nauusong penomenon. Manipestasyon ng hindi pagkawala ng cute sa paglipas ng panahon ay ang mga laruang naging uso sa iba’t ibang mga henerasyon tulad ng Beanie Babies, Funko Pop, Shopkins, Hatchimals, at Sonny Angels. Mula sa pagkagiliw na nauuwi sa pagkokolekta, makikita na sa paglipas ng panahon, ang mga matatanda ay nakikilahok na rin sa uso. Kahit ilang taon man ang lumipas, positibo man o negatibo ang epekto, o sa anumang larangan at aspekto ng buhay, hindi ito nawawala. Sa halip, nagbabago lamang ang kanilang mga anyo. Sa pamamagitan ng pananaliksik, sisikapin ng sanaysay na maintindihan ang cute phenomenon at mailahad ang implikasyon ng iba’t ibang aspekto nito sa kulturang popular, saan nga ba ito nanggaling, at ang epekto ng cuteness sa lipunan. Cute ka man o hindi, papasukin natin ang munting mundo ng cute phenomenon. Mga Susing-Salita Cute, kagandahan, laruan (Beanie Babies, Funko Pop, Shopkins, Hatchimals, at Sonny Angels), at pandak. ___________________________________________________________________________ Ang Munting Kasaysayan Aww, ang cute! Masarap yakapin, kurutin, at pisilin– ito ang mga ninanais ng karamihan kapag nakaharap sa cute na mga bagay. Ito ay bunga ng cute phenomenon, kung saan ang cuteness, sa laruan man o telebisyon, ay tila ba’y makikita sa lahat ng sulok ng mundo. Ayon sa artikulo ni Anadromist, ang salitang cute, katulad ng lahat ng salita, ay hindi umiiral sa simula. Sa katunayan, kung pag-uusapan ang mga salita, ito ay medyo bago pa lamang. Nagmula ito sa salitang acute na nangangahulugang matalim. Ang isang pinagmulang biswal na sining ng cute ay nakaugat sa Victorian Era na pinangunahan ni Peter Paul Rubens sa kaniyang mga maliit na Herculean cherubs. Nailalarawan ang mga cherubs bilang mga anghel na sanggol, sobrang mataba, at nagsimula sa isang tunguhin patungo sa sentimentalization ng mga munting anghel na rosas na nadala sa sukdulan ng isang Romantic na pintor tulad ni William Adolphe Bouguereau.1 Ayon kay Anadromist, “With Bouguereau, the worm is evidently in the apple. Maybe I was wrong about the Western exclusion of sex from cuteness.” sinasabi dito na ang paglalarawan ni William sa kaniyang mga anghel ay mas nagbibigay-diin sa mga parte ng katawan na siyang mas nagpapakita ng seksuwalidad kaysa kay Rubens. Sa taong 1960s, ang kawaii naman ay naging isang malaking karagdagan sa kanon ng cute na dumating mula sa postwar Japan sa anyo ng manga at anime. Ang pananaw ng kawaii sa lipunang Hapon ay pangunahing nauugnay sa ganap na pagtanggi sa kariktan at kagandahan, na nakatuon sa isang asal ng bata katulad ng kahinaan, labis, at pantasya. Ang tilang immature na asal na ito ay tinatanggihan ang mahigpit na mga kumbensiyon ng lipunang Hapon na pabor sa bukas na pagpapahayag. Ang mga karakter sa anime ay “Sacred Cows #9: A Brief History of Cute”, Anadromist, 8 Marso, 2019, https://theanadromist.wordpress.com/2016/03/01/sacred-cows-9/. 1 partikular na mahalaga sa pagpapahayag ng damdaming kawaii dahil ang kanilang pagpapakita ng emosyonal na kahinaan ay nagbibigay ng isang kultural na paraan upang yakapin ang damdamin ng mga tao nang hindi direktang hinaharap ang mga ito.2 Ang napakalayong anime na cartoon mula noong 1960, na kilala sa kanluran bilang Alakazam the Great (Saiyûki), ay nagpapakita kung gaano kalaki ang impluwensiya ng Disney sa industriya ng Hapones na cartoon at talagang makikita sa pinalaki na mga mata ng mga karakter ang pag-aangkop nito sa standard ng cute. Makikita din dito ang katangian ng kawaii bilang dinamakong at ekonomikong pagtanaw sa cute. Subalit ang tunay na kakaibang katangian ng anime ay ang kawaii na nagbibigay-daan para sa seksuwalidad at karahasan sa mga paraan na hindi naipapahayag sa kanlurang cartooning sa loob ng maraming taon.3 Naghahandog ang kawaii sa mga lumikha ng artistic freedom upang tuklasin ang mga tema ng sekswalidad at karahasan, na kumikilala sa iba't ibang manonood na may sari-sariling kultura. Sa pagitan ng Victorian Era at panahon ng mga Hapon, ang malaking pagkakaiba ng mga nito ay patunay na kasabay ng paglipas ng mga dekada, ang cute phenomenon ay nagbabago at umiiral din sa pamamagitan ng pag-ayon ng iba’t ibang anyo nito sa kung ano ang kasalukuyang nauuso. Panahon ng Cute sa Sining Hindi na bago sa mga tao ngayon ang pagsunod sa uso. Bukod sa kasaysayan, kalakip ng pagdaloy ng panahon at sari-saring pagbabago ng pag-unawa ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang representasyon o manipestasyon ng cute lalo na sa larangan ng mga laruan. Isa dito ang Skye Jones at Lex Lancaster, “Kawaii Revolution: Understanding the Japanese Aesthetics of ‘Cuteness’ Through Lolita and Madoka Magica,” Scholar Commons, Inakses 15 Mayo 2024, p. 49, https://scholarcommons.sc.edu/uscusrj/vol14/iss1/7. 3 “Sacred Cows #9: A Brief History of Cute” 2 mga nauusong collectibles na sumikat sa iba’t ibang henerasyon.4 Tulad ng Beanie Babies noong 1993, Funko Pops noong 2010, Shopkins noong 2014, Hatchimals noong 2016 at ang kasalukuyang sikat na sikat na mga Sonny Angels na unang binenta noong 2005 ngunit mas nakilala lamang ngayon. Hindi lamang sa mga laruan ang representasyon ng manipestasyon ng cute dahil buhay na buhay din ito sa iba pang mga larangan. Makikita na rin ang penomenon sa media tulad ng pambatang palabas na Cocomelon kung saan ang mga bida nito ay nailalarawan bilang cute na mga batang may malalaking mga mata. Maliban sa telebisyon, lumalaganap ang cuteness dahil ito ay makikita na rin sa mga libro o kahit sa mga kuwaderno. Isang halimbawa ay ang mga librong Precious Moments Little Book of Prayers, Little Book of Bedtime, at iba pa na mayroong mga cute na bata o anghel sa pabalat nito. Ginagamit din ang Precious Moments bilang disenyo ng mga karatula sa mga paaralan na siyang mas binibigyang pansin at nakakaapekto sa paghubog sa mga perception ng mga tao mula pagkabata dahil kahit sa kani-kanilang mga learning environments ay napapaligiran pa rin sila ng cuteness. Panghuli, kahit sa mga tatak ng bilihin ay bida pa rin ang cuteness. Halimbawa nito ay ang Kewpie, isang klase mayonnaise na ang tatak ay isang cute na sanggol. Ang kanilang logo ay hango sa mga iconic na mga nakangiti na cherubs, partikular kay Kupido5. Hindi man ito isang laruan, ginagamit pa rin ang penomenon bilang tatak dahil ang cuteness ay mas nakakaakit sa mga mamimili. Mula sa laruan, palabas, libro, at iba pa, hayag ang paggamit ng ‘cute phenomenon’ sa kapaligiran. Anna Cho, “Sonny Angels: The Consumerist Secret That Toy Companies Don’t Want You to Know,” https://thehowleronline.org/9720/viewpoint/sonny-angels-the-consumerist-secret-toy-companies-dontwant-you-to-know/?fbclid=IwAR36sgDQ9RQeVLEvp0fddttAJ1bRzLBqJW0T_03b4j2jyWbuK9-O7 KQGAn8_aem_AZ7vvYj_PULXrYnP0RN52coQg7Mp0-VLB8FB5LZsnqPySZDruszoaB5LSDo3Z mMxyuE#:~:text=Sonny%20Angel's%20official%20slogan%2C%20. 5 Sylvia Tomczak, “Why Kewpie Mayo Has a Baby on Its Logo,” Tasting Table, 14 Nobyembre, 2022, https://www.tastingtable.com/1094436/why-kewpie-mayo-has-a-baby-on-its-logo/. 4 Curious sa Cute Ang mundo ng cuteness ay higit pa sa nakikita ng mga mata. Para kay Morten L. Kringelbach, ipinapalaganap ang cute phenomenon sa iba’t ibang larangan na nakakaapekto sa pandama at matinding pag-akit dahil nasasalamin nito ang anyo ng sanggol. Hango sa pisikal na katangian ng mga sanggol, tinuturing cute ang mga bagay kapag sila ay may mga anyong pandak ang katawan, malalaki ang mga mata, matataba ang pisngi, at maliliit ang ilong. Dulot nitong baby schema, mayroong emosyonal na tugon ang mga tao na tinatawag na “kama muta,” isang terminong Sanskrit na tumutukoy sa nakakaantig na pakiramdam ng pagmamahal, paglitaw ng nurturing instinct, at pag-trigger ng empatiya o pakikiramay ng madla.6 Kapag may nakikitang cute na bagay, napapabilis nito ang orbitofrontal cortex sa utak na siyang konektado sa emosyon at kasiyahan. Sa pamamagitan ng interpersonal phantom relationships sa lipunan na ayon kay Kringelbach ay ang pagmamahal pagitan sa tao at mga cute na materyal, mas lumalago ang kita ng mga kompanyang gumagawa ng mga produkto tulad ng mga manika, teddies, at mga maliliit na laruan.7 Dahil dito, hindi nawawala ang cute dahil hangga’t may konsumer, bata man o matanda, ay may mga kompanya na kumikita. Dulot ng patuloy na produksiyon, naipapatuloy din nito ang siklo ng pagkakapareho ng mga katangian na mayroon ang mga laruan sa merkado. Umuudyok ito sa patuloy na pamimili sapagkat naging malaking bahagi na ang cuteness sa buhay ng karamihan mula pagkabata. Sa pagbili, nakikilahok na ang mga matatanda o “adultscents” sa cute phenomenon na nagiging sanhi ng pag-unlad ng Kidult Market. Sa kasalukuyan, dahil may Kamilla Knutsen Steinnes et al., “Too Cute for Words: Cuteness Evokes the Heartwarming Emotion of Kama Muta,” Frontiers in Psychology 10 (1 Marso, 2019), 1-2, https://doi.org/10.3389/fpsyg.2019.00387. 7 Morten L. Kringelbach et al., “On Cuteness: Unlocking the Parental Brain and Beyond,” Trends in Cognitive Sciences 20, blg. 7 (1 Hulyo, 2016): 545–58, https://doi.org/10.1016/j.tics.2016.05.003. 6 pinansyal na kakayahang bumili, napapalago nila ang industriya ng mga laruan na umaabot sa $9 billion dollars kada taon, sa kabila ng implasyon.8 Maraming mga artista at influencers sa Tiktok, Youtube, at Instagram tulad nina Bretman Rock, Top Pops, Andrea Brillantes, at iba pa ang nakikilahok na rin sa penomenon na ito na siyang nagpapasiklab ng hype sa merkado at cultivation sa media. Ang Cultivation Theory ay naglalarawan ng kontribusyon ng telebisyon at media sa pag-unawa ng mga tao sa realidad. Nauugnay dito ang cute phenomenon dahil sa paglaganap ng iba’t ibang uri ng media at madalas na pagpapakita ng cuteness sa mga palabas, hinuhulma na rin nito ang perception, emosyon, at pag-uugali ng mga tao. Para sa madla, kapag paulit-ulit na ang exposure sa mga nakakagigil na imahe, maaaring madiktahan nito ang sarili nilang preference sa medya at pagkakaroon ng sariling inaasahan mula sa mga naturang content.9 Dulot ng karaniwang kagustuhan, napapauso ng nasabing penomenon ang mga bidyo tulad ng mga kuting at tuta sa internet na umuudyok ng baby fever na nagiging dahilan sa pagnanais ng magkakaparehas na anyo ng content sa iba’t ibang larangan ng media. Dahil sa inosenteng imahe at ligtas na aesthetic ng cuteness, maaari itong pagsamantalahan at gamitin bilang paraan ng pagmamanipula ng anumang uri ng propaganda. Ayon kay Maria Darwish, makikita ito sa Moominvalley, isang animated seryeng pambata, kung saan ang mga cute na karakter ay armado at nakamaskara na nagmamartsa patungo sa isang sinagoga na siyang nagpapalaganap ng propagandang ecofascism. Isa ring halimbawa ay ang pagtago ng itim na araw, isang simbolo ng Nazismo, Laura Carrione, “Growing ‘kidult’ Trend Takes Toy Industry by Storm,” Fox Business, 21 Disyembre, 2022, https://www.foxbusiness.com/retail/growing-kidult-trend-takes-toy-industry-by-storm. 9 Katherine Bobadilla Gaw, “A Cultivation Analysis on the Influence of Children’s Exposure to Television in their Definition of Beauty” (Tesis Di-gradwado, University of the Philippines, 2014), 30-33. 8 sa isang larawan ni Snufkin mula sa nabanggit na serye. Dito sadyang makikita na ang paggamit ng cute phenomenon, tulad ng Moomintroll, para sa eco-fascist propaganda ay hindi lamang para makakuha ng tiwala. Ginagamit din ito upang mang-insulto sa kalaban sa pamamagitan ng paglapastangan sa mga karakter na kinikilalang mabuti.10 Kagandahan o Kababalaghan? Ang cuteness ay may dulot na magagandang epekto sa pamumuhay ng madla. Una sa lahat, hindi kailanman naging limitasyon ang edad sa pakikilahok sa cute phenomenon, lalo pa’t ngayon na nauuso na ang mga laruan na hindi lamang para sa mga bata kung hindi pati na rin sa mga tinaguriang “Kidult,” pinagsamang kid at adult. Tumutukoy ito sa mga taong nasa hustong gulang na, ngunit naaaliw pa rin sa mga cute at nakababatang mga bagay. Dahil dito, sila na ang target market ng iba’t ibang mga kompanya at mas dumadami ang produktong ginagawa para suportahan.11 Sa karamihan, nagbibigay ang cute na mga bagay ng kasiyahan o sense of comfort sa kanilang mga buhay. Maaaring nabibigyan sila ng kaginhawaan mula sa nakakapagod na araw o linggo. Kapansin-pansin na ang mga kidult ang binebentahan ng mga bagay na ito sapagkat sila ang madalas na pagod o nakakaramdam ng stress sa trabaho. Habang tumatanda, mas dumadami ang responsabilidad sa buhay, kaya naman kung minsan, hindi na nabibigyan ng pansin ang lumalala nilang kalusugang pangkaisipan. Katulad na lamang ng Sonny Angels, na kadalasan ay kinokolekta ng mga kidult at minsan ay nakasabit pa sa kani-kanilang mga bulsa o mga pitaka, nagsisilbing guardian angel ang mga ito at siyang Maria Darwish, “Fascism, Nature and Communication: A Discursive-affective Analysis of Cuteness in Ecofascist Propaganda,” Feminist Media Studies, 21 Pebrero, 2024, 12-15, https://doi.org/10.1080/14680777.2024.2313006. 11 Carrione, “Growing ‘kidult’ Trend Takes Toy Industry by Storm.” 10 kinukuhanan ng sense of comfort para sa madla. Gamit ang mga cute na bagay na ito, kahit na sila ay mga simpleng laruan lamang na kung minsan ay may kamahalan pa, sinusuportahan pa rin ito ng mga tao dahil nagiging emotional support na ang mga ito sa mga malulungkot nilang araw.12 Sa larangan ng naturang penomenon, may mga koneksiyon na nakabubuo ng komunidad para sa mga sumusuporta ng iba’t ibang cute na bagay. Makikita ito sa iba’t ibang social media platforms tulad ng Facebook, Twitter, Tiktok at Instagram.13 Isang halimbawa ay ang Sonny Angels Community na kung saan mayroong mga taong nagbebenta ng mga rare, unsealed items na minsan ay pinagtutulungan pang hanapin. May mga grupo din sa Facebook na kung saan nakikipagusap ang mga taong mahilig sa Sonny Angels tungkol sa paghahanap ng mga damit para nasabing mga laruan, pagbabahagi ng mga freebies, at pagbubukas ng blind boxes na ibinibenta rin nila. Ang Funko Pops Community ay isa rin sa mga may malalaking komunidad sa larangan ng cute phenomenon. Nagkakaroon ng network ang mga tao dito sa pamamagitan ng pinagsasaluhan na interes ng mga fandom at pagsilbing merchandise ng mga nasabing laruan na sumisimbolo sa kani-kanilang mga iniidolo o paboritong karakter. Dahil dito, nagkakaroon ng sense of community at makabuluhang koneksiyon ang mga taong magkakapareho ang kinahihiligan. Ngunit sa tunay na buhay, kung may kagandahan ay mayroon ding kababalaghan. Hindi maiiwasan na magkaroon ng negatibong epekto ang mga phenomenon na labis ang kasikatan at impluwensiya sa mga tao. Isa na rito ang pinansiyal na kapabayaan. Sa pagsikat ng cuteness, dumadami ang tumatangkilik dito na siyang nagpapataas ng demand at supply ng 12 Carrione, “Growing ‘kidult’ Trend Takes Toy Industry by Storm.” Tora Northman, “How Sonny Angels Kickstarted a Collector Culture,” Highsnobiety, 16 Pebrero, 2024, https://www.highsnobiety.com/p/sonny-angel-collecting-trend/. 13 mga cute na produkto, kasama na rin ang dagdag sa presyo. Ang target market ay ang mga taong nasa hustong edad na at may kalayaan na gamitin ang kanilang pera sa mga luho. Kaya naman, para mapasaya ang kani-kanilang mga inner child, mas nagiging dahilan ang retail therapy sa kapabayaan at pagiging iresponsable ng isang tao sa kaniyang mga pinansiyal na pangangailangan. Sa sobrang pagkahumaling sa cute at pagbago ng mga prayoridad dahil dito, hindi maiiwasan na mayroong mga aspekto sa buhay na napababayaan na.14 Sa pagsikat ng cuteness, nagkaroon din ng pangkalahatang perception ang taumbayan na cute lamang ang pamantayan ng kagandahan sa mundo. Dahil dito, nalilimitahan ang pagiging malikhain ng mga tao na subukan ang iba pang uri ng mga disenyo o sining. Halimbawa nito ay ang YouTube channel na “Draw So Cute” na kung saan ang content creator na si Wennie ay gumagawa ng mga tutorial kung paano gumuhit sa cute na estilo, katulad ng koala at unicorn. Makikita na ang pamantayan ni Wennie sa cute ay tumutulad sa sambayanan: malalaki ang mga mata at kaakit-akit ang mga kulay na ginagamit. Kaya naman nalilimitahan nito ang exposure at malawak na pagkamalikhain ng tao.15 Ang pinakamalubhang epekto ay ang mga bata na nagiging biktima na ng industriya. Ang cuteness ay nagmula sa mga bata o sanggol, at dito rin nag-uugat ang emosyonal na koneksiyon ng lahat sa mga bagay na maliit at cute. Katulad ng Sonny Angels, isa itong hubad na sanggol, may pakpak at nakasuot ng makukulay na damit o aksesorya. Kadalasan pa, ang mga bumibili ng laruan na ito ay hindi mga batakundi mga taong nasa mid-twenties na. Maaari itong magdulot ng seksuwal na konotasyon sa mga sanggol o bata. Pinagsasamantalahan nito ang kanilang pagiging inosente at nagkakaroon ng pagkamangha o 14 Cho, “Sonny Angels: The Consumerist Secret That Toy Companies Don’t Want You to Know.” Angel Jiménez De Luis, “What Is Kawaii Art, Japan’s Culture of Cuteness?,” Domestika, 28 Mayo, 2022, https://www.domestika.org/en/blog/3392-what-is-kawaii-art-japan-s-culture-of-cuteness. 15 pagkaaliw sa mga sanggol na kung lumala ay bahagyang nakakabahala. Kabilang dito, maaaring mag-udyok ito ng isang mapanganib na kultura ng sexualization sa mga kabataan.16 Nagpapakita na ang impluwensiya ng kulturang cute ay patuloy na umiiral, lalo na sa mga kabataan, kung saan sila ay tinuturuan na ang kagandahan o cuteness ay itinuturing na mahalaga sa pananaw ng mga tao, kahit sa murang edad pa lamang. Dahil dito, may mga pagkakataong hindi makuntento ang mga bata sa tunay nilang kagandahan.17 May mga tao naman na kayang hamakin ang lahat para sa cuteness. Isang halimbawa ay ang isang siyam na taong gulang na batang babae mula sa Japan na sumailalim sa operasyon upang makuha ang ninanais na beautiful eyes. Sa murang edad ay nagawa niya na ito, dahil sa kagustuhan niya at ng kanyang mga magulang na maging cute o kawaii. Nakakabahala na kahit hango ang cute phenomenon sa mga bata o sanggol, sila rin pala mismo ang mga biktima nito sa huli. Sadyang malawak ang sakop ng cuteness sa mundo. Maaaring maging positibo o negatibo ang epekto nito sa sangkatauhan, ngunit ang desisyon ay nakadepende pa rin sa indibidwal na tumatangkilik sa industriyang ito. Kung patuloy ang pagsuporta sa ganitong uri ng penomenon, mas mainam na gamitin ito sa paraan na nakatutulong at nakapagpapasaya ng mga tao. Ngunit sa kabila nito, hindi maiiwasan ang mga negatibong epekto, dahil sa mga bagay na kinagigiliwan, mayroong madilim at hindi kanais-nais na bahagi ng realidad. Bagama’t magkaiba ang kagandahan at kababalaghan ng cute phenomenon, tiyak na malaki ang papel na ginagampanan nito sa paghubog ng mga tao sa mundo. 16 Carmen Llovet Rodríguez, Mónica Díaz-Bustamante Ventisca, and Beatriz Patiño Alves, “THE SEXUALIZATION OF CHILDREN THROUGH ADVERTISING, FASHION BRANDS AND MEDIA,” Redalyc.org, 2016, https://www.redalyc.org/articulo.oa?id=353747311006. 17 ABP News Bureau, “9-Year-Old Japanese Girl Undergoes Cosmetic Surgery For ‘Beautiful Eyes,’” ABP LIVE, 16 Nobyembre, 2022, https://news.abplive.com/lifestyle/9-year-old-japanese-girl-undergoes-cosmetic-surgery-for-beautifuleyes-1563547. May Forever sa Cute Phenomenon Mula noon hanggang ngayon, ang Cute Phenomenon ay palaban pa rin sapagkat kahit gaano katagal o sa anumang larangan o aspekto ng buhay, ang cuteness ay hindi mawawala sa mundo. Positibo man o negatibo ang epekto, tila bang nagiging mistulang anino ang ganitong phenomenon. Ang cuteness ay maihahambing dito dahil hindi man namamalayan, ito ay sadyang hindi maiiwasan o mabubura dahil nagiging parte na ito ng pagkatao ng karamihan na siyang mananatili at sasabay sa bawat galaw ng isang tao. Patuloy pa rin ang paglaganap ng cuteness sa pang araw-araw na pamumuhay na kahit sa mga simpleng gawain, hindi namamalayang nahuhubog na pala nito ang sari-sariling pananaw o mga nagugustuhan. Palaban ang cuteness sapagkat hindi ito namamatay; ito’y nagbabago at umaangkop lamang sa panahon. Taon-taon man magbago ang kagustuhan ng mga tao, may mga katangian ng cuteness na hindi mawawala at mananatili sa mga susunod pa na mga dekada. Ang tanging tanong na lamang ay: Ano naman kaya ang susunod? Talasanggunian Darwish, Maria. “Fascism, Nature and Communication: A Discursive-affective Analysis of Cuteness in Ecofascist Propaganda.” Feminist Media Studies, 21 Pebrero, 2024, 1–21. https://doi.org/10.1080/14680777.2024.2313006. Gaw, Katherin Bobadilla. “A Cultivation Analysis on the Influence of Children’s Exposure to Television in their Definition of Beauty.” Tesis Di-gradwado, University of the Philippines, 2014. Jones, Skye, at Lex Lancaster. “Kawaii Revolution: Understanding the Japanese Aesthetics of ‘Cuteness’ Through Lolita and Madoka Magica.” Scholar Commons, Inakses 15 Mayo 2024, 49, https://scholarcommons.sc.edu/uscusrj/vol14/iss1/7. Rodríguez, Carmen Llovet, Mónica Díaz-Bustamante Ventisca, and Beatriz Patiño Alves. “THE SEXUALIZATION OF CHILDREN THROUGH ADVERTISING, FASHION BRANDS AND MEDIA.” Redalyc.org, 2016. https://www.redalyc.org/articulo.oa?id=353747311006. Steinnes, Kamilla Knutsen, Johanna Katarina Blomster, Beate Seibt, Janis H. Zickfeld, at Alan Page Fiske. “Too Cute for Words: Cuteness Evokes the Heartwarming Emotion of Kama Muta.” Frontiers in https://doi.org/10.3389/fpsyg.2019.00387. Psychology 10 (1 Marso, 2019).