Uploaded by Zrishia Llorca

Academic Writing: Definition, Nature, Characteristics

advertisement
KABANATA 2
ANG AKADEMIKONG PAGSULAT
KAHULUGAN,KALIKASAN AT
KATANGIAN
TALAKAYIN NATIN:
Ano nga ba ang akademikong pagsulat? Paano nga ba ito mabibigyangkahulugan?
Ang pagbibigay- kahulugan sa terminong “akademikong pagsulat” ay tulad ng
pagtatanong sa isang tao kung ano ang “mansanas.” Ang pinakakaraniwang
reaksyong makukuha sa isang taong tatanungin, kung hindi man “Ahh… “o”
Hmm…”, ay malamang isang paglalarawan sa mansanas o kaya’y ang simpleng
pagbibigay kahulugan sa mansanas bilang “ isang prutas.” Ang huli, sa halip na
magbigay ng kalinawan ay tila magiging sanhi pa ng kahulugan sa mansanas
bilang “isang prutas.” Ang huli, sa halip na magbigay ng kalinawan ay tila
magiging sanhi pa ng kalabuan (http://www.writeawriting.com)
Kung kaya hindi sapat ang maglahad ng isa o ilang depinisyon para sa
akademikong pagsulat. Kailangan, para sa layunin ng kalinawan, ang mailarawan
nang sapat ang kalikasan, layunin at tungkulin nito.
A. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Mahirap lapatan ng isang simpleng depinisyon ang terminong “
akademikong pagsulat” dahil tumutukoy ito sa pagsulat na
isinasagawa para sa maraming kadahilanan. Mayroon ding iba-ibang
anyo ang akademikong pagsulat, at bawat isa sa mga iyon ay may
kalikasang ikinaiiba sa iba.
Ang isang pangmalawakang depinisyon na maibibigay para sa
akademikong pagsulat ay ano mang pagsulat na isinasagawa upang
makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral. Sa madaling
sabi, kinapapalooban ito ng ano mang itinakdang gawaing pasulat
sa isang setting na akademiko. Ginagamit din ang akademikong
pagsulat para sa mga publikasyong binabasa ng mga guro at
mananaliksik o inilalahad sa mga komperensya (http://grammar.your
dictionary.com).
Mabibigyang- kahulugan din ang akademikong pagsulat bilang ano mang
akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o argumentatibo at ginagawa ng
mga- mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng mga impormasyon
tungkol sa isang paksa. Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay
tumpak, pormal, impersonal at obhetibo (http://grammar.about.com).
Kung gayon, sa pagsusulat ng mga akademikong papel, kailangang tandaan
ng sino mang mag-aaral ang kinalalagyang akademikong komunidad na may
malinaw na inaasahan o ekspektasyon kung paano ginagawa ang akademikong
pagsulat. Iba iba man ang ekspektasyon ng iba-ibang komunidad, may ilang
kalikasan ng akademikong pagsulat na sinusunod ng nakararami. Tatlo sa mga ito,
ayon kina Fulwiler at Hayakama (2003), ay ang sumusunod:
1. Katotohanan. Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na
ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan.
2. Ebidensya. Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga
mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang
kanilang inilalahad.
3. Balanse. Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa
paglalahad
ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit
ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang
maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw.
B. KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Natalakay na ang akademikong pagsulat ay nagtataglay ng kalikasang
katotohanan, katibayan at balanse. Sa isa naming kahulugang nauna ring
tinalakay, binanggit na ang ilan sa mga katangian ng akademikong pagsulat ay
ang pagiging tumpak, pormal, impersonal at obhetibo nito. Hindi mahirap
unawain kung bakit kinakailangan ng mga nabanggit na katangian sa
akademikong pagsulat, bagamat ang ikatlo ay masasabing hindi aplikable sa
mga anyo ng akademikong pagsulat na tatalakayin sa ikatlong yunit ng aklat na
ito.
Ayon sa http://www.uefap.com, ang akademikong pagsulat sa wikang Ingles.
ay linear. Walang dahilan upang hindi mailapat ang gayong obserbasyon sa
Wikang Filipino o sa iba pang wika. Ibig sabihin, ang akademikong pagsulat sa
ano mang wika ay may tinutumbok sa isang sentral na ideya o tema at ang bawat
bahagi ay nag-aambag sa pangunahing linya ng argumento nang walang
digresyon o repetisyon. Ang layunin nito’y magbigay ng impormasyon, sa halip na
umaliw. Gumagamit din ito ng standard na porma ng pasulat na wika.
Ayon muli sa http://www.uefap.com ang iba pang katangian ng akademikong
pagsulat ay ang sumusunod:
1. Kompleks. Ang pagsulat na wika ay mas kompleks. Kaysa pasalitang wika.
Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa
leksikon at bokabularyo. Maidaragdag pa rito ang kompleksidad ng gramatika
na higit na kapansin-pansin sa ano mang pasulat na Gawain.
2. Pormal. Higit na pormal ang akademikong pagsulat kaysa iba pang sangay ng
pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at
ekspresyon.
3. Tumpak. Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures
inilalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.
4. Obhetibo. Maliban sa mga anyo ng akademikong pagsulat na tatalakayin sa
Yunit 3 ng aklat na ito , ang akademikong pagsulat, sa pangkalahatan ay
obhetibo, sa halip na personal. Ang pokus kasi nito kadalasan ay ang
impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip
na ang manunulat mismo ang kanyang mambabasa.
5. Eksplicit. Ang akademikong pagsulat ay eksplisit sa ugnayan sa loob ng
teksto. Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa
mambabasa.Kung ano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t
isa.
6. Wasto. Ang akademikong pagsulat ay gumagamit nang wasto ng mga
bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng
mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang
manunulat.
7. Responsible. Sa akademikong pagsulat, ang manunulat ay kailangang maging
responsible lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano
mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Kailangan din niyang maging
responsible sa pagkilala sa ano mang hanguan ng impormasyong kanyang
ginamit kung ayaw niyang
8. Malinaw na layunin. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan
ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang mga tanong na ito ang
nagbibigay ng layunin. Ang mga layuning ito ay tatalakayin sa kasunod na
bahagi ng kabanatang ito.
9. Malinaw na pananaw. Ang akademikong pagsulat ay hindi lamang listahan ng
mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources.
Samantalang ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang
layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa
paksa ng kanyang papel. Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng
manunulat.
10. May pokus. Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa
tesis ng pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi
nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.
11. Lohikal na Organisasyon. Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na
istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihan ng akademikong
papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal
na nauugnay sa kasunod na talata.
12. Matibay na Suporta. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at
kaugnay na suporta para sa pamaksang pangumgusap at tesis ng pahayag.
Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa
deskripsyon, karanasan,opinyon ng mga expert at siniping pahayag o
quotations.
13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon. Napakahalaga nito, dahil bilang
manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na
pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging
malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat grupo ng manunulat.
14. Epektibong Pananliksik. Sa karamihan ng akademikong papel kailangang
gumamit ng napapanahon, propesyonal at akademikong hanguan ng mga
impormasyon, Dahil dito, napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong
pagsulat.
15. Iskolarling Estilo sa pagsulat. Kakaiba ang estilo sa akademikong pagsulat
kaysa ibang uri ng pagsulat, tulad halimbawa sa malikhang pagsulat.
Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng akademikong papel dahil sinisikap ang
kalinawan at kaiklian. Kailangan ding maging madaling basahin ang
akademikong papel. Kung kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga
pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas, at bokabularyo sa pagsulat
nito. Ang mga gayong pagkakamali ay nagpapahiwatig ng kawalan ng
pag-iingat, kung hindi man ng kakulangan ng kaalaman sa wika.
C. LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
sa kabanata ng aklat na ito, natalakay na ang pagsulat sa pangkalahatan ay
maaaring may layuning impormatibo, mapanghikayat at malikhain. Maliban sa
ikatlo, halos gayon din ang maaaring layunin ng akademikong pagsulat.
Nabanggit na rin na ang akademikong pagsulat ay may malinaw na layunin.
Sadya, ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong
kaugnay ng isang paksa, at ang mga tanong na ito ang nagbibigay ng layunin ng
isang akademikong papel. Ang mga karaniwang layunin ng isang akademikong
pagsulat ay manghikayat, magsuri at magbigay impormasyon (hhtp://vsm.sk na sa
mga kasunod na talataan ay ipinaliliwanag.
1. Mapanghikayat na layunin. Sa akademikong pagsulat na ito, layunin ng
manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang
posisyon hinggil sa isang paksa. kung kaya upang maisakatuparan ang layunin na
ito. Pumipili siya ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit
ang mga katwiran at ebidensya at tinatangka niyang baguhin ang pananaw ng
mambabasa hinggil sa paksa.
2. Mapanuring layunin. Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang layunin
dito ay ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang
pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan. Sa mga pagsulat, madalas
iniimbestigahan ang mga sanhi, inieeksamen ang mga bunga at epekto. Sinusuri
ang kabisaan, inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin, pinag-uugnayugnay ang iba’t ibang ideya at inaanalisa ang argumento ng iba. Kinapapalooban
ito ng bahaging sintesis kung saan pinagsasama-sama ang iba’t ibang bahagi
upang makabuo sa sariling sagot sa tanong kaugnay ng paksa. Isang halimbawa
nito ay ang panukalang Proyekto.
3. Impormatibong Layunin. Sa impormatibong akademikong pagsulat,
ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang
mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa. Naiiba
ito sa sinundang layunin dahil hindi tinutulak o pinupwersa ng manunulat ang
kanyang sariling pananaw sa mambabasa. Manapa’y kanyang pinalalawak
lamang ang kanilang pananaw hinggil sa paksa. Isang halimbawa nito ay ang
pagsulat ng abstrak.
LAMBAT-LIKHA
PANUTO:
Base sa paksang araling tinilakay
ipaliwanag sa sariling opinyon kung ano ang
pagkakaunawa mo sa salitang
“Akademikong Pagsulat.”
RUBRIK SA PAGSULAT NG
SARILING OPINYON
NILALAMAN:
Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi lawak at lalim ng
pagtalakay
Puntos
BALARILA:
Wastong gamit ng Wika
Puntos
HIKAYAT:
Paraan ng pagtalakay sa paksa
Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro sa kaugnay na
gawain
Puntos
Kabuuan
1-10
1-10
1-10
DAONG-KAMALAYAN
PANUTO:
Base sa paksang araling tinalakay magbigay
ng pansariling repleksiyon kung ano ang
natutuhan mo sa aralin. Limitahan hanggang
pitumpong salita. (70 Words)
Download