Uploaded by Mark Andrew Oseo

Kenyan & Nigerian Mythology

advertisement
MAGANDANG
ARAW!
SA ARALING ITO, IKAW AY
INAASAHANG:
Maunawaan at
mapahalagahan ang mga
akdang pampanitikan mula sa
ibang bayan.
Ano-ano ang kultura ng Africa? Ano-ano ang kultura ng Iran?
AFRICA
KULTURA
IRAN
Ano ang naging ambag nito sa panitikan?
Ano ang
katangian ng
dalawang
bansa?
Handa ka na bang
talakayin ang
mga
mahahahalagang
panitikan sa
ibang bansa?
Ano ang
pagkakaiba ng
mitolohiya ng
dalawang bansa?
Ano ang
katangian ng
dalawang bansa?
Ano ang p
Handa ka n
talakayi
mg
mahahaha
panitika
ibang ba
Ano ang
katangian ng
dalawang bansa?
Ano ang pagkakaiba ng
mitolohiya ng
dalawang bansa?
Handa ka na bang
talakayin ang
mga
mahahahalagang
panitikan sa
ibang bansa?
AKDANG PAMPANITIKAN:
MITOLOHIYA
Ano ang mitolohiya?
*Pag-aaral ng mga mito/myth
*Galing sa salitang Latin na mythos at salitang Griyego na muthos na
nangangahulugang kuwento
*Tumutukoy ito sa kalipunan ng mito mula sa pangkat ng mga tao sa isang
lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyusan.
AKDANG PAMPANITIKAN:
MITOLOHIYA
ELEMENTO NG MITOLOHIYA
Tagpuan – salamin sa lugar at kalagayan ng bansa kung
saan ito umusbong
Tauhan – mga tao o tagaganap sa kuwento (mga diyos at
diyosa)
Banghay – pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan at
pangyayari sa kuwento
5 bahagi ng banghay
1. Panimula – pinakikilala ang mga tauhan.
2. Saglit na kasiglahan – panandaliang tagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
3. Kasukdulan – nakakamtan ng tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.
4. Kakalasan – ito ang tulay sa wakas ng kuwento.
5. Wakas – ito ang resolusyon o pagtatapos ng kuwento.
Mitolohiya: Masya at Mashayana: Mito
ng Pagkakalikha
(Mitolohiya mula sa Africa)
Mitolohiya: Liongo
(Mitolohiya mula sa Kenya)
Mitolohiya: Liongo
(Mitolohiya mula sa Kenya)
Ang Republika ng Kenya ay isang bansa sa Silangang Africa.
Napalilibutan ito ng Ethiopia sa Hilaga, Somalia sa HilagangSilangan, Tanzia sa Timog, Uganda sa Kanluran, at Sudan sa
Hilagang Kanluran. Kasama ang Karagatang Indiyano sa timogsilangan. Mayaman ang bansa sa mga akdang pampanitikan,
sining, musika, at sayaw na ritmo ng pananampalataya ng
kanilang lahi. Masasalamin natin ang kanilang mga literatura sa
pamamagitan ng kanilang mga mitolohiya na higit na
magpapakilala sa atin ng kultura at tradisyon ng bansang Kenya.
Video
Mga tanong
1. Sino ang pangunahing tauhan sa
kuwento?
2. Ano ang kahinaan ng tauhan?
3. Ano ang suliranin ng tauhan?
4. Ano ang mahalagang aral ang nais
ipabatid ng napakinggang akda?
Mitolohiya: Maaaring Lumipad ang Tao
(Mitolohiya mula sa Nigeria)
MAGANDANG
ARAW!
SA ARALING ITO, IKAW AY
INAASAHANG:
Napangangatuwiranan ang
sariling reaksiyon tungkol sa
akdang binasa sa
pamamagitan ng
debate/pagtatalo
ANO ANG NAKIKITA NINYO SA MGA
LARAWAN?
ANO NAMAN ANG IYONG
PANANAW UKOL DITO?
ANO ANG NAKIKITA NINYO SA MGA
LARAWAN?
ANO NAMAN ANG IYONG
PANANAW UKOL DITO?
Pangangatwiran o Pakikipag-debate
Ang pangangatwiran ay isang uri ng
pagpapahayag na ang pangunahing layunin
ay magpatunay ng katotohanan at
paniniwalaam at ipagtanggap ang
katotohanang iyon sa nakikinig o bumabasa.
Ang isang nangangatwiran at dapat
magtaglay ng sapat na kaalaman tungkol
pinangangatwiranan sa isang paksang
pinangangatwiranan.
Sa isang mabisang pangangatwiran, mahalagang isaalang-alang ang
sumusunod:
1. Malalim na kaalaman at pagkakaunawa sa paksang ipagmamatuwid.
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid.
3. May sapat na katwiran at magkapagpapatunay sa pagmamatuwid.
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang
makapanghikayat.
5. Pairalin ang pagsasaalang alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa
pagpapahayag ng kaalamang ilalahad.
Ang debate ay isang sining ng pakikipagtalastasan sa
pagpapahayagng ating saloobin, nararamdaman paniniwala
tungkol sa isang paksa, isyu o usapin.
Sa debate mayroon dalawang pangkat na binubo ng isang
pangkat na panig sa proposisyon at isang pangkat na oposisyon
o hindi sumasang-ayon sa proposisyon.
Mayroon ding isang moderator na nagsisilbing
tagapamagitan ng dalawang panig at nagsisigurong
maayos ang magiging takbong buong debate.
Mayroong hurado sa debate na nagsisilbing patas na
tagahatol sa mga iiwanang salita ng dalawang panig.
Mayroon ding timekeeper na magsisilbing tagabantay ng
oras upang hindi lumagpas sa oras ang pagpapahayag ng
tigkabilang panig.
Pakikipag-debate
Ito ay binubuo ng pagtatalo ng dalawang kopunan
o pangkat na nagbibigay-katwiran sa isang
proposisyon o paksang napagkasunduan nilang
pagtalunan.
Kadalasan, binibigkas ang pagtatalo subalit
mayroon din namang pasulat.
Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pakikipag-debate
1. Pangangalap ng Datos - Ito ang katotohanang gagamitin sa
pagmamatuwid at kukuha ang mga ito sa napapanahong aklat,
sanggunian, magasin, at pahayagan.
Dalawang sanggunian ang karinwang pinagkukunan ng mga datos
a. sariling karanasan
b. pagmamasid ng ibang awtoridad sa paksa
2. Dagli – Ito ang balangkas ng inihandang mga katwiran. Sa
ibang salita, ito’y pinaikling pakikipag-debate.
Mayroon itong simula, gitna, wakas.
A. Simula - dito inihahayag ang paksang pagtatalunan at ang
kahalagahan nito sa kasalukuyan.
B. Katawan - dito inilalahad ang mga isyung dapat sagutin.
C. Wakas - ito ang buod ng isyung binibigyang patunay.
3. Pagtatanong
Bahagi ng pakikipagdebate ang pagtatanong
Narito ang mga paalala sa pagtatanong sa debate:
a. Magtanong lamang na ang sagot ay oo o hindi
b. Huwag papayagang magtanong ang kalaban kung ikaw ay nagtatanong.
Maaksaya niyon ang oras sa pagtatanong.
C. Kung lumalabag sa alituntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat
ipaalam sa tagapangasiwa ng pag-dedebate.
4. Panunuligsa
May panunuligsa (rebuttal) din sa debate.
Narito ang mga dapat tandan sa panunuligsa:
a. Ilahad ang mga mali sa katwiran ng kalaban
b. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban
c. Ipaliwang ang mga kahinaan ng katibayan ng kalaban.
d. Ipaalam kung labas sa paksa ang katwiran o katibayan ng kalaban.
e. Magtapos sa pagbubuod ng saliring katwiran at katibayan.
Pagsasaling Wika: Mga
katangiang dapat taglayin ng
isang tagapagsalin at mga
gabay sa pagsasaling wika
Alam mo ba na…
Ang pagsasaling wika ay ang paglilipat sa
pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isasalin? Ang isinasalin ay ang diwa ng
talata at hindi ang bawat salita na bumubuo
rito. (Santiago, 2003)
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang
Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang
kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng
kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na.
Kumokonsulta sa diksyonaryo. Nauunawaan
niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ng mga
saltang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang
wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan
ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang
nais ipabatid ng awtor, gayundin sa
wastong paggamit ng mga salita, wastong
pagkakabuo, at pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang
paraan ng pagpapahayag. Ang
kakayahang magsalita sa dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin at
kaalaman sa gramatika ay hindi sapat para
makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng
salin ay patas, nagiging higit na mahusay
na tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang
isasalin. Marapat na ang
tagapagsalin ay may higit na
kaalaman sa paksa. Sapagkat siya
ay higit na nakaaalam at
nakauunawa sa mga konseptong
nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa
kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin.
Walang higit na mabisa kaysa
ibang wika. Ang lahat ng wika
ay may sariling bisa at
kakayahan bilang kasangkapan
sa pagpapahayag ng kulturang
Pilipino at ng ibang bansa.
Gabay sa Pagsasaling-wika
Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at
unawain ang kabuuang diwa nito. Tandaang mahalaga
para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na
kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang
pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat
nang maayos at maging pamilyar sa mga estilo ng
pagsulat sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng
isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang
pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na
diwa ng isinasalin nang walang napakalaking dahilan ay isang
paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.
Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan.
Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang
wikang kasama sa pagsasalin.
Kung gagamit ng diksiyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang
kahulugan ng isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang
pagsasanay upang makuha ang kahulugang angkop sa konteksto ng
pangungusap.
Try natin, baka mag-work
tayo
A. Isalin sa Ingles ang sumusunod na mga salita.
1. Tagapagbantay
2. Misteryo
3. Nagpagulong-gulong
4. Mahika
5. Kumikinang
B. Isalin sa Filipino ang sumusunod:
“In the days of King Solomon, three thousand years ago,
there lived in Ethiopia, a dynasty of Queen, who reigned
with great wisdom. “
Download