QUARTER 3 WEEK 4 LESSON EXEMPLAR IN FILIPINO Baitang at Pangkat: Petsa: Week 4 A. Pamantayang Pangnilalalman B. Pamantayan sa Pagganap Guro: Paaralan: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyo C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang talata at teksto D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang talata at teksto F2PB-Ih-6, F2PB-IIIg-6, F2PB-IVd-6 (Kung mayroon, isulat ang Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto o MELC) E. Pagpapaganang Kasanayan (Kung mayron, Isulat ang pagpapaganang kasanayan)) F. Pagpapayamang Kasanayan (Kung mayroon, Isulat ang pagpapayamang kasanayan) II. NILALAMAN Sanhi at Bunga III. KAGAMITAN PANTURO A. Mga Sanggunian MELC p.202 CG.p 25 1. Mga Pahina sa Gabay ng p. 68-69 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral 3. Mga Pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource P 146-156 Guro B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Gawain sa , Modyul Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan IV. PAMAMARAAN A. PANIMULA Alamin Subukin Sa araling ito, matututunan mo kung paano mapag-uugnay ang sanhi at bunga a. Tignan ang mga sumusunod na larawan. Ano sa tingin mo ang naging dahilan kung bakit nangyari ang mga ito? Isulat sa patlang ang sagot. 1. _____________________________________ _____________________________________ 2. _____________________________________ _____________________________________ NAWAWALA 3. _____________________________________ _________________________________________ b. Magbigay ng resulta sa mga susunod na larawan sa ibaba. 4. ______________________________________________ _________________________________________________ 5. _____________________________________________ _______________________________________________ Balikan Guhitan ang angkop na panghalip panao sa pangungusap. 1. (Siya, Ka, Mo) ang aking guro sa Filipino. 2. Tulungan (ko, mo, siya) ang nangangailangan. 3. (Ko, Niya, Ako) ay nasa ikalawang baitang. 4. Hawakan (siya, ako, mo) ang malamig na yelo. 5. Hindi (siya, ako, ko) nabasa ang aklat. B. Pagpapaunlad Basahin ang kwento sa ibaba. Tuklasin Malapit na ang araw ng Pasko. Abala si Aling Sonia sa pag-aayos ng kaniyang listahan ng mga bibilhin para sa mga anak. Kasama niya si Bing nang pumunta sa Divisoria. Bumili siya ng dalawang t-shirt at dalawang pantalon para sa mga anak na lalaki. Isang bestida naman para sa anak na babae at limang pares ng sapatos. Binabadyet niyang mabuti ang kaniyang dalang pera. Pinipili niya ang mga gawa sa ating bansa dahil naniniwala siya na magaganda at matitibay ang mga ito. Masayang umuwi si Aling Sonia. Nabili niyang lahat ang nasa listahan. Suriin Sagutin ang mga sumusunod na tanong: Sino ang nagpunta sa Divisoria? Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia? Ano ang dahilan kung bakit nagbabadyet si Aling Sonia? Tama bang ibadyet ang pera? Bakit? Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia? Ano ang pamantayan niya sa pagpili niya ng kaniyang bibilhin? Tama ba ang ginawa niya? Paano mo siya tutularan? C. Pakikipagpalihan Pagyamanin Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Si Juan, at ang Mahiwagang Puno Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya ang baka natin sa bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan.” Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang matandang lalake. “Saan mo dadalhin ang baka?” tanong ng matanda.“Sa bayan po, para ipagbili,” sagot ni Juan.“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic ito, makikita mo,” alok ng matanda.“Siyanga po? Mahiwaga?” Sapagkat bata, mahilig sa magic talaga si Juan, at madali ring mapaniwala. “Sige po, payag ako.” Iniuwi niya ang isang dakot na buto ng halaman na palit sa baka. “Nasaan ang perang pinagbilhan mo sa baka?” tanong ng kanyang ina. “Wala pong pera. Ipinagpalit ko po ang baka sa mga butong ito. Mahiwaga raw po ito, sabi ng matanda.” Sa galit ng ina sa anak dahil nagpaloko raw ito, itinapon niya ang mga buto sa bintana. “Ikaw talagang bata ka, hanggang ngayon ay madali ka pa ring maniwala sa mga manloloko.” Nang magising kinaumagahan si Juan, nagulat siya na may punong mataba sa labas ng bintana niya. Lumabas siya para masdan ang bigla na lamang na lumitaw na puno at nakita niyang pagkataas-taas nito. Hindi niya maabot ng tingin ang tuktok nito dahil nasa mga alapaap na.“Nanay, tingnan ninyo ang puno! Mahiwaga nga pala ang mga buto! Aakyatin ko po.” Inakyat nga niya ito at matagal bago siya nakarating sa tuktok. Sa itaas, may nakita siyang malapalasyong bahay at pumasok siya rito. May babaeng sumalubong sa kanya. “Naku! Bakit ka pumarito? Hindi mo ba alam na bahay ito ng higante? Naku, ayan na siya, dumarating! Tago ka diyan sa ilalim ng mesa at baka ka makita.”“Ho-ho! Ano ba iyong naamoy ko?” Malakas ang tinig ng higante. “May ibang tao ba rito?”“Wala po,” sagot ng babae. “Naaamoy lang po ninyo ang masarap na pagkaing luto ko. Sige po, kumain na kayo.” Umupo ang higante at kinain ang isang palangganang pagkain na inihain sa kanya. Nagpahid ng bibig at tumawag sa babae, “Dalhin mo rito ang manok ko.” Sa pagkukubli ni Juan sa ilalim ng mesa, nakita niyang ibinigay ng babae ang isang makulay na inahing manok sa higante. “Mangitlog ka, manok, at pagkatapos ay umawit ka para ako makatulog,” utos ng higante at inilagay sa mesa ang hinahaplos na manok. Kitang-kita ni Juan na lumabas sa manok ang isang gintong itlog na tuwangtuwang isinilid sa bulsa ng higante. “Ngayon, patulugin mo ako sa pag-awit mo.” Pati ang tinig ng manok ay tila ginintuan din dahil madaling nahimbing ang higante. Dagling lumabas sa pinagtataguan si Juan, sinunggaban ang manok sa mesa, at nagtatakbo sa punong inakyatan niya. Nang bababa na siya sa puno, biglang tumilaok ang inahin, “Tak-ta-la-ok!” Malakas at hindi na ginintuan ang boses nito, kaya nagising ang higante. “Huy! Anong nangyari? Nasaan ang manok ko?” Nakita niyang halos nasa kalagitnaan na ng puno si Juan at ito’y hinabol niya.“Inay, dali!” tawag ni Juan sa ina.“Akina ang palakol. Hinahabol ako ng higante.” Pagkaabot sa kanya ng ina ng palakol, inihataw niya itong dali-dali sa puno. Halos nasa ibaba na ang higante nang maputol niya ang puno. Patay ang higante nang bumagsak ito sa lupa. Naging mariwasa ang buhay ni Juan at ng kanyang ina dahil sa manok nilang umiitlog ng ginto. Hindi naman nila ipinagmaramot ang mga biyaya nila sapagkat tumulong sila sa maraming salat sa buhay. Mga Tanong: 1. Ano ang inutos ng nanay kay Juan? 2. Sino ang nakasalubong ni Juan sa bayan? 3. Ano ang sinabi sa kaniya ng nakilala niya sa bayan? 4. Ano ang naging reaksyon ng ina ni Juan nang makita niya kung saan pinagpalit ng bata ang kanilang bata? 5. Ano ang naging wakas ng kuwento? B. Base sa kwentong binasa, isulat ang sanhi ng mga sumusunod na pangyayari. 1. Itinapon ng ina ang mga buto sa bintana. SANHI: __________________________________________________________ __________________________________________________________ 2. Pumunta si Juan sa bayan. SANHI: __________________________________________________________ __________________________________________________________ 3. Ibinigay ni Juan ang kanilang baka sa matandang nakilala niya. SANHI: __________________________________________________________ __________________________________________________________ 4. Madaling napaniwala ng matandang lalaki si Juan SANHI: __________________________________________________________ __________________________________________________________ 5. Matagal bago nakarating sa tuktok ng mahiwagang puno si Juan. SANHI: __________________________________________________________________ ______________________________________________ C.Sundin ang panuto. (5 pts. kada bilang) 1. Iguhit ang sanhi ng larawan sa kaliwa sa kahong nasa kanan. 2. Iguhit ang bunga ng larawang nasa kanan sa kahong nasa kaliwa. D. Paglalapat Paglalahat E. Pagtataya LINANGIN Base sa kuwentong binasa, iguhit ang bunga ng mga sumusunod na pangyayari. 1. Hinataw ni Juan ng 2. Nakuha ni Juan ang palakol ang manok na nangingitlog mahiwagang puno. ng ginto. Ang SANHI ay nagsasaad ng dahilan ng isang pangyayari. Samantalang ang BUNGA naman ay ang nagiging epekto o resulta ng isang pangyayari. Tukuyin ang sanhi at bunga sa sumusunod na sitwasyon. Salungguhitan ang sanhi at ikahon naman ang bunga. 1. Nakaligtaan ni Dodong isara ang gripo sa kusina. Nagulat ang kaniyang nanay nang makitang basa ang sahig. 2. Masayang- masaya si Lena dahil mamamasyal siya at ang kaniyang mga magulang sa Rizal Park. 3. Ang mga tao ay nagtutulong- tulong kaya umunlad ang bayan. 4. Bumaho sa kalsada dulot ng pagtatapon at pag-iimbak ng basura doon. 5. Umiiyak ang bata dahil nahulog ang kaniyang ice cream. V. PAGNINILAY (Reflection on the type of Formative or Assessment Used for the Particular Lesson) Kumpletuhin ang bawat pangungusap. 1. Ang natutuhan ko ngayon ay________________________________________________ ____________________________________________________________________ ___ 2. Nalaman kong__________________________________________________________ Gusto ko pang malaman___________________________________________________ 3.