MAGANDANG UMAGA Bb. Ada Mae P. Celestial Panuto: Hanapin sa ang mga nakatalang salita sa loob ng kahon. 1. Telebisyon 2. Radyo 3. Social Media 4. Internet 5. Diyaryo Mga Sitwasyong Pangwika Sitwasyong pangwika sa telebisyon Sitwasyong pangwika sa radyo Sitwasyong pangwika sa diyaryo Sitwasyong pangwika sa social media at internet Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon Ang midyum na wikang ginagamit sa mga palabas o programa sa telebisyon ay wikang Filipino. Karamihan sa mga palabas sa anomang oras ay ito ang wikang ginagamit sa pagpapahayag maliban na lamang sa ilang news program na wikang ingles ang midyum na pinapalabas tuwing gabi kung saan tulog na ang karamihan. Ngunit ang ilan lamang sa ilang sa mga ito’y mga hindi nangungunang estasyon kundi ilang local na news TV. Sitwasyong Pangwika sa Radyo Karamihan sa mga palabas sa mga estasyon ng AM at FM ay gumagamit ng wikang Filipino at wikang rehiyonal, ngunit mas nangunguna pa ring gamitin ang Wikang Filipino sa mga estasyong lokal, sa tuwing may kinapanayam na mula sa ibang lugar on taal na nagsasalita ng wikang Filipino ang ginagamit na wika sa pakikipanayam ay ang lingua frangca Nasyonal-wikang Filipino. Nakatutulong ang radyo sa anumang sitwasyon para maipabatid ang mga mahalagang isyu kaugnay sa kalagayang panlipunan at pandaigdigan. Sitwasyong Pangwika sa Diyaryo Ang diyaryo ay nahahati sa dalawa: tabloid at broadsheet na naglalaman ng mga balita, pangaliw at pagkaalaman. Sa tabloid,ang midyum na wikang ginagamit ay Filipino samantalang sa broadsheet ay wikang Ingles. Ang tabloid ay karaniwang binibili ng pangkaraniwang tao at nakasulat sa wikang higit nilang maunawaan. Kung kaya nakakaimpluwensiya ito sa nakararaming. Tulad na lamang ng Abante, Bulgar, Bandera, Remate, Hataw. Karamihan sa mambabasa ang kanilang lipas oras ay pagbabasa. Ang ginagamit nilang wika ay hindi pormal na wikang mababasa sa broadsheet at ang headline naman ay nakasulat sa malaking tiktik upang madaling mapansin. Ang nilalaman naman nito ay sensayonal at litaw ang paggamit ng mga barayti ng wika subalit ang broadsheet ay naglalaman ng mga seryosong pagbabalita, tulad ng mga Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin, The Manila Times, The Philippine Star at higit sa lahat saklaw rin nito ang balitang internasyonal. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet Bata man o matanda ay gumagamit ng social media at internet dahil dito ay mas napapadali ang komunikasyon ng bawat isa, ang mga halimbawa nito ay Twitter, Facebook, Youtube, Instragram at iba pang apps. Batid natin mabilis na ang komunikasyon ngayon subalit kung gaano ka bilis ang komunikasyon, mabilis rin ang pagkalat ng fake news at paggamit ng mga fake account. Kaya’t mas maging maingat dapat ang mga tao sa paggamit ng social media lalo na sa panahon ngayon na kapansin- pansing madali rin ang paglaganap ng krimen tulad ng cyber bullying, hacking at scam. Sa paghahatid ng mensahe at pagpopost ng status at larawan ay maari nang maipadala ng pribado sa mga taong padadalhan, subalit kailangan pa ring mag-ingat—ika nga “THINK BEFORE YOU CLICK”. Napapanahon ngayo ang paggamit ng social media sa mga online seller, ngunit dapat ding legit ang pinagkukunan upang maiwasan ang pagkakamali. Usong- uso rin ang paggamit ng mga code switching o mga salitang pinaikli/dinaglat tulad ng HM (How much?), OTW(On the Way),ILU(I love you); RTW( Ready to wear) at maramki pang iba . PaGtataya A. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na kaisipan. Tukuyin kung ang mga sumusunod na kaisipan ay tumutukoy sa katangian ng TELEBISYON, RADYO, DIYARYO, SOCIAL MEDIA AT INTERNET. Isulat ang sagot sa iyong kasagutang papel. 1. Ang midyum na wikang ginagamit sa mga palabas o programa ay wikang Filipino. 2. Wikang Filipino ang nangungunang wika sa AM at sa FM man na istasyon. 3. Ang tabloid ay kadalasang binibili ng masa o mga karaniwang tao. 4. Ang nilalaman naman nito ay sensayonal at litaw ang paggamit ng mga barayti ng wikaat ang broadsheet ay naglalaman ng mga seryosong pagbabalita. 5. Tinatangkilik ng manonood dahil sa iba’t ibang programang napanood. 6. Gumagamit ng internet connection o data para makakonekta. 7. Ang mga halimbawang programang ipinapalabas dito ay mga teleserye, mga patanghaliang palabas, news and public affairs, reality show at iba pa. 8. Napapabilis ang komunikasyon dahil sa mga apps. 9. Usong- uso rin ang paggamit ng mga code switching halimbawa ay OTW(On the Way),ILU(I love you); RTW( Ready to wear) at iba pa. 10. Napapakingan lamang ang mga programa sa estasyon ng mga ito. B. Panuto: Alamin ang ibig sabihin ng mga salitang daglat o shortcut na usong-usong gamitin sa FB, twitter, Messenger at iba pa. 1. OTW___________ 2. OOTD__________ 3. LOL_________ 4. GBU_________ 5. HB__________ 6. ILY__________ 7. OMG_________ 8. OIC__________ 9. HM__________ 10. BTW________ TAKDANG ARALIN PANUTO: Manood at makinig ng mga palabas sa telebisyon at itala ang mga natuklasang kaisipan ukol dito. Paalala: Isang pamagat ng palabas lamang ang isulat sa bawat kahon. THANK YOU