Uploaded by Ada Mae Celestial

fil9 q2 mod3 -MatatalinghagangSalitangGinamitsaTankaatHaiku Version2

advertisement
9
NOT
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 3
Matatalinghagang Salita
na Ginamit sa Tanka at Haiku
Department of Education ● Republic of the Philippines
Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2,Wk.1 - Module 3: Matatalinghagang Salita
na Ginamit sa Tanka at Haiku
First Edition, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro
Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V
Development Team of the Module
Author: Clarence P. Pabillar
Reviewers/Evaluators/Editors:
April L. Echiverri, Angelina M. Pacquiao
Illustrator and Layout Artist: (________________________)
Management Team
Chairperson:
Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons:
Nimfa R. Lago, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Members
Henry B. Abueva, OIC-CID Chief
Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address:
General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax:
(063)221-6069
E-mail Address:
iligan.city@deped.gov.ph
ii
9
Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 3
Matatalinghagang Salita
na Ginamit sa Tanka at Haiku
This instructional material was collaboratively developed and reviewed
by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.
We value your feedback and recommendations.
Department of Education ● Republic of the Philippines
iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya
………………………………
1
Nilalaman ng Modyul
………………………………
1
Alamin
………………………………
1
Pangkalahatang Panuto
………………………………
2
Subukin
………………………………
3
1
………………………………
4
Balikan
………………………………
4
Tuklasin
………………………………
5
Suriin
………………………………
6
Pagyamanin
………………………………
8
Isaisip
………………………………
10
Isagawa
………………………………
11
Buod
………………………………
12
Tayahin
………………………………
13
Karagdagang Gawain
………………………………
13
Susi ng Pagwawasto
………………………………
14
Sanggunian
………………………………
15
Aralin
iv
Modyul 3
Matatalinghagang Salita
na Ginamit sa Tanka at Haiku
Pangkalahatang Ideya
Ang pokus na akdang pampanitikan ng modyul na ito ay ang tanka at haiku.
Mga uri ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa ang tangka
noong ikawalong siglo at ang haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong
pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita
lamang. Ang pokus na kasanayan na mahalagang malinang sa pamamagitan ng
modyul na ito ay ang pagbibigay kahulugan sa mga matatalinghagang salitang
ginamit sa tanka at haiku.
Kaya ang pinakamalaking hamon sa iyo ngayon ay kung papaano mo
mabigyang paliwanag ang mga matatalinghagang salita na ginamit sa tanka at
haiku. Bukod sa makapagbigay ka ng paliwanag mahalaga rin na makabuo ka ng
sariling tanka at haiku na may mga matatalinghagang salita sa loob nito.
Nilalaman ng Modyul
Nilalaman ng modyul na ito ang pagbabalik-aral sa kung ano ang tanka at
haiku. Binigyan ng paliwanag kung ano ang katangian ng bawat isa, ano ang mga
posibleng paksa at ang iba pang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsusulat
ng mga ito. Binibigyan din ng diin sa nilalaman ng modyul kung ano ang kaibahan
ng denotasyon at konotasyon. May mga inahandang mga pagtalakay kaugnay sa
mga matatalinghagang salita na ginamit ng ilang halimbawa ng tanka at haiku.
Upang malinang ang iyong kakayahan sa pagbibigay kahulugan sa mga
matatalinghagang salita na ginamit sa tanka at haiku ay may inihandang mga
gawain para sa iyo.
Alamin
Inaasahan sa modyul na ito na ikaw ay:
1. Makapagbibigay kahulugan sa mga matatalinghagang salitang ginamit sa tanka at
haiku (F9PT-IIa-b-45).
2. Makapagbigay buod kung ano ang natutunan sa buong modyul na may
kaugnayan sa pokus na kasanayan.
3. Makapagsaliksik ng iba pang halimbawa ng tanka at haiku at masusuri ang mga
matatalinghagang salita na nasa loob nito.
1
Pangkalahatang Panuto
Upang makamit ang mga inaasahan, kailangang gawin mo ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga matatalinghagang salitang
ginamit sa tanka at haiku upang matukoy ang kahulugan nito.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.
Icons na Ginagamit sa Modyul
Alamin
Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.
Subukin
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Balikan
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.
Tuklasin
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Suriin
Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.
Pagyamanin
Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa
iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.
Isaisip
Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong
mahahalagang natutunan sa aralin.
Isagawa
Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang
mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
2
Tayahin
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong natutunan
ayon sa pokus na kasanayan sa modyul na ito.
Susi ng
Ito ang bahagi ng modyul na matatagpuan ang
Pagwawasto mga sagot sa mga gawain at pagsasanay na
inihanda.
Subukin
Pangkalahatang Panuto: Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
I. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang mga pahayag at MALI kung ito ay hindi
wasto.
1. Ang tanka ay binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod.
2. Ang haiku ay mas pinaikli sa tanka at may labimpitong bilang ng pantig na may
tatlong taludtod.
3. Pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa ang karaniwang paksa ng haiku.
4. Ang denotasyon ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo, ito
ay literal na kahulugan ng salita.
5. Ang konotasyon ay naiiba sa karaniwang kahulugan ng salita, ito ay may
nakatagong kahulugan.
II.Tukuyin kung ang mga pangungusap sa ibaba ay nagpapahayag ng denotasyon at
konotasyong kahulugan.
1. Masayang naglalaro ang bata sa bagong bola na bigay ng kanyang ama.
2. Nadala si Anna sa matatamis na bola ng binata kaya napasagot siya nito.
3. Maayos na nakatanim sa gilid ng sapa ang mga kawayan.
4. Sintayog ng kawayan ang pangarap ni Ramon sa buhay.
5. Ang ina ang tinaguriang ilaw ng tahanan.
III. Ibigay ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng mga salitang nasa
talahanayan.
Salita
Denotasyon
Konotasyon
1. Umaalulong
2. Damo
3. Alipato
4. Kabibe
3
5. Ligaya
Aralin
1
Pagbibigay Kahulugan
sa mga Matatalinghagang Salitang
Ginamit sa Tanka at Haiku
Balikan
Ilang pantig mayroon ang tanka?
Ilan naman ang sa haiku?
Ano ang karaniwang paksa ng dalawa?
Tandaan:
Ang tanka ay binubuo ng tatlumpu’t isang pantig namay limang taludtod na
ang karaniwang hati ng pantig sa bawat taludtod ay: 7-7-7-5-5 , 5-7-5-7-7 o
maaaring magkakapalit na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isa pa rin.
Halimbawa:
Ako ay napamahal - 7 pantig
At nasaktan sa huli - 7 pantig
Iniwan ko na siya - 7 pantig
Pinaglaruan
- 5 pantig
Lang niya ako.
- 5 pantig
Ang haiku naman ay binubuo ng labimpitong pantig na may tatlong taludtod.
Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit
din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.
Halimbawa:
Bayang nasawi
Tinanggol ating lahi
Payapa’y wagi.
- 5 pantig
- 7 pantig
- 5 pantig
Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang
paksang ginagamit naman sa haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong
nagpapahayag ng masisidhing damdamin ang tanka at haiku.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa halimbawa ng tanka at haiku
sa itaas. Ang mga salitang pinaglaruan at nasawi ay maaaring magkaroon ng higit
sa isang kahulugan.
4
Halimbawa:
1. Pinaglalaruan ng bata ang kanilang alagang tuta kaya siya’y nakagat.
2. Nalungkot ang dalaga dahil nalaman niyang pinaglaruan lamang ng kanyang
nobyo ang kanyang damdamin.
Ang unang pangungusap ay literal na nagpapakahulugan na nilalaro ng bata o
ginawang laruan ng bata ang alagang tuta. Samantala , sa ikalawang pangungusap
ay nangangahulugan na pinagtaksilan ng kanyang nobyo ang isang dalaga.
Upang higit na maunawaan ang pagtalakay kaugnay sa mga matatalinghagang
salita na ginamit sa mga tanka at haiku ay mahalagang ipagpapatuloy ang pagtuklas
nito sa pamamagitan ng seryosong pagsagot sa mga inihandang gawain at ang
masinsinang pag-unawa sa karagdagan pang pagtalakay na matatagpuan sa
kasunod na mga bahagi ng modyul na ito.
Tuklasin
Mula sa ibinigay na halimbawa ng konotasyon at denotasyon sa itaas ay
maaari mo ng mabigyang kahulugan ang mga matatalinghagang salitang ginamit sa
tanka at haiku sa ibaba.
Panuto: Basahin at unawain ang haiku at tanka. Pagkatapos, sagutin ang
kasunod na mga tanong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Haiku
Ni Natsume Soseki
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Sa kagubatan
Hangi’y umaalulong
Walang matangay.
Ibigay ang konotasyong kahulugan ng salitang umaalulong ayon sa pagkagamit
nito:
______________________________________________________________
2. Haiku
Ni Bashe
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Ambong kay lamig
Maging matsing ay nais
5
Ng kapang damo.
Ibigay ang konotasyong kahulugan ng salitang damo ayon sa pagkagamit nito:
______________________________________________________________
3. Tanaga
Tag-init
Ni Ildefonso Santos
Alipatong lumapag
Sa lupa, nagkabitak
Sa kahoy, nalugayak
Sa puso, naglagablab.
Ibigay ang konotasyong kahulugan ng salitang alipatong ayon sa pagkagamit nito:
______________________________________________________________
4. Tanaga
Katapusan ng Aking Paglalakbay
Ni Oshikachi Mitsune
Isinalin ni M.O. Jocson
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa lilim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.
Ibigay ang konotasyong kahulugan ng salitang paglalakbay ayon sa pagkagamit
nito:
______________________________________________________________
Suriin
Ang konotasyon ay ang pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang
salita. Ang kahulugan ng konotasyon ay iba sa pangkaraniwang kahulugan.
Samantala, ang denotasyon ay ang mga kahulugan ng mga salita ay makikita sa
diksyunaryo. Totoo o literal ang mga kahulugan ng salita.
6
Mga Halimbawa:
Salita
Bugtong anak
Nagsusunog ng kilay
Umusbong
Balitang kutsero
Nagpantay ang paa
Buhay alamang
Pagputi ng uwak
Denotasyon
Anak na bugtong
Sinusunog ang kilay
Paglaki o pagtubo ng
halaman
Balita ng kutsero
Pantay ang paa
Buhay na alamang
Pumuti ang uwak
Gintong kutsara
Kutsara na ginto
Konotasyon
Nag-iisang anak
Nag-aaral mabuti
Kinalakihan o lumaki
Gawa-gawang istorya
Patay na
Mahirap
Hindi na matutuloy o hindi
na mangyayari
Mayaman na angkan
Ang tula o anumang uri ng katha ay isang kayarian ng wika, isang gawain ng
mga salita. Bilang isang gawain, pinupukaw ng komposisyon ang mga karampatang
tugon ng mambabasa ayon sa hugis ng akda. Ang kalahatan ng mga tugon at
reaksiyong ito’y katumbas ng mga likas na kayamanan at birtud ng wikang
ginagamit. Sa pagpapaliwanag ng matatalinghagang salita at ang nagging ambag
nito sa pagkakaugnay-ugnay ng mga sangkap at bahagi ng tula, ginagamit sa
pagkukuro ang batayan ng kaukulang tungkulin. Samakatwid, tutunghayan natin
ang halaga ng paraang ito sa proseso ng pagpapaliwanag ng kahulugan ng tula.
Narito ang karagdagan pang mga halimbawa ng mga matatalinghagang salita sa
wikang Filipino:
 Balat-sibuyas – Sensitibo, madaling makaramdam
 Agaw-buhay – Malapit nang mamatay
 Luha ng buwaya – Hindi totoo ang pag-iyak
 Nagdidilang angel – Naging totoo ang sinalita
 Ahas-bahay – Hindi mabuting kasambahay
 Anak-dalita – Mahirap na tao, pulubi
 Bahag ang buntot – Duwag
 Alilang-kanin – Utusang walang sweldo, pagkain lang
 Sukat ang bulsa – Marunong gumamit nga pera, magbayad at mamahala ng
kayamanan
 Alimuom – Tsismis, bulungan, sitsirya
 Balat-kalbaw – Makapal, Walang hiya
 Balik-harap – Kaibigan sa harapan, traydor sa likod
 Basa ang papel – Sira na ang imahe
 Buto’t balat – Sobrang payat
 Halos liparin – Nagmamadali
 Itaga sa bato – Tandaan
 Kumukulo ang dugo – Naiinis, nasusuklam, gigil na gigil
 Bukal sa loob – Taos-puso, matapat
 Kaibigang karnal – Matalik na kaibigan
7


















Anak-pawis – Magsasaka
Kung ano ang tinanim sya ring aanihin – Kapag gumawa ng mabuti, mabuti
rin ang gagawin sa kanya
Ang makipaglaro sa kuting mag t’yagang kalmutin – Huwag magpipikon
kapag ninanais magbiro
Mapaglubid ng buhangin – Isang sinungaling
Matigas ang bato – Malakas
Butas ang bulsa – Mahirap, walang pera
Buwayang lubog – Taksil sa kapwa
Bukas ang palad – Matulungin
Nagbibilang ng poste – Walang trabaho
Bantay-salakay – Isang taong nagbabait-baitan
Amoy tsiko (chico) – Taong nagsisigarilyo
Humahalik sa yapak – Humahanga sa tao, iniidolo
Ilaw ng tahanan – Ina
Haligi ng tahanan – Ama
Ang hinog sa pilit ay maasim – Masama ang magpilit
Kumukulo ang tiyan – Gutom, nagugutom
Hawak sa ilong – Sunud-sunuran
Makapal ang bulsa – Mayaman, maraming pera
Pagyamanin
Pangkalahatang Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
I. Panuto: Iguhit ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng sumusunod na mga
pahayag idyoma.
1. Balat-kalabaw
Denotasyon
Konotasyon
2. Mapaglubid ng buhangin
Denotasyon
Konotasyon
8
3. Nagbibilang ng poste
Denotasyon
Konotasyon
II. Panuto: Hanapin sa loob ng tanka at haiku ang mga matatalanghagang ginamit
nito. Isulat at bigyan ng paliwanag.
1. Haiku
A.
B
C.
9
2. Tanka
A.
B.
C.
Isaisip
Panuto: Mula sa iyong natutunan sa araling ito, dugtungan ang pahayag sa ibaba
upang mabuo ang diwa nito. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang tanka ay ______________________________________________________
___________________________________________________________________.
10
2. Ang haiku ay ______________________________________________________
___________________________________________________________________.
3. Ang mga matatalinghagang salita ay ____________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________sa pagsusulat ng tanka at haiku.
Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang (1) tanka at isang (1) haiku. Siguraduhing may
matatalinghagang salitang nagamit ang mga ito. Bigyan ng paliwanag ang
matatalinghagang salitang ginamit sa loob nito ayon sa kahulugan at mensahe ng
inyong tula. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1.Tanka
Pamagat: __________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Matalinghagang salita na ginamit: ________________________________________
Kahulugan ng matalinghagang salita: _____________________________________
2. Haiku
Pamagat: __________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
11
Matalinghagang salita na ginamit: ________________________________________
Kahulugan ng matalinghagang salita: _____________________________________
Buod
Ang tanka ay binubuo ng tatlumpu’t isang pantig namay limang taludtod na
ang karaniwang hati ng pantig sa bawat taludtod ay: 7-7-7-5-5 , 5-7-5-7-7 o
maaaring magkakapalit na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isa pa rin.
Ang haiku naman ay binubuo ng labimpitong pantig na may tatlong taludtod.
Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit
din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.
Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa samantalang
ang haiku naman ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng
masisidhing damdamin ang dalawang anyo ng tula.
Madalas ginagamitan ng mga matatalinghagang salita ang mga tanka at
haiku upang mabigyan kasiningan, nakakapukaw ng damdamin at emosyon ayon sa
nais na ipabatidna mensahe at damdamin ng tula. Kaya mahalagang angkop ang
matatalinghagang gagamitin upang hindi maligaw sa pagpapakahulugan ang mga
mambabasa o tagapakinig ng mga likhang sining na ito.
12
Tayahin
Pangkalahatang Panuto: Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
I. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang mga pahayag at MALI kung ito ay hindi
wasto.
1. Ang tanka ay binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod.
2. Ang haiku ay mas pinaikli sa tanka at may labimpitong bilang ng pantig na may
tatlong taludtod.
3. Pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa ang karaniwang paksa ng haiku.
4. Ang denotasyon ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo, ito
ay literal na kahulugan ng salita.
5. Ang konotasyon ay naiiba sa karaniwang kahulugan ng salita, ito ay may
nakatagong kahulugan.
II.Tukuyin kung ang mga pangungusap sa ibaba ay nagpapahayag ng denotasyon at
konotasyong kahulugan.
1. Masayang naglalaro ang bata sa bagong bola na bigay ng kanyang ama.
2. Nadala si Anna sa matatamis na bola ng binata kaya napasagot siya nito.
3. Maayos na nakatanim sa gilid ng sapa ang mga kawayan.
4. Sintayog ng kawayan ang pangarap ni Ramon sa buhay.
5. Ang ina ang tinaguriang ilaw ng tahanan.
III. Ibigay ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng mga salitang nasa
talahanayan.
Salita
Denotasyon
Konotasyon
1. Umaalulong
2. Damo
3. Alipato
4. Kabibe
5. Ligaya
Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang naging papel ng mga matatalinghagang salita na ginamit sa pagsusulat
ng tula tulad ng tanka at haiku?
2. Ano ang palatandaan na ang salita o mga salitang ito ay napabilang sa
matatalinghagang salita?
3. Saan ka mas nahihirapan, sa pagsusulat ng tula gamit ang mga matatalinghagang
salita o sa pagbibigay kahulugan ng mga matatalinghagang salita na nasa tula?
13
Bakit?
Susi ng Pagwawasto
Subukin
I.
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama
II.
1. denotasyon
2. konotasyon
3. denotasyon
4. konotasyon
5. Konotasyon
III. Nasa guro ang pagpapasya
Tuklasin
Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot.
Pagyamanin
I. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot.
II. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot.
Isaisip
Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot.
Isagawa
Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot.
Tayahin
I.
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama
II.
1. denotasyon
2. konotasyon
3. denotasyon
4. konotasyon
5. Konotasyon
III. Nasa guro ang pagpapasya
Karagdagang Gawain
Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot.
14
Sanggunian
Peralta, Romulo N. et.al..Panitikang Asyano: Modyul sa Filipino 9. Kagawaran ng
Edukasyon. Lungsod ng Pasig: Vibal Group, Inc., 2014.
Internet:
Brainly.ph/question
https://tinyurl.com/y7d5stvf
https://philnews.ph/2019/07/18/matalinghagang-salita-at-kahulugan/
https://tinyurl.com/ycmozt6h 7/5/2020
https://tinyurl.com/ycdtq2th 7/5/2020
https://tinyurl.com/y9m6qw2v 7/5/2020
https://tinyurl.com/ychthkwy 7/5/2020
15
For inquiries and feedback, please write or call:
DepEd Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax:(063)221-6069
E-mail Address:iligan.city@deped.gov.ph
16
Download