BUOD NG KUWENTONG “ SI PINGKAW ” Si Pingkaw ay isang inang mapagmahal. Siya ay may tatlong anak ito ay sina Poray, Basing at Takoy. Ang kanyang asawa naman namatay dahil sa sakit na epilepsy habang daladala niya sa kaniyang sinapupunan ang bunsong anak. Pangangalakal ng basura ang kaniyang kabuhayan gayunman, kuntento at positibo parin ang kanyang pananaw sa buhay. Bali-balita din na iba-iba ang ama ng mga anak ni Pngkaw sapagkat iba-iba ang mga itsura nito. Minsan siyang nag-uwi ng sardinas sa kanilang tahanan at pinagsaluhan ito ng kanyang mga anak ilang sandal pa ay namulupot sa sakit ng tiyan ang mga ito. Sigaw ng sigaw si Pingkaw upang humungi ng tulong pero imbes na tulungan siya ay sinabihan siyang dalhin ang mga ito sa ospital. Agad niya namang ikinarga sa kariton ang kanyang mga anak at dali-daling nagtungo sa pinakamalapit na doktok ngunit ayon sa katulong ay naglaro ito ng golf. Kaya dali-dali niya uling tinutak ang kariton at nang makarating siya sa ikalawang doktok ay makailang ulit siyang tumimbre at walang luumabas subalit may sumisilip-silip sa bintana. Tinulak niyang muli ang kariton at nagtungo sa bayan, may doctor doon pero wala namang gamut para sa lason. Nang marating niya ang punong kalsada, ni isang sasakyan ay walang humintoupang isakay ang mga anak. Maya-maya lamang ay napansin niya na ang kaniyang panganay ay hindi na humihinga. Umiiyak niyang tinutulak ang kariton upang maisalba pa ang buhay ng kanyang mga anak at kalaunan ay nilagutan din ng buhay. Dahil sa pangyayaring iyon ay nawala sa katinuan si Pingkaw. Lagi nalang siyang makikita na palakad-lakad sa kalsada na karga-karga ang latang binihisan niya ng tela at umaawit ng hele.