Uploaded by Bonna

Learning activity sheet Edukasyon sa pagapapakatao 8 quarter 1

advertisement
EDUKASYON SA PAGAPAPAKATAO 8
UNANG MARKAHANG
LEARNING ACTIVITY SHEETS
NAME:_______________________________
SECTION______________________________
DITO NA SASAGUTAN ANG MGA GAWAIN PAPIRMAHAN SA MAGULANG BAGO IPASA ADVISER. SALAMAT PO!
ARLIN 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon
GAWIN 1: Suriin ang mga linya ng awiting ito na nasa ibaba at tukuyin ang mga pagpapahalagang nabanggit dito.
Sagutin ang gabay na tanong. 10 Puntos
Welcome to the Family Debby Kerner & Ernie Rettino
Welcome to the family We're glad that you have come
To share your life with us As we grow in love and May we always be to you
What God would have us be A family always there
To be strong and to lean on, May we learn to love each other
More with each new day May words of love be…
Gabay na mga tanong:
1. Ano ang pamilya?_______________________________________________________________________________.
2. Sino-sino ang bumubuo sa pamilya?________________________________________________________________.
3. Ano-ano ang ginagawa ng bawat kasapi ng pamilya?
__________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________.
PERFORMANCE TASK 1:FAMILY TREE. Ilahad ang mga tungkuling ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya sa
pamamagitan ng pagbuo ng Family Tree at ipaliwanag ang kinalalagyan nila sa bahagi ng puno. 30 PUNTOS
ARALIN 2: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon
Hindi nilikha ang pamilya para sa kapakanan ng mga miyembro lamang. Mayroon itong tungkulin sa lipunan kung
saan ito ay isang mahalagang bahagi. Una rito ang iba’t ibang paraan ng pagbubukas ng tahanan sa kapwa (hospitality)
tulad ng pagpapakain sa nagugutom o pagbibigay ng baso ng tubig sa nauuhaw. Maaari din namang magbigay ng
panahon upang alamin ang pangangailangan ng kapwa o kaya’y pagtulong sa pagtatayo ng bahay sa mga nasunugan o sa
paglilipat sa mga binaha.
Kasama sa panlipunang tungkulin ng pamilya ang gampaning politikal tulad ng pagbabantay sa mga batas at
institusyong panlipunan – kung ang mga ito ay sumusuporta at ipinagtatanggol ang mga karapatan at tungkulin ng
pamilya. Kaya may pananagutan ang pamilya na baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga isyu at
usapin – at hindi nakatuon sa kapakanan ng sariling pamilya lamang.
GAWAIN 1: Tukuyin kung gampaning panlipunan o gampaning pampolitikal ang sumusunod na sitwasyon. Isulat lamang
sa sulatang papel ang salitang PAN kung ito ay panlipunan at PAM naman kung ito ay pampolitikal.
_______1. Pagbubukas ng tahanan sa mga naaapektuhan sa pagbaha at mga sakuna.
_______2. Pagsusulong at pangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya.
_______3. Pag-aalaga sa kalikasan bilang likas at tagapamahala sa lahat ng nilikha ng Diyos.
_______4. Pagpapahayag ng papel na panlipunan sa pamamagitan ng pakikialam natin sa politika.
_______5. Nangunguna sa pagtiyak na ang mga batas at mga institusyong panlipunan ay hindi taliwas.
_______6. Naipapakita ang bayanihan sa lahat ng pamumuhay ng Pilipino. Halimbawa nito ang pagbibigayan ng ulam sa
kapitbahay lalo’t may okasyon.
_______7. Makilahok sa isang samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamahalaan.
_______8. Magiliw na pagtanggap lalo na sa mga panauhin
_______9. Pakikisangkot sa mga isyu at usapin sa lipunan.
_______10. Pagbigay ng panahon upang alamin ang pangangailangan ng kapwa.
PERFORMANCE TASK 2: Panuto: Ngayong nalalaman mo na ang mahalagang gampaning panlipunan at pampolitikal ng
pamilya, bigyan ng mga gampanin ang mga sumusunod. Maglista ng limang (5) gampanin sa bawat kasapi ng pamilya
MAHALAGANG GAMPANING PANLIPUNAN NG
PAMILYA
MAHALAGANG GAMPANING PAMPOLITIKAL
NG PAMILYA,
1. AMA
2. INA
3. ANAK
4. KAMAG ANAK
ARALIN 3: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya, at Paghubog ng
Pananamapalataya
Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, mahalagang handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na
inihahain nito. Magagawa lamang nila ang mga ito kung naihanda sila ng kanilang mga magulang gamit ang mga
pagpapahalagang naituro sa kanila sa tahanan bilang sandata at kalasag. Ang pornograpiya, droga, maruming politika,
peer pressure, at iba pa, ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga sitwasyong kahaharapin ng isang anak sa lipunan.
Sa paglipas ng panahon, mahaharap na ang isang kabataan sa mas mabibigat na suliranin. May mga pagkakataong
nakagagawa ng hindi maingat at makasariling pagpapasya - hindi isinasaalang-alang ang mas malawak na pagtingin sa
magiging epekto nito. Ito ay dahil hindi pa sapat ang kanyang mga karanasan at kakayahang bumuo ng sariling pananaw.
May mga kabataang nagiging kasapi ng gang, may mga dalagang maagang nagbubuntis, may mga lalaking nalululong sa
droga, may mga kabataang nakagagawa na ng krimen, ang lahat ng ito ay bunga ng kawalang kakayahan ng ilang mga
kabataan na gumawa ng mabuting pagpapasya. Kaya mahalaga na ang isang kabataan ay magabayan sa paggawa ng
tamang pagpapasya upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasya at hindi matuto sa mga ito. Hindi rin
tama na lagi na lamang nariyan ang magulang upang tulungan siyang maisaayos ang kaniyang mga pagkakamali. Hindi
siya matututo sa paraang ito.
Kung ang isang pamilya ay maglalaan ng 10-15 minuto sa tuwing umaga sa pagbabasa ng mga babasahin na maguugnay sa inyo at sa Diyos (tulad ng Bibliya para sa mga Kristiyano o Qu’ran para sa mga Muslim), makatitiyak na ang mga
pagpapasyang isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa pag-iisip, mas magiging mahusay ang pakikitungo sa
kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuong pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na mag-isip muna
bago gumawa ng kilos o tumugon sa isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan
sa mga bagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo, at higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng buong pamilya.
GAWAN 1: Panuto: Basahin at suriin ang mga linya sa tula na nasa ibaba na nagpapahayag kung paano dapat palalakihin
ng mga magulang ang kanilang mga anak. Pagkatapos na mabasa at maunawaan ay sagutin ang mga gabay na tanong .
Sabi nga,
Kung ang isang bata ay namumuhay sa pamumuna o sa pamimintas, natututo siyang maging mapanghusga.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayan, natututo siyang maniwala sa kaniyang sarili.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo siyang lumaban.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagtanggap, natututo siyang magmahal.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, palagi siyang mababalot ng pag-aalala.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natututo siyang bumuo ng layunin sa buhay.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa awa, palaging may awa sa kaniyang sarili.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natututuhan niyang magustuhan ang kaniyang sarili.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa selos, natututo siyang palaging makaramdam ng pagkakasala.
Kung ang isang bata ay namumuhay sa pakikipagkaibigan, natututuhan niya na masarap mabuhay sa napakagandang
mundo
Gabay na mga Tanong:
1. Ano kaya ang pangunahing dapat matutuhan ng isang anak sa mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Paano matitiyak ang tagumpay ng pagsasakatuparan ng mga misyon ng pamilya sa kanilang mga anak?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
PERFORMANCE TASK 3: Kung ikaw ang nasa sitwasyon na parehong nagtatrabaho ang mga magulang kaya nababawasan
ang kanilang panahon para sa pagtuturo sa iyo, ano ang gagawin mo?
Bumuo ng sanaysay na may 3-5 pangungusap sa pagsagot nito.
Krayterya sa pagwawasto: (Sanaysay)
Nilalaman - 10 puntos
Pagkabuo - 10 puntos
Kabuuan - 20 puntos
SANAYSAY

ARALIN 4: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
Binanggit ni Leandro C. Villanueva (2003) ang mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon sa pagitan ng mag-asawa.
Ang mga ito ay maaaring totoo rin sa ating komunikasyon sa kapwa.
1.Pagiging umid o walang kibo. Ang pagkaumid o pagtatago ng saloobin ay parang pagbabakod ng sarili hindi ito mapasok
ng Iba. Ayon kay Villanueva, mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw magpahayag ng sariling
kaisipan at damdamin o tumatanggap ng saloobin ng kapwa.
2.Ang mali o magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba, nagkakaroon ng
hindi pagkakaunawaan. Kung titingnan ng isa na higit siyang tama o higit siyang magaling, maaaring hindi sila
magkaunawaan lalo na kung nararamdaman ng taong kausap na siya ay minamaliit o hinahamak.
3.Pagkainis o ilag sa kausap. Mayroon mga taong tila namimili ng kausap. Kapag pakiramdam nila na wala sila sa
kondisyong makipag-usap, hindi sila kumikibo. May mga taong umiiwas na makipag-usap lalo na kung pakiramdam nila
ay wala sa katuwiran ang kausap.
4.Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin. Iniisip minsan ng tao na magdaramdam o diribdibin
ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya nananahimik na lamang siya o kaya’y nagsisinungaling sa kapwa.
5.Ati-atin. Mabuti sa isang sambahayan ang pagkakaroon ng sama-samang usapan at pagpapalitan ng kuro o magkaroon
ng masayang balitaan at pagbabahaginan ng karanasan na maaaring pag-usapan ng pamilya at kaibigan. Subalit
mayroong mga suliranin sa pamilya lamang dapat pag- usapan. Kung ang suliranin ay para sa mag-asawa lamang at ang
pagsasabi nito sa mga anak ay magdudulot lamang ng kalituhan, kailangan na lutasin ito nang palihim sa mga kapitbahay.
Ang “atin ating” usapan ay hindi pagsasangkot o paninisi sa ibang tao.
Mga Paraan Upang Mapabuti ang Komunikasyon
1.Pagiging mapanlikha o malikhain (creativity)
Kailangang gamitin ng tao ang kanyang talino at malikhaing isipan sa pagtuklas ng mabuting paraan ng pagpapahayag ng
kanyang sasabihin. Maghintay ng tamang panahon at ng wastong lugar at itaon din na nasa magandang pakiramdam at
sarili at ang kakausapin. Kung may dinaramdam naman ay maghunos-dili at ilagay muna sa kondisyon ang sarili, gayundin
ang kakausapin.
2.Pag-aalala at malasakit (care and concern)
Magkaroon ng malasakit at galang sa kausap sinuman o anuman ang kanyang katayuan o nalalaman. Kahit na bata,
katulong sa bahay, o pulubi ang kausap, isiping mayroon kayong pantay na dignidad at karapatan.
3.Pagiging hayag o bukas(cooperativeness/openness).
Sa pakikipag-usap, maging bukas lagi at manatiling tapat lalo na sa mag-asawa. Huwag sukatin ang kausap sa kanyang
kapintasan o kamangmangan. Tanggapin ang kausap bilang isang taong mayroong dignidad at karapatan.
4.Atin (personal)
Mabuti sa magkasambahay ang pagkakaroon ng sama-samang usapan o pagpapalitan ng kuru-kuro o magkaroon ng
masayang balitaan at pagbabahaginan ng karanasan na maaaring pag-usapan ng pamilya at kaibigan. Subalit may mga
suliranin sa pamilya lamang dapat pag-usapan. Ang “atin-ating” usapan ay hindi pagsasangkot o paninisi sa ibang tao.
5.Lugod o ligaya
Ang kaligayahan o lugod ng isang tao sa pakikipag-usap ay nakaaakit sa pagtitiwala ng kaharap. Ang masayang tao ay
nakagaganyak sa kapwa na makipagpalagayang-loob, magtiwala, at maging bukas sa pakikitungo. Kailangang maging
masigla sa pakikipag-usap lalo na sa kabiyak.
GAWAIN 1: Sagutin ang sumusunod na tanong. 10 PUNTOS
1. Bilang isang anak, paano ka makatutulong upang mapanatili ang mabuting komunikasyon ng iyong pamilya?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Alin sa mga paraan ng komunikasyon ang mas mahalaga? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
PERFORMANCE TASK 4: Pumili ng isang sitwasyon sa ibaba at gumamit ng mga paraan upang mapabuti ang
komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya. Sumulat ng isang talata na naglalahad ng iyong sagot.
• Maling nasagap na balita mula sa kapatid.
• Hindi nasunod na gawaing bahay ng kasambahay.
• Pagkakamali ng nakababatang kapatid.
SITWASYON:________________________________________________________________
MGA PAMAMARAAN NG UPANG MAPABUTI ANG KOMUNIKASYON:
1.
2.
3.
4.
5.
Krayteria:
Nilalaman o kaangkupan sa paksa: 10 puntos
Pagkakaorganisa: 10 puntos
Pagkamalikhain: 10 puntos
Kabuuan: 30 puntos
QUIZ 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang pinakaangkop na sagot sa mga pagpipilian sa ibaba.
Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Ayon sa kanya, ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng
isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro at romantikong pagmamahal.
A. Pierangelo Alejo
C. Saint Francis
B. Mother Theresa
D. Dating Kalihim Jesse Robredo
2. Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan, ipakita at ipadama ito
A. pagpapahalaga
C. pagkamuhi
B. pagmamahal
D. pagkamainggitin
3. Ito ang tawag ng pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa.
A. conjugal property
C. paternal love
B. conditional love
D. conjugal love
4. Ito ang pagmamahal na lubusan at walang hinihintay na kapalit
A. paternal love
C. conjugal love
B. unconditional love D. conditional love
5. Ang __________(communion) at pakikibahagi ang dapat umiiral sa araw-araw na buhay-pamilya.
A. kahati
C. pag-aasawa
B. ugnayan
D. pag-unawa
6. Ito ang uri ng pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak
A. paternal love
C. conditional love
B. conjugal love
D. brotherly love
7. Ang bawat kasapi ng iba’t-ibang sektor ay miyembro ng
A. pangkat
C. pamilya
B. grupo
D. angkan
8. Anong pangako ang binitawan sa dalawang taong nagpapakasal?
A. nangakong magsasama sa hirap at ginhawa habang buhay
B. magtutulungan sa pag-aaruga ng kanilang mga magiging anak
C. pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak
D. lahat ng nabanggit.
9. Ito ang pangunahing institusyon ng lipunan.
A. simbahan
C. pamilya
B. paaralan
D. kapitbahay
10. Ang tungkulin ng mga magulang na magbigay ng _____________ ang bukod tangi at pinakamahalagang gampanin ng
mga magulang.
A. pagkain
C. damit
B. edukasyon
D. bahay
QUIZ 2: Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot. BILUGAN ANG
TITIK NG TAMANG SAGOT
1. Maraming gampanin na dapat isakatuparan ang bawat kasapi ng pamilya. Alin sa sumusunod ang dapat gampanan?
A. panlipunan at pangkabuhayan
C. panlipunan at pangsarili
B. panlipunan at pampolitikal
D. panlipunan at pagbabatas
2. Sa panahong nagkakaroon ng kalamidad sa ating lugar, paano mo maipapakita ang iyong panlipunang gampanin?
A. pag-aasikaso sa sariling pamilya
B. pagbigay ng tulong sa mga kamag-anak lamang
C. pagpapakain, pagbigay ng tubig sa nauuhaw at pagkupkop sa nangangailangan ng pansamantalang matitirhan
D. asikasuhin ang sarili bago ang iba
3. Ang pagbuto ay anong uri ng gampanin?
A. panlipunan
B. pangkabuhayan
C. politikal
D. pangkalikasan
4. Ang bawat pamilya ay may pananagutang baguhin ang lipunan. Paano kaya ito gagawin?
A. pakikisangkot sa mga isyu o usapin
B. lutasin ang sariling suliranin
C. huwag makialam sa gawain ng pamahalaan
D. hayaan ang pamahalaang lutasin ang suliranin ng lipunan
5. Sa paanong paraan maipapakita ang politikal na gampanin?
A. pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan
B. ipinagtatanggol ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya.
C. pagbuto tuwing eleksiyon
D. lahat ng nabanggit
6. Ang uri ng samahan at pakikitungo ng ama at ina ay ang pinag-uugatan ng iba’t-ibang pagpapahalagang panlipunan.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nito?
A. maayos na pakikitungo ng mag-asawa at ng kanilang mga anak sa isa’t isa
B. pgpapakita ng galit sa isa’t isa upang maipahayag ang kanilang nararamdaman
C. pagbabalewala kung paano itrato ang bawat isa
D. hindi pagpapansinan dahil may galit sa isa’t isa
7. Saan unang natutunan ang pagpapahalagang panlipunan?
A. paaralan
B. pamilya
C. kapitbahay D. lipunan
8. Ano pa kaya ang puwede nating gawin upang maipakita at gawin ang ating mga tungkulin sa lipunan?
A. magbigay ng panahon upang alamin ang pangangailangan ng kapwa
B. pagtulong sa pagtatayo ng bahay sa mga nasunugan
C. pagtulong sa paglilipat sa mga binaha at pagkupkop sa kanila
D. lahat ng nabanggit
9. Kung paano natin pakikitunguhan ang ating kapwa ay dahil natutunan natin ito sa araw araw na samahan sa pamilya.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?
A. Kung anong pag-uugali na mayroon tayo ay natutunan natin una sa mga kaibigan.
B. Ang mga pag-uugali at pagpapahalaga ay magiging repleksiyon ng bawat isa na nakikita ng ibang tao.
C. Ang pamilya ay pangalawa lamang na nakapagimpluwensiya sa ating pagkatao.
D. Ang pamilya ang una at napapalitang paaralan para sa panlipunang buhay.
10. Ang paraan ng pakikitungo sa ibang tao o pakikipagkapwa ay masasabing
nagmula sa pamilya. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa nito maliban sa
A. pagpapaalala ng mga magulang sa kanilang mga anak na maging magalang sa pakikipag-usap sa ibang tao
B. pagpapakita ng kawalan ng pasensiya ng mga magulang sa pagpapahayag ng galit sa isa’t isa sa harap ng mga anak
C. mahinahon na pagsasalita ng ama sa kanyang maybahay at mga anak
D. pakikinig ng ina sa hinaing ng asawa at mga anak
QUIZ 3: Ipaliwanag ang sumusunod na mga pagpapasya
1. Piliin mo ang magmahal… kaysa ang masuklam.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Piliin mo ang lumikha… kaysa ang sumira.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Piliin mo ang tumawa… kaysa ang lumuha.
4. __________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Krayteria sa gagawing pagmamarka.
Kaangkupan sa tema: 10 puntos
Paraan sa paglalahad: 10 puntos
Kabuuan: 20 puntos
Q2
Q1
Download