Uploaded by MARY ANN D. CABUDOL

oks

advertisement
1. Paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng mga kulturang inilarawan
sa mga iniulat na mga epiko mula sa iyong sariling rehiyon?
▪
Makakatulong ako sa pagpapalaganap ng mga kulturang inilarawan sa mga iniulat na mga
epiko mula sa aking rehiyon sa pamamagitan ng pagbabahagi ko rin ng mga iba’t-ibang
kwento o istorya na tungkol sa epiko nang sa gayon ay maibahagi ko rin ang mga
kulturang nakapaloob sa mga epiko na iniulat mula sa aking sariling rehiyon, ito’y aking
ibabahagi sa mga iba pang tao, mapabata o mapamatanda man, upang ito ay mas lalong
lumaganap at magkaroon ng ideya ang iba kung ano nga ba talaga ang epiko at ang mga
kwento at kuluturang nakapaloob dito.
Upang malaman din nila na napakaganda ng mga kwento sa ating epiko na mayroon tayo
sa sari-sarili nating rehiyon, at dahil napakaganda rin nitong panturo at ipabasa sa mga
bata dahil gaya ng kasabihan, salawikan, kawikaan at iba pa ay nagtuturo rin ito ng
reyalidad sa buhay, at may makukuha na aral dito dahil sa dulo ng mga kwento ay may
mga naiiwan o nakikintal na aral sa isipan ng mga mambabasa, depende sa kwento.
Higit sa lahat ay matuturo mo rin sa mga iba pang tao ang mga kultura na nakapaloob
dito, dahil napakatradisyunal ng mga ito kaya’t napakaganda ng mga kwentong epiko
dahil nababalikan din natin ang mga iba’t-ibang pamumuhay o mga ganap noong
kabihasnan na may kanya-kanya ring relihiyon, rehiyon, lalawigan o lugar na
pinagbubuklod lamang ng mga pangyayari sa kanilang buhay.
1) Kinakailangan bang magtaglay ng supernatural o di-pangkaraniwang
kapangyarihan ang isang tao upang makagawa ng mga kabayanihan?
Pangatwiranan ang sagot.
▪
Hindi kailangan ng tao na magtaglay pa ng supernatural na kapangyarihan upang
makagawa ng kabayanihan, sapagkat tayong lahat ay pwedeng maging bayani o
makatulong sa iba kung gugustuhin man natin, dahil sa mga maliliit na bagay na hindi
natin napapansin ay nakakatulong na rin tayo sa ating kapwa.
Sa panahon ngayon ay marami na rin akong mga nakikita na talagang nagtutulungan ang
bawat isa, gaya na lamang kahapon nang ako’y pauwi na sa aming bahay, may nakita ako
sa malayo na patawid na matanda, medyo mabagal ang kanyang lakad kaya’y yung ibang
mga sasakyan ay nilalampasan na siya pero merong isang lalaking patawid din, kaya ayun
tinulungan niya si Lola na tumawid pakabila.
Sa mga maliliit na bagay na mga iyon ay nakakatulong na rin tayo sa ibang tao, sa bansa,
o sa ating mga kakilala rin, gaya na lamang din kapag tayo’y nagtatanim ng mga halaman,
kapag pinapangalagaan natin ang ating mga puno, halaman, kapaligiran at pagpapanatili
na gamitin ang R3 and Reuse, Reduce at Recycle, sa pamamagitan noon ay makakatulong
na tayo sa ating bansa at kapaligiran dahil napakaimportante na sariwa ang nilalanghap
nating hangin at para kapag may dumating na mga sakuna.
Sa mga paraan na iyon nakakatulong na tayo at nakakagawa na tayo ng kabayanihan, kaya
hindi na natin kailangan ng supernatural o di-pangkaraniwang kapangyarihan, dahil ang
kailangan lamang natin ay malasakit at pagtutulungan na bukal sa loob natin ang
pagtulong at paggawa ng kabayanihan.
2) Magbigay ng mga halimbawa ng mga bayani sa makabagong panahon.
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa kanila?
▪
Ang una-unang pumapasok sa aking isipan kapag sinabing bayan isa makabagong
panahon ay ang mga frontliners, nurse, doctors, security guards, police, mga sundalo,
mga pamahalaan, gobyerno, ang ating presidente at mga organisasyon, dahil noong
lumaganap at lumala ang pandemya sa atin ay sila ang mga pangunahing tao na
nagbubuwis ng buhay, tumutulong, nagsasakripisyo at nangangalaga sa lahat ng
kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng tao na para bang wala na rin silang sariling buhay
at pamilya, dahil para lang makatulong sa mga maraming Pilipino ay isinasakripisyo na nila
ang kanilang mga kalusugan, oras para sa pamilya, at mga iba pa nilang prayoridad, dahil
hindi lamang para sa kanilang trabaho kung hindi dahil bukal lamang talaga sa loob nila
ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga tao.
Si Ginoong Efren Penaflorida na mula sa Cavite siya ay pinarangalan bilang CNN Hero of
the Year, na isa ring bayani nitong makabagong panahon na itinampok siya bilang isang
CNN Hero bilang bahagi ng programa ng news network para parangalan ang mga
indibidwal na gumawa ng hindi pangkaraniwang mga kontribusyon upang makatulong sa
iba at noong Nobyembre 22, 2009, siya ay pinangalanang CNN Hero of the Year.
Si Ginang Cris Kesz Valdez na mula rin sa Cavite, na dating batang kalyeng nagwagi ng
2012 International Childrens Peace Prize mula sa Kids Rights Foundation, dahil taos-puso
ang kanyang pagtulong sa mga batang gaya rin ng kanyang sitwasyon noong siya ay bata
pa lamang din.
Hindi niya nakakalimutan ang mga batang iniwan niya sa mga lansangan ng Cavite City. Sa
kanyang ika-7 kaarawan, mas pinili niyang magbigay ng regalo sa mga batang lansangan
kaysa magselebrasyon para sa kanyang sarili. Bumili siya ng mga tsinelas upang maipamahagi sa mga batang lansangan, upang hindi na sila naka paa-paa lamang habang
naglalakad at upang sila’y hindi na nasusugatan.
Ang mga taong ito ang aking kilala na mga makabagong bayan isa kasalukuyang panahon.
Maipapakita ko rin ang pagpapahalaga sa kanila sa pamamagitan ng pagsaludo,
pagrespeto, paghanga, at patuloy na pagsuporta sa kanilang mga ginagawa, dahil sila’y
tunay na mga bayani sa makabagong panahon, at ang kanilang mga ginagawa ay talagang
kahanga-hanga at dapat na tularan, dahil ang mga katulad nila ay ang mga taong dapat
na pinapahalagahan kahit na anong mangyari.
Download