“ANG WIKA AY KAYAMANAN NA ATING TINATAMASA” Ang wika ay aydentidad ng bawat madla Ito'y nalikha ng dahil sa mga kultura Buong mundo'y may kanya-kanyang wika na isinasalita Ang wika ang siyang inang dahilan ng pagiging malaya Ito'y nalikha ng dahil sa dilim, sakim at kasamaan ng mga taong masasama Nagsilbing liwanag at kislap sa mga madidilim na tala Kung paano man ito nalikha ay tiyak na wala pa rin itong orihinal na may akda Sapagkat ito'y para sa lahat ng madla na likha ng ating Diyos na may awa Sa kabihasna't sa ngayo'y patuloy itong hinahasa Kung paano nga ba ito nagawa? Halina't ating sariwain kung paano nga ba ito nalikha Ito'y nalikha sa pagkakaisa at pagiging malikhain ng bawat Pilipinong makata at may tinatamasa Ito'y upang atin ring gawing sandata at pananggol sa darating na bukas at sakuna Mga Ilokano, Kapampangan, Bisaya, Tausug at Cebuano nga ba ang may tunay na akda? Ito'y mga dayalekto lamang na nalikha ng wika Makulay na tradisyon rin ang isang naglikha sa wika Sapagkat tulad ng tradisyon ay ito'y ipinamamahagi at ito'y nakasanayan nang gamitin ng buong bansa Nahango ito sa mga tunog ng ating mga hayop na nasa mga teorya na nalikha ng ating mga dalubwikang pambansa Kasabay nito'y umunlad na rin ito sa pagdaan ng panahon sapagkat ito'y dakila Kaya'y atin itong patuloy na pagyamanin gaya ng ating paggawa ng mga bagong pahina, nota at piyesa na ating nililikha Ito’y nagsisilbi ding kayamanan na ating tinatamasa ng malaya Kaya'y atin itong kilalanin, mahalin at ilaganap ng may kawanggawa