Uploaded by MARY ANN D. CABUDOL

PagsulatngTula MaryAnnD.Cabudol 12

advertisement
“ANG WIKA AY KAYAMANAN NA ATING TINATAMASA”
Ang wika ay aydentidad ng bawat madla
Ito'y nalikha ng dahil sa mga kultura
Buong mundo'y may kanya-kanyang wika na isinasalita
Ang wika ang siyang inang dahilan ng pagiging malaya
Ito'y nalikha ng dahil sa dilim, sakim at kasamaan ng mga taong masasama
Nagsilbing liwanag at kislap sa mga madidilim na tala
Kung paano man ito nalikha ay tiyak na wala pa rin itong orihinal na may akda
Sapagkat ito'y para sa lahat ng madla na likha ng ating Diyos na may awa
Sa kabihasna't sa ngayo'y patuloy itong hinahasa
Kung paano nga ba ito nagawa?
Halina't ating sariwain kung paano nga ba ito nalikha
Ito'y nalikha sa pagkakaisa at pagiging malikhain ng bawat Pilipinong makata at may tinatamasa
Ito'y upang atin ring gawing sandata at pananggol sa darating na bukas at sakuna
Mga Ilokano, Kapampangan, Bisaya, Tausug at Cebuano nga ba ang may tunay na akda?
Ito'y mga dayalekto lamang na nalikha ng wika
Makulay na tradisyon rin ang isang naglikha sa wika
Sapagkat tulad ng tradisyon ay ito'y ipinamamahagi at ito'y nakasanayan nang gamitin ng buong
bansa
Nahango ito sa mga tunog ng ating mga hayop na nasa mga teorya na nalikha ng ating mga
dalubwikang pambansa
Kasabay nito'y umunlad na rin ito sa pagdaan ng panahon sapagkat ito'y dakila
Kaya'y atin itong patuloy na pagyamanin gaya ng ating paggawa ng mga bagong pahina, nota at
piyesa na ating nililikha
Ito’y nagsisilbi ding kayamanan na ating tinatamasa ng malaya
Kaya'y atin itong kilalanin, mahalin at ilaganap ng may kawanggawa
Download