“KAPAG NAWALAN NG HALAGA ANG KALAYAAN” Noon pa man ang konsepto ng Kalayaan ay ang malayang pamumuhay ng mga tao sa sariling bayan nito. Kung saan ang mga mamamayang Pilipino, o kahit sino pa man ay malayang kumikilos at malaya silang gawin ang mga bagay na gusto nilang naising gawin at kasama na rito ang pagdedesisyon para sa kanilang sarili, para sa kanilang pamilya, para sa bayan, at para sa ikabubuti ng lahat, basta’t ang importante ay hindi sila sumusuway sa mga batas na pinapairal sa ating bansa. Malaya sa mga nais nilang sabihin at isulat, ganoon din sa mga saloobin at sa kanilang opinyon sa mga bagay-bagay, at kung tutukuyin natin ang totoong depenisyon ng Kalayaan ay…. para sa akin, ito ang tinatamasa natin sa panahon ngayon ng malaya at walang mga pagbabanta sa ating pamumuhay, ang ating pamumuhay ngayon ay simple at ang mga isyung kinakaharap ay nagagawan din naman ng paraan basta’t nagkakaisa, hindi kagaya noong kabihasnan o sa ating nakaraang kasaysayan na maaaring naabutan ng inyong mga magulang ay humigit kumulang isang daan at labing limang taon na ang nakararaan mula ng makalaya ang ating bansa at mga kababayan mula sa pananakop ng Espanya, kaya’t naimpluwensyahan na rin ng ilan sa kanilang kultura ang ating kultura o ilang wika na nakuha natin sa kanila, at ilan pang mga bansa na sumakop sa ating bayan, at nang dahil din sa ating mga bayani noon ay natatamasa natin ang masagana at maayos na Kalayaan ngayon, at ang ating henerasyon ay napakaswerte dahil hindi natin naranasan ang mapait at magulong pamumuhay noon nang dahil sa mga giyera, kaya’t marapat lamang na pahalagahan at ilaan natin ang ating natatamasang Kalayaan sa mga magaganda at may katuturan na adhikain at gawain, upang mabigyang halaga ang Kalayaan na hinangad ng ating bansa noon na siya rin namang nabawi natin ngunit naging kapalit nito ay ang buhay ng napakaraming Pilipino at isa na rito ang mga buhay ng ating dakilang bayani. Sa panahon ngayon ay masasabi naman nating tayo’y malaya dahil nagagawa natin ang mga bagay na nais nating gawin, ngunit ang karamihan ay hindi naipapahayag nang lubusan ang kanilang saloobin sa mga ibang bagay, marahil ay sa takot na sila’y mauyam, marahil din sa mga taong nakapaligid sa kanila, kaya isa ito sa mga bagay na hindi na natin mapapabuti pa, kapag nawalan ng halaga ang Kalayaan. Kapag nawalan ng halaga ang ating Kalayaan. Paano na lamang ang mga Pilipinong nais lamang ipahayag ang kanilang saloobin at kakayahan sa pamamagitan ng kasarinlan. Paano na lamang tayong mga Pilipino na nabubuhay ng payapa nang dahil sa Kalayaan na tinatamasa natin magmula pa noong nakawala ang ating bansa, bayan, lugar, mga taong napinsala sa kamay o pananakop ng mga Hapones, na sila rin ang huling sumakop sa ating bayan, at salamat sa ating mga bayani noong nakaraan at magmula ngayon ay tinatamasa natin ang Kalayaan na karapat-dapat para sa atin nang dahil sa mga matatapang na bayani na mayroon tayo, kaya’t pagkamangha at mabubulaklak na papuri ay karapat-dapat para sa kanila, at kahit lipasan na ng kabihasnan o ng pahina sa tala ng ating buhay ang taglay na katangian ng ating mga bayani ay sila pa rin ang magsisilbi nating tala sa madilim na karanasan noong nakaraan at magpakailanman, sapagkat kapalit ng kanilang kamatayan ang ating Kalayaan o kasarinlan na tinataglay at pinapahalagahan natin ngayon, dahil tayo ang nagpapasya sa Kalayaan na gusto natin para sa ating sarili, at tayo lang ang nakakapagdesisyon para sa kapakanan, kahihinatnan, at mga gagawin natin sa ating pang-arawaraw na gawain….at kapag tayo’y malaya magagawa natin ang kahit ano mang gustuhin nating gawin sa ating buhay, ngunit kung ating iisipin na kapag nawalan ng halaga ang Kalayaan ay tila namatay na din ang ating sarili at karapatan bilang pantao, dahil kapag ito’y nawalan ng halaga ay para tayong mga bilanggo sa isang selda na madilim, marumi, kakila-kilabot, at kapintas-pintas, ang deskripsyon nito at para na lamang tayong nagkukubli sa katotohanan na meron pa palang mas magandang lugar na hindi pa natin natatamasa, napagmamasdan at napupuntahan. Lahat ng tao ay may karapatan kasabay na nito ang Kalayaan, kasarinlan, pakikipagtulungan, pakikipagkaibigan, pakikipaglaban para sa ating karapatan, at higit sa lahat ang maipahayag ang ating totoong sarili, personalidad at katangian sa buong sanlibutan, na kahit ninuman ay hindi na ito makukuwestyon dahil ikaw, ako, at tayong lahat ay mawawalan ng kasarinlan o ng kapayapaan na ating higit na ginugusto gaya na lamang ng malayang ibon sa himpapawid na lumilipad, at tayo ay mawawalan ng kalayaang lumipad o abutin ang tuktok ng ating pangarap hanggang sa maubos na ang piyesa ng ating musika, ang pahina ng ating mahika sa nobela, at kahit alog na ang baba, kahit uugod-ugod na, at maubusan na ng hininga, tayo ay may karapatan pa rin hanggang sa huli, na maging malaya, kaya’t kapag ito’y nawalan ng halaga katulad ng sa isang tula ay mawawalan na ito ng mga matatalinhagang salita na nagbibigay kulay sa akda ng may gawa, na tila sa atin ay magiging madilim na lamang ang kulay ng bawat pahina sa ating buhay. Kapag nawalan ng halaga ang Kalayaan o kapag ito’y nawala, ito ay hindi makatarungan sapagkat bawat tao ay may karapatan magsalita, ipahayag ang kanilang damdamin, maging boses para sa buong panlipunan, maging isang bayani rin para sa kanyang bayan dahil lahat tayo ay maaaring maging bayani sa tamang paraan kung gugustuhin man natin, at kapag nawalan ng halaga ang Kalayaan ay para na ring naisawalang bahala ang pundasyon ng ating pagiging makatao dito sa mundo, dahil ang pagiging malaya natin ay napakaimportanteng parte sa ating buhay, dahil ito na lamang ang ilan sa nagpapasaya sa atin ang pagiging malaya, dahil nagagawa natin ang ating mga mithiin, at sabi nga nila na ang “Kalayaan ay Pananagutan ng Bayan para sa Isang Matuwid na Daan” kaya’t nararapat lamang na huwag natin itong talikuran bagkus ay pahalagahan at ito’y palawakin sa tamang paraan ng bawat mamamayan, sanlibutan at sangkatauhan. Kaya’t huwag itong isawalang bahala dahil kapag nawalan ng halaga ang Kalayaan ay mas masahol pa tayo sa isang tao na nakakulong sa isang madilim at nakakabahalang kahihinatnan at kapalaran.