1 Gawaing Pampagkatuto sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) MATATAG K TO 10 CURRICULUM Kuwarter 1 Linggo 2 Gawaing Pampagkatuto sa GMRC 1 Kuwarter 1: Ikalawang Linggo SY 2024-2025 Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga mag-aaral ng MATATAG K to 10 Curriculum sa School Year 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga legal na hakbang at kaparusahan. Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon. Bumuo sa Pagsusulat Writer: Content Reviewer: Illustrator: Layout Artist: Joyce F. Orillosa Melynda T. Andres, Joselita B. Gulapa, Juliet P. Quezon Jay Michael A. Calipusan Angeline E. Liwanag Management Team Bureau of Curriculum Development Bureau of Learning Delivery Bureau of Learning Resources Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong sumulat o tumawag sa Tanggapan ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono (02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa blr.od.@deped.gov.ph. MATATAG K TO 10 CURRICULUM MGA PAHINANG GAWAING PAMPAGKATUTO UNANG ARAW Gawain 1: Pag-analisa sa Larawan Pagmasdan ang mga larawan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng mga larawang nagpapakita ng wastong pagkakaibigan. a. c. b. d. Pagtataya Pakinggan ang babasahin ng guro. Iguhit ang sa iyong sagutang papel kung ang pangungusap ay nagsasabi ng wastong paraan ng pakikipagkaibigan at naman kung hindi. 1. Ang pagbibigay ng bahagi ng iyong pagkain sa iyong kaklase na walang baon ay pakikipagkaibigan. 1 MATATAG K TO 10 CURRICULUM 2. Ang pagsigaw at pagdabog sa kaklase ay paraan ng pakikipagkaibigan. 3. Ang paghintay sa kaklase upang makasabay sa pagpasok sa paaralan ay pakikipagkaibigan. 4. Ang pagsasauli ng hiniram na gamit ay paraan ng pakikipagkaibigan. 5. Ang pagkuha ng gamit ng iyong kaklase nang walang paalam ay paraan ng pakikipagkaibigan. IKALAWANG ARAW Gawain 1: Pakikinig sa kuwento. Makinig nang mabuti at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Iba Ka…Iba Ako Nagkakasundo Tayo Nag-uusap ang magkaibigang Mila at Fahima, magkaibigang nasa Ikatlong Baitang. Dumating si Liza at napansin niyang masaya si Fahima. Tinanong ni Liza si Fahima kung bakit siya masaya. “Simula na ng Ramadan,” nakangiting sagot ni Fahima. “Ano ang Ramadan?” tanong naman ni Mila. “Ang Ramadan ay ika-siyam na buwan sa aming kalendaryo. Ito ang buwan ng pagpipigil namin sa pagkain at pag-inom ng tubig. Kumakain lamang kami bago sumikat ang araw at pagkatapos itong lumubog,” masayang paliwanag ni Fahima. 2 MATATAG K TO 10 CURRICULUM “Kakaiba talaga ang inyong paniniwala,” sagot ni Mila. “Oo, nga, maging ang paraan ng inyong pagdarasal ay kakaiba sa aming mga Kristiyano,’ dagdag naman ni Liza. “Natutuwa ako sa inyo na mga kaibigan ko. Magkaiba man tayo ng paniniwala ay hindi ninyo ako pinagtatawanan. Tinanggap ninyo ako at iginagalang. Salamat, Liza. Salamat, Mila,” masayang sagot ni Fahima. Paglalapat: Iguhit sa inyong sagutang papel ang masayang mukha ☺ kung TAMA ang sinasabi sa pangungusap at malungkot na mukha kung MALI. 1. Maaaring maging magkaibigan ang magkaiba ang paniniwala. 2. May magkaibigan na magkaiba ang paboritong kulay. 3. Ang pagkain ay malaking hadlang sa pagpili ng kaibigan. 4. Ang pagkakaiba ng pisikal na anyo ay hindi hadlang sa pakikipagkaibigan. 5. Ang kapansanan ay hindi hadlang sa pagpili ng kaibigan. Pagtataya: 3 MATATAG K TO 10 CURRICULUM Makinig nang Mabuti. Isulat sa inyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot sa bawat aytem na aking babasahin. 1. May bago kang kaklase. Wala siyang kakilala at hindi niya alam ang iba’t ibang lugar sa paaralan. Ano ang iyong gagawin? a. Lalapitan at tutulungan ko siya. b. Hindi ko siya papansinin. c. Pagtatawanan ko siya. d. Titisurin ko siya. 2. May kaklase kang hindi makapagsalita nang tuwid. Isang araw, tinawag siya ng inyong guro upang magrecite. Nang magsimula siyang magsalita, nagtawanan ang iyong mga kaklase. Ano ang iyong gagawin? a. Tatawa rin ako. b. Lalabas ako sa silid-aralan. c. Sasabihan ko siya na huwag na munang pumasok. d. Pagsasabihan ko ang aking mga kaklase na huwag siyang pagtawanan. 3. May batang bulag na tumutugtog ng gitara sa harap ng inyong paaralan. Ano ang iyong gagawin? a. Patitigilin ko siya. b. Pagtatawanan ko siya. c. Hindi ko siya papansinin. 4 MATATAG K TO 10 CURRICULUM d. Ipagmamalaki ko siya sa kabila ng kaniyang kapansanan. 4. May kaklase kang unano. Lagi siyang tinutukso ng iyong mga kaklase. Ano ang iyong gagawin? a. Kakaibiganin ko siya at ipagtatanggol. b. Tutuksuhin ko siya. c. Lalayuan ko siya. d. Titisurin ko siya. 5. Nakita mo ang iyong mahirap na kaklase na kumakain ng ulam na kamatis sa ilalim ng puno. Ano ang iyong gagawin? a. Babahaginan ko siya ng aking baong ulam. b. Tatabihan ko siya at iinggitin. c. Pagtatawanan ko siya. d. Paaalisin ko siya. 5 MATATAG K TO 10 CURRICULUM IKATLONG ARAW Gawain 1: Pag-analisa sa Larawan Pag-aralan ang mga larawan. Sagutin nang pasalita ang itatanong ng guro. a. Ano ang nakikita mo sa unang larawan? b. Bakit kaya iba-iba ang itsura ng mga bata sa larawan? c. Mahalaga ba na tanggapin ang pagkakaiba-iba ng ating kapuwa? Bakit? 6 MATATAG K TO 10 CURRICULUM a. Ano naman ang nakikita mo sa ikalawang larawan? b. Ano kayang salita ang sinabi ng may kaarawan sa mga nagbigay ng regalo? 7 MATATAG K TO 10 CURRICULUM a. Ano naman ang nakikita mo sa ikatlong larawan? b. Tama ba na pituhan ang tao na gustong tawagin? c. Ano ang tamang pagtawag sa isang tao o kaibigan? Gawain 2: Graphic Organizer Tingnang mabuti ang graphic organizer at sagutin ang mga tanong. 1. Ano-anong magagalang na pananalita ang ginagamit mo sa pakikipag-usap sa iyong mga kaibigan? (Isusulat ng guro sa graphic organizer ang iyong mga sagot.) Magaga lang na Pananalita para sa kaibigan _ 2. Kailan mo ginagamit ang magagalang na pananalitang ito? 3. Sa anong pagkakataon mo pa naipakikita ang paggalang sa iyong mga kaibigan? 8 MATATAG K TO 10 CURRICULUM 4. Paano mo tinatawag ang iyong kaibigan kung ikaw ay may kailangan o sasabihin? Paglalapat: Iguhit sa sagutang papel ang kung ang sumusunod ay nagpapahayag ng wastong paraan ng pakikipagkaibigan at kung hindi. 1. Pagtawag sa tunay na pangalan ng kaibigan. 2. Pagpilit na gayahin ang bibilhin mong pagkain. 3. Pagbabahagi ng pagkain. 4. Pagsingit habang nakapila sa kantina. 5. Pagtulong sa pagpulot ng gamit ng kaibigan na nahulog. Pagtataya: Pakinggan ang babasahin ng guro. Isulat sa inyong sagutang papel ang tsek (✓) kung nagpapakita ng paggalang sa kaibigan ang sinasabi sa pangungusap at ekis () naman kung hindi. 1. Tatawagin ko ang aking kaibigan gamit ang kaniyang pangalan. 2. Iiwasan ko na ang aking kaibigan na iba ang paniniwala sa akin. 3. Makikiraan ako sa mga kaibigan kong nag-uusap sa aking daraanan. 9 MATATAG K TO 10 CURRICULUM 4. Ako ay babati ng magandang umaga sa aking mga kaibigan sa paaralan. 5. Sisigawan ko ang aking kaibigan kapag siya ay mabagal maglakad. IKAAPAT NA ARAW Gawain 1: Pag-analisa sa Larawan Tingnan ang larawan. Sagutin nang pasalita ang mga itatanong ng guro. Mga tanong: 1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan? 2. Anong pagkakaiba ang inyong napansin sa isang batang babae kung ihahambing sa kasama niyang dalawa? 3. Sa inyong palagay, tanggap ba nila ang isa’t isa? 10 MATATAG K TO 10 CURRICULUM Gawain 2 Gamit ang Venn Diagram, gawin ang mga sumusunod: ___ ___ 1. Isulat ang iyong pangalan sa loob ng kaliwang bilog. 2. Isulat sa loob ng kanang bilog ang pangalan ng iyong kaibigan. 3. Iguhit sa ilalim ng iyong pangalan ang paborito mong prutas. 4. Iguhit sa ilalim ng pangalan ng iyong kaibigan ang paborito niyang prutas. 5. Sa gitna naman ay iguhit ang prutas na pareho ninyong paborito. Pagtataya – Card Making 1. Itupi sa gitna ang kalahating bond paper na pahalang upang magmukhang card. 11 MATATAG K TO 10 CURRICULUM 2. Isulat sa harap ng card ang pangalan ng iyong kaibigan. 3. Iguhit sa loob ng card ang paboritong laruan ng iyong kaibigan. Halimbawa: Loob na bahagi ng card: Harap na bahagi ng card: Paboritong laruan ng kaibigan Pangalan ng kaibigan Michael 12