Uploaded by JUMARIE ROSERO

ESP 8 ANG MISYON NG PAMILYA QUIZ

advertisement
NAME: ____________________________________________________ SECTION:
_____________________
Gawain: Patukoy ng Mahalagang Gampanin ng Pamilya
Madalas ang tawag ng ilang kabataan sa kanilang mga magulang ay sirang plaka. Lalo na sa mga
pagkakataong may mga bagay silang nagawa o hindi nagawa. Sa gawaing ito ay babalikan mo ang
mga karanasan o mga paulit-ulit mong naririnig na mga paalala ng iyong mga magulang.
Panuto:
A. Maglista ng tatlo (3) sa ilan sa mga pinakamahahalagang kataga o paalala na paulit-ulit mong
naririnig sa iyong mga magulang o kapamilya mula noon hangang ngayon kapag may mga bagay kang
nagagawa o hindi nagawawa.
B. Matapos nito ay isulat mo kung ano ang mahalagang aral na nais na maitanim nila sa iyong
puso at isipan kung bakit nila paulit-ulit na nasasabi ang mga katagang ito.
C. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang madalas na damdamin mo kapag paulit-ulit mong naririnig ang mga katagang ito mula sa iyong
kapamilya? Bakit?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
2. Ano ang naging reyalisasyon mo matapos magawa ang iniatas sa iyong gawain? May nagbago ba saiyong
damdamin at paniniwala?
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_______________________________________________
Isulat ang iyong damdamin sa pamamagitan ng isang pagninilay o repleksiyon tungkol sa kung paano
ginagampanan ng iyong mga magulang ang kanilang tungkulin sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa
pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya. Maari itong ibahagi sa iyong pamilya o kaya naman ay sa iyong
social media account tulad ng facebook, twitter o messenger.
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_______________________________________________
Maglista ng tatlong bagay na maaari mong gawin bilang anak, kabataan at mag-aaral upang matulungan ang
iyong pamilya na maging madali para sa kanila na gampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog sa pananampalataya ng mga anak. Siguraduhing magawa
ang mga ito sa tulong ng iyong mga magulang.
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
___________
PAGTATAYA
A. Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit ang HAPPY FACE
kung ang sitwasyon ay nagpapakita
ng mabuting pagganap sa mga gampanin ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa paggawa ng
mabuting pasya at paghubog sa pananampalataya ng mga anak, SAD FACE
naman kung hindi ito
nagpapakita ng mabuting pagganap.
________1. Si Alex ay inuutusan ang kaniyang anak na huwag na lamang pumasok sa eskuwela dahil para sa
kanya hindi naman ito mahalaga.
________2. Tuwing Linggo ay sinisiguro ni Mr. Reyes na sama-samang nagsisimba ang kanilang pamilya at
pagkatapos nito ay namamasyal at kumakain sila sa mall.
________3. “Ang pagsasabi ng hindi totoo o pagsisinungaling ay hindi mabuti”, ito ang laging paalala ni Gng.
Lourdes sa kaniyang mga mag-aaral.
________4. Hinahayaan lamang nina Mang Cardo at Aling Melissa si Carmi na gumala at umuwi na nang
madaling araw kasama ang kaniyang nobyo at mga kaibigan.
________5. Pag-uwi ng bahay ay sinisiguro ni Gng. Santos na ginagawa ng kaniyang mga anak ang kanilang
takdang aralin bago maglaro o manood ng telebisyon.
________6. Lagi na lamang nasa trabaho at wala nang oras o panahon sa kanilang mga anak ang mag-asawang
G. at Gng. Alvarez.
________ 7. Sina Mina at Minnie ay nagdadasal muna bago kumain, ito ay natutunan nila sa kanilang ina na si
Aling Maria.
________ 8. Pinag-iisipan muna ng mabuti ni Michelle ang isang bagay bago siya gumagawa ng pasya, ito ay
isang pag-uugali na ipinamana sa kanya ng kaniyang lola.
________9. Laging nakikita ng magkapatid na Carlo at Carla ang kanilang mga magulang na nag-aaway at
nagsisigawan sa kanilang kaharapan.
________10. Ikinakahiya si Minda ng kanyang mga magulang dahil sa pagiging mahina nito sa klase, para sa
kanila ang pagkakaroon ng mataas na marka ay isang karangalan.
Download