Uploaded by Wincel Carrasco

Aralin-1

advertisement
Tungkol saan ang modyul na ito?
MODYUL
Aurora State College of Technology
Mahal kong Mag-aaral,
Magandang araw sa iyo. Inihahandog ko sa iyo ang modyul na ito.
Ang modyul sa buong kurso ay tungkol sa buhay at mga akda ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.
Nakapaloob sa unang bahagi nito ang tungkol sa R.A 1425 na lalong kilala sa tawag na Batas Rizal. Ang
pagsasapabatas ng batas na ito ay pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Edukasyon JOSE P.
LAUREL Tinawag itong House Bill 5561 na pinanguhan ni JACOBO GONZALES at kinalaunan ay inirebisa
na Senate Bill 438 na pinangunahan ni CLARO M. RECTO, ngayon ay tinatawag na Batas Republika 1425.
Sang-ayon sa ipinag-uutos ng Batas Republika 1425, sakop ng kursong ito ang buhay at mga akda ng
pambansang bayani ng bansa, si Jose Rizal. Ilan sa mga paksang sakop ay ang talambuhay ni Rizal at kaniyang
mga isinulat, lalo na ang mga nobela niyang Noli me tangere at El Filibusterismo, ilang mga sanaysay, at iba’t
ibang liham.
Ang mga susunod na aralin ay ang kaniyang talambuhay na kinasasangkutan ng kaniyang pamilya, maging
ang mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay, pag-aaral, pangingibang bansa, pagbabalik-bayan.
Hanggang sa siya ay barilin sa Bagumbayan. Tampok na aralin sa huling bahagi nito ang mga piling akda
kagaya ng kaniyang mga tula at nobela.
Ang MODYUL 1 ay naglalaman ng walong aralin, ang una ay ang pagsilang; mababatid mo ang
pinagmulang pamilya ni Jose Rizal, pamumuhay, maging ang karanasan ng kanyang kabataan hanggang sa ito
ay magsimulang mag-aral sa Calamba at Biñan, at lumipat sa Ateneo. Sinundan ng unang pangingibang bansa
ni Jose Rizal. Dito rin magsisimula ang unang yunit
Ano ang matututunan mo?
Ang layuning panlahat ng modyul na ito ay:
Napauunlad at napayayaman ang karanasan sa pamamagitan ng malaman ang buhay at panimulang pagaaral ni Jose Rizal upang mas higit na makapagpalawak ng kaisipan at pananaw sa buhay tungkol sa
pambansang bayani.
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
Aurora State College of Technology
Paano mo gagamitin ang modyul na ito?
Ang modyul na ito ay patnubay mo sa iyong sariling pagkatuto. Kagamitan mo ito bilang gabay sa
tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang paggamit nito, kailangang maging malinaw
sa iyo ang mga tuntuning dapat mong sundin.
Huwag kang mabahala, simple lamang ang mga ito.
1. Sagutin mo ang mga Gawain at mga Pagsasanay.
Layunin nitong masukat ang lawak ng kaalaman mo sa paksa.
2. Pag-aralan mo ang mga aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawaing inihanda. Mababasa mo
kung paano mo gagawin ang mga ito.
3. Tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit sa bawat
modyul.
4. Gamitin mo nang wasto ang modyul. Kaibigan mo ito. Mag-isip ka nang mataman bago mo sagutin
ang mga tanong. Huwag mo itong susulatan at sundin ang bawat panuto sa mga gawain at pagsubok.
Gumamit ka ng sagutang papel o anumang hiningi sa gawain at pasubok.
Ano-ano ang mga Tiyak na Matutunan sa Buong Modyul…
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga
sumusunod na kasanayan:
1. Natutukoy ang pinagmula ng pamilya ni Jose Rizal at mga naging impluwensya nito.
2. Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng maayos at pantay na pagtingin sa katarungan hanggang nasa
musmus na isipan.
3. Naisa-isa ang sistema ng edukasyon noong panahon ng mga Heswita (panahon ni Rizal) at sa
kasalukuyang panahon.
4. Natutukoy ang kahalagahan ng mga karanasan ng pambansang bayani sa kanyang kabataan hanggang sa
ito ay magsimulang mag-aral.
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
Aurora State College of Technology
YUNIT I
Ang yunit na ito ay pasisimulan ng pinakabuod na nilalaman ng buong modyul upang maging gabay mo
sa mga susunod pang yunit. Ang buong yunit ay magiging preliminaryong termino na naglalaman ng apat na
aralin. Halina’t
simulan mo
basahin at pagnilayan
ang mga
nilalaman nito.
José Protacio Rizal Mercado y Alonso
Realonda
Panimulang
Nilalaman …
Isang larawan ni José Rizal, Pambasang bayani ng Pilipinas.
Ibang pangalan:
José Rizal
Kapanganakan:
Hunyo 19, 1861
Lugar ng kapanganakan:
Calamba, Laguna,Pilipinas
Kamatayan:
Disyembre 30, 1896 (edad 35)
Lugar ng kamatayan:
Bagumbayan
(Luneta ngayon),Maynila, Pilipinas
Pangunahing organisasyon: La Solidaridad, La Liga Filipina
Pangunahing monumento:
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
Liwasang Rizal
MODYUL
Aurora State College of Technology
Si Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861–Disyembre 30, 1896) ay ang
pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa
nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna. Sina
Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang
kanyang mga kapatid.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa
lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa
ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni
Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng
Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito,
natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan
ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo,
kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa
nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong
Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring
Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central
de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente"
(napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa
Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya
sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga
wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan,
Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol,
Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
TUNGKOL SA PANGALAN NI RIZAL
José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang nakatalang buong pangalan ni Rizal sa kanyang
katibayan ng kapanganakan at José Rizal Mercado y Alonso o simpleng José Rizal Mercado (ayon sa mga
panutong Espanyol) ang kanyang ginamit sa kanyang buong kabataan. Gayumpaman, sa payo ng kanyang
kapatid na si Paciano Rizal Mercado, pinalitan ni Rizal ang kanyang legal na pangalan upang hindi siya
maiugnay sa mga aktibidad ng kanyang kapatid na kilala noon bilang aktibista at tagasuporta ng binitay na
paring si José Burgos. Mula sa kanyang orihinal na pangalang legal ito'y naging José Protasio Rizal (rizal =
“luntian”), pinaikling José Rizal. Sa isang liham, isinulat ni Rizal: "My family never paid much attention [to
our second surname Rizal], but now I had to use it, thus giving me the appearance of an illegitimate child!"
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
Aurora State College of Technology
("Hindi pinapansin ng aking pamilya [ang aming ikalwang apelyidong Rizal], ngunit ngayon'y kailangang kong
gamitin ito, kaya't lumalabas na ako'y parang isang anak sa labas!)
MAGULANG NI RIZAL
May palayaw na Pepe, siya ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.
Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na
henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang,
Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag-asawa ng isang Pilipina sa
katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan
niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal).
Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil
siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng
mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas
sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal.
Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang
kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng
isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang
kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849.
KABATAAN NI RIZAL
Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa
kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labingisang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria,
Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad.
Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at
limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga
kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa
Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog)[3]
EDUKASYON NI RIZAL
Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto,
kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na
edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Biñan, Laguna.Noong Hunyo 10, 1872 si Rizal ay
pumunta ng Maynila para mag-aral sa Ateneo Municipal de Manila. Muntikan na siyang hindi marehistro dahil
hindi siya pinayagan ng tiga-rehistro na si Fr. Magin Ferrando dahil siya ay huli na sa pasukan ngunit
tinulungan siya ng pamangkin ni Fr. Burgos na si Manuel Xeres Burgos at siya ay narehistro din. Siya ay
nakatira sa labas ng eskwelahan ang kanyang kasera ay si Donya Titay. Sa eskwelahan ng Ateneo ay ginugrupo
ang mga mag-aaral ng dalwang parte ang Roman Empire (inside border)at Carthaginian Empire(outside border),
siya ay sakup sa Carthaginian dahil sa labas siya ng eskwelahan nakatira. Sa isang grupo ay may mga opisyal
Emperor (best student),Tribune,Decurion,Centurion at Standard. Ang una niyang magtutudlo ay si Jose Bech,
naging Emperor si Rizal dahil siya ay nanalo sa isang timpalak at nakakuha siya ng isang religious picture para
sa kanyang gantimpala. Nag-aral din siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel para pagbutihin ang kanyang Wikang
Kastila
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
MGA AKDA
Aurora State College of Technology
Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli me tangere (Huwag Mo Akong Salingin)
na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo
(Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni Dr. Maximo Viola ng 300
piso sa pagpapalimbag. Naglalaman ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na
pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango sa Don
Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang
pagkakaisang-diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896.
Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa aking mga Kabata na naging Sa Aking mga
Kababata. Tumutukoy ang tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na siya ng
pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam).
Kabilang sa iba niyang naisulat ay ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp.
Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin sa La Solidaridad, isang pahayagang
inilunsad ng mga Pilipinong repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laonglaan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel.
ANG BUHAY PAG-IBIG NI RIZAL
“Lagi na, si Rizal ay tinatalakay bilang isang lalaking may malalim na pag-ibig sa bayan,subalit tulad din
naman ng isang pangkaraniwang nilalang siya rin naman ay marunonghumanga at magmahal sa mga anak ni
Eba.”
MGA BABAING NAGKAROON NG KAUGNAYAN KAY RIZAL:
JULIA (Abril, 1877; Los Baños, Laguna):
Dalagitang taga-Los Baños, Laguna na nakilala ni Rizal sa dalampasigan ng Ilog Dampalit noong sya ay 16 na
taong gulang pa lamang at ito ang babae na una niyang napagtuunan ng paghanga.
SEGUNDA KATIGBAK (Disyembre, 1877; Troso, Maynila):
Dalagitang taga-Lipa, Batangas na nakilala ni Rizal sa Troso, Maynila na sinasabing unang niyang pag-ibig.
BB. L. (Pakil, Laguna):
Dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na pinaniniwalaang ang gurong si Jacinta Ibardo Laza nanakatira sa
bahay ni Nicolas Regalado na kaibigan ni Rizal. Sa dalagang ito pilit ibinabaling niRizal ang kanyang atensyon
para pawiin ang pangungulila kay Segunda.
LEONOR RIVERA:
Pinsan ni Rizal na binansagang “La Cuestion del Oriente” ng matalik na kaibigan ni Rizal na si Jose Ma.
Cecilio. Ito ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal at ang dalagang sinasabing nais pakasalan ni Rizal at
tanging babae sa kanyang buhay na tunay niyang minahal ng kakaiba sa iba pang babaing kanyang inibig.
CONSUELO ORTIGA Y PEREZ (Madrid):
Isang babaeng Kastila na taga-Madrid na nakatagpo ni Rizal at pinaghandugan nito ng tula.
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
O-SEI-SAN (USUI-SEIKO) (Hapon):
Aurora State College of Technology
Isang Haponesa na nakatagpo ni Rizal sa bansang Hapon, nang sya ay maanyayahan na magingkasapi ng
pasuguan ng Kastila sa bansang iyon. Siya ay pinaniniwalaang isa sa tatlong babainglabis na minahal ni Rizal,
na nagparanas sa kanya ng pinakaromantikong bahagi ng kanyang buhay.
GERTRUDE BECKETT (Disyembre, 1888; Chalcott Crescent, London):
Dalagang taga-London na nagkaroon ng lihim na kaugnayan kay Rizal.
NELLY BOUSTED (Hulyo, 1889; Paris):
Sinasabing ang babaing may karakter na pinakamalapit sa karakter ni Rizal sa lahat ngbabaing nagkaroon ng
kaugnayan sa kanya. Ito ang babaing may lahing Anglo-Pilipino naminamahal din ni Antonio Luna.
JOSEPHINE BRACKEN (Dapitan):
Makikita ang malaking bahagi ni Leonor Rivera sa buhay ni Rizal sa mga sulating kagaya ng “If Dreams Must Die” at
“The Love of Leonor Rivera” ni Severino Montana. Kung saan kapwa nagpapakita ng imahe ng isang dalagitang umiibig
sa bata nitong puso, isang kolehiyala na naihahalintulad kay Maria Clara, at isang walang-hanggang pag-ibig ni Rizal.
Sa buhay ng pagka-bayani ni Rizal ay may dalawang babae na kapwa nagkaroon ng mahalagang bahagi, ito ay
ang kanyang ina at si Josephine Bracken. Si Donya Teodora Alonzo ay isang mapagmahal at mapag-kalingang
ina, na nagpakita ng mga katangian ng isang huwarang inang Pilipino. Isang parokyano ng Kristiyanismo, para
sa kanya ay isang pagtalikod o kasalanan sa paniniwala ang pag-aaral ng siyensya at pag-ibig kay Josephine
Bracken.
Samantalang makikita si Leonor Rivera kay Maria Clara, si Josephine Bracken naman ay kay Salome. Si
Salome ang karakter ni Rizal sa Noli Me Tangere na hindi isinama sa publikasyon kaya iilan lamang ang
nakakikilala. Si Salome ay ang iniibig ni Elias, isang babaeng kakikitaan ng liberal na pag-uugali sa pagsasalita,
pagkilos at pananaw sa sex. Ang usapan nina Elias at Salome ay isang senaryong kakikitaan ng lubusang
pagtukoy sa pagnanasa bago pa ang mga sulatin ni Jose Garcia Villa. Maihahalintulad din si Josephine Bracken
kina Magdalene, Mat Hari, Kitty O’Shea, Sadie Thompson, at Joan of Arc.
Si Josephine Bracken ang naging daan upang makita ang liberalismo ni Rizal ng ina nito at mga kapatid. Isa na
rito ang naging pagtatalo ni Rizal at ng kanyang ina tungkol sa pagsasama nila ni Josephine Bracken kahit na
walang basbas ng simbahan. Bukod sa pagiging liberal taglay din ni Josephine Bracken ang mga kaugalian
kagaya ng pagiging matatag at may buong-loob sa pakikipaglaban ng kanyang mga pinaniniwalaan.
Ayon kay John Foreman, si Josephine Bracken ay maihahalintulad kina Gabriela Silang at Joan of Arc sa
kanyang walang hanggang pakikibaka sa laban ng mga Katipuneros kahit sa pagkamatay ni Rizal. Unang nakita
si Josephine sa Asamblea sa Imus, Kabite noong ika-29 ng Disyembre. Kasama niyang dumating sa pagtitipon
si Paciano Rizal at iba pang kabilang sa pamilya Rizal. Ayon pa kay General Ricarte, hindi rin matatawaran ang
partisipasyon ni Josephine sa paggagamot sa bahay sa Tejeros kung saan naging nurse at inspirasyon siya sa
mga may sugat at iba pang nagpupunta dito. Gayundin ay makikita ang partisipasyon ni Josephine sa “Battles
of Silang” st “Battle of Dasmariñas” noong ika-27 ng Pebrero. Makikita ang lubhang katatagan ni Josephinwe
Bracken sa Rebolusyon, nang panahon kung kailan dadakipin na siya ng mga Espanyol. Kung saan naglakad
siyang dumudugo ang mga paa mula sa Maragondon hanggang Laguna hanggang makarating siya sda daungan
papuntang Maynila.
Si Josephine Bracken ay isang malaking bahagi ng kasasayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan
noong taong 1902 sa sakit na tubercolosis. Ang kanyang kusang-loob na pakikibahagi sa Rebolusyon at patuloy
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
Aurora State College of Technology
na pagtulong sa mga Pilipino sa kabila ng hindi pagkilala ng mga ito sa kanya noong una ay sadyang kahangahangang kaugaliang napatunayan ni Josephine Bracken sa loob ng mahabang panahon.
MGA HULING ARAW NI JOSE RIZAL
03 Nobyembre 1896
Dumating si Rizal sa Manila ng dalawampu't-pitong araw galing Barcelona saan siya'y umalis noong Oktubre 6.
Ikinulong siya sa Fort Santiago.
20 Nobyembre 1896
Nagpakita siya kay Francisco Olive y Garcia nung siya pa ay nakarating sa Fort Santiago nung Nobyembre 3.
Hinarap niya ang mga katanungan na binigay sa kanya: ang mga relasyon, kaibigan, atbp. niya sa Rebolusyon.
Tumagal ang mga katanungan nito ng limang araw.
11 Disyembre 1986
Ang mga paratang ni Rizal ay ipinagbasa sa kanya at sa kanyang tagapagtanggol, si Lt. Luis Taviel de Andrade.
Dahil dito, hindi puwede humarap si Rizal sa mga saksi na nasakdal sa kanya.
21 Disyembre 1896
Sinulat niya and kanyang depensa sa Fort Santiago.
22 Disyembre 1896
Si Jose Rizal, incomunicado sa Fort Santiago, ay sumulat ng isang "manifesto" sa kanyang kababayan para
tumigil ang kanilang labanan. Hindi ipinalatha ng pamamahalang Espanyol ang kanyang "manifesto".
23 Disyembre 1896
Nagsulat siya kay Lt. Andrade, naghihingi ng patawad para sa kanyang mga kapatid na babae na sinasadyaing
sumangguni sa isang sikat na abugado para sa kaso niya.,
24 Disyembre 1896
Ang mga paratang ni Lieutenant Fiscal D. Enrique Alcocery R. de Vaamonde kay Rizal, ay binasa sa mga
miyembro ng Sanggunian Digmaan.
25 Disyembre 1896
Nasa Fort Santiago si Rizal nung Araw ng Pasko at nais niyang makita ang tagapagtanggol niya priyor sa
miting niya sa Sanggunian Digmaan, ay sumulat kay Lt. Luis Taviel de Andrade para pakiusapin siyang
magpakapanayamin.
26 Disyembre 1896
Pumunta siya sa Cuartel de España saan siya'y dumating ng 8:10 ng umaga. Nagpakita siya sa Sanggunian
Digmaan para iharap ang kanyang mga kaso.
27 Disyembre 1896
Tagasuri Heneral D. Nicolas de la Peña ay nagsabi ng hatulan ng kamatayan kay Rizal.
28 Disyembre 1896
Gobernador-Heneral Polavieja ay nagutos sa araw na ito ng hatulan ng kamatayan ni Rizal. Si Polavieja ang
nagpatunayan ng hatulan.
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
Aurora State College of Technology
29 Disyembre 1896
Sa isang sulat, sinabi ni Rizal kay Propesor Blumentritt na mamamatay siya sa Bagumbayan ng alas syete ng
umaga. Sumulat din siya ng maraming pasalamat kay padre Paciano na nagsakripisyo para kay Rizal upang
siya'y magaral sa ibang bansa.
Ang hatol ni Tagasuri Heneral D. Nicolas de la Peña at ang pagpapatiby ng hatol ng kamatayan ni GobernadorHeneral Polavieja, ay binasa kay Rizal ni Tagahatol Dominguez sa umaga ng araw na ito. Kalmado si Rizal at
hindi naapektuan ang kanyang pagpipirma ng dokyumento judisyal.
30 Disyembre 1896
Humingi ng patawad si Rizal sa kanyang mga magulang para sa lahat ng bagay na nagpapasakit na binigay niya
sa kanila pagpalit sa mga pagsasakripisyo at bagay na hindi sila natutulog para sa edukasyon niya. Ala syete at
tres na segundo ng umaga, sa harap ng maraming Filipinos at Spaniards sa kabukiran ng Bagumbayan,
binarilan si Rizal sa kanyang likod. Nahulog siya paharap ng umaangat na araw.
PAGBITAY, KAMATAYAN, AT PAGKA-MARTYR
Noong 1896, natuklasan ang lihim na samahang Katipunan, kaya bigla itong naglunsad ng rebolusyon. Nang
mga panahong iyon. Pinayagan si Rizal ng pamahalaang maglingkod sa Cuba bilang manggagamot sa panig
ng Espanya at naglalayag patungo sa nasabing lugar. Pagsiklab ng himagsikan, kaagad siyang ipinaaresto sa
barko at ipinabalik sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat at kapanalig ng mga nag-aalsa. Pinaratangan
siya ng paghihimagsik at pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan, at pagtatatag ng isang bawal na samahan.
Napatunayang siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong ika-30 ng Disyembre 1896, binaril siya sa
Bagumbayan, na Liwasang Rizal ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng piring sa mata at mabaril ng
paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siya'y pumihit
paharap, habang bumabagsak, bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan.
Sipi mula sa kaniyang huling liham: "Prof. Fernando Blumentritt - My dear Brother, when you receive this
letter, I shall be dead by then. Tomorrow at 7, I shall be shot; but I am innocent of the crime of rebellion..."
(Mahal na Kapatid, wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete, ako
ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...)
Hindi kalayuan sa lugar na kanyang kinabagsakan, may isang malaking monumento ngayon, gawa ni Richard
Kissling, isang eskultorescoces na siya ring lumikha ng estatwa ni Wilhelm Tell. May nakasulat dito- "Nais
kong ipakita sa mga nagkakait ng karapatan sa pag-ibig sa tinubuang lupa, na kapag tayo'y marunong magalay ng sariling buhay alinsunod sa ating tungkulin at paniniwala, ang kamataya'y di mahalaga, kung
papanaw dahil sa ating mga minamahal- ang ating bayan at iba pang mga mahal sa buhay."
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
Aurora State College of Technology
LAYUNIN
 Natutukoy ang pinagmulang pamilya ni Rizal.
 Naibibigay ang paglalarawan sa pamumuhay ng mag-anak na Rizal.
 Nabibigyan kahalagahan ng pagsilang ng pambansang bayani.
PAGTALAKAY
Basahin mo…
Aralin 1.
KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYAN
Pagsilang
1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861.
3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal
4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal
Magulang
1. Francisco Mercado
Ipinanganak noong Mayo 11, 1818
Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San Jose
Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba.
Namatay noong Enero 5, 1898.
2. Teodora Alonzo
Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila
Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa
Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol.
Namatay noong Agosto 16, 1911
Magkakapatid na Rizal
1. Saturnina
2. Paciano
3. Narcisa
4. Olympia
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
5. Lucia
6. Maria
7. Jose
8. Concepcion
9. Josefa
10. Trinidad
11. Soledad
Aurora State College of Technology
Mga Ninuno
1. Ninuno sa Ama
Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si Francisca Mercado at
napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging
anak si Francisco Mercado at napangasawa si Teodora Alonzo at naging anak si
Jose Rizal.
2. Ninuno sa Ina
Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila si Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos
at naging anak nila si Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto Alonzo at naging anak nila si Teodora
Alonzo na napangasiwa ni Francisco Mercado at naging anak nila si Jose Rizal.
Pamilyang Rizal
Ang Kabuhayan ng Pamilya
Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa mga kinikilalang pamilya sa Calamba. Ang ama ay
nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang
lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo. Maliban sa
pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga hanapbuhay. Ang ina ni Rizal ay mayroong isang
tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan ng hamon. Ang pamilya
ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na
isang karangyaan sa panahong iyon. Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.
Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.
Ang Tahanan ng mga Rizal
1. Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay nakatayo na malapit sa simbahan ng
Calamba.
2. Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing, chico, macopa, papaya, santol,
tampoy, at iba pa.
3. Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at pabo.
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
MODYUL
GE 9: Ang Buhay, Akda at Mga Isinulat ni Jose Rizal
Aurora State College of Technology
Download