Uploaded by Renz Pascua

KOMPAN-1

advertisement
KOMPAN 1: KONSEPTO NG WIKA
ANG WIKA
"Ang wika'y mahalagang instrumento ng komunikasyon,
Makatutulong sa pagkakaroon ng mabungang interaksiyon."
- napakahalagang instrumento ng komunikasyon
- pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin
ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa't isa.
- salitang LATIN lingua na ang ibig sabihin ay "dila" at "wika" o "lengguwahe"
- salitang PRANSES langue na ang ibig sabihin ay "dila" at "wika"
- wikang INGLES( language o "lengguwahe")
- may halos magkaparehong kahulugan
- konektado sa pasalitang pagbigkas
- arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga
miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at
pakikipag-ugnayan sa isa't isa
pagpapakahulugan: ar.bi.trár.yo
[Esp arbitrario ]
1: batay lámang sa pasiya ng isang indibidwal at hindi sa batas :
ARBITRARY
2: walang pagpipigil : ARBITRARY
3: bunga ng kapangyarihang absoluto: ARBITRARY
mula sa: https://diksiyonaryo.ph/search/arbitraryo
Pagpapakahulugan sa wika ng ilang DALUBHASA
Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1)
- tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang minimithi o
pangangailangan
- behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon
- ginagamit sa pag-iisip, pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang
tao; at maging sa pakikipag-usap sa sarili
Henry Allan Gleason, Jr.
- masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa
pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura
Cambridge Dictionary
- isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at
gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa
isang bayan o sa iba't ibang uri ng Gawain
Charles Darwin
- isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng
pagsusulat
- hindi rin daw ito tunay na likas sapagkat kailangan munang pag-aralan
bago matutuhan
Katangian ng WIKA
1. Ang wika ay masistemang balangkas.
- lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na
balangkas
- lahat ng wika ay nakabatay sa tunog PONEMA ang tawag sa
makahulugang tunog ng isang wika PONOLOHIYA naman ang tawag
sa makaagham na pag-aaral sa mga tunog
- MORPEMA ang tawag sa maliit na yunit ng salita (pinagsamang
ponema)
- ang MORPEMANG mabubuo ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi,
o morpemang ponema katulad ng ponemang /a/
- MORPOLOHIYA naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng
mga Morpema
- kapag ang mga salita ay ating pinag- ugnay, maaari naman tayong
makabuo ng mga pangungusap SINTAKSIS naman ang tawag sa
makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap
- DISKURSO naman ang tawag kapag nagkaroon na ng makahulugang
palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao
Ang Balangkas ng Wika
2. Ang wika ay sinasalitang tunog
- hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may
kahulugan
- ang tunog na ating sinasalita o nanggagaling sa atin ang
pinakamakahulugang tunog na siyang kasangkapan ng komunikasyon
- samakatuwid, ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa
pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o
pinanggagalingang lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag na
bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at mino-modify ng resonador
- bawat wika ay kani-kaniyang set ng mga makahulugang tunog o
ponema
- makahulugan ang isang tunog sa isang wika kapag ito ay nagtataglay ng
kahulugan o di kaya'y may kakayahang makapagbago ng kahulugan ng
isang morpema o salita
- ang WIKANG FILIPINO ay may 21 ponemang napapangkat sa dalawa
(ponemang KATINIG at ponemang PATINIG)
- ang ponemang KATINIG ay mailalarawan sa pamamagitan ng punto ng
artikulasyon o kung saang bahagi isinasagawa ang pagbigkas ng
ponema at sa paraan ng artikulasyon o paraan ng
- pagpapalakas ng hangin sa pagbigkas ng ponema at kung ang paraan
ng artikulasyon ng bawat isa ay may tunog o walang tunog
-
ang
ponemang PATINIG naman ay mailalarawan sa pamamagitan ng
posisyon ng dila sa pagbigkas ng mga ito at sa kung saang bahagi ng dila
nagaganap ang pagbigkas ng bawat isa
TSART NG MGA PONEMANG PATINIG (Santiago, 2003)
- ang ponemang PATINIG naman ay mailalarawan sa pamamagitan ng posisyon
ng dila sa pagbigkas ng mga ito at sa kung saang bahagi ng dila nagaganap ang
pagbigkas ng bawat isa
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos
- sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin
- madalas, ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at magkaminsan
ay sa ating conscious na pag-iisip
4. Ang wika ay arbitraryo
- ayon kay Archibald A. Hill, "just that sounds of speech and their connection
with entities of experience are passed on to all members of any community by
older members of that community"
- ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi
- matututong magsalita
- ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa
paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang komunidad
- bawat indibidwal ay nakabubuo ng sarili niyang pagkakakilanlan (NO TWO
INDIVIDUALS ARE EXACTLY ALIKE)
5. Ang wika ay ginagamit
- kasangkapan sa komunikasyon at kailangang patuloy na ginagamit
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura
- nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig dahil sa pagkakaiba-iba ng mga
kultura ng bawat bansa
7. Ang wika ay nagbabago
- dinamiko ang wika
▪ hindi maaaring hindi ito magbago nagbabago ang wika bunga
ng pagiging malikhain ng mga tao (nakalilikha ng bagong salita)
▪ may mga salita ring nawawala na sapagkat hindi na ginagamit
▪ may mga salita ring nagkakaroon ng bagong kahulugan
Download