Tekstong Deskriptibo: Obhetibo at Subhetibong Paglalarawan PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Layunin ng Talakayan Maipaliwanag ang kahulugan at layunin ng tekstong deskriptibo Matukoy ang katangian ng tekstong deskriptibo Daloy ng Talakayan Kahulugan at Layunin ng Tekstong Deskriptibo Mga Katangian ng Tekstong Deskriptibo • Ilalarawan ko, Iguguhit mo Basahin ang teksto • Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang taas. Basahin ang Teksto • Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alonalon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggitinggit niyang katawan at taas Obhetibong paglalarawan • Ang obhetibong paglalarawan ay mga direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di mapasusubalian. Subhetibong Paglalarawan • Ang subhetibong paglalarawan naman ay maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan. •Ano ang mas madalas natin na gamitin sa paglalarawan? •Bakit mahalaga ang paglalarawan gamit ang obhetibo? O subhetibo? Katangian ng Tekstong Deskriptibo • Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na inilalarawan. Group Activity • Gumawa ng maikiling paglalarawan sa larawan na makikita.Gumamit ng Obhetibo at Subhetibong paglalarawan. Basahin ang ginawang teksto sa harap ng klase. Tukuyin kung subhetibo o obhetibo 1. Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso. 2. Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag magkasama kami ay lumalakas din ang loob ko. 3. Malakas ang boses ng aking katabi sa upuan. 4. Punong- puno ng kalungkutan ang mata ni Arlene. 5. Ang mata niya ay kasing kislap ng bituin.