Ang Itinakda Mga Tauhan: Florida- Maganda at kaibig-ibig na dalaga. Siya ay magdiriwang ng seremonya na kung saan ay gagawin ang isang tradisyonal na ritwal patungo sa makabagong buhay at karampatang gulang. Apo Crising- Ang namumuno sa buong nayon ng tribong Kuam-bu. Siya ang mag sasagawa ng gaganapin na seremonya para kay Florida na kung saan ay magiging gabay upang maging matiwasay at masagana ang pamumuhay ng kanilang tribo. Siya rin ang pinakamamahal na ila o lola ni Florida. -Unang PangyayariIsang gabing puno ng misteryo at kasiyahan ang bumabalot sa tribong Kuam-bu na kung saan ay abalang-abala ang mga taga-nayon sa pag-aayos para sa gagawin na seremonya bukas. Nag-lalagay sila ng mga palamuti tulad ng mahahalimuyak ng mga bulak-lak dahil ito ay mag-sisilbing kagandahan para sa seremonyang gagawin. Samantala, si Florida naman ay kasalukuyang nakakulong sa kanyang silid dahil bahagi ito ng ritwal nagagawin para bukas. Habang nag-aayos ng mga susuotin si Florida ay bigla namang pumasok ang kanyang ila na si Apo Crising. Apo Crising- Tila’y ikaw ay abalang- abala sa iyong ginagawa? (sambit nito sabay upo sa tabi ng kanyang apo.) Florida- Hindi naman po! Napapa-isip lamang ako kung ano ang magiging kalalagayan ng aking seremonya bukas. (ang mausisang sagot ni florida sa kanyang ila). Apo Crising- Ganon ba? Nakikita ko sa guhit mong mukha na tila’y ikaw ay na ngangamba. Tama ba ako? Florida- Hindi ko po mawari o maunawaan ila. Pa paano na lamang po kung makagawa ako ng mali na ikasisira ng seremonya bukas, at sapalagay ko rin hindi pa ako handa o karapatdapat na tumuntong sa pagiging ganap na matanda. (Nag-aalinlangan na Tugon ni Florida.) Apo Crising- Alam kong binabalot ka ng iyong kaba at takot ngunit malalagpasan mo rin iyan dahil nung nasa sitwasyon mo rin ako ganyan rin ang aking nadarama. Kung napagtagumpayan ko alam kong magagawa mo rin basta’t manalangin tayo sa ating bathala na si ugub-tob. (Sambit ni Apo Crising). Florida- (Huminga ng malalim si Florida sabay sambit na:) Kaya ko ito! Malalagpasan ko rin ito! Para sa tribong Kuam-bu! (Matapang na sabi ni Florida para sa kanyang sarili). Apo Crising- Ganyan nga Florida! Lakasan mo lang ang iyong loob dahil bahagi ito ng ating tradisyunal na pamumuhay, bagama’t ito’y nakakabahala sa umpisa pero ito naman ang daan patungo sa matiwasay na pamumuhay. (Patnubay nitong sagot) Florida- Ako po ay handang-handa na para bukas! Alam kong magiging masaya ang ating tribu lalong-lalo na ang ating pinagpalang bathala na si Ugub-tob dahil ay aking papahalagahan ang ating kultura at pinagmulan. Apo Crising- Kung ganon Florida! ay dapat kailangan mo nang mag pahinga upang ikaw ay hustong handa na para bukas, sapagkat’t ay iyong tatanggapin ang makabagong responsibilidad para sainyong sarili at para narin sa tribo natin na pang habang buhay mong dadalhin. Florida- Ngayon lamang po ay magpapahinga na ako upang ako sa ganon ay handa na ako bukas! Apo Crising- Bago mag bukang-liwayway ay isasagawa na natin ang seremonya. Nakahanda narin ang lahat para bukas. -Ikalawang Pangyayari-