Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna LSPU Self-Paced Learning Module (SLM) Course Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Sem/AY First Semester/2020-2021 Module No. Lesson Title Week Duration Date Description of the Lesson 1 MGA KONSEPTONG PANGWIKA 2-4 October 12-30, 2020 Ang araling ito ay naglalayong talakayin ang mga sumusunod: Wika at Wikang Pambansa, Wikang Panturo at Wikang Opisyal, Bilinggwalismo at Multilinggwalismo at Register/ Barayti ng wika. Learning Outcomes Intended Learning Outcomes Ang mga Mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga sumusunod: Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, at mga panayam; sa mga napanood sa telebisyon; at sa sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga blog, social media posts at iba pa. Targets/ Objectives Nakabubuo ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag gamit ang mga konseptong pangwika. Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay: Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng mga konseptong pangwika. Napahahalagahan ang iba’t ibang konseptong pangwika. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan. Student Learning Strategies Online Activities (Synchronous/ Asynchronous) Para sa online na Talakayan sa pamaamgitan ng google class at google meet. Para sa mga batang online ang piniling paraan ng pag-aaral, sila ay magkakaroon ng talakayan hinggil sa paksang pag-aaralan para sa linggong ito. Ang mga likhang sulatin o mga gawain ay kanilang isusumite sa pamamagitan ng google class application. Ang mga mag-aaral ay bubuo o Susulat ng napapanahong panawagang pambayan gamit ang wikang Filipino. Bumuo ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag gamit ang wika na may LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna kaugnayan sa kultura, kamalayan at pulitika ng bansa gamit ang islogan, komentaryo at panalangin. Sagutin ang inihandang online na pagsusulit gamit ang Google Classroom. Gabay sa Pagtatalakay Ang mga mag-aaral ay babasahin ang mga aralin sa kanilang mga tahanan at maaaring tumawag sa ibinigay na numero para sa mga katanungan hinggil sa aralin o gawain na sa kanilang palagay ay hindi malinaw para sa kanila. Mga Konseptong Pangwika Ano ang Wika? Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at pagsusulat. Mga Uri ng Wika Offline Activities (e-Learning/SelfPaced) 1. Balbal – Ang pinakamababang antas at bumubuo nito ng mga salitang kanto. 2. Lingua franca o Panlalawigan – tumutukoy sa salitang ginagamit ng partukular na lalawigan. 3. Pambansa – Ito ay ginagamit ng buong bansa. 4. Pampanitikan – Ginagamit ito sa panitikan katulad ng tayutay, idioma, at iba pa. Ano ang ating Wikang Pambansa? Ang WIKANG PAMBANSA ay isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. Ayon sa Saligang Batas ng Biak na Bato Ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng Pilipinas. Sa pagpili ng wikang pambansa, ang Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 ay nagsasaad na "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal". May Walong Pangunahing Wika sa Bansa ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Samar-Leyte o Waray, Pampango o Kapampangan, at Pangasinan o Pangalatok. Ang Suriang Wikang Pambansa (SWP) ay itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea). Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika at ipirinoklama ito ng Pangulong Quezon. Pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa dahil ito ay malawak na ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito. Ayon sa Saligang Batas ng 1973 - Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO. LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna Wikang Opisyal Ang WIKANG OPISYAL ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang- alang ng ibat' ibang salik. Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946. Ayon sa Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek. 3), “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”, Ayon naman sa Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7), “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Wikang Panturo Ang WIKANG PANTURO ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wika ng talakayang guro-mag- aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa klase. Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Sa pangkalahatan ay FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa K to 12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag- aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3. Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo- kultural”. Sa Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988), idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon. Sa Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957), idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika. Ang Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996) ay nagtadhana na ang Filipino ay bahagi na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED. Bilinggwalismo at Multilinggwalismo Ang bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang wika na tila ang dalawang ito ay ang katutubong wika samantalang ang multilinggwalismo naman ay ang paggamit ng maraming wika. Barayti ng Wika Kilala rin sa Ingles na “variety”, ito ang snhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan nating ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, at kung minsan, ang uri ng pangkat etniko. May walong uri ng barayti ng wika: Idyolek, Dayalek, Sosyolek / Sosyalek, Etnolek, Ekolek, Pidgin, Creole, at Register. 1. Idyolek- Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita. LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna Halimbawa: “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro “Hoy Gising” – Ted Failon “Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez “Di umano’y -” – Jessica Soho 2. Dayalek- Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan. Halimbawa: Tagalog – “Mahal kita” Hiligaynon – “Langga ta gd ka” Bikolano – “Namumutan ta ka” Tagalog – “Hindi ko makaintindi” Cebuano – “Dili ko sabot” 3. Sosyolek / Sosyalek- Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo. Halimbawa: Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo) Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado) 4. Etnolek- Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko. Halimbawa: Palangga – Sinisinta, Minamahal Kalipay – saya, tuwa, kasiya Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan 5. Ekolek- Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng bata at matanda. Halimbawa: Palikuran – banyo o kubeta Papa – ama/tatay Mama – nanay/ina 6. Pidgin- Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa. LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna Halimbawa: Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo. Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta. Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan. 7. Creole- Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na wika. Halimbawa: Mi nombre – Ang pangalan ko Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano? I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng mga hayop sa gubatan. 8. Register- Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain. May tatlong uri nito: Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon? Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap Halimbawa: Jejemon Binaliktad Pinaikli sa teks MGA GAWAIN A. Gumawa ng maikling pagpapakilala patungkol sa iyong sarili, gawin itong kakaiba katulad ng mga tagapagbalita na inyong napapanood sa ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO t e l e b i s y o n : Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna B. Magbigay ng iba pang mga halimbawang salita ng mga sumusunod. 1. Creole - ______________________________________________________________________ 2. Dayalek - __________________________________________________________________ 3. Idyolek - ___________________________________________________________________ 4. Register - __________________________________________________________ 5. Sosyolek - ________________________________________________________ Performance Tasks PT 1 Panuto: Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang mga sumusunod na salita. 1. Wika - ______________________________________________________________________ 2. Dayalek - __________________________________________________________________ 3. Idyolek - ___________________________________________________________________ 4. Bilinggwalismo - __________________________________________________________ 5. Multiliggwalismo - ________________________________________________________ PT 2 Panuto: Gumawa ng isang video presentation ng pagpapakilala sa sarili gamit ang ginawa mula sa Gawain A. LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna Understanding Directed Assessment Pamantayan sa Paggawa ng Video (PT 2) Learning Resources Acopra, Jioffre et al. Komunikasyon sa Makabagong Filipino. Intramuros, Manila: Mindshapers Com., Inc. 2014 Alcaraz, Cid V., Jocson, Magdalena O., Villafuerte, Patrocinio V. Filipino 1 Komunikasyon sa Akademikong Filipino. QC: Lorimar Publishing Corp., Inc. 2011 Atanacio, H. C., Lingat, Y. S., Morales, R. D. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teskto Tungo sa Pananaliksik. QC: C & E Publishing,Inc. 2016 Bernales, Rolando A. et al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Filipino Alinsunod sa K-12 Kurikulum ng Batayang Edukasyon.Malabon City. Mutya Pub. Inc. 2016 Santos, Angelina L. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Malabon City. Mutya Publishing House, Inc. 2016 Valverde, Oralando T. et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa Baitang 11. Intramuros, Manila: Mindshapers Co. Inc. 2016 LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna http://gedoriolerma.blogspot.com/2016/07/ang-wikang-pambansa-wikang-opisyalat.html https://philnews.ph/2019/07/17/barayti-ng-wika-uri-halimbawa/ https://philnews.ph/2019/07/23/kahulugan-ng-wika-buod-katangian-uri-teorya/ https://prezi.com/od5vpxc4zf8d/monoliggwalismo-bilinggwalismo-atmultilinggwalismo/ LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO Republic of the Philippines Laguna State Polytechnic University ISO 9001:2015 Certified Level I Institutionally Accredited Province of Laguna LSPU SELF-PACED LEARNING MODULE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO