1 Arts Ikaapat na Markahan-Modyul 1: Iba’t ibang Anyo ng mga Likhang Sining sa Kapaligiran Arts – Unang Baitang Self-Learning Module Ikaaapat na Markahan – Modyul 1: Iba’t ibang Anyo ng mga Likhang Sining sa Kapaligiran Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na mayakda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Aiza D. Lasconia Editor: Nelly S. Bragado Tagasuri: Emma E. Panza Tagaguhit: Sheilu Marie T. Doplayna Tagalapat: Jim Ryan S. Dela Cruz Tagadisenyo ng Pabalat: Jay Sheen A. Molina Tagapamahala: Carlito D. Rocafort – Regional Director Fiel Y. Almendra, CESO V- Assistant Regional Director Leonardo M. Balala- Schools Division Superintendent Nilyn B. Frinal- Assistant Schools Division Superintendent Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug- REPS, ADM Magdaleno M. Duhilag- REPS, MAPEH Ismael M. Ambalgan- Chief, CID Sheryl L. Osano- EPS, LRMS Nelly S. Bragado- EPS, MAPEH Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCCSKSARGEN Region Office Address: Telefax: E-mail Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal (083) 2288825/ (083) 2281893 region12@deped.gov.ph 1 Arts Ikaapat na Markahan-Modyul 1: Iba’t ibang Anyo ng mga Likhang Sining sa Kapaligiran Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts Unang Baitang ng Self-Learning Module para sa araling Iba’t ibang Anyo ng mga Likhang Sining sa Kapaligiran!(A1EL-IVa) Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pangekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang magaaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa magaaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Arts Unang Baitang ng SelfLearning Module ukol sa Iba’t ibang Anyo ng mga Likhang Sining sa Kapaligiran! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balikaral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. iii Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. iv Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. v 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! vi Alamin Magandang araw kaibigan. Handa ka na ba sa ating panibagong aralin? Pagmasdan mo ang iyong paligid. Ano-ano ang mga disenyong iyong nakikita? Alam mo ba na ang ating kapaligiran ay binubuo ng iba’t ibang anyo? Ang mga anyong ito ay nabubuo mula sa iba’t ibang mga hugis at linya. Halimbawa ng mga disenyong nabubuo mula sa mga hugis at linya. Sa modyul na ito, inaasahang: 1. Masasabi mo ang pagkakaiba ng 2-dimensyonal sa 3-dimensyonal na mga disenyo. (A1EL-Iva) 2. Matutukoy mo ang mga materyales sa paggawa ng mga bagay na may 3-dimensyonal. (A1EL-Ivb) 1 Subukin Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sanayang papel ang iyong sagot. 1. Alin sa mga sumusunod na disenyo ang nagpapakita ng 2-dimensyonal? a. b. c. 2. Ano ang tawag sa mga disenyong may haba,lapad at lalim? a. 1-dimensyonal b. 2-dimensyonal c. 3-dimaensyonal 3. Anong dimensyon ang ipinapakita ng nasa larawan ? a. 1-dimensyonal b. 2 -dimensyonal c. 3-dimensyonal 4. Alin sa mga sumusunod na disenyong 3dimensyonal ang ginagamitan ng materyales na karton? a. b. c. 5. Ang mga sumusunod na disenyo ay ginagamitan ng materyales na kahoy maliban sa ______. a. b. 2 c. Aralin 1 Iba’t ibang Anyo ng mga Likhang Sining sa Kapaligiran May iba’t ibang likhang sining na makikita sa ating kapaligiran. Iba’t ibang materyales ang ginagamit upang makagawa nito. Ang mga ito ay binubuo ng mga linya at kapag pinagdugtong ay nagiging mga hugis na ginagamit upang makabuo ng kaakit-akit na disenyo. Balikan Sa nakaraang modyul natutunan mong alamin ang mga disenyong istensil o stencil print design. Ito ay maaaring paramihin nang paulit-ulit na disenyo gamit ang kamay o makina. Ang istensil ay manipis na plastik,papel,dahon,metal at iba pa na may isang modelo o mga titik na nilalagyan ng tinta o pintura upang makopya ang modelo na nasa ilalim nito. 3 Naalala mo pa ba ang mga kagamitan sa paggawa nito? Ngayon naman, sa modyul na ito matututunan mong alamin ang pagkakaiba ng mga likhang sining na may dalawang dimensyon (2D) at may tatlong dimensyon (3D). Mga Tala para sa Guro Maituro sa mga mag-aaral ang wastong kaalaman tungkol sa iba’t ibang anyo ng mga likhang sining na makikita sa ating kapaligiran. Ibigay lamang ang angkop na gawain na naaayon sa kakayahan ng bata. 4 Tuklasin Handa ka na bang matuto? Halika kaibigan, samahan mo ako sa ating bagong aralin. Gawain 1: “Alamin mo ito” Tingnan ang dalawang larawan sa ibaba. Ano ang pagkakaiba na iyong nakikita? Isulat ang inyong sagot sa ibaba ng larawan? _________________________________________________ 5 Suriin Ang mga likhang sining sa ating paligid ay may iba’t ibang anyo. Maaaring ang mga ito ay may dalawang dimensyon (2D) o may tatlong dimensyon (3D). Ang dalawang dimensyonal o 2D ay mga likhang sining na may haba at lapad. lapad haba Ito ay karaniwang iginuguhit o ipinipinta sa papel o sa mga bagay na patag lamang. 6 Ilan lamang sa mga halimbawa ay ang mga sumusunod: Samantalang ang tatlong dimensional naman o (3D) ay mga likhang sining na may haba,lapad at lalim. lalim lapad haba 7 Ang mga ito ay maaaring gawa sa kahoy, clay, semento, papel at mga patapong bagay tulad ng dyaryo at karton. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa. 5 8 Pagyamanin Gawain 1-“Alamin Natin Ito” Panuto: Iguhit sa patlang ang kung ang larawan ay nagpapakita ng dalawang dimensyonal (2D) at naman kung tatlong dimensyonal (3D). Isulat ang iyong sagot sa sanayang papel. 1. ________ 2. ________ 3. ________ 4. _______ 5. _______ 9 Isaisip Gawain 1: “Bilugan mo” Panuto: Bilugan ang mga materyales na ginamit sa paggawa ng mga bagay na may tatlong dimensyon (3D). 1. karton , lata 2. kahoy , semento 3. lata , semento 4. papel , lata 5. karton , semento 10 Isagawa Gawain 1:” Iguhit mo” Panuto: Gumuhit ng sariling likhang sining na may dalawang dimensyon (2D) at may tatlong dimensyon (3D). Gawin ito sa iyong sanayang papel. Dalawang Dimenyonal (2D) Tatlong Dimensyonal (3D) 11 Pamantayan sa Pagguhit ng likhang sining na may dalawa at tatlong dimensyon Pamantayan Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (3) 1. Nakaguhit ako ng sarili kong likhang sining na may dalawa at tatlong dimensyon 2. Malinis ang pagkaka guhit ko 3. Naipakita ko ng tama ang pagguhit ng likhang sining na may dalawa at tatlong dimensyon 12 Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (2) Hindi nakasunod sa pamantayan (1) Tayahin Panuto: Isulat ang titik T sa patlang kung tama ang sinasabi ng bawat bilang at titik M naman kung mali. Isulat sa sanayang papel ang iyong sagot. __________ 1. Makakagawa tayo ng bulaklak na may tatlong dimensyon gamit ang materyales na papel. __________ 2. Ang mga likhang sining na may dalawang dimensyon (2D) ay karaniwang iginuguhit o ipinipinta sa papel. __________ 3. Ang tatlong dimensyonal o 3D ay mga likhang sining na may haba,lapad at lalim. . _________ 4. Iisa lamang ang anyo ng mga likhang sining sa ating paligid. __________ 5. Ang robot na gawa sa kahoy ay isang halimbawa ng likhang sining na may dalawang dimensyon. 13 Karagdagang Gawain Gawain 1: “Kulayan mo ito” Panuto: Kulayan ang mga likhang sining na may dalawang dimensyon (2D) at tatlong dimensyon (3D). Gawin ito sa iyong sanayang papel. dalawang dimensyon (2D) tatlong dimensyon (3D) 14 Karagdagang Gawain Ang sagot ay batay sa kakayahan naisagawa. Isaisip Gawain 1 1. karton 2. kahoy 3. lata 4. papel 5. simento 15 Tayahin Isagawa Gawain 1 1. T 2. T 3. T 4. M 5. M Ang sagot ay batay sa kakayahan naisagawa. Pagyamanin Gawain 1 1. 2. 3. 4. 5. Subukin 1. a 2. b 3. c 4. a 5. a Susi sa Pagwawasto Sanggunian K to 12 Curriculum Guide Grade 1 Arts pahina 14-15. Lovelyn De Ocampo “2-Dimensional and 3Dimensional Artwork” https://www.youtube.com/watch?v=kPgE1jOd8Cc 16 PAHATID-LIHAM Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS) Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893 Email Address: region12@deped.gov.ph