• Tukuyin ang pinagkaiba nang Wikang Panturo at Wikang Opisyal • Kilalanin ang iba’t-ibang personalidad, batas, at artikulo • Alamin kung bakit tayo ay may Opisyal at Panturo na wika -Isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar STEM A Ang wikang opisyal at panturo ay parehong importante, ngunit mayroon silang kanyakanyang layunin • Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay wikang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan • Hal: Pilipinas: Filipino Amerika: Ingles Japan: Nihongo VIRGILIO ALMARIO “RIO ALMA” -isang Filipinong artista, paratula, kritiko, tagasalin at editor -Inilathala niya Ang Makata Sa Panahon ng Makina • Ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon • Wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral • Ang wikang nakasulat sa loob nang mga aklat “Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang Sa katunayan Filipino at Ingles lamang ang opisyal at panturong wika sa paaralan, nadagdagan lamang ito pagdating ng K-12 curriculum. Ang idinagdag ay ang Mother Tongue • Mas kilala bilang Unang Wika ng mga mag-aaral, itinuturo mula Kinderganten hanggang Grade-3. Tinawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTBMLE) DepEd Secretary Brother Armin Luistro FPC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makakatulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural” • Tagalog • Kapampangan • Pangasinense • Iloko • Yakan • Surigaonon • Bikol • Cebuano • Hiligaynon • Waray • Tausug • Maguindanaoan • Chavacano • Ybanag • Ivatan • Sambal • Aklanon • Kinaray-a Ginagamit ang mga diyalektong ito sa dalawang bagay: 1. Bilang hiwalay na asignatura 2. Bilang panturo Sa ikalawa hanggang ikaanim na baitang ay binibigyang diin ang iba’t-ibang komponent ng wika katulad ng: pakikinig, pagsasalita,pagbasa at pagsulat. Sa mas mataas na baitang ay Filipino at Ingles parin ang mga pangunahing wikang panturo ng medium of instruction. 1. Sa iyong paaralan ano ang wikang panturo na ginagamit? 2. Gawing basehan nang iyong sagot ang presentasyon na pinakita. Sa tingin mo ba ang Wikang Opisyal ay pwede ring tawaging Wikang Panturo? Ipaliwanag ang iyong sagot 3. Sa iyong palagay, bakit Ingles ang tinatawag na Universal Language?