8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece Araling Panlipunan– Ikawalo na Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 3: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Merlyn Labrador Jose, Arlinda B. Macarayan Jhona Mae L. Jabajab, Maria Amparo B. Claro Marnel D. Gealon Editor: Merlyn Labrador Jose Tagasuri: Merlyn Labrador Jose, Arlinda B. Macarayan, Maria Amparo B. Claro Tagalapat: Jhona Mae L. Jabajab, Marnel D. Gealon Tagapamahala: Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent Melanie P. Estacio – Assistant Schools Division Superintendent Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division Leila L. Ibita – Education Program Supervisor- Araling Panlipunan Lorna C. Ragos- Education Program Supervisor Learning Resources Management Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Division of Tagum City Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100 Telefax: (084) 216-3504 E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph 8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko ng Greece Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Self Learning Module (SLM) para sa araling Ang Kabihasnang Minoan, Mycenean at Kabihasnang klasiko ng Greece, Kabihasnang Klasiko ng Africa, America, at ang mga Pulo sa Pacific, Kabihasnang Roma, at Pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon sa Politika, Ekonomiya at Socio-kutural. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang 21st century skills habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalamn ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukid dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 Self Learning Module (SLM) Modyul -Ikalawang markahan ukol sa Kabihasnang Klasiko, Kabihasnang Roma at Transisyunal na Panahon. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oprtunidad sa pagkatuto. 1 Alamin Natin Ang modyul na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari sa kasaysayan ng daigdig sa klasikal at transisyonal na panahon. Inaaasahang sa pagtatatapos ng iyong paglalakbay panahon masasagot mo ang katanungang ito: Paano nakaimpluwensiya ang mga kontribusyon ng klasikal at Transisyonal na Panahon sa paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig? Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa klasikal at transisyonal na panahon na nahahati sa sumusunod na paksa: • • Aralin 1 – Kabihasnang Minoan at Kabihasnang Mycenean Aralin 2 – Kabihasnang klasiko ng Greece AP8DKT-ll-a-1 Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: • Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng Greece Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: • • • Mailalarawan ang heograpiya ng sinaunang Gresya maihahambing ang pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Minoan at Mycenean matatalakay ang mahahalagang pangyayaring nagbigay-daan sa pagusbong, at pag-unlad at pagbagsak ng klasikal na kabihasnang Greece 2 Subukin Natin Unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. ______1. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ang nagpasimula sa: a. klasikal na kabihasnan ng Greece b. sinaunang kabihasnan ng Greece c. Pagpapalawak ng teritoryo ng Greece d. Organisadong pamumuno sa Greece ______2. Nagwakas ang kabihasnang Minoan dahil sa a. sagupaan ng mga lungsod-estado b. pananakop ng Mycenean c. pananakop ng Knossos d. pananakop ng tribong Dorian ______3. Ang mga Minoan ay yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito? a. Mapalakas ang sandatahang panlakas b. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito c. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produkto mula sa Crete d. Napapalibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete ______4. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwahiwalay na lungsod-estado sa sinaunang Greece? a. Iba-iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece na naging dahilan ng pagtatag ng hiwa-hiwalay na lungsod-estado b. Ang Greece ay nasa Timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang mabundok na lugar c. Mahahaba ang mga daungan ng Greece na naging dahilan 3 ng paglalarawan ng maraming mangangalakal sa bawat lungsod-estado d. Iba-iba ang kulturang nabuo sa Greece na naging dahilan ng iba’t ibang kabihasnang umusbong dito _______5. Ano ang pangunahing gawaing pangkabuhayan ng kabihasnang Minoan na naging dahilan ng pag-unlad nito? a. Pagsasaka c. pagtatanim b. pagmimina d. pakikipag-lakalan _______6. Sino ang kinikilalang diyosa ng pag-ibig? a. Athena b. Ares c. Aphrodite d. Hera _______7. Tinutukoy nito ang mataas na bahagi ng lungsod-estado a. Polis b. metropolis c. acropolis d. agora _______8. Itinuturing na “Ama ng kasaysayan”. a. Phidias b. Herodutos c. pericles d. Hippocrates _______9. Mataas ang kaalaman ng mga Greek sa larangan ng Astronomiya. Anong konklusyon ang maaaring mabuo rito? a. Nagsilbing batayan ng kaalaman sa astronomiya ng mga Greek ang paniniwala sa iba’t ibang diyos b. Nagmula sa mga Greek ang lahat ng kaalaman tungkol sa Astronomiya c. Natutuhan ng mga Greek ang kaalaman sa Astronomiya mula sa mga Roman d. Naitatag ng mga Greek ang pundasyon ng kaalaman sa astronomiya noong Panahong Hellenistic ______10. Umusbong ang kabihasnang Minoan sa isla ng Crete. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpikal na lokasyon sa pag-unlad ng kabihasnan sa islang ito? I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla sa mga mananakop II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa at Asya ang isla ng Crete 4 III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil nakahiwalay ito sa Europe IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang kabihasnang Minoan a. I at IIb. II at III c. II at IV d. I,II at III ______11. Ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig? a. Phalanx b. demokrasya c. arena d. wrestling _______12. Paano nakaimpluwensiya ang Panahong Klasikal sa Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan? a. Nabago ang kultura sa daigdig b. Ang kaayusan at kaunlaran sa lipunan ay halaw mula sa klasikal na panahon ng Europe c. Batayan sa mga pangunahing kaalaman ang kontribusyong Europeo sa iba’t ibang larangan d. Nananatili at patuloy pa ring ginagamit at pinagyayaman ang kontribusyong Europeo ______13. Isa ito sa pinakamagandang arkitekturang nagawa sa Gresya at kilala rin bilang templo ni Athena. a. Acropolis b.colosseum c. Olympic stadium d. parthenon ______14. Pinagsanib na kultura ng Gresya at Asya na nagging bunga ng pananakop ni Alexander the Great a. Macedonia b. heleniko c. helenistiko d. persiano _______15. Ito ang tawag sa mga lungsod-estado ng Gresya a. Acropolis b. metropolis c. polis d. stoa ARALIN 1 ANG KABIHASNANG MINOAN AT KABIHASNANG MYCENEAN Aralin Natin Negosyante Mandirigma Politiko Artist Pilosopo Kababaihan 5 Makikita sa itaas ang mga karaniwang tao sa isang lungsodestado sa Europe noong Panahong Klasikal. Bawat isa ay may ginagampanan. Kung ikaw ay nabuhay sa panahong ito. Alin sa sumusunod na tungkulin ang nais mong gampanan? At Bakit? Pumili ng isa__________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________. Ano ang kaibahan sa tipikal na tagpo sa mga lungsod sakasalukuyang panahon? Maari mong Patunayan.__________________________________________________________ _____________________________________________________________________ __________________________________________________________. Mapa ng Gresya Dbachmann, Homeric Greece, https://commons.wikimedia.org/wiki/ File:Homeric_greece.png. Creative Commons Attribution-Share Alike 3.0 Unported Suriin at pag-aralan ang mapa ng Greece. Hanapin sa mapa ang Crete. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan. Mga gabay na tanong: 1. Ano ang mga anyong tubig na malapit sa Greece? 2. Saang direksiyon ng Greece makikita ang Isla ng Crete? 3. Kung pagbabatayan ang pangheoprapiyang katangian ng Crete. Ano kaya ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang mamamayang nanirahan dito? Gawin Natin Magbasa at Matuto Heograpiya ng Sinaunang Gresya 6 Sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo Para sa mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan lamang mula sa baybay-dagat. Likas na mabato at bulubundukin ang Greece. Isa sa mga pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan nila at naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Ngunit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-estado ay nagkaroon ng kani-kanilang kakaibang natatanging kultura. Naging mainam na daungan na nakapaligid sa Greece at ito’y nagbigaydaan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan na napgpapaunlad ng kabuhayan. Ito rin ang dahilan upang magkaroon ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nagbigay daan upang mapayaman nila ang kanilang kultura at naibahagi sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan. Ang mga Minoans Batay sa mga arkeologo, ang pinakaunang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. . Tinawag itong Kabihasnang Minoan hango sa pangalan ni Haring Minos, ang haring sinasabing nagtatag nito. Mahuhusay silang gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Sila ay nakatira sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at mayroon na silang sistema ng pagsulat. Sila’y magagaling na mandaragat. Sa kalaunan nakilala ang Knossos isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Matatagpuan dito ang isang napakataas na palasyo at napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira dahil sa sunog at iba pang mga kalamidad. Tinataya noong 1600 hanggang 1100 BCE narating ng Crete ang kanyang pag-unlad. Umunlad nang husto ang kabuhayan dulot ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa silangan at sa paligid ng Aegean. Naging marami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging pinakamalaki at pinakasentro. May apat na pangkat ng tao ang pamayanang Minoan: una ang mga maharlika, pangalawa ang mga mangangalakal, ang pangatlo ang mga magsasaka, at ang pinakamababa sa lipunan ay ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan at dito isasagawa ang labanan sa boksing. Tumagal ang kabihasnang Minoan hanggang mga 1400 B.C.E. At sila’y nagwakas nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Hanggang sa, ang iba pang mga lungsod ay tuluyang bumagsak at Gabay na Tanong: nawala. 7 1. Saan nagsimula ang Kabihasnang Minoan? _______________________________________________________ 2. Ano ang nagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Minoan? ______________________________________________ 3. Anu-ano ang mga pangkat ng tao sa lipunang Minoan? Isulat ng magkakasunod-sunod ang tamang sagot? 1. 2. 3. 4. Ang mga Mycenaean Nang salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, napaunlad na nila ang ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang Mycenaea ay matatagpuan sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay may maayos na daanan at mga tulay. Napapalibutan ng makapal na pader ang lungsod upang nagsilbing tanggulan sa mga lumusob dito. Noong 1400 B.C.E. napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nasakop at natalo nila ang Crete. May mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay kabilang sa mga kuwento at alamat ng mga Greek. Walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, hanggang sa pagsasalin-salin na lamang ang mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Sa kalaunan ang mga kuwentong ito ay naibahagi sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Simula noon ito na ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Greek. Dahil sa pananalakay di nailigtas ang mga pader na kanilang ginawa. Sa pagsapit noong 1100 BCE,may mga pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at tinalo ang mga Mycenaean. Kinilala 8 silang mga Dorian. Samantala, isang pang pangkat ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog ng Greece na nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionia. At sila’y nakilala bilang mga Ionian. Nararanasan ng mga Mycenaen ang tinaguriang dark age o madilim na panahon tumagal nang halos 300 taon ang kaguluhan. Pangkaraniwan na lamang ang digmaan sa iba’t ibang kaharian. Natigil ang kalakalan, agrikultura, at iba pang gawaing pangkabuhayan pati ang sining at pagsulat ay natigil din. Gabay na Tanong: 1. Paano naglaho ang kabihasnang Mycenean? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________. Aralin 2 - Pagbuo ng klasikong kabihasnang Greece Ang mga Greek ay nakilala sa kanilang sarili bilang mga Hellenes, hango sa salitang Hellas na tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece. Ang Panahong Hellenic ay panahon ng pag-unlad ng kabihasnang Greek na ang yunit ng samahang pampolitika at panlipunan sa Greece ay ang polis. Ang Polis ay lungsod-estado na karaniwang pinamumunuan ng isang hari. May pinakatanyag na mga polis ang Athens at Sparta. Dulot ng mabundok na heograpiya, maliliit at hiwa-hiwalay ang mga polis, Iba-iba rin ang lawak ng lupain at populasyon ng mga polis Ang demokrasya o pamahalaan ng marami ay nagsimula sa Athens. Pag-unlad Umunlad ang ganitong uri ng pamahalaan sa Athens dulot ng mga pagbabago na isinagawa nina: 1. SOLON – binigyang diin niya ang karapatan ng pagiging mamamayan ang mga mangagawa at nilikha niya ang Council of 400 na binubuo ng tig-100 kinatawan mula sa pangunahing tribo ng Athens. 2. PISISTRATUS – Ipinagtatanggol niya ang katayuan ng mahihirap. Ipinamahagi niya ang mga lupain at ari-arian ng mayayaman sa mahihirap at walang lupa. 9 3. CLEISTHENES – sinimulan niya ang Sistema ng ostracism, na kung saan palayasin ang sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib para sa Athens. 4. PERICLES – Pina-iiral niya ang demokrasya sapagkat kahit mahirap ay maaaring maglingkod sa pamahalaan. Direct Democracy ang ipinatupad tuwirang nakibahagi ang Mamamayan sa pamamahala ngunit hindi kabahagi Ang kababaihan at banyaga. Naging pinuno si Pericles sa Athens nagpatayo siya ng magagandang gusali tinawag na Parthenon at nagtatag siya ng imperyong komersiyal at paglikha ng malalakas na plota sa Meditteranean Sea Higit na binigyang-halaga ng Sparta ang pagkakaroon ng malalakas at magagaling na sundalo. Oligarkiya ang naging uri ng pamahalaan nito, kaya binansagan ang Sparta bilang isang mandirigmang polis. Pangunahing layunin nito ay lumikha ng magagaling na sundalo. Lahat ng mahihinang bata, may kapansanan ay pinapatay tanging malalakas at malulusog lamang ang pinapayagang mabubuhay. Bahagi ng pagsasanay, mula 7 taong gulang batang lalaki dalhin na sa kampo militar isinailalim na sa mahigpit na pagsasanay tulad ng gymnastics at pagsasanay na militar. Pagsapit ng ika- 20 taong gulang ganap nang mga sundalo at pwede nang mag-asawa ngunit manatiling manirahan sa mga kampo militar at maari nang kasapi ng Assembleya at bigyan ng tungkulin sa pamahalan. Kilala rin ang Athens na isang Demokratikong Polis naging sentro ng kalakalan. Ginintuang Panahon ng Athens Ipinamalas ng Greece ang kagalingan ng kabihasnan nito sa iba’t ibang larangan: LARANGAN AMBAG PERSONALIDAD Matematika Pythagoras Edukasyon pagbabasa palakasan at musika Politika Demokrasya Pericles Ekonomiya Pagsasaka Pakikipagkalan “The Republic” Plato (aklat) 10 Pilosopiya “Politics” “Poetic” “Rhetoric” Aristotle Thales Sining Arkitektura (Know Thyself) Socratic Method Socrates Estatuwa ni Athena Zeus sa Olympia Phidias (dakilang iskultor) Collossus of Rhodes Scopas Iliad at Odyssey (tula) Ionian,Doric Corinthian (estilo) Chares Praxiteles Homer (manunulat) at Parthenon Ama ng Medisina Ictinus at Calicrates Hippocrates Ama ng Biyolohiya Ama ng Kasaysayan “Kasaysayan ng Digmaang Persian” Aristotle Anabis Thucydides Agham Kasaysayan Herodotus Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece Makailang ulit na tinangka ng Persia na sakupin ang Greece. Sa unang pagkakataon nagbanta ang Persia hanggang sa umabot sa pangalawang pagkakataon ang mainit na labanan sa pagitan ng Digmaang GraecoPersia(499-479 B.C.E.) naganap ang madugong labanan naganap sa pulo ng Salamis sa pangunguna ni Themistocles. At tuluyang tinalo ni Pausanias ng Sparta ang hukbo ni Xerxes ng Persia na anak ni Darius I at inapo ni Cyrus the Great.Kabilang sa alyansang tuluyang nagpatalo ng Persia ay ang Athens, Sparta, Corinth at Megara. Ang Digmaang Peloponnesian ay digmaan sa pagitan ng Athens at nang mga kaanib nito laban sa Sparta at mga kaalyansa nito. Ang Delian League(Athens) laban Peloponnesian League(Sparta) 11 Nagtapos ang Panahong Hellenic nang sakupin ni Philip ng Macedonia ang Greece. Ipinagpatuloy ni Alexander the Great ang pagiging pinuno pagkatapos namatay ang kanyang ama na si Philip. Sinalakay niya ang Persia, Egypt at sinakop ang Afghanistan at hilagang India. Nagtatag siya ng isang imperyo at pinalaganap ang kaisipang Greek sa silangan. Alam mo ba kung saan nagmula ang mga salitang ito? Subukin mong piliin ang tamang sagot mula sa kahon sa ibaba. GAWAIN : PILIIN MO AKO Agora Acropolis Polis Solon Ostracism Tyrant s ___________________ 1. Mataas na lungsod ___________________ 2. Mapang-abusong pinuno ng pamahalaan ___________________ 3. Pagtatakwil sa isang tao ___________________ 4. Lungsod-estado ___________________ 5. Tagapagbatas ___________________ 6. Pamilihang bayan Pagkatapos mong nabasa ang teksto ng araling ito, Maaaring ihambing mo ang iyong mga sagot sa itaas sa nilalaman ng aralin. Mapapansin mo na ang mga salitang agora, acropolis, metropolis, solon, ostracism at tyrants ay pawang galing sa sibilisasyong Heleniko. GAWAIN: IKAW ANG IDOL KO! Panuto: Isulat ang mga nagawa ng sumusunod na pinuno ng lungsod estado ng Athens. Pinuno Nagawa Pinuno Pinuno Nagawa Nagawa Pinuno Nagawa 1. Anong katangiang taglay ang iyong masasabi sa lahat ng namumuno sa 12 lungsod estado ng Athens? 2. Ipaliwanag sa inyong sariling salita ang mga puwersa ng pagkakaisa at tukuyin kung ito’y nakatulong o nakakasama. Mga Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangunahing katangiang pisikal mayroon ang kabihasnang klasiko ng Greece? 2. Paano sinasanay ang mga batang Spartan upang maging isang dakilang mandirigma? 3. Bakit tinawag na Ginintuang Panahon ng Athens? 4. Sa iyong palagay, Ano kaya ang pinakamahalagang kontribusyon na higit nakakatulong sa iyo bilang mag-aaral? Bakit? Patunayan. 5. Ano ang naging epekto sa sinaunang Greece dulot ng mga hidwaan at digmaang kinasangkutan? Sanayin Natin Minoan Sa tulong ng Diagram. Paghambingin ang kabihasnang Minoan at Mycenean. Isulat ang limang katangian ng bawat isa . KATANGIAN 1. 2. 3. 4. 5. KATANGIAN 1. 2. 3. 4. 5. Mycenean 13 GAWAIN: SCRAMBLED LETTERS Panuto : Buuin ang mga salita sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik. 1. EPRICELS - ____________ 11. PHIPOCARTSE - ____________ 2. RAPNONTEH - _________ 12. RASOCTES - _______________ 3. EHLLSA - ______________ 13. LATPO - ____________________ 4. INMOS - _______________ 14. EOLNIADS - ________________ 5. RECTE - _______________ 15. OLOSN - ____________________ 6. LYOMUPS - ____________ 16. AROAG - ____________________ 7. THAENS - ______________ 17. OIGLARIKYA - _______________ 8. ONIIAN - _______________ 18. MORHE - ____________________ GAWAIN: INTERCONNECTED RINGS Panuto: Paghambingin ang dalawang lungsod estado ng Greece. Isulat sa loob ng rings ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba na katangian. ATHENS SPARTA PAGKAKATU LAD Tandaan Natin Punan ng angkop na impormasyon ang chart batay sa paksang tinalakay. Ang aking mga natutuhan sa araling ito ay: 1. 2. 3. 4. 5. 14 Madali kong naisakatuparan ang mga gawain tulad ng: 1. 2. 3. 4. 5. Ang aking mga tanong sa araling ito ay: 1. 2. 3. 4. 5. Nahirapan ako na mapagtagumpayan ang mga gawain tulad ng: 1. 2. 3. 4. 5. GAWAIN: COMPLETE IT! A. Panuto: Kumpletuhin ang salitang tinutukoy. Isulat ang mga tamang letra sa patlang. 1. __ P __ __ __ A - ang pamayanan ng mga mandirigma 2. A __ __ __ N __ - isang demokratikong polis 3. __ A __ T __ __ __ __ __ - pinakatanyag na templong Greek 4. __ O __ __ __ - isa sa mga istilo ng arkitekturang Greek 5. __ __ L __ N – magaling na lider sa Gresya B. Isulat ang impormasyon upang makumpleto ang pangungusap. 1. Ang bansang Gresya ay itinuturing na kabihasnang klasikal sapagkat__________________________________________________. 2. Ang mga polis ay mga lungsod-estado o city-state, tinawag itong lungsod-estado dahil______________________________________. 3. Nahati ang Greece sa dalawang kampo dulot nang__________. 4. Sa panahon ni Pericles naganap ang _______________________. 5. Nagwakas ang kapangyarihan ng mga Greeks nang_________. Suriin Natin Ilarawan sa tatlong pangungusap ang mga bagay na nabanggit sa sibilisasyon Minoan at Mycenaean kung saan ito ay nakaimpluwensiya sa kanilang pang -arawaraw na pamumuhay. 1.________________________________________________________________ 2.________________________________________________________________ 3.________________________________________________________________ 15 GAWAIN: Pagsulat ng Sanaysay Panuto: Magsulat ng isang maikling sanaysay na may temang “Ang klasikal na kabihasnang Greece at ang makabagong Pilipino” ____________________________________ _____________________________________________________________ _______________________________________________________________________ Rubriks sa Pagsagot : ➢ Pagkakaroon ng kaugnayan sa paksang pangungusap – ➢ May kaisahan ang isinulat na pantulong na mga kaisipan➢ Pagpili ng mga angkop na salita - 25% 50% 25% 100% Payabungin Natin Panuto: Isulat sa patlang ang salitang Minoan kung ang pahayag ay naglalarawan sa sibilisasyong Minoan at Mycenaean kung naglalarawan sa sibilisasyong Mycenaean. __________1. Magagaling na mandaragat __________2. Matatagpuan malapit sa aplaya ng karagatang Aegean __________3. Tanyag na hari nito si Haring Minos __________4. Napapaligiran ng makakapal na pader ang lungsod __________5. Kilala bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. GAWAIN: MAY TAMA KA! Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at isulat ang MALI kung ito ay nagpapahayag ng mali at ibigay ang tamang sagot. _______1. Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus. _______2. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang mga lupain sa pamamagitan ng pangangalakal sa ibat-ibang panig ng daigdig. _______3. Ang mga magsasaka mula sa mga nasakop na lugar ay dinadala sa Sparta upang maging alipin at sila ay tinatawag na Helot. _______4. Ang pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay makipagkalakalan. _______5. Ang mga sanggol na ipinanganak na mahihina ay dinadala sa paanan ng kabundukang Olympus at inaalagaan doon. _______6. Sa edad ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala sa kampo-militar upang sumailalim sa pagsasanay sa serbisyong militar. 16 _______7. Sa edad na animnapu’t lima. ang mga sundalo ay maaari ng magretiro sa hukbo. ______8. Limitado lamang ang ginagampanan ng mga kababaihang Spartan sa lipunan. ______9. Ang taga-Athens ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na sandatahang lakas ng hukbo sa buong daigdig. ______10. Ang phalanx ay may labing-anim(16) na hanay ng mandirigma. Pagnilayan Natin Mula sa loob ng kahon ay mga ambag ng sibilisasyong Minoan at Mycenaean.Pumili ng isa na sa palagay mo ay pinakikinabangan hanggang sa kasalukuyang panahon?Ipaliwanag. Pangangakal Sining Pangingisda Palakasan Panitikan _____________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ _____________________________________________________. GAWAIN: ANG AKING SUPERHERO Panuto: Pumili ng isang kilalang personalidad na may malaking kontribusyon sa panahon ng kabihasnang klasiko ng Greece at gawan mo ng isang jingle Pamagat ________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 17 Pagkakabuo Rubriks para sa pagsulat ng Jingle 15 10 Angkop at wasto May iilang salitang ang mga salitang ginamit na hindi ginamit sa angkop at wasto pagbubuo 5 Walang kaugnayan at hindi wasto ang mga salitang ginamit Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang mensahe ng jingle mabisa ang nilalaman ng jingle mensahe ng jingle Nilalaman Susi sa Pagwawasto SUBUKIN NATIN 1. a 2. b 3. b 4. b 5. d 6. c 7. c 8. b 9. d 10. d 11. b 12. d 13. d 14. c 15. c Aralin Natin A. Nasa guro ang pagpapasya Mga gabay na tanong 1. Sea of Crete Mediterranean Sea 2. Timog 3. mandaragat Aralin 2 1. acropolis 2. tyrants 3. ostracism 4. polis 5. solon 6. agora SANAYIN NATIN Nasa guro pagpapasya ang B. Nasa guro ang pagpapasya Aralin 2 1. Pericles 11. Hipocrates 2. Parthenon 12. Socrates 3. Hellas 13. Plato 4. Minos 14. Leonidas 5. Crete 15. Solon 6. Olympus 16. Agora 7. Athens 17. Oligarkiya 8. Ionian 18. Homer Gawin Natin Tanong 1: 1. Crete 2. pakikipagkalakalan 3. maharlika mangangalakal magsasaka alipin Tanong 2: sagot: pananalakay ng mga Dorian Aralin 2 Nasa guro ang pagpapasya SURIIN NATIN Nasa guro ang pagpapasya Aralin 2 Nasa guro ang pagpapasya TANDAAN NATIN Nasa guro ang pagpapasya 18 Aralin 2 1. Sparta 4. Doric PAYABUNGIN NATIN 1. Minoan 2. Mycenaean 3. Minoan 4. Mycenaean Sanggunian A. Aklat Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, KalennaLorene S. Asis Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig ph. 133 – 137 Department of Education, K to 12 Most Essential learning Competencies with corresponding CG codes, 2020,55. Dr. Sonia M. Zaide ,Workbook ng Mag-aaral Kasaysayan ng Daigdig, pahina 14 – 15 Eliseo D. Manaay,Jr., Patrocenia D. Taguinod Kasaysayan ng Daigdig, ph. 109-112, 126 Grace Estela C, Kasaysayan ng Daigdig, Mateo,Phd. ph. 115-123 B. Modyul Project Ease – Araling Panlipunan III Modyul 4 ph. 14-15 19 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region XI F. Torres St., Davao City Telefax: Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph 20