Hazard Assessment -tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon -natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Pisikal na katangian ng Hazard Talahanayan 1.5 – Pisikal na Katangian ng Hazard Pagkakilanlan Katangian Intensity Lawak Saklaw Predictability Manageability Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang lugar. Pag-alam sa uri ng hazard Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan ang malawakang pinsala Temporal na katangian ng Hazard Frequency Duration Speed of onset Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan lamang. Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito ay panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay buwan tulad ng digmaang sibil. Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng babala tulad ng bagyo o baha. Forewarning Force Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang komunidad Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal wave at storm surge, lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o kabahayan; seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng digmaang sibil, rebelyon, at pag-aaklas; industrial/technological tulad ng polusyon, pasabog, pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng taggutom, tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim. Dalawang mahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment 1. Hazard Mapping ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman, kabahayan na maaaring mapinsala. 2. Historical Profiling/Timeline of Events gumagawa ng historical profile o timeline of events upang makita kung anoano ang mga hazard na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala. Vulnerability at Capacity Assessment (VCA) -masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar. Vulnerability Assessment- tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Capacity Assessment -ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Ayon kina Anderson at Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability: ito ay ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali tungkol sa hazard. Mga katangian ng Vulnerability at Capacity Assessment Kategorya Pisikal o Materyal Panlipunan Deskripsiyon Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera sa bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng mga nabanggit na pinagkukunang-yaman ay nangangahulugan na ang isang komunidad ay vulnerable o maaaring mapinsala kung ito ay makararanas ng hazard Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa isang lipunan. Halimbawa ay mga kabataan, mga matatanda, mga may kapansanan, maysakit, at iba pang pangkat na maaaring maging biktima ng hazard. Kasama rin dito ang pagiging vulnerable ng institusyong panlipunan tulad ng pamahalaan. Halimbawa Di sapat na kita Pagkakaroon ng utang Kakulangan ng sapat na kakayahan at edukasyon Kawalan ng pangunahing serbisyo tulad ng edukasyon, pangkalusugan, sistema ng komunikasyon at transportasyon Kawalan ng pagkakaisa ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan Hindi maayos na ugnayan sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan Kawalan ng maaayos na sistema ng pamahalaan tungkol sa Disaster Management Pag-uugali tungkol sa Hazard May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad. Bunga nito, nagiging vulnerable ang isang komunidad. Kawalan ng interes sa mga programa ng pamahalaan Pagiging negatibo sa mga pagbabago Kawalan ng sapat na kaalaman tungkol sa hazard sa kanilang komunidad Pagiging palaasa sa pamahalaan at sa tulong ng pribadong sektor Vulnerability Assessment - Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa mga nabanggit na kategorya - Bunga nito, nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng hazard. Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: Elements at risk, People at risk, at Location of people at risk. Elements at risk.Tumutukoy ang elements at risk sa tao, hayop, mga pananim, bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon, at pag-uugali. Pagkatapos matukoy ang mga elements at risk, sinusuri rin kung bakit sila maituturing na vulnerable. Halimbawa, may mga bahay sa pamayanan na maituturing na vulnerable. Ilan sa mga dahilan ay ang lokasyon nito, dahil malapit sa anyong-tubig, nasa paanan ng bundok, nasa mababang bahagi ng pamayanan, o kaya ay gawa sa mga kasangkapang madaling masira ng bagyo.Mahalaga ang pagsasagawa nito dahil makatutulong ito sa pagbuo ng disaster risk reduction and management planng pamayanan. People at risk. Sa people at risk naman, tinutukoy ang mga grupo ng tao namaaaring higit na maapektuhan ng kalamidad. Halimbawa, ang mga buntis ay maituturing na vulnerable sa panahon ng kalamidad dahil sa kanilang kondisyon. Gayundin, ang mga may kapansanan ay maituturing na vulnerable o elements at risk. Itinuturing silang vulnerable dahil nangangailangan sila ng higit na atensyon sa panahon ng kalamidad. Ang mga nabanggit na people at risk ay kailangang ikonsidera sa pagbuo ng warning system, pagbuo ng evacuation plan, at ng disaster risk reduction and management plan ng isang pamayanan. Location of People at risk. Sa usapin naman ng location of people at risk, tinutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable Capacity Assessment -sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard. - pagsasagawa ng Capacity Assessment, itinatala ang mga kagamitan, imprastraktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad. Tatlong kategorya: 1. Pisikal o Materyal- sinusuri kung ang mga mamamayan ay may kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad 2. Panlipunan- may kapasidad ang isang komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster management plan 3. Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard- ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ng komunidad na harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib Risk Assessment Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009). Dalawang Uri ng Mitigation 1. Structural Mitigation- Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang baha, paglalagay ng mga sandbags, pagpapatayo ng mga flood gates, pagpapatayo ng earthquake-proof buildings, at pagsisiguro na may fire exitang mga ipinatatayong gusali. 2. Non Structural Mitigation- Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagbuo ng disaster management plan, pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas, information dissemination, at hazard assessment. Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment: 1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin. 2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk assessment ay nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard sa kanilang komunidad. 3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya upang maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard. 4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard. 5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito ay tinatawag na Prioritizing risk. Gawain 1 . Hazard Assessment Map Makibahagi sa inyong pangkat at gumawa ng hazard assesement map na magpapakita ng iba’t ibang hazard sa inyong lugar o barangay Makiugnayan sa mga kaklase na pareho ng baranggay. Ilahad ito sa klase. Upang maisagawa ito sundin ang sumusunod na hakbang: 1. Alamin kung anong uri ng hazard ang nakatalagang susuriin ng inyong pangkat. 2. Humingi ng kopya ng mapa ng inyong barangay sa kinakuukulan. 3. Kung mayroon namang hazard assessment map ang inyong barangay, maaari itong hingin. Mag-ikot sa inyong barangay upang matukoy ito o kaya ay gumawa ng katulad na mapa na nakapokus lamang sa inyong sariling kalye, o kapitbahayan. Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng hazard assessment map? 2. Paano ninyo hinarap ang mga nabanggit na hamon? 3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ng mga mamamayan ang paggawa ng hazard assessment map? Gawain 2. Vulnerability Assessment Chart Makibahagi sa inyong pangkat. Magsagawa ng Vulnerability Assessment sa inyong pamayanan gamit ang sumusunod na format. Vulnerability Assessment Chart Lugar: Elements at risk People at risk Location of People at risk Uri ng hazard: Dahilan Pamprosesong mga Tanong: 1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng hazard vulnerability assessment? 2. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan ang kanilang pagiging vulnerable sa mga disaster? 3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ng mga mamamayan ang paggawa ng vulnerability assessment Gawain 3. Capacity Assessment Template Makibahagi sa inyong pangkat at magsagawa ng Capacity Assessment sa inyong pamayanan. Sundin ang sumusunod na format. Lugar Lugar: A. Kagamitan B. Human Resource C. Transportasyon at Komunikasyon Pamprosesong mga Tanong: 1. Sapat ba ang kakayahan ng inyong paaralan, kapitbahayan, o barangay sa pagharap sa kalamidad? 2. Paano mapupunan ang mga kakulangan o mapananatili ang kasapatan ng inyong mga kagamitan? 3. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad