10 Araling Panlipunan KONTEMPORAYONG ISYU Unang Markahan–Modyul 1 ANG KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU Araling Panlipunan – Ikasampu na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatangsipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad sa anumang paglabag. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng kaukulang karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon Schools Division Superintendent Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz Honorable Mayor Josefina Belmonte Alimurong Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rosa Belle R. Bon Editor: Tagasuri: Michelle A. Villajuan, Leonilo S. Angeles, Brian Spencer B. Reyes Tagaguhit: Ryan Christopher M. Villalon Tagalapat: Brian Spencer Reyes, Heidee F. Ferrer Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala JUAN C. OBIERNA, Puno, CID HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS EDERLINA BALEÑA, Tagamasid Pansangay – Araling Panlipunan Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Office Address: Telefax: E-mail Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City 3456 - 0343 sdoqcactioncenter@gmail.com 10 Araling Panlipunan KONTEMPORAYONG ISYU Unang Markahan–Modyul 1 ANG KAHALAGAHAN NG PAGAARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU Paunang Salita Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan- Kontemporaryong Isyu ay suplementaryong materyal na nakabatay sa Most Essential Learning Competencies(MELCs) na magagamit ng mag-aaral sa ikasampu na baitang upang matutunan ang mga paksa sa Unang Markahan. Nilalaman ng Modyul na ito ang Yunit 1- Kahalagahan ng Pag-aaral ng Isyung Panlipunan na nakatuon sa Kasanayang Pampagkatuto Bilang 1. Pagsusuri sa kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporyong Isyu. Sa paggamit ng modyul na ito ay inaasahang matututunan ang mga itinadhana ng Kagawaran ng Edukasyon tungo sa pagkamit ng mga kasanayang pan-21 siglo at mga pamantayang itinakda ng K-12 kurikulum. Para sa Magulang/Tagapatnubay ng Mag-Aaral Kayo ay may malaking bahagi sa pagkatuto ng inyong anak. Ang inyong paggabay sa bawat aralin at gawain sa modyul na ito ay napakahalaga. Kung may mga paksa at gawaing hindi maunawaan kung paano gagawin, huwag mahiyang kontakin ang guro sa Araling Panlipunan ng inyong anak. Kayo po bilang magulang o tagapatnubay ng mag-aaral kasama ang guro ng inyong anak sa Araling Panlipunan ay magkatuwang sa pagkatuto ng mag-aaral sa panahong ito. Kaya ang pagtutulungan at bukas na komunikasyon ay inaasahan para makamit ang mga kasanayang dapat matutunan ng mag-aaral sa modyul na ito. Para sa Mag-aaral: Inaasahan na pag-aralang mabuti ang mga paksa sa modyul na ito. Sikaping masagutan ang mga gawain nang matapat at seryoso upang matugunan ang mga kailangang kasanayang pampangkatuto. Gayunpaman, sakaling mahirapan sa pagunawa sa pag-aaral ng mga isyu o hamong panlipunan huwag mag-atubiling lumapit sa iyong guro sa Araling PAnlipunan. Layon ng may-akda na mapagtagumpayan mo at matutunan ang mga paksang aralin ng modyul na ito. Nawa’y makatulong sa iyong pag-aaral ang modyul na ito upang kahit nasa bahay lamang dahil sa pandemyang nararanasan ay mangibabaw ang karunungang magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay. Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo, YUNIT 1- ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN ALAMIN Sa paksang tatalakayin ng aralin na ito, mahalagang malaman ang dahilan at epekto ng mga hamong panlipunan. Mahalaga ang lubos na pag-unawa, bukas na isipan at malalim na pagsusuri sa mga pangyayaring nagaganap rito at kung paano ito mabibigyan ng angkop na pagtugon. Inaasahang malilinang mo ang mga mahahalagang pag-unawa tungkol sa araling ito sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasagawa ng mga inihandang gawain sa modyul na ito. A. INTRODUKSIYON Sa Modyul na ito na Araling Panlipunan 10- Kontemporaryong Isyu tatalakayin natin ang mga Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu. Ito ay nakatuon sa mga sumusunod na paksa: 1. Kahulugan at Kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu 2. Istrukturang Panlipunan at Elemento ng Lipunan B. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (CONTENT STANDARD) Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao. KASANAYAN SA PAGKATUTO Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporyong Isyu LAMP CODE: AP AP10PE-Ia-2 C. MGA TIYAK NA LAYUNIN: 1. Nabibigyang – kahulugan ang mga mahahalagang salita tulad ng kontemporaryong isyu at lipunan 2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang kaisipan na nakapaloob sa kontemporaryong isyu 3. Nasusuri ang kaugnayan ng mga pagkilos sa lipunan ng mga tao sa pagkakabuo ng iba’t ibang isyu 4. Nahihinuha na ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon na nakakaapekto sa bawat isa 5. Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa mga hamong panlipunan tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao. 2 SUBUKIN Panimulang Pagtataya GAWAIN 1 Paunang Pagtataya: Ang bahaging ito ay naglalayon na mataya ang iyong paunang kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Isulat ang Titik ng tamang sagot sa patlang. 1. Ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning nagpapabago sa kalagayan ng bansa o mundo sa kasalukuyang panahon ay: A. Isyung Kontemporaryo B. Kultura C. Kasaysaysan D. Lipunan 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa katangian ng kontemporaryong Isyu? A. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan B. May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan at pamayanan C. Nagdudulot ng malaking epekto sa kasalukuyang panahon. D. Walang kabuluhan at epekto ang pinag-uusapan sa lipunan 3. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporayong Isyu? A. Nakapagbibigay ng agarang solusyon sa hamong nangyayari sa personal na buhay B. Nagiging kasiya-siya sa mga tao at lipunan ang pag-alam sa mga pangyayari? C. Nasusuri ang personal na isyu ng kapwa D. Nagiging bukas sa iba’t ibang paniniwala, pananaw, o punto de bista kahit ito Ay naiiba o salungat sa sariling paniniwala. 4. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. A. bansa B. komunidad C. lipunan D. organisasyon 5. “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Ang pahayag na ito ay mula kay: A. Adam Smith B. Charles Cooley C. Emile Durkheim D. Karl Marx 6. Ito ay ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. A. Role B. Status C. Ascribe D. Achieve 7. Ito ay tumutukoy sa organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Ito ay binubuo ng pamilya, paaralan, pamahalaan, at simbahan. A. Status B. Role C. Social Group D. Institusyon 8. Ito ay ang pinagsama-samang bilang ng tao na mayroong pagkakatulad na katangian at naniniwala na ang kanilang ugnayan at pagkakatulad ay mahalaga sa lipunan. A. Status B. Role C. Social Group D. Institusyon 9. Ayon kay Karl Marx ang lipunan ay punong-puno ng tungalian ng kapangyarihan. Alin sa mga sitwasiyon ang ipinapakita nito? A. Si kuya Mario ang palagiang nasusunod sa bahay dahil siya ang panganay. B. Si Katrina ay inuutusan palagi ng kanyang ate sa tuwing may kailangan ito C. Ang manggagawang na si Rodel ay kumikita ng maliit na halaga samantalang ang may-ari ng kompanya ay may malaking kita sa araw-araw. D. Umiiyak si James sa tuwing pinapagalitan siya ng kaniyang Guro. 10. Ang Covid 19 ay ang pandemiyang nararanasan ng buong mundo sa kasalukuyan. Ito ay patuloy na nagdudulot ng kawalan ng hanapbuhay, kahirapan at pagbagsak ng 3 maraming kompanya. Ang ganitong sitwasyon ay nagpapakita ng anong uri ng kontemporaryong isyu? A. pangkapaligiran B. Pangkultural C. Pang- ekonomiya D. Pampolitika. 11. Si Cecilia ay ipinangak na isang mahirap subalit nagsumikap sa buhay upang matamo niya ang pagiging Guro. Ang pagiging matagumpay at mahusay niyang guro sa kasalukuyan ay maituturing na: A. Achieved Status B. Ascribe status C Single Status D. Master Status 12.. Si James ay ipinanganak na lalaki at isang Filipino. Ang status niya ay A. Achieved Status B. Ascribed status C. Single Status D. Master status 13. Batay sa headline na “Poverty rate seen to rise this year”, alin sa sumusunod na pahayag ang matinding epekto nito sa mga mamamayan? A. Magdasal at aasa na lamang sa pagdating na ayuda ng pamahalaan B. Magpapatuloy ang paghihintay ng nasabing ayuda mula sa pamahalaan. C. Ang mga mamamayan ay magsasagawa na lamang ng pagpaplano upang tugunan ang suliranin? D. Marami ang magugutom, magkakasakit at maaantala ang pagbangon ng mga mamamayan dulot nito. 14. Sa kasalukuyan maraming suliranin na nangyayari sa lipunan na may malaking epekto sa pamumuhay ng tao tulad ng isyung may kaugnayan sa politika, ekonomiya, kultural at pangkapaligiran? Bilang isang mag-aaral ng ika-sampung taon, paano ka humaharap sa mga isyung may kaugnayan sa mga nabanggit? A. Pagtugon sa mga isyu sa pamamagitan ng pakikibahagi ng solusyon sa mga suliranin B. Pagiging mulat at aktibo sa mga suliraning makakaapekto sa aking pamumuhay C Pagpaplano sa mga proyektong may kapakinabangan sa komunidad D.lahat ng ito. 15. Ano ang dapat mong maging bahagi bilang mamamayan sa pagtugon ng mga kasalukuyang isyu sa lipunan? A. matukoy ang panandalian at pangmatagalang solusyon sa ating mga suliranin B. mapalawak ang kasanayan ng obserbasyon, komprehensiyon, at pagsusuri. C. mapag-aralan ang isyu na hindi hiwalay sa mga pag-impluwensiya nito sa larangan panlipunan, pampolitika, pang-ekonomiya at pangkultural D. lahat ng nabanggit 4 Aralin 1 Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu Balikan: GAWAIN 2 A. I-KONEK MO: Sa bahaging ito, maaari mo balikan ang mga headlines na nangyari sa bansa. Isulat sa kahon kung bakit ito maituturing na isyu para sa iyo. WORLD HEALTH ORGANIZATION WARNS PANDEMIC IS “SPEEDING UP” CBS NEWS POVERTY RATE SEEN TO RISE THIS YEAR - PHILSTAR.COM PH BRACES FOR INFLATION SPIKE - INQUIRER BUSINESS GOVT DEBT HITS ALL-TIME HIGH-THE MANILA TIMES GAWAIN 3: LIRIKO-SURI: Muli mong balikan ang liriko ng awitin ni Bamboo na pinamagatang Tatsulok. Maaari mo itong kantahin at suriin ang nilalaman nito. Matapos mo itong unawain ay sasagutin mo ang pamprosesong tanong. TATSULOK by Bamboo Totoy bilisan mo, bilisan mo ang takbo Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo Totoy tumalon ka, dumapa kung kailangan At baka tamaan pa ng mga balang ligaw Totoy makinig ka, wag kang magpa-gabi Baka mapagkamalan ka’t humandusay dyan sa tabi Totoy alam mo ba kung ano ang puno’t dulo ng di matapos-tapos na kaguluhang ito Hindi pula’t dilaw ang tunay na magkalaban Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok Di matatapos itong gulo At iyong iligtas ang hininga ng kay raming mga tao At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok Pamprosesong Tanong: 1. Ano-anong mga kaganapan/ pangyayari ang tinatalakay sa awitin? 2. Maituturing ba na isyu ang mga kaganapang ito sa iyo? Bakit? 3. Paano mo nakikita na nanatili ang mga hamong ito sa kasalukuyan? 4. Kung ikaw si Totoy, paano mo haharapin at tutugunan ang ganitong hamon sa iyong buhay? 5. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng mensahe ng awiting ito para sa mga kabataan sa kasalukuyan? 5 Tuklasin: GAWAIN 4: Concept Mapping A. Ano ang ideya mo sa konsepto sa ibaba. Isulat mo ito sa loob ng kahon KONTEMPORARYONG ISYU Mula sa mga konsepto na iyong ibinigay, paano mo bibigyan ng kahulugan ang Kontemporaryong Isyu? Isulat sa patlang ang iyong kuwaderno ang pakahulugan mo sa kontemporaryong Isyu. Ang Kontemporaryong Isyu ay _____________________________________________ Binabati Kita sa ipinamalas mong pagsagot sa bahagi ng pagtuklas ng paksang tatalakayin. Ang iyong kasagutan ay ating lilinangin sa susunod na bahagi. Basahin at unawain ang susunod na bahagi. Mula sa iyong sinagutang gawain na concept mapping at sa balikan, napagtanto natin ang kahulugan ng kontemporaryomg isyu at ito ay bahagi ng mga hamon o isyung nangyayari sa ating buhay at buong lipunan. Suriin: A. KAHULUGAN NG KONTEMPORARYONG ISYU ISYU KONTEMPORARYO PANGYAYARING NAGAGANAP SA KASALUKUYAN PAKSA, TEMA, SULIRANIN NA NAKAKAAPEKTO SA LIPUNAN Ang KONTEMPORARYONG ISYU ay may ideya, opinion, paksa, o pangyayari sa anumang larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa anumang pumupukaw ng mga interes ng mga tao o ilang suliranin na nakakaapekto at nagpapabago sa kalagayan ng pamumuhay ng tao sa lipunan. 6 Ilan sa mga kontemporaryong isyu ay tumatalakay sa mga isyung panlipunan, pang-ekonomiko, politika, at pangkapaligiran. Kabilang rito ang kahirapan, diskriminasyon, aborsiyon, human trafficking, unemployment, climate change, korupsiyon at terorismo Paano nga ba natin malalaman kung ang mga isyung ito ay kontemporaryo? Tama, maituturing na kontemporaryong isyu kung ang pangyayaring nagaganap ay makabuluhan, may malaking epekto sa kasalukuyan at makapagbibigay ng positibong dulot sa lipunan. Para higit na maunawaan at magkaroon ng malalim na pagsusuri sa mga hamong panlipunan, inaasahan na matugunan ang mga hamong ito sa pamamagitan ng ilang batayang tanong. 1. Paano nga ba nagsimula ang isyu? Sino ang naaapektuhan sa isyung ito? 2. Bakit mahalaga ang isyung ito? 3. Saan nanggaling ang isyu? Ano ang pinanggalingan (sources) ng isyu? Makatotohanan at mapagkakatiwalaan ba ang paglalahad ng pinanggalingan ng isyu? 4. Anong aspekto ng lipunan ang nais bigyang pansin sa isyu? Ito ba ay tumutukoy sa mga isyung panlipunan, pangkapaligiran, ekonomiko o pampolitika? 5. Paano maiuugnay ang isyu sa iba pang aspektong panlipunan? 6. Matapos mong suriin ang isyu, Ano ang iyong naramdaman? 7. Paano nakakaapekto ang isyu sa iyong komunidad, bansa at pandaigdigan? Paano ka tutugon sa mga hamong panlipunan? Mahalagang maipakita ang mga ito bilang bahagi ng kasanayan at kaalaman sa pagsusuri ng isang isyu upang ang mga hamong ito sa lipunan ay mabigyan ng pangmadalian o pangmatagalang solusyon. GAWAIN 5: A-Z ISSUES: Sa gawaing ito inaasahan na makakapagbigay ang mga magaaral ng mga isyu na nagaganap sa lipunan mula sa Letrang A hangang Z. Isulat ito sa iyong kuwaderno. GAWAIN 6: DATA RETRIEVAL CHART Matapos ang gawain ng A-Z na isyu, ihanay ito batay sa uri ng kontemporaryong isyu. MGA KONTEMPORARYONG ISYU PANLIPUNAN PANG-EKONOMIYA PANGKAPALIGIRAN PAMPOLITIKA Unawain Nalaman mo na ang katuturan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu na kung saan nakasentro sa mga nagaganap sa lipunan. Sa bahaging ito, pag-aaralan naman natin 7 ang tungkol sa lipunan at ang mga elemento na bumubuo rito. Bago natin talakayin ating simulan muna sa isang gawain. GAWAIN 7. BLOTS-TEKNIK: Tignan ng mabuti ang nasa larawan, nakalilikha ba ang iyong isipan ng mga pangyayari sa lipunan ? Mula sa iyong naiisip na pangyayari, sagutan ang pamprosesong tanong at isulat ito sa sagutang papel. 1. Ano-ano ang mga nakikita mo sa larawan? 2. Ano-anong isyu ang maaari mong maiugnay rito? 3. Isipin mo na ikaw ay bahagi sa mga pangyayaring ito, paano ka tutugon sa hamong ito upang manumbalik ang kaayusan ng lipunan? B. KAHULUGAN NG LIPUNAN` Illustration by Jay Son C. Batang Para maunawaan ang mga isyu at mga hamong panlipunan, mahalagang malaman kung ano ang lipunan, paano ba ito nagbabago habang patuloy na dumadami ang mga tao at kung paano hinuhubog ng iba’t ibang lipunan ang mga taong naninirahan rito? Ang lipunan ay pangkat ng mga tao kung saan ibinabahagi ang kultura sa isang teritoryo. Ibig sabihin hangat may tao sa isang teitoryo ay nanatiling may lipunan na bumubuo ng pangkat at may kakayahan na makipag-ugnayan sa bawat isa. Upang magkaroon ng isang organisadong o sistematikong lipunan, sinisikap ng bawat tao at pangkat na sumunod sa batas, igalang ang tradisyon at kultura ng bawat isa at sama-samang manirahan sa isang lipunan. Ilan sa mga sosyolohista ang may katulad na pakakahulugan sa lipunan EMILE DURKHEIM Ang lipunan ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ang lipunan ay binubuo ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.” KARL MARX “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan”. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.” CHARLES COOLEY “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin”. Nauunawaan at nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.” Samakatuwid ang tao ay nabibilang sa lipunan at ang bawat isa ay may gampanin. Hindi mabubuhay ang bawat indibidwal o pangkat nang tao na mag-isa lamang mula sa komunidad na kaniyang ginagalawan. Bagamat may maliit o malaki 8 ang bilang ng pangkat ng tao sa lipunan at magkakaiba man ang kulturang kinagisnan, mahalaga pa rin ang pagsasama-sama at pakikipag-ugnayan ng bawat isa bilang bahagi ng kabuuan. Ang lipunan ay nagbabago habang umiinog ang panahon kasabay ng pagbabago nito ang antas ng teknolohiya. Mahalaga rin ang gampanin ng mga institusyon upang pag-ugnay-ugnayin ang mga tao sa isa’t isa na kung saan ang bawat tao ay may mahalagang gampanin na paunlarin at palakasin ang kaniyang lipunan. Sa susunod na tatalakayin, mauunawaan natin ang istrukturang panlipunan at ang mga elementong nakapaloob rito. kahalagahan ng GAWAIN 8: SHARE KO LANG! Isulat ang sarili mong karanasan kung paano ang mga pananaw ng sosyolohista sa lipunan ay nangyayari sa iyo sa pamilya, paaralan at bansa. Isulat ito sa iyong sagutang papel. PAMILYA EMILE DURKHEIM KARL MARX CHARLES COOLEY PAARALAN BANSA Ang Lipunan ay patuloy na kumikilos at nagbabago Ang lipunan ay punong-puno ng tungalian sa kapangyarihan Ang Lipunan ay may magkakawing na ugnayan at tungkulin Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalagang pag-aralan ang lipunan? 2. Paano nagkakaroon ng mga isyung panlipunan D. ANG ISTRUKTURA AT ELEMENTO NG LIPUNAN Gawain 9: LOOK UP! Bago natin talakayin ang istruktura at elemento ng Lipunan, sagutin ang katanungan sa ibaba at isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Sino-sino ang maituturing sa buhay mo na nabibilang na pinakamalapit sa iyo? 2. Ano ang pangarap na nais mong makamit sa iyong buhay? Ano sa palagay ang magiging hamon sa pagkamit nito? Oral Recit 3. Bakit sa palagay mo na mahalaga ang pamilya, paaralan, simbahan at pamahalaan sa iyong buhay? 4. Bilang isang mamamayan, ano ang iyong gampanin upang maitaguyod mo ang pag-unlad at kapayapaan sa iyong lipunan? Ayon kay Max Weber ang pangunahing pokus ng istruktura ng lipunan ay nakahilig sa elemento nito batay sa uri (class), status, at kapangyarihan (power) katulad ni Marx, nakikitaan niya na may uri ng lipunan kung ang pagbabatayan ay ang kabuhayan. Ang uri at estado ang nagiging batayan ng kapangyarihan ng isang indibidwal. Naniniwala rin si Weber sa ideyang ito bilang batayan sa pagbuo ng lipunan Gayunpaman, nabuo ang lipunan upang maihatid ang kaayusan at sistema kung saan ang mga tao ang gagalaw sa kanilang gampanin. Mahalaga ang istrukturang panlipunan dahil nakapaloob ang kultura na hindi maaaring ihiwalay rito. Ito ay isang 9 mukha ng lipunan na kung saan nagbibigay kahulugan sa pamumuhay pangkat ng tao. Makikita sa ibaba ng diagram ang elemento ng struktura ng lipunan. Ito ay binubuo ng social group (pangkat), institusyon, status, at gampanin (roles) PAMILYA PANGEDUKASYON PANGPAMAHALAN PANGEKONOMIYA PANGRELIHIYON PRIMARY GROUP SECONDARY GROUP PANGKAT INSTITUSYON LIPUNAN GAMPANIN STATUS ASCRIBED ACHIEVED KARAPATAN, OBLIGASYON INSTITUSYON Ito ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Kabilang rito ang pamilya, paaralan (pang-edukasyon), pamahalaan, at pang-ekonomiya. Maituturing na ang lahat ng institusyon na ito ay magkakaugnay at may kaniya-kaniyang tungkulin at responsibilidad. Maaaring isa lamang ang hindi maging maayos ang pagganap sa mga institusyong ito ay lilikha ng mga hamong panlipunan. Sa pamilya nagsisimula ang unang paghubog sa pagkatao ng isang indibidwal Dito huhubugin ng isang magulang ang kanyang anak sa mabuting kaparaanan. Ganunpaman sisikapin ng magulang na pag-aralin ang anak upang mas mahubog ito sa paaralan. Ang paghubog ng paaralan sa isang indibidwal ay dahilan upang maitaguyod ang karunungan, kakayahan at maging produktibong indibidwal ng bansa. Makatutulong din ang simbahan na nagiging gabay sa paghubog ng pagkatao at ang pamahalaan na nakapagbibigay ng paglilingkod sa mamamayan. Ano ang mga isyu na maaaring magging hamong panlipunan? Halimbawa, Si Federico at Teresita ay magkapatid na hindi nakapag-aral dahil sa kakapusan ng pangangailangan sa pamilya, ang hindi nila pag-aaral ay maaaring maging suliranin ng maraming kabataan sa bansa dahil sa kahirapan. Ang ganitong sitwasyon ay lilikha pa ng mas maraming hamong panlipunan tulad ng pag-aasawa ng maaga, pagkalulong sa droga, maagang pagbubuntis ng babae, pagtatrabaho ng wala pa sa sapat na gulang, prostitusyon at iba pa. Kung hindi mabibigyan ng angkop na plano ang pagtugon sa unang suliranin, magpapatuloy ang mga hamong ito. Malaki ang gampanin ng pamilya, paaralan, simbahan at pamahalaan upang matugunan ang ganitong isyung panlipunan. SOCIAL GROUP Ang Social group ay pinagsama-samang bilang ng tao na mayroong pagkakatulad na katangian at naniniwala na ang kanilang ugnayan at pagkakatulad ay mahalaga sa 10 lipunan. Maituturing na bahagi ang isang indibidwal sa isang pangkat kung nakararamdam nito na tanggap at bahagi siya sa isang pangkat. Kung minsan nagbabago ang pagkakakilala sa bawat indibidwal sa magkakaibang pangkat na kinabibilangan nito (e.g. kaibigan, pamilya, kompanya). May mga bagay na kayang gawin ang isang tao kapag kasama ang kaibigan gayundin ang ibang bagay na nagagawa kapag kasama naman ang pamilya at katrabaho. Ibig sabihin, malaki ang impluwensiya ng isang pangkat sa isang indibidwal at ang impluwensiya ng isang indibidwal sa isang pangkat. Ang Social group ay maaaring uriin sa dalawa. Ito ang primary group at secondary group. A. Primary Group-ito ay mayroong maliit na bilang lamang at may matinding bigkis ng pagsasama sa bawat isa. Ang pamilya at kaibigan ang maituturing na halimbawa nito. B. Secondary Group-ito ay may malaking bilang na ang bawat kasapi ay pinagsasamasama upang mas mabigyan ng pansin ang layunin at mithiin kaysa sa pansariling emosyon. Ang kompanya ay isang halimbawa nito. Kapag madalas natin kasama ang ating katrabaho sa isang kompanya na kung minsan pa ay nagiging malapit na sa atin bilang kaibigan, naituturing na rin natin ito na bahagi ng primaryang pangkat. Status – Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa isang pangkat, organisasyon, o lipunan. Ayon sa mga sosyolohista, ang bawat indibiduwal ay may status o posisyon sa lipunan na hindi nakabatay sa ranggo at kapangyarihan sa lipunan. Ang simpleng pakahulugan ay ang posisyong kinabibilangan nito sa istrukturang panlipunan na bumubuo sa mga institusyong tulad ng pamilya, paaralan, negosyo, lipunan, at marami pa. Ang status ay nakatakda sa isang tao upang gumanap sa kanyang tungkulin. Halimbawa ang isang babae ay magiging ina kung siya ay nagkaanak. Ang pagiging ina ang nakuhang niyang status ay may role o gampanin na mahalin at pangalagaan ang kanyang anak. A. Achieved Status- ito ay ang pinili o nakuhang posisyon sa lipunan. Ito ay sumasalamin sa kakayahan, pagsisikap at piniling buhay ng isang tao. Halimbawa nito ang, doktor, propesyonal na manlalaro, abogado at iba pa. B. Ascribed Status- Ito ay hindi boluntaryong pinili at hindi kontrolado ng isang tao. Nakatalaga ito sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipinanganak. Halimbawa si Ms. Bon ay ipinanganak na isang babae at isang Filipino. Ganupaman sa ibang kultura ay mas mahalaga ang ascribed status sa achieved status halimbawa sa isang agraryong lipunan na kung saan ang pamumuhay ay nakabatay sa agrikultura, para sa kanila, nakabatay sa social class ang status mula ng ipinanganak ang isang tao, anoman ang personal na pagsisikap na gawin ng isang tao ay mananatili ang status na kinagisnan nito sa lipunan. • Gampanin (Roles) –may posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang social group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. 11 Pagyamanin GAWAIN 10: TALAHANAYAN Panuto: Kumpletuhin ang talahayanan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga gampanin ng mga institusyon sa lipunan. Isulat ito sa iyong kuwaderno • INSTITUSYON GAMPANIN (ROLE) Pamilya Simbahan Paaralan Pamahalaan Pamprosesong Tanong: • 1. Ano-ano ang mga mga gampanin ng bawat institusyon? • 2. Ano-ano ang mga isyung panlipunan na kinakaharap ng mga institusyon? • 3. Bakit mahalaga ang bawat gampanin at ugnayan ng mga institusyon sa lipunan? Isaisip 1. Ang Kontemporaryong Isyu ay mga pangyayari sa na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay tumatalakay sa mga isyung panlipunan, pangekonomiko, politika, at pangkapaligiran. 2. Ang lipunan ay pangkat ng mga tao kung saan sama-samang ibinabahagi ang kultura sa isang teritoryo. 3. Ayon kay Emile Durheim “ang lipunan ay patuloy na kumikilos at nagbabago” na binubuo ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. 4. Ayon naman kay Karl Marx “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan”. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. 5. Ayon kay Charles Cooley“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin” 6. Bahagi ng strukturang panlipunan ay ang kultura na hindi maaaring paghiwalayin at ang lipunan ay binubuo ng mga elemento kabilang ang social group (pangkat), institusyon, status, at gampanin 7. Ang Social group ay pinagsama-samang bilang ng tao na mayroong pagkakatulad na katangian at naniniwala na ang kanilang ugnayan at pagkakatulad ay mahalaga sa lipunan. Ito ay mauuri sa dalawa ang Primaryang pangkat na mas mahigpit ang ugnayan ng kasapi sa bawat isa at ang sekondaryang pangkat na mas binibigyang ng pagpapahalaga ang mithin at layunin ng pangkay kaysa sa personal na nararamdaman sa isa’t isa. 8. Ang institusyon ay tumutukoy sa organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Ito ay binubuo ng pamilya, paaralan, pamahalaan, at simbahan. Mahalaga ang gampanin o role ng bawat isa rito. Ang pagkakaroon ng status o posisyon ay may Generalizaton 12 kaakibat na gampanin. Nagkakaroon ng hamong panlipunan naisakatuparan ng mabuti ang mga gampanin ng bawat institusyon. kapag hindi Isagawa GAWAIN 11: DO YOUR BLOG OR VLOG Makabubuo ng isang Blog or Vlog na nagpapakita ng isang isyu at hamong panlipunan nadulotng mga elemento ng istrukturang panlipunan. Inaasahan na makapagpapahayag ng saloobin at pagtugon hingil sa isyu. GAWAIN 12: AKO AY KABAHAGI Punan ang kahon ng isang isyu o hamong panlipunang nararanasan sa kasalukuyan at isulatang iyong bahagi sa pagkakaroon at pagtugon sa isyu o hamon sa pamamagitan ng pagkompleto sa nilalaman ng pangungusap. Isyung panlipunan ___________________________ Ang aking bahagi sa pagkakaroon ng ganitong isyu/hamong panlipunan ay…………………….. Ang aking bahagi sa pagtugon sa ganitong isyu/hamong panlipunan ay …………………………… Tayahin A. Basahin at unawain ang pangyayari sa ibaba. Ilagay ang tsek (/) sa patlang kung ito ay isyung kontemporaryo at ekis (X) kung hindi. ______1. Climate Change _____11. Korupsiyon ______ 2. Teenage pregnancy _____12. Pananakop ng Hapones sa Pilipinas ______ 3. Covid-19 _____13. Prostitusyon ______ 4. Cyber Bullying _____ 14. Fake news ______ 5. Deforestation _____ 15. Early Marriage ______ 6. Pagiging aktibong mamamayan _____16. Sumusunod sa batas ______ 7. Kahirapan _____17. Terorismo ______ 8. Pagsuko ng mga rebelled _____18. Pagkasira ng likas na yaman ______ 9. Human Trafficking _____19. Child Labor ______10. Problema sa pamilya _____20. Aborsiyon B. PANUTO: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa kwaderno 1. Ito ay tumatalakay sa mga kasalukuyang pangyayari na may kinalaman sa mga isyung panlipunan, pang-ekonomiko, politika, at pangkapaligiran.Kontemporaryong Isyu Lipunan 2. Ito ay pangkat ng mga tao kung saan sama- sama at nag-uugnay ugnay na ibinabahagi ang kultura sa isang teritoryo. institusyon 3. Ito ay tumutukoy sa isang organisadong ugnayan ng mga pangkat ng tao sa isang lipunan. social group 4. Ito ay pagsasama-sama ng mga tao na mayroong pagkakatulad na katangian at naniniwala na ang kanilang ugnayan at pagkakatulad ay mahalaga sa lipunan. Status 5. Ito ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa isang pangkat, organisasyon, o lipunan. 13 achieved 6. Ito ay ang pinili o nakuhang posisyon sa lipunan. Ito ay sumasalamin sa kakayahan, pagsisikap at piniling buhay ng isang tao. ascribed 7. Ito ay status na hindi boluntaryong pinili at hindi kontrolado ng isang tao Primary 8. Ito ay pangkat na mahigpit ang bigkis sa bawat kasapi nito. secondary 9. Mas binibigyang pansin ng pangkat ang layunin at mithiin ng samahan. gampanin 10. Ito ang inaasahan ng lipunan sa isang indibidwal kaakibat ng kaniyang posisyon Karagdagang Gawain: pahina 5-7 https:www.investopedia.com https://www.quora.com https://courses.lumenlearning.com http://www. YouTubeCrashCourse Social groups :Crash course on Sociology 14 15 Gawain 4 Pangyayari, Suliranin. Isyu, Lipunan etc. Ang Kontemporaryong ay ang mga kasalukuyang isyu na nangyayari sa isang lipunan Gawain 2-Depende sa sagot ng mga mag-aaral GAWAIN 3-Depende sa sagot ng mag-aaral TUKLASIN BALIKAN SUBUKIN 1. A 11.A 2. D 12. B 3. D 13. D 4. C 14. D 5. C 15. D 6. B 7. D 8. C 9. C 10. C GAWAIN 5 A-IDS/HIV B-ULLYING C-HILD LABOR D-RUG ADDICTION E-XTRA JUDICIAL KILLING F-OOD INSECURITY G-LOBAL WARMING H-UMAN RIGHTS VIOLATION I- NCOME INEQUALITY L-GBT RIGHTS M-ARINE POLLUTIO N- UCLEAR WEAPONS O-VER POPULATION P-OVERTY Q-UARRYING EFFECTS R-ACIAL DISCRIMINATION S-AME SEX MARRIAGE T-ERRORISM W-ORLD PANDEMIC X-XXX/CHILD PORNOGRAPY Y-OUTH SUICIDE Z-OOMERS GENERATION/ GEN Z GAWAIN 6 Talahanayan (Depende sa sagot ng mag-aaral sa A-Zs Issues) Panlipunan- AIDS, Bullying, Drug addiction, EJK, Racial Discrimination, Child Pornography, youth Suicide, same-sex marriage, violence against women, Zoomers Gen Pang-ekonomiya- Child Labor, Food insecurity, Income Inequality, Over Population, Poverty Pangkapaligiran-Global Warming, Marine Pollution, Quarrying effects GAWAIN 7 Blots-Teknik: (Depende sa isasagot ng mga mag-aaral) Pamprosesong Tanong: Depende sa isasagot ng mag-aaral TAYAHIN A. Gawain 9: LOOK UP Pamprosesong Tanong: Depende sa isasagot ng mag-aaral GAWAIN 8 Share Ko Lang Pamprosesong Tanong: Depende sa isasagot ng mag-aaral GAWAIN 10: TALAHANAYAN Pamilya-unang tagapaghubog ng pagkatao ng isang idibiduwal Paaralan-katulong sa paghubog at tagapagbigay ng kaalaman at karunungan Simbahan-Nagsisilbing tagapaggabay sa paniniwala ng isang indibiduwal B. 10. Gampanin 20. 10. X 9. Secondary group 19. 9. 8. Primary Group 18. 8. X 7. Ascribed Status 17. 7. 5. Status 6. Achieved Status 15. 16. X 5. 6. X 4. Social group 14. 4. 3. Institusyon 13. 3. 2. Lipunan 12. X 2. 1. Kontemporaryong Isyu 11. 1. Susi sa Pagwawasto Sanggunian: A.Department of Education (2015), 10- Araling Panlipunan- Modyul para sa mga Mag-aaral Unang Edisyon pahina 14-19 B.Department of Education Modyul sa Araling Panlipunan IV Pahina 1-3 C.Valenzuela et al. (2020) Daily Lesson Plan (Unang Markahan) 10Kontemoraryong Isyu (MELCs) Unpublished D. Antonio et.al, 2017 Kayamanan, Mga kontemporaryong isyu Rex Publishing House Inc. 16 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education-SDO-QUEZON CITY Nueva Ecija, Bago Bantay, Quezon City Telefax: 8352 – 6806/ 8352 - 6809 Email Address: sqoqcactioncenter@gmail.com