Uploaded by Mary Daniela Remalla

Fil

advertisement
Dominican School of Calabanga
San Francisco, Calabanga, Camarines Sur
Juice Ko Bro Corporation
Panukalang Proyekto : Business Trade Fair 2024
Proponent ng Proyekto : Mga Estudyante ng Baitang 12 BRO
Kategorya ng Proyekto : Entrepreneurship/Business
Petsa : Abril 1, 2024
Rasyonal ng Proyekto
Sa modernong panahon, napakaraming bagay ang pwedeng gawing negosyo
mapa-pagkain man o aksesorya. Ang asignaturang entrepreneurship ay naglalayong
linangin ang abilidad ng mga estudyante sa pagiging isang businessman. Kung kaya’t
ang Juice Ko Bro Corp. ay isinusulong ang panukalang proyekto na “Trade Fair” na
magiging daan upang maiuugnay at masanay ng mga mag-aaral ang kanilang
natutunan sa pagtitinda at maranasan ang realidad ng mga business transactions sa
pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga kapwa nagtitinda at kapwa mag-aaral bilang
mga customers.
Nilalayon ng proyektong ito na makatulong ang trade fair sa pagpapalinang ng
kakayahan at karanasan ng mga estudyante sa baitang 12. Sa proyektong ito,
masusubok ang galing at (wit) ng mga estudyante sa pagtitinda. Layunin ng proyektong
ito ang sumusunod:
1. Malinang at magbigay ng karanasan sa mga estudyante mahiggil sa pagtitinda at
pagiging entrepreneur;
2. Makahanda ng stall o booth para sa gaganaping trade fair. Ang trade fair ay isang
malawakang proyekto na inorganisa upang itanghal ng mga entrepreneurs at
negosyante ang kanilang mga produkto sa mga customers. Ito ay isang magandang
oportunidad upang maipakita at ma-endorse ang mga produkto.
Ang panukalang proyekto ay isasagawa sa ika-2 ng Abril 2024, magaganap simula 9:00
am hanggang 4:00 pm sa open space katabi ng H.E Laboratory. Narito ang mga dapat
tandaan sa trade fair:
1. Maaaring magprepera ng mga kagamitan sa ipinagkaloob na oras: simula 7:00 am 9:00 am.
2. Maging creative sa paggawa ng booth. Gawin itong kaakit-akit at nakaka agaw
pansin sa mga costumers.
3. Ihanda ang inyong menu.
4. Panatilihing malinis ang working area at ang mga kagamitan sa pagluluto ng inyong
product.
5. Siguraduhing linisin ang inyong space at magsagawa ng restoration pagkatapos ng
trade fair.
Badyet sa Proyekto
Mga dekorasyon sa booth/ stall
100.00
Mga kagamitan (cups, straws, lagayan ng pagkain,
tupperwares)
600
Ingredients. (Milkshakes Flavoured Powder, Evaporated
Milk, Corn Syrup, Oreos, Graham Crackers, Fish
Crackers, Juice Powder, Jellies)
1, 300
Kabuoang Halaga
2000
Dominican School of Calabanga
San Francisco, Calabanga, Camarines Sur
Juice Ko BRO Corporation
Katitikan ng Nakaraang Pagpupulong
Marso 25, 2024
Mga Dumalo:
Ms. Rhea Panibe
Mr. Harley Bagsic
Ms. Daniella Remalla
Mr. Mark Vincent Sape
Mula kay
Mr. Aldrient Nares
Mr. Kyle Delos Reyes
Ms. Jasmine De Villa
Ms. Marah Hemady
Ms. Gryziel Macatul
Mga Dapat Bigyang-pansin /
Isyu
Kinauukulan
Kalagayan
Panibe
Sinimulan ang miting.
Panibe
Milk tea cups na in-order sa
Kay Mr. Bagsic
tiktok. 350 pesos lahat nang
nagastos sa milk tea cups at
dumating na ‘to sabi ni Harley.
N
Panibe
Tupperwares na a-48 pesos
ang isa. Sa kabuoan 144
lahat ang gastos sa garapon,
lagyanan ng mga flavor
powders.
Sa mga miyembro
N
Madam France
Nag-suggest na pwedeng
Sa mga miyembro
lagyan ng frame ang booth for
photos ng mga bibili.
I
Panibe
Nag compute si rhea, gabos
Sa mga miyembro
I
Sa mga miyembro
N
na tig gastos kada cup tapos
19.25 ang expenses kada cup
so at least 25 pesos ang
benta Kang 12 oz para mag
ka igawa kita tas sa16 oz man
ang na gastos 23.40 so ang
pabakal nasa 30 pesos.
Panibe
Kailangan bumili ng flavor,
corns syrups, juice flavors,
gulaman
Dominican School of Calabanga
San Francisco, Calabanga, Camarines Sur
Juice Ko BRO Corporation
Agenda ng Gaganaping Pagpupulong
PETSA
:
MARSO 20, 2024
PARA SA
:
PAGTITINDA AT SA GAGANAPING TRADE FAIR
RE
:
LINGGUHANG PAGPUPULONG
MULA KAY
:
RHEA PANIBE
MANAGER
Ipinapaalam sa bawat miyembro ng Juice Ko BRO Corp. na magkakaroon ng
pagpupulong na gaganapin sa ika-25 ng Marso, 2024 sa loob ng classroom ng Grade
12 - BRO.
AGENDA:
1. Pagsisimula.
2. Pagrerebyu at pagpapaalam sa mga nakaraang gastos sa pagtitinda.
3. Pagpapahayag ng mga gagastusin at kakailanganin sa pagtitinda.
4. Pagaalam at paglista ng mga kulang na kagamitan at ingredients.
5. Pagpupulong tungkol sa trade fair.
6. Iba pang bagay na paguusapan.
Download