Uploaded by krisseangelm

F9Q3-W7

advertisement
FILIPINO 9
GAWAING PAGKATUTO 7
Kwarter 3
Filipino – Baitang 9
Kwarter 3 – Gawaing Pagkatuto 7:
Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda ( kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark ,palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang –aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na mayakda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Nympha D. Guemo
Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan: Maria Flora T. Pandes
Manunulat:
Judy Ann N. Oclares
Tagasuri ng Nilalaman:
Elisa E. Rieza
Gumuhit ng Larawan:
Anele E. Abanto
PANGALAN:_______________________________________
ASIGNATURA:____________________________________
ANTAS:__________
PETSA:__________
Aralin 1
Panimulang Konsepto
Kumusta?
Madali mo bang natapos ang mga nakalipas na gawain?
Magaling! Ngayon ay sigurado akong magugustuhan mo ang
ating mga gawain.
Ito ang magpapalawak at magpapayaman sa iyong kalaman. Maaari
mo nang simulan.
Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs
Sa gawaing ito, inaasahan ko na nahuhulaan mo ang maaaring
mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring napakinggan.
Panimulang Pagsubok
Panuto: Basahin ang hinalaw na pangyayari mula sa epikong Rama
at Sita. Piliin sa mga kahon kung alin ang kasunod na pangyayagari
sa bawat bilang.
Pinagsabihan ni Sita si Lakshmanan kaya sumama ang loob ng kanyang
nito, para mapatunayan ang pagmamahal sa kapatid na si Sita ay agad
siyang sumunod sa gubat.
Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang
asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka.
Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok
niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin
daw biya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga
nahagip niya ang tenga at ilong ng hegante. “Sino ang may gawa nito?
Sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid
Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang
makakalaban, tumanggi itong tumulong
3
1. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si
Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Ano kaya ang maaaring
maging kasunod?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Sige! Patayin mo siya! Sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang
kaniyang espada. Ano ang kasunod na pangyayari?
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Ano
ang kasunod na pangyayari?
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Pinilit si Sita si Laksamanan na sumunod sa gubat. “Hindi, Kailangan
kitang bantayan,” sabi nito. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa ring
umalis ni Lakshamanan kaya nagalit si Sita.
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Ipinatawag ni Ravana ni Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang
sarili kahit anong anyo at hugis
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Pagsusuri at Abstraksiyon
Basahin at unawain ang kuwento.
Mga Patak ng Luha
Halaw sa Taarw Zameen Par (“Every Child is Special”)
Bollywood Film India
Halaw at Isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Si Ishaan Nandkishore Awasthi, isang batang nagpabago,
nagpapabago at magpapabago ng aking mundo… at marahil ng
pagpapahalaga…bilang isang guro. Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa
isang gilid na kinagawiang kong likmuan sa pagsusulat. Sa gilid ng isang
mesang may katamtamanang laki, sapat lamang na mailapag ko ang aking
mga kakailanganing gamit sa panonood. Hindi ko napigilan ng aking sarili
isang gabing hindi ako makatulog. . Hindi ko napigilan ng aking sarili isang
gabing hindi ako makatulog. Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng
ulan ngunit wala naming masabing may masamang namumuong panahon.
Wala naming mapakinggang anunsyo sa telebisyon o radio.
Nakipagsabayan sa malakas na patak ng ulan ang masaganang pag- agos
ng aking luha habang pinanonood ko si Ishaan. Siya ang bida sa aking
4
puso… at si titser… Napukaw agad ang aking interes sa pinanonood kong
pelikula. Dala marahil ng pagiging guro ko, nakarelate ako habang
ninanamnam ang bawat eksena. Sa una’y mas tamang sabihing dahil ako’y
isang guro. Tama. Isa akong guro… at isa rin akong magulang.
Isang batang may sakit na dyslexia si Ishaan. Hindi ito naintindihan
ng kaniyang mga magulang… at ng kaniyang mga guro. Palagi siyang
nakatatanggap ng parusa. Pinapalo. Sinasabihan ng masasakit. Tamad.
Bobo. Tanga. Walangalam. Idiot. Wala siyang tanging masusulingan kundi
ang pamilya sana niya. Subalit siya’y inilayo. Itinira sa dormitoryong
paaralan.
Peralta, et. Al, Panitikang Asyano, 239-241.
Panuto: Ipagpatuloy mo ang kuwento batay sa iyong nabasa. Hulaan
ang susunod na pangyayari.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
15 puntos
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
10 puntos
Napakahusay! Maayos
ang balangkas ng
ideya, nakapaglahad
ng sariling panyayari
batay sa malawak na
imahinasyon.
Masining pagsulat
nito.
Mahusay! Maayos ang
balangkas ng ideya,
nakapaglahad ng
sariling pangyayari.
Masining ang
pagsulat.
5 puntos
Katamtamang husay!
Nakapagbigay ng
sariling pagdurugtong
sa kuwento.
5
Pagsasanay 2
Isang Libo’t Isang Gabi
(One Thounsand and One Nights)
Nobela- Saudi Arabia
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Sinopsis:
Isang babaeng mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking
mahilig maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwanan nang matagal ng
kaniyang asawa. Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng
kalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kanya.
Sa di inaasahang pangyayari, nakulong ang kaniyang lalaking inibig.
gumawa siya ng paraan upang mapawalang bisa ang paratang dito at mapalaya.
Pinalabas niya na ang lalaking ito ay kaniyang kapatid at lubhang mahal na mahal
sa kaniya.
Lima ang lalaking hiningian niya ng tulong. Ang lima ring ito ay umibig sa
kaniya dahil sa kaniyang kagandahan at sa maamo nitong mata habang nakikiusap.
Matutulungan lamang siya kung ibibigay at ipagkakaloob niya ang kanyang sarili.
Peralta, et. Al, Panitikang Asyano, 238-239
Panuto: Ipagpatuloy mo ang kuwento batay sa iyong nabasa. Hulaan
ang susunod na pangyayari. Isulat sa sagutang papel.
15 puntos
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
10 puntos
Napakahusay! Maayos
ang balangkas ng
ideya, nakapaglahad
ng sariling panyayari
batay sa malawak na
imahinasyon.
Masining pagsulat
nito.
Mahusay! Maayos ang
balangkas ng ideya,
nakapaglahad ng
sariling pangyayari.
Masining ang
pagsulat.
5 puntos
Katamtamang husay!
Nakapagbigay ng
sariling pagdurugtong
sa kuwento.
Paglalapat
Basahin at unawain.
6
Ang Minsang aking Pinagsisihan
Ni Judy Ann Oclares
“The enemy has been slain! The enemy has been slain! VICTORY!!” Ito ang paulitulit na katagang naririnig ni Albert na nagmumula sa kanyang cellphon, animo
isang musika na nagpapaligaya sa isang kabataang tulad ni Albert. Siya ay walang
maituturing na matalik na kaibigan dahil sa hindi na siya lumalabas ng kanilang
tahanan, hindi rin siya maaasahan sa mga gawain sa kanila. Ang kanyang
magulang ay nagtatrabaho sa bukid buong araw. Si Albert at ang kanyang mga
maliliit na kapatid ang tanging natitira sa kanilang maliit na tahanan. Madalas
siyang mapagbuntunan ng kanyang ama ng galit dulot ng kapaguran sa bukid at
naaabutan siyang nitong naglalaro ng Mobile Legend at napapabayaan ang mga
kapatid.
Isang araw habang wala ang mga magulang ni Albert ay hindi niya
napansing nakalabas na ng pintuan nila ang kanyang 2 taong gulang na kapatid.
Panuto: Ipagpatuloy mo ang kuwento batay sa iyong nabasa. Hulaan
ang susunod na pangyayari.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
15 puntos
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
10 puntos
Napakahusay! Maayos
ang balangkas ng
ideya, nakapaglahad
ng sariling panyayari
batay sa malawak na
imahinasyon.
Masining pagsulat
nito.
Mahusay! Maayos ang
balangkas ng ideya,
nakapaglahad ng
sariling pangyayari.
Masining ang
pagsulat.
5 puntos
Katamtamang husay!
Nakapagbigay ng
sariling pagdurugtong
sa kuwento.
7
Aralin 2
Panimulang Konsepto
Pamilyar ka ba sa mga akdang pampanitikan na sumasalamin
sa kultura ng Kanlurang Asyano? May nabasa ka na bang akda mula sa
Kanlurang Asyano?
Mahusay! Kaya naman sa gawaing ito, mas lalo mo pang
mapapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa kanilang kultura.
Tara na at ating simulan!
Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs
Sa gawaing ito, inaasahan na nailalarawan mo ang natatanging
kulturang Asyano na masasalamin sa Epiko.
Panimulang Pagsubok
Panuto: Punan ng titik ang kahon upang mabuo ang salita ayon sa isinasaad
o hinihingi ng pangungusap.
Hal. Ito ay isang sakramento upang maging isang ganap na Kristiyano ang isang
mamamayang Pilipino.
1.
B
N
A
Ito ay isinasagawa upang magkaisang-dibdib ang dalawang taong
nagmamahalan.
2.
A
L
Ipinagdiriwang ang araw na ito upang gunitain ang araw ng kapanganakan
ni Hesus.
3.
4.
P
S
O
Pagtutulungan ng magkakapitbahay kahit kailan o saan man kailanganin
ng tulong.
Y
N
H
N
Ito ay isa sa mga paraan upang gunitain ang mga sakripisyong
ginawa ni Hesus upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan.
P
U
I
Y
N
8
Pagsusuri at Abstraksiyon
Panuto: Basahin at unawain ang Epiko. Sagutin ang mga katanungan.
Rama at Sita
(Buod)
Ang epikong ito na mula sa India ay isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva.
Sina Rama, Sita at Lakshamanan na kapatid ni Rama ay itinapon ng
kaharian ng Ayodha sa isang gubat. Isang araw, binisita sila ng isang babae
na hindi nila nalalaman ang tunay niyang anyo, ito ay si Surpanaka, ang
kapatid ng hari ng mga higante at demonyong si Ravana. Nais niya itong
mapakasal kay Rama subalit tumanggi si Rama sapagkat kasal na siya kay
Sita.
Sa selos at galit ay naging malaking higante si Surpanaka at
nilundag si Sita para patayin. Subalit, naligtas si Sita ni Rama at pareho
silang lumayo kay Surpanaka. Iniutos ni Rama kay Lakshamanan na
patayin si Surpanaka, kaya nahagip niya ang tenga at ilong ng higante.
Nang nakita ni Ravana ang itsura ng kanyang kapatid, nagsinungaling si
Surpanaka para gantihin si Rama at bihagin ni Ravanna si Sita.
Tinawag ni Ravanna si Maritsa, isang nagbabagong-anyo, para
utusang gantihan si Rama. Nang nalaman ni Maritsa ay tumanggi ito
sapagkat nalaman niyang kakampi ng mga Diyos si Rama at Lakshamanan
kaya gumawa sila ng plano. Isang araw nakita ni Sita ang isang gintong
usa at inutusan niya si Rama at Lakshamanan na hulihin ang usa.
Inutusan ni Rama si Lakshamanan na bantayan si Sita habang
hinuhuli niya ang usa. Agad na tumakbo ang usa nang marinig ang sinabi
ni Rama kaya hinabol ni Rama ang usa. Nang makalipas na hindi bumalik
si Rama ay inutusan ni Sita si Lakshamanan na hanapin si Rama. Hindi
nila nalaman na naghihintay si Ravana sa labas at nagpanggap na isang
matandang Brahmin.
Sa hindi pagpayag na bihagin si Sita ay nagsabi siya na “bibigyang
kitang limang libong alipin at gagawin kitang reynang Lanka”. Agad
natakot si Sita at itinulak si Ravana. Naging higante si Ravana at kinuha
si Sita at binihag. Nagdagdag ng bulaklak si Sita upang makita ni Rama at
9
Lakshamanan. Sa itaas ng bundok ay narinig ng agila ang sigaw ni Sita.
Nagtangkang iligtas ng agila si Sita pero tinagpas siya ni Ravana. Nang
makita ni Rama ang agila, sinabi niya na nabihag ni Ravana si Sita.
Sa tulong ng mga unggoy at iba pang hayop sa gubat ay lumusob si
Rama sa kahariang Lanka. Unang lumusob ang mga hayop kay Ravana at
nang ito ay naghihina na Lumaban na si Rama kay Ravana at nagwagi si
Rama sa huli. Nagyakap si Rama sa kanyang asawa at namuhay sila ng
masaya at payapa.
Source: https://philnews.ph/2019/10/29/buod-ng-rama-at-sita-ng-sang-epikong-hindu/
Subukin natin ang iyong natutuhan tungkol sa binasang epiko. Halina’t sagutan
ang mga katanungan sa ibaba.
1. kapani-paniwala ba ang pangyayari sa akda?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Batay sa akda, anong Kulturang Aysano ang masasalamin dito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Anong katangian ng mga tauhan ang ipinamalas sa akda?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Dapat bang ipaglaban natin ang ating kapatid kahit na tayo ay maaaring
mapahamak? Bakit?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5. Ikaw bilang isang kabataan, paano mo mapapatunayan na ang
kulturang Asyano ay mapapanatili pa rin hanggang sa mga susunod pang
henerasyon?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Tandaan
Ang EPIKO ay isang mahabang tula mula sa makalumang paraan ng mga
pananalita. Karaniwan na ang tema ng Epiko ay makabayan o sa kasaysayan,
maaaring kaganapan o isang dakilang tao na nabuhay.
10
Pagsasanay 1
Panuto: Ibigay ang mga kulturang Asyano na nakapaloob sa epikong Rama
at Sita. Gawin sa iyong sagutang pepel.
RAMA
AT
SITA
Akdang Pampanitikan ng Kanlurang Asyano

Narito ang ilan sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya na
naglalaman ng kanilang mga Kultura.
 Ang Talinghaga ng May-ari ng Ubasan – Pinapakita sa akda na ang
ubasan ay ang lugar ng Panginoon habang ang Panginoon naman ay ang
may-ari ng ubasan at ang mga manggagawa ay ang mga taong Kanyang
inaanyayahan sa kanyang lugar. Sinasabi rito na pantay lamang ang lahat
ano pa man ang tinagal o iniikli ng kanyang paggawa (buhay). (Kulturang
nasasalamin: Ang pagiging mabuti at pagpapahalaga sa kapwa,
Pagpapakatao at paggawa ng mabuti.)
 Katapusang Hibik ng Pilipinas – Isinasaad sa tulang ito ang mapangaping mga prayle, ang mga pagmamalabis at pang-aabuso ng mga kura at
prayle katulad ng paghingi ng yaman kahit ubos na pinipilit pa rin na
pagbayarin. Sa kabuoan, ang daing ng Pilipinas
sa kamay ng mapang-abusong mga mananakop. (Kulturang
nasasalamin: Pagkakaroon ng tibay ng loob sa anomang pagsubok,
pagiging matiisin at ang paglalahad ng katuwiran para sa karanungan.)
 Kamatayan ni Kuya – elehiya tungkol sa alaala ng kanyang yumaong kapatid na
nagsilbing katuwang niya sa buhay. Ang kapatid niyang laging nariyan upang siya’y
suportahan at gabayan. (Kulturang nasasalalim: Pagmamahal at pagpapahalaga sa
bawat miyembro ng pamilya at pagtanaw ng utang na loob.)
 Hashnu, ang Manlililok ng Bato – ang kwentong nagbibigay inspirasyon
upang pahalagahan ang ating mga sarili – ang ating mga kakayanan,
talento, talino na ipinagkaloob sa atin ng maykapal. (Kulturang
nasasalalim: Pagpapahalaga sa sarili. Ang pagiging kontento at
pagpupugay o pagpapasalamat sa anomang bagay na mayroon tayo.
 Ang Kalupi – maikling kwento tungkol sa maling pamamaratang sa ibang
tao. Isa sa kahinaan ng lipunan ay ang pagtingin at panghuhusga sa ibang
tao batay sa kanilang pisikal na anyo at estado sa buhay. (Kulturang
11
nasasalalim: Ang panghuhusga sa ibang tao dahil sa kalagayan ng
kanilang buhay at ang pagsisisi ay laging nasa huli.)
 Rama at Sita – isang epiko ng pakikipagsapalaran at pag-iibigan ang
siyang tema nito. Ang paghahangad sa isang bagay at labis na kasakiman
ay walang maibubungang kabutihan. Ang kabutihan ang laging
nagtatagumpay. (Kulturang nasasalalim: Wagas na pagmamahalan,
pagiging tapat sa isa’t isa, paggawa ng kabutihan sa kapwa, Ang kasakiman
ay isang anyo ng kasamaan.)
 Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono –
kwentong nagpapahayag na walang lihim na hindi nabubunyag. Ang
pinunong walang malasakit sa kanyang nasasakupan ay hindi
makakukuha ng paggalang o respeto sa kanyang kapwa. (Kulturang
nasasalalim: Mabilis na pagtitiwala sa ibang tao, pagiging gahaman at
pagkamainggitin sa kapwa.)
Paglalapat
Panuto: Punan ang mga kahon batay sa mga Akdang Pampanitikan ng
Kanlurang Asyano. Gawin sa iyong sagutang papel.
Akdang Pampanitikan
Kaugaliang
ng Kanlurang Asyano
Nakapaloob
Pagpapahalaga
PANUTO: Magbigay ng mga Akdang Pampanitikan na iyong nabasa na, at
isa-isahin ang mga Kulturang nakapaloob dito.
Pamagat ng Akda:
Pamagat ng Akda:
Mga Kultura:
Mga Kultura:
Pamagat ng Akda:
Mga Kultura:
12
15 puntos
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
10 puntos
Napakahusay! Maayos
ang balangkas ng
ideya, nakapaglahad
ng mga Akdang
Pampanitikan na
nagtataglay ng ng mga
kultura ng isang
bansa. Masining ang
paraan ng
pagkakasulat nito at
nakompleto ang
talahanayan.
Mahusay! Maayos ang
balangkas ng ideya,
nakapaglahad ng mga
Akdang Pampanitikan
na mayroong
kulturang tinataglay.
Masining ang pagsulat
subalit dalawa lamang
ang naibigay sa
talahanayan.
5 puntos
Katamtamang husay!
Nakapagbigay lamang
ng isang Akdang
Pampanitikan na
nagtataglay ng
Kultura ng isang
bansa.
13
Aralin 3
Panimulang Konsepto
Naging magaan ba sa iyo ang paggawa ng mga nakalipas na gawain?
Magaling! Ngayon naman ay ating kilalanin ang ilan sa mga bayani
mula sa Kanlurang Asyano.
Talasalitaan
Propagandista- sila ang miyembro ng kilusang propaganda na may layuning
labanan ang mga kastila sa pamamagitan ng panulat.
Aktibista- bahagi ng lipunang sibil kung saan nakikibaka upang marinig ng
pamahalaan ang hinaing ng mga mamamayan ng sa ganon ay magkaroon ito ng
agarang aksyon o solusyon
Orador- mananalumpati
Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs
Sa gawaing ito, inaasahan ko na nabibigyang katangian mo
ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa
Kanlurang Asya
Panimulang Pagsubok
Panuto: Piliin mula sa kahon sa ibaba ang mga katangian ng
mga kilalang bayani sa Pilipinas.
_________1. Jose Rizal
_________2. Jose Maria Panganiban
_________3. Winceslao Q. Vinzons
_________4. Apolinario Mabini
_________5. Andres Bonifacio
1
3
Aktibista, mamahayag at lider
istudyante
Rebolusyunaryo, makata, pinuno ng
himagsikan at ama ng katipunan
Utak ng himagsikan 1896 at
sublime paralytic,
Manunulat, mamahayag, orador
at propagandista
5
Makabayan, manunulat, makata,
propagandista at mamahayag
14
2
4
Pagsusuri at Abstraksiyon
Basahin at unawain.
Si Mohandas Gandhi ay isinilang noon
Oktubre 2, 1869, siya ay ang pangunahing
politikal at ispirituwal na pinuno sa Bansang
India. Siya ang nagbigay ng Inspirasyon sa
mamamayan ng India upang magkaroon ng
kasarinlan.
Siya ay tinaguriang Mahatma o sa
salitang sanskrit, Dakilang nilalang at bilang
bapu o ama. Si Mohandas Gandhi ay
nagtrabaho bilang promotor ng kawalan ng
karahasan at pagtutol. Siya ay nagtrabaho
bilanng isang abogado sa Timog Aprika (South Africa).
Noong siya ay nasa Africa ang India ay lumalaban ang mga
mamamayan para sa kanilang karapatan.Noong bumalik siya. Inayos niya
ang kilos protesta dahil ang mga mamamayan ng India ay nakaranas ng
diskriminasyon at sila ay pinabayad ng mataas na buwis.
Dahil sa tumataas na bilang ng protesta. Ang mga awtoridad at sa
mga makapangyarihan ay nagsama upang ipadakip si Gandhi at ipakulong
sa prisinto.
Nakibaka din si Gandhi sa pamamagitan ng ahimsa at satyagaha at
fastening dahil sa pagtaas ng buwis ng asin at siya ay nagtagumpay.
Napaslang si Mohandas Gandhi noong Enero 30, 1948.
Source:https://www.slideshare.net/Cabario_Awesome14/mohandas-gandhi-iidalton
Panuto: Bigyang katangian si Mohandas Gandhi batay sa binasang
talambuhay niya sa itaas. Itala ito sa loob ng kahon sa ibaba.
Mohandas
Gandhi
15
Paglalapat
Basahin at unawain
Ibn Saud
Si Ibn Saud ang kauna-unahang
hari ng Saudi Arabia. Isinilang noong
Nobyembre 24,1880 sa Riyadh, anak ni
Abdul Rahman Bin Faisal. Ang
kaniyang pamilya ay kabilang sa mga
pinunong
tradisyunal
ng
kilusang wahhabi ng Islam (ultra
orthodox). Minsang nakulong sa
Kuwait ang kaniyang pamilya.
Taong 1902 nang muling mapasakamay nila ang Riyadh,
samantalang taong 1912 naman nang masakop niya ang Najd at dito ay
bumuo ng pangkat ng mga bihasang sundalo.Matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig ,sinikap ng mga Ingles na mapalapit sa kaniya,
ngunit di ito nagtagumpay sa halip ay pinaboran ang kaniyang katunggali
na si Husayn Ibn Ali ng Hejaz. Taong 1924-1925 napabagsak ni Ibn Saud
si Husayn at iprinoklama ang kaniyang sarili bilang hari ng Hejaz at
Nejd.Pagkatapos matipon ang halos kabuuan ng Tangway Arabia taong
1932 binigyan ni Ibn Saud ang kaniyang kaharian ng bagong
pangalan bilang Saudi Arabia. Nagtagumpay siya na mahimok ang mga
Nomadikong tribo o pangkat- etniko na mapaayos ang kanilang
pamumuhay at iwasan na ang gawain ng panggugulo at paghihiganti. Sa
kaniya ring pamumuno ay nawala ang mga nakawan at pangingikil na
nangyayari sa mga dumadalo ng pilgrimage sa Mecca at Medina.
Si Haring Ibn Saud ang nagbigay ng pahintulot sa isang kompanya
ng Estados Unidos noong 1936 at 1939 upang magkaroon ng oil
concession sa Saudi Arabia. Pinatunayan ng bansa na ang mina ng langis
ang pinakamayaman sa daigdig na nakatulong upang ito ay magkaroon ng
pambansang
pag-unlad.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig si Haring Ibn Saud ay
nanatiling neutral ngunit di rin naiwasan na siya ay minsang pumabor sa
mga Allies. Hindi siya seryosong nakialam sa Digmaang Arab Israel noong
1948. Pinalitan siya ng kaniyang panganay na anak na si Prince Saud.
Tunay na maraming lider Asyano sa Timog at Kanlurang Asya ang
16
nagpamalas ng pagiging makabayan, nagpunyagi at nagtagumpay na
matamo ang inaasam na kalayaan ng kani-kanilang mamamayan at bansa.
Source: http://ohspmodularlearningforgrade8.weebly.com/nasyonalista-sa-kanlurang-asya.html
Panuto: Bigyang katangian ang isa sa mga bayani ng India na ai IBN
SAUD sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong.
Gawin sa kiyong sagutang papel.
1.
Ano-ano ang naging ambag ni Ibn Saud sa kanilang bansa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2.
Maituturing ba siyang isang bayani? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3.
Kung naranasan mo pa ang pamumuno niya, sasang-ayon ka ba sa
kaniyang mga ginawa? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4.
Ano anong mga katangian ang pinamalas niya sa kaniyang
pamumuno?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5.
Alin sa kaniyang mga katangian ang nais mong tularan?
Pangatwiranan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Panuto: Itala sa ibaba ang pagkakaiba at pakakapareho ng katangian ng dalawang
bayani mula sa Kanlurang Asyano.
Mohandas
Gandhi
Ibn Saud
17
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:
Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V
Schools Division Office, Daet, Camarines Norte 4600
Landline: (054)440-1772, (054)440-4464
Email Address: camarines.norte@dep.ed.gov.p
18
Download