COVID-19: Mga Tip sa Kaligtasan para sa Iyo Narito ang ilang hakbang mula sa Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (CDC) upang matulungan kang maprotektahan ang iyong sarili at ang iba pa. Manatiling may kaalaman tungkol sa mga kaganapan sa iyong komunidad at laging sundin ang mga tagubilin ng mga awtoridad ng estado at lokal. PAANO MAPROTEKTAHAN ANG IYONG SARILI AT ANG IBA PA ❏ Madalas maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig ng hindi bababa sa 20 segundo, lalo na pagkatapos manggaling sa pampublikong lugar, o pagkatapos bumahing, umubo, o magpunas ng ilong. ➢ Kung walang magagamit na sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer na may hindi bababa sa 60% alkohol. ➢ Iwasang hawakan ang iyong mga mata, ilong, at bibig nang hindi pa naghuhugas ng kamay. ❏ Iwasang makipaglapit sa mga taong may sakit. Ang ilang mga tao na walang sintomas ay maaaring makapagkalat ng virus. ➢ Manatili sa bahay hangga't maaari at iwasan ang hindi mahalagang paglalakbay. ➢ Magsanay ng social distancing sa pamamagitan ng pagpapanatili ng hindi bababa sa 6 na talampakan (mga dalawang dipa) ang layo mula sa iba kung kailangan mong lumabas sa pampublikong lugar. ➢ Manatiling konektado sa mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng video at mga tawag sa telepono, text, at social media. ❏ Takpan ang iyong bibig at ilong ng tela o maskara kapag kasama ang iba at kapag kailangan mong lumabas sa pampublikong lugar, tulad ng tindahan. Ang maskara ay upang maprotektahan ang ibang tao kung sakaling ikaw ay nahawa. ➢ Gayunpaman, HUWAG maglagay ng maskara sa mga batang wala pang 2 taong gulang, sa sinumang may kahirapan sa paghinga, o sa taong walang malay, hindi gumagalaw, o hindi kayang tanggalin ang maskara nang walang tulong. ➢ Huwag ring gumamit ng maskara na para sa mga manggagawa sa kalusugan. ➢ Patuloy na panatilihin ang hindi bababa sa 6 na talampakan ang layo mula sa ibang tao. Ang maskara ay hindi kapalit ng social distancing. ❏ Takpan ang iyong mga ubo at bahing. Gumamit ng tisyu upang takpan ang iyong ilong at bibig at itapon ang ginamit na tisyu sa isang basurahan na may plastik na lining. Kung walang tisyu, bumahing o umubo sa iyong siko — hindi sa iyong mga kamay. Maghugas ng kamay kaagad. ❏ Linisin at disimpektahin ang mga madalas na hinahawakan na ibabaw araw-araw. Kasama rito ang mga mesa, doorknob, switch ng ilaw, countertop, hawakan, mesa, telepono, keyboard, toilet, gripo, at lababo. Sundin ang mga alituntunin ng CDC.