St. Anthony´s College San Jose, Antique Liberal Arts Department Aralin sa Filipino 315 Sanaysay at Talumpati Course Learning Outcomes: Students communicate ideas and opinions effectively. Intended Learning Outcomes: Nailalahad ang pananaw o kaisipan kaugnay sa paksa ng sanaysay. Naipapaliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa, at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay. Paksa: Pagpapalawak ng kalam tungkol sa kahulugan, pinagmulan, layunin, at elemento ng sanaysay. Sanggunian: Belvez, Paz et.al., 1985. Sanaysay, Debate at Talumpati. Manila., National Bookstore. _______________________________________________________________________________________ ARALIN 1 SANAYSAY Isang maiksing komposisyon/ sulating naglalahad ng sariling opinyon o kuru-kuro ng may akda tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkain”. Ayon sa kay Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay nangangahulugang “ nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.” Sa salitang “sanaysay” ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay. Kung pagdurugtungin ang dalawa, pwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang “sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan, kuru-kuro, damdamin, saloobin, reaksyon at iba pa, ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga, at napapanahong paksa o isyu na maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw. ANG PINAGMULAN NG SANAYSAY (1533-92)- Nagsimulang yumabong ito sa mga sulatin ni Michael de Montaigne. Bago pa man isilang si Kristo, ito ay nagsimula na rin sa Asya sa pangunguna ni Confucious na sumulat ng Analects at ni Lao-Tzu na sumulat naman ng Tao Te Ching. Noong ika-14 na dantaon, nakilala si Yushida Kenko ng Hapon na may katha ng “ Mga Sanaysay sa Katamaran”. 1597- Nagsimulang magsulat ng sanaysay si Francisco Bacon na naglalaman ng mga saloobin at kaisipang punung-puno ng buhay na naging dahilan upang kilalanin siya bilang “Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Ingles”. Sa Pilipinas- ang kasaysayn ng sanaysay sa Tagalog bilang sangay ng panitikan ay nagsimula sa mga isinulat nina Jose Rizal sa kanyang “ The Indolence of the Filipino People at the Philippines”. Ang “ Century Hence ”ni Marcelo H. Del Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at itinuturing na nangugusap angkat ng mga mapaghimagsik na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini. LAYUNIN NG SANAYSAY Sa kanyang kaanyuan at kayarian, ang ideya o ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya ay inilalahad nang mabisa at maayos upang makapagpatalastas, makalibang, makapaglarawan ng isang bagay, o makakuha ng anumang pagbabago. MGA TIYAK NA URI NG SANAYSAY Pasalaysay - Ang pasalaysay ay ang uri ng paglalahad na may pagkakasunod sunod ng pangyayari. Maaring ito ay base sa totoong pangyayari o gawa gawa lamang. Naglalarawan - Ito ay ang paraan ng paglalahad ng kilos, pisikal na katangian ng isang bagay, tao o pangalan. Kritikal o mapanuri - Ito ay ang paraan ng pag-susuri o paglalahad sa isang bagay at binabase sa mga bagay o pangyayari na may batayan. Didaktiko o nangangaral - Ito ay ang sanaysay na pumupuna sa mga bagay bagay o isyu na kasalukuyang pinag-uusapan. Nagpapaalala - Ito ay ang sanaysay na kalimitan ay naglalaman ng mga impormasyong mahalaga sa bumabasa. Kalimitan ay ganitong uri ang gamit ng sangay ng gobyerno upang maghatid ng impormasyong may kinalaman sa kalusugan, krimen at kalamidad na maaring dumating. Editoryal - Ito ay sanaysay na kalimitan ay makikita sa mga pahayagan o newspaper. Ito ay naglalaman ng kuro-kuro sa kasalukuyang pamahalaan o nangangasiwa ng isang organisasyon. Maka-siyentipiko o maka-agham - Ito ay sanaysay na naglalaman ng mga kaisipang hango sa siyensya. Ang mga salitang madalas gamitin dito ay teknikal. Sosyo-politikal - Ito ay ang sanaysay na pinaghalong bahagi ng dalawang bahagi ng lipunan. Ito ay ang politikal at ang sosyal na kalimitan ay tumatalakay sa buhay ng pamayanan. Sanaysay na pangkalikasan - Ito ay ang sanaysay na tumutukoy sa sa isyung pangkapaligiran tulad ng kalamidad at iba pa. Bumabalangkas sa isang tauhan - Ito ang sanaysay na naglalaman ng pinakamahahalagang kaisipan lamang na ayon sa paksa, tao, o bagay na tinatalakay. ELEMENTO O SANGKAP NG SANAYSAY Tema at Nilalaman- anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinabahagi. Anyo at Istruktura- isang mahalagang sangkap ng sanaysay na nakaapekto sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos at lohikal na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makakatulong sa mambabasa sa pag-unawa ng sanaysay. Wika at Istilo- ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkakaunawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag. - Paggamit ng mga simple o payak na salita sa sanaysay na impormal o di-maanyo samantalang sa pormal o maanyo ay ang paggamit ng piling mga salita. DAGDAG KAALAMAN....... Katangiang Dapat Taglay ng isang mabuting Mananaysay: May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa. Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa. Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya. Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa. May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa.