Uploaded by Mark Kevin Armea

Tula-Moderno

advertisement
MIGRAINE
Nakakabagot, nakakalito, nakakahilo
Ilan lamang sa naranasan habang nakakulong sa kwarto
Iniisip kung kailan magbubukas ang pinto
At maging Malaya sa pagkakatuliro
Pesteng covid-19 binilanggo ako
Pinagbawalang lumabas kahit man lang sa may kanto
Pinapasuot pa ng face mask, hilong hilo na’ko
Hindi makahinga, nasusuka pa ako
Hindi ko rin maintindihan kung ba’t nagkaganto
Walang konkretong paliwanag ba’t umabot ditto
Gobyerno’y nakakalito, nakakahilo na kayo
Sa sobrang pagpapaikot ninyo, nasusuka na ako
GIN
Sa oras ng problema ikaw ang kasama
Nandiyan ka kapag nag-iisa’t nangungulila
Inaaliw, inaalis ang problema kahit pansamantala
Sandalan ng mga bigo’t kulang ang pera
Subalit itong covid panira ng moment
Bawal daw mag-bonding dapat social distancing
‘di rin makalabas dahil may tanod sa labas
Kaya hindi ako natutuwa, walang Gin na matotoma
Alcohol daw ay gamitin pamatay sa virus na darating
Aba’y ligtas pala kaming mahihilig sa Gin
Sure na patay itong covid 19
Araw-arawin lang ang pag-inom,virus shot to kill
Akda ni Mark Kevin D. Armea
Download