Ben Waled I. Abduhasan BS ACC 1-1 Sir Gil Ramos Babasahin hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas Reaction Paper Hiwalay-hiwalay sa panahon natin ngayon, ngunit iisa sa dugo, kultura, at kasaysayan. Yan ang mga austronesyano. Ang iba’t-ibang mga bansa sa Timog-Silangan Asya, pati ilang bansa sa bandang Australya, at ang mga pulo-pulo sa Pasipiko. Lahat ng mga tao dito ay iisa ang pinagmulan, ang pagiging austronesyano. Ito ay masasalamin sa maraming mga anggulo ng kani-kanilang pagkatao. Sa kanilang kultura, lengwahe, pisikal na katangian, at pati din sa dugo, lahat tayo ay may malakas na pagkahalintulad. Magkakahalintulad ang tawag sa mga numero ng mga bansang Pilipinas, Malay, at Taiwan. Gayun din sa iba’t-ibang tribo sa Pinas ay magkakahalintulad din ang kanilang tawag sa mga numero kahit sa ngayon magkakaiba na ang kanilang mga identidad. Sa simula din ng mga kabihasnan sa kanya-kanyang lugar ay magkakahalintulad ang mga bansang may Austronesyanong pinanggalingan. Sa mga bangka, istilo ng bahay, ganun din sa uri ng organisasyon ng mga pangkat. Na nagsasabi na ang mga bansa tulad ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia ay may pagkaparehong pinagmulan. Batay din sa bidyo ay noon sinubukan din ng mga lider ng mga bansa na patatagin ang kanilang diplomasya sa isa’t-isa. Ngunit sa kasalukuyan ito ay malabo na nangyayari dahil mas naka focus tayo sa hidwaan sa Tsina kesa makipag ugnayan sa mga bansa sa Pasipiko. Ngunit meron din naman tayong ASEAN sa ating panahon ngayon na wala noon bilang pakikipag isa ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya, pero hindi ito tungkol sa pagiging Austronesyano. Nakakamangha na ang mga iba’t-ibang bansa na sa ating panahon ay magkakahiwalay at walang koneksyon sa isa’t-isa ay mayroong historya sa bawat isa. Walang nagsasabi sa kasalukuyan na ang mga Thailanders, Pilipino, New Zealanders, at mga tiga Polynesia ay may-iisang pinagmulan. Ngunit pag tayo ay tumingin sa kasaysayan doon lamang natin makikita na sila pala ay may iisang pinanggalingan.