10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1: Konsepto ng Kasarian Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Konsepto ng Kasarian Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Jannette DC. Tiquia Editor ng Nilalaman: Minerva M. Sikat Editor ng Wika: Mabel Joy L. Sarmiento Tagaguhit: Vincent D. Robles Tagalapat: Joy R. Tolosa Tagasuri ng Nilalaman: Virgilio L. Laggui / Lawrence A. dela Cruz Tagasuri ng Wika: Amabhelle R. dela Merced Tagasuri ng Paglapat: Vincent D. Robles Tagapamahala: Gregorio C. Quinto Rainelda M. Blanco Agnes R. Bernardo Virgilio L. Laggui Glenda S. Constantino Joannarie C. Garcia Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________ Department of Education – Schools Division of Bulacan Office Address: Curriculum Implementation Division Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph 10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1: Konsepto ng Kasarian Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng magaaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin: Leksyon 1 – Kahulugan ng Sex at Gender Leksyon 2 – Mga Uri ng Kasarian Leksyon 3 – Gender Roles sa Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Nabibigyang- kahulugan ang pagkakaiba ng sex at gender; Nauunawaan ang mga konseptong may kaugnayan sa sex at gender; Nabibigay–diin ang mga gampanin ng bawat isa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig; at Napahahalagahan ang kontribusyon ng bawat kasarian sa bawat panahon. Subukin Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel. 1. Ito ay konsepto na tumutukoy sa pagiging babae o lalaki. A. sex C. gender identity B. gender D. sexual orientation 2. Ang pangkalahatang tawag sa gampanin ng isang indibidwal sa lipunan tulad ng masculine o feminine ay tinatawag na _________________. A. sexual orientation C. gender B. gender identity D. sex 3. Ang magkaibang katangian ng kalalakihan at kababaihan sa kanilang pisikal na pangangatawan tulad nang buwanang dalaw para sa mga babae at pagkakaroon ng testicle sa mga lalaki ay isang pagpapaliwanag sa kahulugan ng __________________. A. sexual orientation C. gender B. sex D. gender identity 4. Ito ang bansa sa Asya na hindi pinahihintulutan ang kababaihan na magmaneho ng sasakyan. A. Pakistan C. Saudi Arabia B. United Arab Emirates D. Africa 1 5. Siya ay kilalang tagapagtaguyod ng kampanya laban sa hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan at kalalakihan. A. Aiza Yousaf C. Aziza Haffan Yousef B. Aziza Al Yuosef D. Aziza Housef 6. Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, sekswal at pakikipagrelasyon sa taong kapareho o kasalungat na kasarian. A. sexual orientation C. sex B. gender identity D. gender 7. Ang mas malalim na pagkilala sa sarili na maaaring tugma o hindi tugma sa kanyang sex nang siya ay ipanganak ay tinatawag na _______. A. sexual orientation C. sex B. gender identity D. gender 8. Ito ay pagtalakay sa sekswal na pagnanais sa kabilang kasarian. A. heterosexual C. gender identity B. homosexual D. sexual orientation 9. Sila ay mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki. A. gay C. bisexual B. lesbian D. transgender 10. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, siya ay tinatawag na __________________. A. asexual C. bisexual B. transgender D. homosexual 11. Ang mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. A. lesbian C. bisexual B. gay D. transgender 12. Ang mga tao na nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian. A. asexual C. bisexual B. transgender D. homosexual 13. Isa itong kaugalian sa Panay kung saan ang mga babae ay itinatago sa publiko at itinuturing na prinsesa. A. binukot C. bikunot B. dinukot D. dakunot 14. Anong dokumento ang nagsasaad na ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa? A. Boxer Codex C. Codex Boxer B. The Boxer D. The Codex 15. Siya ang sumulat ng akdang Position of Women in the Philippines na nagpapahayag sa katayuan ng mga kababaihan sa Pilipinas. A. Emelina Ragaza Garcia C. Riza Hontiveros B. Emelda Driscoli D. Imee Marcos 2 Balikan Akrostik Tayo! Panuto: Mula sa letra ng Global, bumuo ng pangungusap na magpapaliwanag sa iyong natutuhan sa ikalawang markahan. G - ________________________________________________________ L - ________________________________________________________ O - ______________________________________________________________ B - ______________________________________________________________ A - ______________________________________________________________ L - ______________________________________________________________ Tuklasin Pangalanan Mo! Panuto: Tukuyin kung saan maiuugnay ang mga sumusunod na simbolo. Sagutan ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. ____________________ ______________________ ________________________ Pamprosesong tanong: 1. Ano ang tinutukoy na kahulugan ng mga simbolo? 2. Ano ang kinakatawan ng mga bawat simbolo? 3. Sa iyong palagay, bakit mga simbolo ang ginagamit sa pagtukoy ng mga kasarian? Ipaliwanag. 3 Suriin Konsepto ng Kasarian Bahagi ng pagbabago ng panahon ay ang paghahati-hati ng mga miyembro ng lipunan ayon sa kasarian. Batay sa nakaugalian, lalo’t higit sa pamilyang Pilipino, ang mga kalalakihan ang siyang naghahanapbuhay para sa pamilya samantalang ang mga kababaihan naman ay nananatili sa loob ng bahay. Ngunit sa paglipas ng panahon ay kapansin-pansin na hindi na ganito ang ating pananaw hindi lamang sa ating bansa gayundin sa ibang bahagi ng daigdig. Samakatuwid, bunga ng pagbabago sa lipunan, namulat ang mga tao sa mga pagbabago ng mga gampanin hindi lamang sa kalalakihan, maging sa mga kababaihan din. Isa rin sa mga ganap at lantarang pagbabago ay ang pagkilala sa mga LBGT o Lesbian, Bisexual, Gay at Transgender. Konsepto ng Sex at Gender Ano nga ba ang sex at gender? Ang konsepto ng sex at gender ay magkaiba. Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay ang biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda sa pagkakaiba ng lalaki at babae habang ang konsepto ng gender naman ay tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos at gawain na nakatakda para sa babae at lalaki ng lipunan. Narito ang ilang halimbawa ng pagkakaiba ng sex at gender. SEX GENDER paghahanapbuhay ng mga 1. Ito ay tumutukoy sa salitang babae o 1. Ang mamamayan na hindi nakabatay sa sex lalaki. ng bawat isa. 2. Ang pagkakaroon ng buwanang dalaw ng 2. Ang ilang gawain na nakalaan lamang sa mga babae habang pagkakaroon ng mga kalalakihan sa ibang panig ng testicles ng mga lalaki. mundo tulad ng pagmamaneho na ipinagbabawal sa mga kababaihan sa Saudi Arabia. Oryentasyong Sekswal at Pagkakakilanlang Pangkasarian Mula sa Galang Yogyakarta, ang Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim an atraksyong apeksyonal, sekswal, emosyonal at ang pagkakaroon ng malalim na relasyon sa tao na ang kasarian ay iba o maaring katulad sa kanya o ang kasarian ay higit pa sa isa. Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) naman ay isang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaring nakabatay o hindi nakabatay sa sex niya nang siya ay isilang, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (malayang pagpili kung ano ang naisin niya sa kanyang katawan na minsan ay nauuwi sa pagpapaopera, pag-inom ng gamot o iba pang paraan) at ibang ekspresyon ng kasarian, katulad ng pananamit, pagsasalita at pagkilos. 4 Sa kahulugan ng oryentasyong sekswal, ito ay tumutukoy sa paraan ng pagpili kung sino ang iyong makakatalik lalaki man o babae. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring mauri sa tatlo, ang heterosexual, homosexual at bisexual: Heterosexual – mga taong nagkakanasang sekswal sa ibang kasarian tulad nang ang lalaki ay gustong makipagrelasyon at makipagtalik sa babae at ang babae naman ay sa lalaki Homosexual – mga taong nagkakaroon ng pagnanasang sekswal sa katulad nilang kasarian, halimbawa, ang lalaki ay nagnanais makipagrelasyon at makipagtalik sa kapareha niya ng kasarian, gayun din ang babae na mas gusto ang kapwa babae bilang karelasyon Bisexual – taong nakakaranas ng sekswal na pagnanasa sa dalawang kasarian Sa kasalukuyan, bukod sa mga lalaki at babae, may tinatawag ding pagkakakilanlang pangkasarian na kinabibilangan ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender o kilala bilang LGBT. Lesbian (tomboy) -mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng umiibig sa kapwa babae dahil sila ay may pusong panlalaki, tinatawag din nating tibo at tomboy sa Pilipinas Gay (bakla) – mga lalaki na ang damdamin at kilos ay pambabae, ang ilan sa kanila ay nagdadamit na pambabae at umiibig o nagkakagusto sa kapwa lalaki din; kilalala din sila sa tawag na beki at bayot Bisexual – mga taong may atraksyon o damdamin sa dalawang kasarian Transgender – mga taong may pakiramdam na sila ay nabubuhay sa maling katawan, ang kanilang pag iisip at pangangatawan ay hindi nakabatay sa kanilang sex Asexual – ito naman ang mga taong walang pakiramdam o atraksyong sekswal sa anumang kasarian GENDER ROLES AT KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS PANAHONG PRE-KOLONYAL. Mula sa ating kasaysayan, bago pa dumating ang mga mananakop sa Pilipinas, hindi na pantay ang tingin ng mga tao sa babae at lalaki. Sa pagitan ng ika-16 hanggang ika – 17 siglo, ang mga babaylan o lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon ay ginagampanan din ng mga kalalakihan sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga damit pambabae at kumikilos na babae katulad ng mga Asog sa Visayas. Ilan pa sa kanila ay kasal sa kapwa lalaki kung saan sila ay may relasyong sekswal. Isang patunay nito ay ang nakasanayang kultura sa Panay na maging ang mga kababaihang kabilang sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang uri ay nagaganap ang ganitong kaugalian. Itinuturing nila ang mga babae bilang pagmamay-ari ng mga kalalakihan sa kanilang pamilya. Tulad ng mga binukot o mga babaeng itinatago sa publiko, sila ay maaari lamang makasal kung magbibigay ng bigay-kaya o regalo ang mga lalaking nagnanais silang pakasalan. Isa sa mga dokumento na nagpapakita ng kalagayan ng mga kasarian sa panahong pre-kolonyal ay ang Boxer Codex. Ito ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez Dasmariñas, isang gobernador –heneral (1593-1596) ngunit ito ay napunta kay Charles Ralph Boxer kaya tinawag itong Boxer Codex. Dito nakapaloob na ang mga lalaki ay pinapayagang hiwalayan ang kanyang asawa at kunin nito ang kanilang mga ari-arian habang walang maaaring kunin ang mga babae na makikipaghiwalay sa kanilang asawa. 5 Ayon kay Dr. Lordes Lapuz bilang konklusyon sa kanyang aklat na A Study of Psychopathology and Filipino Marriages in Crises na “Filipinas are brought up to fear men and some never escape the feelings of inferiority that upbring creates. PANAHON NG KASTILA. Sa panahon ng mga Espanyol, ayon sa pag-aaral ni Emelina Ragaza Garcia na sumulat ng akdang Position of Women in the Philippines, limitado ang karapatan ng mga kababaihan dahil ito ay legal na batas na dinala ng mga Espanyol na mas mababa pa rin ang turing sa mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. Ngunit dahil nagnais ang mga kababaihan ng pagkilala, ipinakita ng mga kababaihan ang kanilang galing sa iba’t ibang paraan tulad nina Gabriela Silang na tumulong at pumalit sa kanyang asawa na si Diego Silang na labanan ang pangaabuso ng mga Espanyol. Isa rin si Marina Dizon na tumulong din sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng kanyang galing sa pag-awit at pagsayaw upang lansihin ang mga kastila habang nagpupulong ang Katipunan. Gayundin, si Tandang Sora o Melchora Aquino na kahit matanda na ay naglingkod pa rin sa mga katipunero sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanyang bahay para sa mga sugatang katipunero. Ilan pa sa mga kababaihan na nagpakita ng kanilang husay ay si Trinidad Tecson na naging heneral ng himagsikan sa San Miguel, Bulacan at si Teresa Magbanua na tinaguriang Joan of Arc ng Visayas. Hindi rin papahuli ang mga kababaihan ng Malolos na siyang naging dahilan kung bakit nakapag-aral ang mga babae sa panahon ng Kastila. PANAHON NG MGA AMERIKANO. Ang pagdating ng mga Amerikano ang nagbigay ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas. Dito nagsimula ang pagbubukas ng paaralan para sa kalalakihan at kababaihan, maging mayaman o mahirap. Dahil dito, nabuksan ang isipan ng mga kababaihan na hindi lamang sila dapat nasa loob ng bahay at simbahan lamang. Nabigyan ng karapatan sa kauna-unahang pagkakataon ang mga kababaihan na bumoto sa pamamagitan ng espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. Dito nagsimula ang pakikilahok ng mga kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika. PANAHON NG MGA HAPON. Dumating ang mga Hapones sa bansa noong Ikalawang Digmaan Pandaigdig. Ang mga kababaihan ay naging katuwang ng mga kalalakihan sa pakikipaglaban. Ngunit naging delikado ang mga kababaihan sa kamay ng mga mananakop. Ang ilan sa mga kababaihan ay nakaranas ng pang-aabuso mula sa mga Hapones at tinawag sila bilang comfort women. Sa kabila ng mga pangyayarin ito ay nagpatuloy ang mga kababaihan sa kanilang pag-aaral at karera sa buhay na naging dahilan upang sila ay lumabas sa kanilang tahanan na naging lubhang delikado para sa kanila. KASALUKUYANG PANAHON. Nagpatuloy ang mga kababaihan na tahakin ang kanilang landas sa iba’t ibang karera hindi upang makipaglaban ng kapangyarihan sa mga kalalakihan bagkus ay ang pagnagnanais na magkaroon ng pantay na karapatan katulad ng mga kalalakihan sa larangan ng politika, edukasyon at trabaho upang magkaroon din ng malaking ambag sa pagbabago ng lipunan. 6 Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine Gay Culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homosekswalidad. Mababanggit ang mga akda nina Victor Gamboa at Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis Flores. Huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90. Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula sa magkasamang impluwensiya ng international media at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa. Maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT. Dekada 90 ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. Marso 1992. Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas. Ang pagkakatatag sa Pilipinas ng Metropolitan Community Church. Ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP). 1993, ang paglabas ng Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia. 1993. Itinatag ang ProGay Philippines 1994. Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go-Singco Holmes na A Different Love: Being Gay in the Philippines. Ang unang Bisexual at Transgender Pride Parade sa Pilipinas at sa Asya ay pinangunahan ng ProGay Philippines noong Hunyo 26 sa Quezon Memorial Circle. Noong 1999. Ilang kilalang lesbian organization tulad ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at Lesbian Advocates Philippines (LeAP). Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community ang partidong Akbayan Citizen’s Action Party. Ang konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group – ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB. 2002. Itinatag ang Society of Transsexual Women of the Philippines (STRAP) bilang suporta sa kababaihang may karanasang transsexual at transgender. Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University, ang politikal na partido na Ang Ladlad. Noong 2004 naman, ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas bilang bahagi ng Gay Pride March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT. 2010. Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang “Ang Ladlad” na tumakbo sa halalan 2010 dahil sa basehang imoralidad. Subalit noong Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang pinayagan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. Ang ilan sa mga samahan na naitatag para sa LBGT ay Coalition for the Liberation of Reassigned Sex (COLORS), Gay Achievers Club (GAYAC), Lesbian Activism Project Inc. (LEAP!) at KABARO- PUP Santy Layno. 7 GENDER ROLES SA IBA’T-IBANG LIPUNAN SA MUNDO Africa at Kanlurang Asya Mahirap ang pinagdaanan ng mga kababaihan at LGBT sa Africa at Kanlurang Asya. Sa mga rehiyong ito ng mundo, naging mahigpit ang lipunan para sa mga babae at miyembro ng LGBT. Noong kalagitnaan ng ika- 20 siglo lamang pinahintulatan ang mga babae na makalahok sa pagboto sa ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Subalit sa Saudi Arabia ay noong 2015 lamang sila pinayagang bumoto dahil sa pangako ni Haring Saud. Bukod sa pagboto, hindi rin pinahihintulutang magmaneho ang mga babae ng sasakyan ng walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki tulad ng asawa, kapatid at magulang. Hindi rin pinapayagan ang mga kababaihan na maglakbay mag-isa dulot ng banta ng pang-aabuso. Batay sa World Health Organization (WHO), mayroon 125 milyong kababaihan ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM), maging bata man o matanda sa dalawampu’t siyam (29) na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain bilang bahagi ng kanilang tradisyon. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay ang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan, bata man o matanda na walang benipisyong medikal sa bansang Africa. Isa itong paniniwala na mapapanatili nitong walang bahid dungis ang pagkababae hanggang sa ito ay ikasal. Malaki ang epekto nito sa kalusugan tulad ng pagdurugo, impeksyon, hirap umihi at paghantong sa kamatayan. Nariyan din ang kaso ng gang-rape sa South Africa, kung saan ginagahasa ang mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang sila ay magbabago ng kanilang oryentasyon bilang babae pagkatapos gahasain. Ang Breast Ironing o Breast Flattening ay isa din sa kaugalian sa Cameroon sa Kontinente ng Africa. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng babae gamit ang martilyo o spatula na pinaiinit sa apoy. Mayroong 24 poryento ng mga batang babae edad siyam na taon ang nakaranas nito dahil sa paliwanag ng magulang na ito ay paraan upang sila ay hindi maagang mabuntis, pagtigil sap ag-aaral at upang sila makaiwas na gahasahin. Mababanggit din ang kaugalian sa China na tinatawag na Foot Binding na naging sanhi ng pagkaparalisa ng mga kababaihan sa China. Ang Foot Binding ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China kung saan ang paa ng babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang tela at isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet na halos isang milenyong umiral sa tradisyon ng China. Sinasabing ang ganitong sukat ng paa ay simbolo ng yaman, ganda at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil ang mga kababaihang ito ay may bound feet, naging limitado ang pagkilos, pakikilahok sa politika at pakikisalamuha. Sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen tinanggal ang sistemang ito dahil sa hindi mabuting dulot nito sa mga kababaihan. Pangkulturang Pangkat sa New Guinea Ang mag-asawang antropologo na sina Reo Fortune at Margaret Mead ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea noong taong 1931 upang mag-aral ng mga kultura sa lugar na iyon. Sa kanilang pananatili sa lugar ay nakatagpo sila ng talong uri ng pangkat ng tao. Ito ay ang mga Arapesh, Mundugamur at Tchambuli. 8 Ang Arapesh na nangangahulugang tao ay walang mga pangalan. Ang mga kalalakihan at kababaihan sa kanilang pangkat ay maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak. Sila din ay matulungin, mapayapa at kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Ang pangkat naman ng Mundugamur o Biwat ay kabaligtaran ng mga Arapesh. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at mapaghangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. Ang pinakahuling pangkat ay ang Tchambuli o ang Chambri kung saan magkaiba ang gampanin ng kalalakihan at kababaihan. Ang mga kababaihan ay dominante kaysa sa kalalakihan. Ang mga kalalakihan naman ay inilalarawan na mahilig sa mga kuwento at abala sa pag-aayos sa kanilang sarili. Ang mga pangyayaring ito ay nagpatunay na ang mga kababaihan, sa paglipas ng panahon, ay nakamit ang kanilang minimithing kalayaan, karapatan at tungkulin para sa pagpapaunlad ng bansa. Pagyamanin Gawain 1: Paano Nagkaiba? Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng mga pahayag mula sa mga panaklong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. __________1. Ang responsibilidad bilang mga magulang sa isang pamilya. (gender, sex) __________2. Ang mga babae ay may buwanang dalaw samantalang ang mga lalaki ay wala. (gender, sex) __________3. Ang konsepto na ang babae o lalaki ay nagmamahal sa kabilang kasarian o kaparehong kasarian. (gender identity, sexual orientation) __________4. Ang mga lalaki at babae ay may karapatang pumili ng kanilang naising trabaho. (gender identity, sexual orientation) __________5. Ang mga indibidwal na walang pagnanasa sa kahit anong kasarian. (asexual, bisexual) __________6. Ang mga babaeng may pagtatangi sa kapwa babae. (lesbian, gay) __________7. Ang mga kalalakihan na may pusong babae. (lesbian, gay) __________8. Ang mga indibidwal na may pagtatangi maging sa lalaki o babae. (asexual, bisexual) __________9. Ang mga babae ay may sekswal na pagnanasa sa kanyang kaparehang kasarian o ang mga lalaki sa kanyang kapwa lalaki. (heterosexual, homosexual) __________10. Ang mga lalaki ay may sekswal na pagtatangi sa kabilang kasarian gayundin ang mga babae ay may sekswal na pagtatangi sa mga kalalakihan. (heterosexual, homosexual) 9 Gawain 2: Timeline Panuto: Mula sa naging talakayan, gumuhit ng isang pangyayari na naglalarawan sa bawat panahon. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Panahong Pre-kolonyal Panahon ng Espanyol Panahon ng Amerikano Panahon ng Hapones Kasalukuyang Panahon 10 Gawain 3: Ayos-Salita Panuto: Ayusin ang salitang may salungguhit upang mabuo ang kaisipan ng mga sumusunod na pangungusap. Ilagay ang sagot sa patlang. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. _______________1. Ang XES ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng pagkakaiba ng lalaki at babae. _______________2. Ang DENERG ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos at gawaing itinakda ng lipunan para sa babae at lalaki. _______________3. Si FESUOY LA AZIZA ay kilalang tagapagtaguyod ng kampanya laban sa pagbabawal ng kababaihan na magmaneho ng sasakyan. _______________4. Ang LAWSKES NGOYSATNEYOR ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya o sa kasariang higit pa sa isa. _______________5. Ang YTITNEDI REDNEG ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng tao na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipinanganak. _______________6. Tinatawag na NAIBSEL ang mga babae na may damdaming panlalaki at kumikilos na parang lalaki. _______________7. Ang LAUXESORETEH ay ang mga taong nagkakaroon ng sekswal na karanasan sa miyembro ng ibang kasarian. Ang nais nilang makatalik ay miyembro ng kabilang kasarian. _______________8. Sila ang mga taong walang nararamdamang atraksyong sekswal sa anumang kasarian. Ang tawag sa kanila ay LAUASEX _______________9. XUALESIB ang tawag sa taong nakakaramdam ng atraksyong sekswal sa dalawang kasarian. _______________10. Ang mga YAG o bakla ay nakakaramdam ng atraksyon sa kapwa nila lalaki, may iilan sa kanila na nagdadamit ng pambabae at nagsasalita na boses babae. Gawain 4: Tama o Mali Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. __________1. Si Danton Remoto ay kilala bilang isang online fashion retailer. __________2. Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine Gay Culture sa Bansa. __________3. Ang Ladlad ay isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng Gay Community. __________4. Magkakaiba ang gampanin sa lipunan ng mga kababaihan at kalalakihan sa pangkat ng Tchambuli. __________5. Ang Taliban ay isang kilusang politikal na nagmula sa Pakistan. __________6. Ang Arapesh ay kilala rin sa tawag na Biwat. __________7. Ang mga lalaki sa pangkat ng Tchambuli ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa kwento. __________8. Ang mga babae at lalaki sa pangkat ng Mundugamur ay bayolente, matapang, agresibo at naghahangad ng kapangyarihang o posisyon. 11 __________9. Ang asexual ay ang mga taong walang pakiramdam o atraksyong sekswal sa anumang kasarian. __________10. Dekada 90 ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. __________11. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay ang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan, bata man o matanda na walang benepisyong medikal sa bansang Africa. __________12. Sina Reo Fortune at Margaret Mead ay mag-asawang antropologo na nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea noong taong 1990. __________13. Taong 1993 itinatag ang ProGay Philippines. __________14. Isa sa mga kaugalian sa China ay ang tinatawag na Female Genital Mutilation. __________15. Bisexual ang tawag sa mga taong nakakaramdam ng atraksyong sekswal sa parehong kasarian. Isaisip Panuto: Punan ang mga patlang sa ibaba upang makabuo ng pangungusap na magpapaliwanag sa konsepto ng kasarian. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Sa araling ito, natutuhan ko na ang sex ay _________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ __________________samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa_______________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Natutuhan ko rin na ang oryentasyong sekswal (sexual orientation) ay naiiba sa pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity). Ang oryentasyong sekswal ay _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Samantalang ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ Ang mga kababaihan sa paglipas ng panahon ay _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________. 12 Isagawa Panuto: Gumawa ng isang picture collage na naglalaman ng mga larawan ng mga kilalang personalidad na kabilang sa iba’t ibang uri ng kasarian. Rubric sa Picture Collage Kraytirya 1. Uri kagamitan ng Di Pangkaraniwan 4 Gumamit ng mga kagamitang angkop at risaykel. Kahanga-hanga 3 Gumamit ng mga kagamitang risaykel ngunit kulang. 2. Paksa Angkop at may kaugnayan sa paksa ang kabuuang ginawa Angkop subalit ilan sa mga larawan ay limitado ang kaugnayan sa kabuuang ginawa. 3. Kalinisan at kaayusan Makapukaw pansin ang kalinisan at kaayusan ng ginawa. Isunumite sa takdang araw Malinis at maayos ang ginawa. 4. Pagsusumite Isinumite ng 1 araw ang kahulihan Katanggaptanggap 2 Gumamit ng mga kagamitang risaykel ngunit kulang at di angkop. Mayroong ilang larawan na angkop subalit karamihan sa mga larawan ay walang kaugnayan sa kabuuang ginawa. Malinis subalit dimaayos ang pagkakadikit ng larawan. Isinumite ng 2 araw ang kahulihan. Pagtatangka 1 Binili ang ginamit na kagamitan at mahinang uri pa. Di - angkop at walang kaugnayan sa kabuuang ginawa. Walang kalinisan at di - masinop ang ginawa. Isinumite ng 3 araw o higit pa ang kahulihan. Tayahin Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. 1. Si Marie Ramirez ay isang aktres na babae at si Aljon Martinez ay isang aktor na lalaki. Ang ganitong pagpapakilala ay isang halimbawa ng konsepto ng _____________. A. sex C. gender identity B. gender D. sexual orientation 2. Ang mag-asawang Mang Kaloy at Aling Linda ay magkatuwang sa kanilang karinderya. Si Mang Kaloy ang kusinero habang si Aling Linda ang nag-aasikaso sa kanilang mga mamimili. Ito ay halimbawa ng ______________. A. sex C. gender identity B. gender D. sexual orientation 13 3. Ang pisikal at biyolohikal na pagbabago sa katangian ng babae at lalaki ay pagpapakilala ng ____________. A. sex C. gender identity B. gender D. sexual orientation 4. Ang pangkat na nagpakilala sa mga LBGT hanggang sa pagiging kinatawan sa Kongreso ay ang ________________. A. LADLAD C. GAY MARCH B. GABRIELA D. PROGAY 5. Anong bansa sa mundo ang hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan? A. Pakistan C. Saudi Arabia B. UAE D. South Africa 6. Si ___________________ ang isa sa pangunahing tagapagtaguyod ng pantay na karapatan ng mga kalalakihan at kababaihan. A. Aiza Yousaf C. Aziza Haffan Yousef B. Aziza Al Yuosef D. Aziza Housef 7. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, at sekswal. A. sexual orientation C. sex B. gender identity D. gender 8. Ang malalim na damdamin at personal na karanasang pang-kasarian ng isang tao ay tinatawag na ______________ A. sexual orientation C. sex B. gender identity D. gender 9. Ang mga taong nakararanas ng sekswal na pagtatangi sa miyembro ng kabilang kasarian ay tinatawag na _________________. A. heterosexual C. sex B. homosexual D. bisexual 10. Sila ay mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki. A. gay C. bisexual B. lesbian D. homo sexual 11. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, siya ay tinatawag na ____________. A. asexual C. bisexual B. transgender D. homosexual 12. Ang paglilinis ng bahay ay para sa babae at ang pagkukumpuni ng mga sirang appliances ay para sa lalaki ay tumutukoy sa __________________. A. gay C. sex B. asexual D. gender 13. Si Jojo ay kasalukuyang may karelasyon sa kapwa lalaki na si Louie, samantala siya ay umiibig din kay Francine na kaniyang kaklase. Anong uri ng kasarian ang tawag dito? A. bisexual C. transgender B. asexual D. homosexual 14 14. Sa panahong ito nabuksan ang karapatan ng mga kababaihan na bumoto. A. Amerikano C. Kastila B. Hapon D. Pre Kolonyal 15. Anong dokumento ang nagsasaad na ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa? A. Boxer Codex C. Codex Boxer B. The Boxer D. The Code Karagdagang Gawain LOOP A WORD: Hanapin at bilugan ang mga salita sa loob ng kahon na may kinalaman sa paksang ating tinalakay. Mayroong labinlimang (15) salita ang makikita. Bigyang-kahulugan ang mga salitang ito M A E R G A R O L E S Z H B E M A S E X X B I W A T O I A C B N N M A I A J K L M S D Q W E D T Y U S I O P O E A R A P E S H S E T Y U S X H E T E R O S E X U A L E U K A S A R I A N U Q X Z X A Q A Z C M J K G A Y L O U L M A N A I B S E L P I Y A Q M A L E W F E M A L E R L P 1. _______________________________________________________________________ 2. _______________________________________________________________________ 3. _______________________________________________________________________ 4. _______________________________________________________________________ 5. _______________________________________________________________________ 6. _______________________________________________________________________ 7. _______________________________________________________________________ 8. _______________________________________________________________________ 9. _______________________________________________________________________ 10. ______________________________________________________________________ 11. ______________________________________________________________________ 12. ______________________________________________________________________ 13. ______________________________________________________________________ 14. ______________________________________________________________________ 15. ______________________________________________________________________ 15 PAGYAMANIN A. 1. GENDER 2.SEX 3.SXUAL ORIENTATION 4. GENDER IDENTITY 5. ASEXUAL 6. LESBIAN 7. GAY 8.BISEXUAL 9.HETEROSEXUAL HOMOSEXUAL Tayahin 1. A 2. B 3. A 4. A 5. C 6. B 7. A 8. B 9. A 10. B 11. B 12. D 13. A 14. A 15. A 16 Karagdangang Gawain LOOP A WORD] 1. SEX 2. GENDER 3.HETEROSEXUAL 4. ASEXUAL 5. LESBIAN 6. GAY 7. BISEXUAL 8.HOMOSEXUAL 9.MALE 10. FEMALE 11. KASARIAN 12. ROLES 13. MEAD 14. BIWAT 15. ARAPESH PAGYAMANIN C. 1. Gender 2. Sex 3. Sexual Orientation 4. Gender Identity 5. Asexual 6. Lesbian 7. Gay 8. Bisexual 9. Heterosexual 10. Homosexual PAGYAMANIN D. 1. TAMA 2. TAMA 3. TAMA 4. TAMA 5. TAMA 6. MALI 7.TAMA 8. TAMA 9. TAMA 10. TAMA 11. TAMA 12. MALI 13. TAMA 13. MALI 15. TAMA Subukin 1. A 2. C 3. B 4. C 5. B 6. A 7. B 8. A 9. B 10. B 11. B 12. C 13. A 14. A 15. A Susi sa Pagwawasto Sanggunian Education, Department of. 2017. K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Araling Panlipunan 10. Pasig City: Department of Education. —. 2017. K to 12 Kagamitang Pang-Mag-aaral sa Araling Panlipunan 10: Mga Isyung Pangkasarian Pasig City: Department of Education. Most Essential Learning Competencies Matrix, Araling Panlipunan pp. 284-307 Philippine Statistics Authority (PSA). 2016 Kababaihan at Kalalakihan sa Pilipinas.Isang Estatistikal Hanbuk https://psa.gov.ph/sites/default/files/Kababaihan%20at%20Kalalkihan%20sa%20Pilip inas%201996.pdf 17 Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa: Department of Education, Schools Division of Bulacan Curriculum Implementation Division Learning Resource Management and Development System (LRMDS) Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph 18